Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

XV. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao Kung Paano Mahiwatigan ang Tunay na Diwa ng mga Fariseo at ng Iba’t Ibang Relihiyon na Sumusuway sa Diyos

3. Bakit dumaranas ng mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng iba’t ibang relihiyon ang bawat bagong yugto ng gawain ng Diyos? Ano ang pinag-ugatan nito?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan. At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala. At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi. At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay. Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak. Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana. At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan. Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya'y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba” (Marcos 12:1-9).

“Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa. ... Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya” (Juan 11:47-48, 53).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay palaging nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga balintunang tao na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa. Dahil ang Diyos ay hindi nag-uulit ng Kanyang gawain at ang tao ay karaniwang nanghuhusga sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, lubhang mahirap para sa Diyos na ipagpatuloy ang bawat yugto ng gawain sa bagong kapanahunan. Nagpapakita ang tao ng napakaraming balakid! Ang pag-iisip ng tao ay masyadong makitid! Walang tao ang may alam sa gawain ng Diyos, gayon pa man lahat sila ay nagpapakahulugan sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ang tao ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos ngunit hindi kayang payagan ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Yaong mga hindi tumanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na ang gawain ng Diyos ay magpakailanmang nananatiling nakapirmi. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay sa pagsunod sa kautusan, at habang sila ay nagsisisi at nangungumpisal ng kanilang kasalanan, ang puso ng Diyos ay masisiyahan magpakailanman. Sila ay nasa opinyon na ang Diyos ay maaari lamang na Diyos sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; kanila ring opinyon na ang Diyos ay hindi dapat at hindi maaaring humigit sa Biblia. Tiyak na ang mga opinyong ito ang mahigpit na nagtatanikala sa kanila sa kautusan ng nakaraan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin. Mas marami ang naniniwala na anuman ang bagong gawain ng Diyos, ito ay kailangang mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may katapatan ng puso ay dapat mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi sa Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Bilang karagdagan sa kakatwang puso ng tao at ng kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng malaking pagpapahalaga sa sarili at kayabangan, sa gayon mas higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos.

mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos. Ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos lamang ang lubos na makapaghahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos, at ganap na makapaghahayag ng hangarin ng Diyos na pagliligtas ng buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ito ang katunayan na natalo na Niya si Satanas at nakamit ang sangkatauhan, ito ay katunayan ng tagumpay ng Diyos, at ang pagpapahayag ng kabuuang disposisyon ng Diyos. Yaong mga nakakaunawa ng isang yugto lamang sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay bahagi lamang ang alam tungkol sa disposisyon ng Diyos. Sa pagkaintindi ng tao, madali para sa nag-iisang yugto ng gawaing ito na maging doktrina, marahil ang tao ay magtatakda ng mga alintuntunin tungkol sa Diyos, at ginagamit ng tao itong nag-iisang bahagi ng disposisyon ng Diyos bilang isang pagkatawan sa buong disposisyon ng Diyos. Higit pa riyan, malaking bahagi ng imahinasyon ng tao ang kahalo sa loob, sa gayon ay mahigpit niyang pinipigilan ang disposisyon, pag-iral, at karunungan ng Diyos, gayundin ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, sa loob ng limitadong mga hangganan, naniniwala na kung ang Diyos ay naging ganito minsan, kung gayon Siya ay mananatiling ganito habang panahon, at hinding-hindi kailanman magbabago. Yaong mga nakakaalam lamang at nagpapahalaga sa tatlong mga yugto ng gawain ang may kakayanang lubos at tiyak na kilalanin ang Diyos. Gayunpaman, hindi nila bibigyang-kahulugan ang Diyos bilang ang Diyos ng mga Israelita, o mga Hudyo, at hindi Siya makikita bilang isang Diyos na walang-hanggang nakapako sa krus para sa kapakanan ng tao. Kung nakikilala mo lamang ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, kung gayon ang iyong pagkakilala ay masyadong, masyadong kaunti. Ang iyong pagkakilala ay isang patak lamang sa dagat. Kung hindi, bakit marami sa mga relihiyosong konserbatibong ayaw sa pagbabago ang nagpako sa Diyos nang buhay sa krus? Hindi ba dahil ikinukulong ng tao ang Diyos sa loob ng tiyak na mga parametro? Hindi ba maraming mga tao ang sumasalungat sa Diyos at hinahadlangan ang gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t-iba at malawak na gawain ng Diyos, at, higit pa, dahil sila ay nagtataglay ng napakaliit na kaalaman at doktrina na ginagamit bilang panukat sa gawain ng Banal na Espiritu? Kahit na ang mga karanasan ng mga taong iyon ay mababaw, sila ay mayabang at likas na abusado, at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi pinapansin ang mga disiplina ng Banal na Espiritu, at, bukod dito, ginagamit nila ang kanilang mga walang halagang lumang argumento upang pagtibayin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila rin ay nagkukunwari, at lubos na naniniwala sa kanilang sariling natutunan at kaalaman, at sila ay nakakapaglakbay sa ibang dako ng mundo. Ang ganoong mga tao ba ay hindi yaong mga kinasuklaman at tinanggihan ng Banal na Espiritu, at hindi ba sila ang mga aalisin ng bagong kapanahunan? Hindi ba silang mga taong lumalapit sa Diyos at lantarang sinasalungat Siya ay mga hamak na taong makitid ang pananaw, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa kanilang kaunting kaalaman sa Biblia, sinusubukan nilang sakupin ang mga “academia” sa mundo, may angking mababaw na doktrina na ituturo sa mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu, at sinusubukan nilang paikutin ito sa kanilang mga pansariling proseso ng pag-iisip, at bilang sila ay maigsi ang pananaw, sinusubukan nilang makita sa isang tingin ang 6,000 taong gawain ng Diyos. Mayroon bang katuwirang magsalita ang mga taong ito? Sa katunayan, mas malawak ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos, mas mabagal nilang huhusgahan ang Kanyang gawain. Bukod dito, kaunti lamang ang kanilang sinasabi tungkol sa kaalaman nila sa gawain ng Diyos ngayon, nguni’t hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghatol. Kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas mayabang sila at may labis-labis na pagtitiwala sa sarili, at mas lalo nilang walang-pakundangang inihahayag ang kabuuan ng Diyos—nguni’t ang kanila lamang sinasalita ay teorya, at walang tunay na katibayang ipinakikita. Sila ang mga taong walang halagang anuman. Silang nagtuturing sa gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay di-seryoso! Silang mga hindi maingat kapag kanilang nakakatagpo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, ay mabibilis humusga, na malayang hinahayaan ang kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang pagkamatuwid ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto rin at nilalapastangan ito—ang mga ganoong napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop? Kahit na dumating ang araw na ang ganoong uri ng mga tao ay tumanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak ang mga taong gumagawa para sa Diyos, nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang ganoong mga mapangahas na hangal na mga tao ay hindi patatawarin, maging sa kapanahunang ito o sa darating mang kapanahunan at sila ay walang-hanggang mamamatay sa impiyerno! Ang ganoong napakawalang-galang at maluhong mga tao ay nagpapanggap na naniniwala sa Diyos, at habang mas lalo nilang ginagawa ito, maaaring mas lalo nilang malalabag ang mga kautusan ng Diyos sa pangangasiwa. Hindi ba lahat yaong mga mayayabang na likas na pakawala, at hindi pa kailanman sumunod sa kahit kanino, ay lalakad lahat sa landas na ito? Hindi ba nila sinasalungat ang Diyos sa bawa’t araw, Siya na laging bago at hindi kailanman luma?

mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay isinasakatuparan salig sa naunang yugto; hindi ito isinasakatuparan nang paisa-isa, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Kahit na mayroong mga malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at uri ng gawain na isinasakatuparan, sa ubod nito ay ang kaligtasan pa rin ng sangkatauhan, at ang bawa’t yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa nauna. Ang bawa’t yugto ng gawain ay nagpapatuloy mula sa saligan ng huling sinundan, na hindi binuwag. Sa ganitong paraan, sa Kanyang gawain na laging bago at hindi naluluma, ang Diyos ay laging nagpapahayag ng aspeto ng Kanyang disposisyon na hindi kahit kailan naihahayag sa tao, at laging ibinubunyag sa tao ang Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang bagong kabuuan, at kahit na ang mga relihiyosong konserbatibo ay gawin ang sukdulan para labanan ito, at hayag na sinasalungat ito, ang Diyos ay laging gumagawa ng bagong gawain na hinahangad Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay laging nagbabago, at dahil dito, ito ay laging sinasalubong ng pagsalungat ng tao. Gayon din, ang Kanyang disposisyon ay laging nagbabago, tulad ng kapanahunan at mga tagatanggap ng Kanyang gawain. Bukod dito, Siya ay laging gumagawa ng gawain na hindi pa kailanman nagawa noong una, at nagsasakatuparan din ng gawain na sa tao ay tila sumasalungat sa gawain na natapos na dati, upang salungatin ito. Ang kaya lamang ng tao ay tumanggap ng isang uri ng gawain, o isang uri ng pagsasagawa. Mahirap para sa tao ang tumanggap ng gawain, o mga paraan ng pagsasagawa, na laban sa kanila, o mas mataas sa kanila—nguni’t ang Banal na Espiritu ay laging gumagawa ng bagong gawain, at sa gayon ay lumilitaw ang pangkat-pangkat ng mga dalubhasa sa relihiyon na kumokontra sa bagong gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay naging “mga dalubhasa” tiyakang dahil ang tao ay walang kaalaman tungkol sa kung paano ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, at walang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at, higit pa rito, walang kaalaman sa maraming mga paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang tao. Dahil dito, hindi lubos na masabi ng tao kung ito ay gawain na galing sa Banal na Espiritu, at kung ito ay gawain ng Diyos Mismo. Maraming tao ang nakakapit sa pag-uugali na, kung ito ay umaayon sa mga naunang salita, kung gayon tinatanggap nila ito, at kung mayroong mga pagkakaiba sa mga naunang gawain, kung gayon sinasalungat at tinatanggihan nila ito. ... Alamin na sinasalungat ninyo ang gawain ng Diyos, o ginagamit ang inyong sariling mga pagkaintindi upang sukatin ang gawain ngayon, dahil hindi ninyo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at dahil hindi ninyo siniseryoso nang husto ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang inyong pagsalungat sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga pagkaintindi at likas na kayabangan. Hindi ito dahil sa ang gawain ng Diyos ay mali, kundi dahil kayo ay likas na mga napakasuwail.

mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Gusto ba ninyong malaman kung ano ang pinag-ugatan ng pagkalaban ng mga Fariseo kay Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang substansya ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman sa daan ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang daan ng katotohanan. Sasabihin ninyo, paano matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang pagkatao ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?

mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga hunghang at walang-muwang na tao ay malimit na nagtuturing sa normal na pagkatao ni Cristo na isang kamalian. Kahit sa anong paraan niya ipinahahayag at ibinubunyag ang kabuuan ng pagka-Diyos, ang tao ay walang kakayahang kilalanin na Siya ay si Cristo. At habang higit na ipinakikita ni Cristo ang Kanyang pagtalima at kababaang-loob, gayundin kagaan ang pagtuturing ng mga hunghang na tao kay Cristo. Mayroon pang iba na nilalayuan Siya at hinahamak, nguni’t inilalagay yaong mga “dakilang tao” na may palalong mga imahe sa hapag upang masamba. Ang paglaban ng tao at pagsuway sa Diyos ay nagmumula sa katunayang ang sangkap ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, gayundin ay nagmumula sa normal na pagkatao ni Cristo; dito nakalatag ang pinagmumulan ng paglaban ng tao at pagsuway sa Diyos. Kung si Cristo ay ni walang anyo ng Kanyang pagkatao o hindi hinanap ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang may buhay, sa halip ay nagtaglay ng isang pambihirang pagkatao, kung gayon maaaring walang paglabag sa kahit sino mang tao. Ang dahilan kung bakit ang tao ay palaging maluwag sa kalooban ang maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay sapagka’t ang Diyos sa langit ay walang pagkatao at wala Siyang kahit isang katangian ng isang nilikhang may buhay. Kaya ang tao ay palaging isinasaalang-alang Siya nang may pinakadakilang pagpapahalaga, subali’t may pagtuturing ng paghamak tungo kay Cristo.

mula sa “Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Ang tao ay hindi naliligalig ng kanyang walang inaala-alang paniniwala sa Diyos, at naniniwala sa Diyos paano man niya naisin. Ito ay isa sa mga “karapatan at kalayaan ng tao,” na walang sinuman ang maaaring gumambala, dahil ang tao ay naniniwala sa kanyang sariling Diyos at hindi sa Diyos ng kung sino pa man; ito ay ang kanyang sariling pribadong ari-arian, at halos lahat ay nagtataglay ng ganitong uri ng pribadong ari-arian. Itinuturing ng tao ang ari-arian na ito bilang mahalagang kayamanan, ngunit sa Diyos walang anuman na mas mababa o walang kabuluhan, sapagka’t walang mas malinaw na indikasyon ng pagsalungat sa Diyos kaysa itong pribadong pag-aari ng tao. Dahil sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na ang Diyos ay naging katawan na may isang nasasalat na anyo, at maaaring makita at mahipo ng tao. Siya ay hindi isang walang hugis na Espiritu, ngunit isang katawan na maaaring makaugnayan at makikita ng tao. Gayunman, karamihan ng mga diyos na pinaniniwalaan ng tao ay mga walang lamang diyos na walang hugis, na kung saan ay mga walang anyo rin. Sa ganitong paraan, ang nagkatawang-taong Diyos ay naging kaaway ng karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos, at mga taong hindi matanggap ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay, magka-parehong, nagiging mga kaaway ng Diyos. Ang tao ay nagtataglay ng mga pagkaintindi hindi dahil sa kanyang paraan ng pag-iisip, o dahil sa kanyang paghihimagsik, ngunit dahil sa pribadong pag-aari na ito ng tao. Karamihan sa mga tao ay mamamatay dahil sa pag-aari na ito, at ang malabong Diyos na ito na hindi maaaring hipuin, hindi maaaring makita, at sa totoo ay hindi umiiral ang sumisira sa buhay ng tao. Ang buhay ng tao ay naiwala hindi ng nagkatawang-taong Diyos, lalo na ng Diyos ng langit, kundi sa pamamagitan ng Diyos na sariling guni-guni ng tao.

mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.

mula sa “Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bakit ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa mga sumasalungat sa Diyos.

mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pagsalungat at paghihimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil siya ay itiniwali na ni Satanas, ang konsensya ng tao ay naging manhid, siya ay imoral, ang kanyang mga saloobin ay sumama, at siya ay may paurong na pangkaisipang pananaw. Bago siya itiniwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay dating may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos itiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Ngunit hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. Ang pagbubunyag ng disposisyon ng tao ay ang pagpapahayag ng kanyang katinuan, pananaw at konsensya, at sapagkat ang kanyang katinuan at pananaw ay hindi batay sa katotohanan, at ang kanyang konsensya ay sukdulang pumurol, kaya ang kanyang disposisyon ay mapaghimagsik laban sa Diyos. ...

Ang sanhi ng pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ng tao ay walang iba kundi ang kanyang mapurol na konsensya, kanyang malisyosong kalikasan at kanyang wala sa katotohanang katinuan; kung ang konsensya at katinuan ng tao ay maibabalik sa normal, siya ay magiging makabuluhan sa harap ng Diyos. Ito ay dahil ang konsensya ng tao ay matagal nang manhid, ang katinuan ng tao kailanma’y di batay sa katotohanan, at lalo pang pumupurol habang ang tao ay lalo pang naghihimagsik sa Diyos, kaya nga ipinako pa niya si Jesus sa krus at hindi pinapasok ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw sa kanyang tahanan, at hinatulan ang katawang-tao ng Diyos, at itinuturing pa ang katawang-tao ng Diyos bilang hamak at mababa. Kung ang tao ay mayroong kahit na konting pagiging-tao, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa laman ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit ng konting katinuan, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa laman ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit ng konting konsensya, hindi siya magiging “mapagpasalamat” sa Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan. Ang tao ay nabubuhay sa panahon na ang Diyos ay naging laman, ngunit hindi niya magawang magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng ganoong kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at para bang tutol siya rito at nayayamot ukol rito. ... Ang disposisyon ng tao ay naging napakasama, ang kanyang katinuan ay naging napakapurol, at ang kanyang konsensya ay lubusan nang niyurakan ng masama at matagal nang tumigil bilang orihinal na konsensya ng tao.

mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Bakit sinasabi na sinusundan ng lahat ng pastor at elder ng mga relihiyon ang yapak ng mga Fariseo? Ano ang tunay na diwa nila?

Sumunod:Talaga bang lahat ng pastor at elder ng mga relihiyon ay itinakda ng Diyos? Maaari bang katawanin ng pagtanggap at pagsunod sa mga pastor at elder ang pagsunod at pagtulad ng isang tao sa Diyos?

Baka Gusto Mo Rin