Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Recital-latest-expression-6
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV)

Unang Bahagi

Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos. Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa. Gusto ba ninyong makarinig tungkol sa isang paksa na may kaugnayan sa personal na karanasan sa buhay ng mga tao, o gusto ninyong makarinig ng isang tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo? At bakit Ako nagbibigay sa inyo ng gayong pagpipilian? Sapagkat, sa araw na ito, naiisip Kong salitain sa inyo ang ilang bagong bagay tungkol sa pagkilala sa Diyos. Ngunit, anu’t-anuman, papipiliin Ko muna kayo sa pagitan ng dalawang bagay na kasasabi Ko lang. (Pipiliin Ko yaong tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Naiisip namin na ang pakikipagniig sa kaalaman ng Diyos ay mas mabuti, rin) Naiisip ba ninyo na kung ano ang ating napag-usapan nitong nakaraan lang tungkol sa pagkilala sa Diyos ay maaaring makamit? (Nang isagawa ng Diyos ang unang pakikipag-isa, hindi natin ito naramdamang ganoon. Pagkatapos noon, ang Diyos ay nagsagawa pa ng ilang pakikipag-isa, at nang magbalik tayo sa unang pakikipag-isa, sa mga kapaligirang nilikha ng Diyos, ang mga kapatid ay nakinig sa pagpapakaranas sa lugar na ito.) Makatarungan lamang sabihin na hindi ito maabot ng karamihan sa mga tao. Maaaring hindi kayo makumbinsi ng mga salitang ito. Bakit ko sinasabi ito? Dahil noong kayo ay nakikinig sa mga sinasabi Ko noong una, paano Ko man ito sinabi, o sa kung anong mga salita, nang inyo itong marinig, sa literal at sa teorya ay may kamalayan kayo ukol sa Aking sinasabi, ngunit ang isang lubhang seryosong isyu sa inyo ay, hindi ninyo naintindihan kung bakit Ko nasabi ang mga bagay na ito, bakit Ako nagsalita ukol sa mga paksang ito. Ito ang pinakapunto ng usapin. At kaya, bagamat ang pakikinig sa mga salitang ito ay nakadagdag at napagyaman ang inyong pagkaunawa ukol sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, bakit naguguluhan pa rin kayo sa pagkilala sa Diyos? Ang katuwiran ay ito: Pagkarinig sa Aking sinabi, hindi naiintindihan ng karamihan sa inyo kung bakit Ko nasabi ito, at kung anong kaugnayan mayroon ito sa pagkilala sa Diyos. Hindi nga ba? Ano ang kinalaman ng kawalan ninyo ng kakayahan na maintindihan ang kaugnayan nito sa pagkilala sa Diyos? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Marahil hindi pa. Ang katuwiran kung bakit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito ay sapagkat ang inyong karanasan sa buhay ay masyadong mababaw. Kung ang kaalaman at karanasan ng mga tao ukol sa mga salita ng Diyos ay mananatili sa napakababaw na antas, kung gayon karamihan sa kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay magiging malabo at mahirap unawain—ito ay magiging panimula, pandoktrina, at panteorya. Sa teorya, ito ay lumilitaw o masasabing makatwiran at rasonable, ngunit ang kaalaman sa Diyos na lumalabas sa mga bibig ng mga tao ay hungkag. At bakit Ko sinasabing ito ay hungkag? Sapagkat, sa totoo lang, sa iyong mga puso hindi kayo malinaw tungkol sa kung ang mga salita tungkol sa pagkilala sa Diyos na lumabas sa inyong mga bibig ay tama o hindi, kung ang mga ito ay eksakto o hindi. At kaya, bagamat karamihan sa mga tao ay nakarinig ng napakaraming mga impormasyon at mga paksa tungkol sa pagkilala sa Diyos, ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay hindi pa umaabot lampas sa teorya at malabo at mahirap unawain na doktrina.

Kaya paano malulutas ang suliraning ito? Naisip niyo na ba kailanman ang ukol diyan? Kapag hindi hinanap ng isang tao ang katotohanan, maaari ba nilang taglayin ang realidad? (Hindi nila maaaring taglayin.) Tama. Tiyak na hindi nila makakayang taglayin. Kapag hindi hinanap ng isang tao ang katotohanan, kung gayon walang pag-aalinlangan na wala silang realidad, at kaya wala talaga silang kaalaman o karanasan ukol sa mga salita ng Diyos. At yaong bang mga hindi nakaaalam sa mga salita ng Diyos ay kilala ang Diyos? Walang pasubali! Ang dalawa ay magkakabit. Kaya, karamihan sa mga tao ay nagsasabi, “Paano naging napakahirap ang pagkilala sa Diyos? Bakit napakahirap nito? Bakit wala akong masabi tungkol sa kaalaman ukol sa Diyos?” Kapag kayo ay nagsasalita ukol sa pagkilala sa inyong sarili maaaring abutin kayo ng maraming oras, ngunit pagdating sa pagkilala sa Diyos wala kayong masabi. Maging kapag nagsalita kayo nang kaunti, ito ay pilit pa, at pangit pakinggan—ito ay saliwa pa sa inyong pandinig kapag naririnig ninyo ang inyong sariling sinasabi ito. Ito ang pinagmumulan. Kapag nararamdaman mo na ang pagkilala sa Diyos ay napakahirap, na ito ay masyadong mabigat para sa iyo, na wala kang masabi—wala talagang maibabahagi at mailalaan sa iba, at upang ilaan sa iyong sarili—kung gayon pinatutunayan lamang nito na hindi ikaw yaong nakaranas na sa mga salita ng Diyos. Ano ang mga salita ng Diyos? Ang mga salita ba ng Diyos ay hindi ang pagpapahayag ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Kung hindi mo pa naranasan ang mga salita ng Diyos, maaari ka bang magkaroon ng kaalaman ukol sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Siguradong wala, tama? Ang lahat ng mga bagay na ito ay magkakaugnay. Kung wala kang karanasan ukol sa mga salita ng Diyos, kung gayon ay hindi mo mapanghahawakan ang mga kalooban ng Diyos, at hindi malalaman kung ano ang Kanyang disposisyon, ano ang Kanyang mga kagustuhan, ano ang Kanyang mga kinasusuklaman, ano ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, kung ano ang Kanyang saloobin tungo doon sa mabubuti, at tungo sa masasama-ang lahat ng ito ay tiyak na magiging malabo at hindi maliwanag sa iyo. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa gitna ng gayong kalabuan, kapag sinasabi mo na isa ka sa mga naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa Diyos, ang mga salita bang ito ay makatotohanan? Sila’y hindi! Kaya, ngayon, pumili ka: Anong paksa ang pipiliin niyo sa araw na ito? (Ang pagpasok sa buhay at ang personal na karanasan sa buhay ng isang tao.) (Pipiliin namin ang pagpasok sa buhay.) Sa aling bahagi ng mga paksa ang wala kayo tungkol sa pagpasok sa buhay? Nagsasabi ba ang inyong puso ng anuman? Hindi pa ninyo nalalaman, hindi ba? Anong paksa ang pipiliin ng ibang mga kapatid? Nais ba ninyong marinig ang tungkol sa kaalaman ukol sa Diyos, o tungkol sa karansan sa buhay? (Nais naming marinig ang tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Pagkilala sa Diyos.) Sige kung ganoon, karamihan sa inyo ay napili ang pagkilala sa Diyos. Kaya magpapatuloy tayo sa pag-uusap tungkol sa kaalaman ukol sa Diyos.

Sabik kayong lahat na marinig ang paksa na ating pag-uusapan sa araw na ito, tama? Ang paksa na ating pag-uusapan sa araw na ito ay may kaugnayan din sa paksang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay” na ating pinag-uusapan nitong nakaraan. Nagsagawa tayo ng maraming pag-uusap tungkol sa “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay,” ang layunin niyon ay upang gumamit ng iba’t ibang kaparaanan at pananaw upang ipaalam sa mga tao kung paanong pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, sa paanong mga kaparaanan Siya namamahala sa lahat ng mga bagay, at sa anong mga prinsipyo Niya pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay, sa gayon makairal sila sa planetang ito na nilikha ng Diyos. Napag-usapan din natin ang napakarami tungkol sa kung paano nagkakaloob ang Diyos para sa sangkatauhan: sa anong mga kaparaanan Siya nagkakaloob sa sangkatauhan, anong uri ng kapaligiran na pamumuhayan ang ipinagkakaloob Niya sa sangkatauhan, at sa anong mga kaparaanan at puwersa Siya nagkakaloob ng isang matatag na kapaligiran na pamumuhayan para sa tao. Bagamat hindi Ako nagsalita nang tuwiran ukol sa ugnayan sa pagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ang Kanyang pangangasiwa sa lahat ng mga bagay, at Kanyang pamamahala, Ako ay hindi tuwirang nagsalita kung bakit pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mga bagay sa ganitong paraan, at kung bakit Siya nagkakaloob at pinakakain ang sangkatauhan sa ganitong paraan—ang lahat ng iyon ay may kaugnayan sa pamamahala ng Diyos. Ang nilalaman ng ating nabanggit ay masyadong malawak ang sinasaklaw: mula sa napakalaking kapaligiran hanggang sa mas maliliit na mga bagay kagaya ng mga pangunahing pangangailangan at pagkain ng mga tao; mula sa kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay at paano pinatatakbo ang mga ito sa maayos na paraan, hanggang sa tama at wastong kapaligiran na pamumuhayan na nilikha Niya para sa mga taong may iba't ibang kulay ng balat, at iba pa. Ang malawak na nilalaman ito ay nakaugnay lahat sa kung paano mabuhay ang tao sa laman. Na ang ibig sabihin, lahat ng ito ay may kaugnayan sa mga bagay sa materyal na mundo na nakikita ng mata, at na nararamdaman ng mga tao, halimbawa, mga kabundukan, mga ilog, mga karagatan, mga kapatagan…. Ang lahat ng mga bagay na ito ay maaaring makita at mahawakan. Kapag nagsasalita Ako ukol sa hangin at temperatura, maaari ninyong gamitin ang inyong hininga upang tuwirang madama ang pag-iral ng hangin, at ang inyong katawan upang pakiramdaman kung ang temperatura ay mataas o mababa. Ang mga puno, damo, at ang mga ibon at mga hayop sa mga kagubatan, ang mga bagay na lumilipad sa himpapawid, at naglalakad sa lupa, at ang iba’t ibang maliit na hayop na lumalabas mula sa mga lungga, ay maaring makita ng sariling mga mata ng tao at marinig ng kanilang sariling mga tainga. Bagamat ang saklaw ng gayong mga bagay ay malawak, sa gitna ng lahat ng mga bagay kinakatawan lamang nila ang materyal na mundo. Sa mga tao, ano ang mga bagay na nakikita nila? Ang mga ito ay materyal na mga bagay. Ang mga materyal na mga bagay ang siyang nakikita at nahahawakan ng mga tao, na ang ibig sabihin, kapag nahawakan mo ang mga ito, mararamdaman mo sila, at kapag nakita sila ng iyong mga mata, ipakikita ng iyong utak ang isang imahe, isang larawan. Sila ay mga bagay na tunay at totoo; sa iyo hindi sila mahirap unawain, ngunit may hugis at anyo; maaari silang maging parisukat, o bilog, o mataas o mababa, malaki o maliit; at ang bawat isa ay nagbibigay sa inyo ng kakaibang impresyon. Ang lahat ng mga bagay na ito ay kumakatawan sa bahaging iyon ng lahat ng mga bagay na siya ngang materyal na mundo. At kaya, ano ang “lahat ng mga bagay” sa “kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay” ang maidadagdag sa Diyos? Hindi lamang nila kinabibilangan ang mga bagay na nakikita at nahahawakan ng mga tao, ngunit, mangyari pa, yaong hindi nakikita at hindi nasasalat. Ito ay isa sa tunay na mga kahulugan ng kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Kahit na ang mga bagay na ito ay hindi nakikita at hindi nasasalat ng mga tao, sila rin ay mga katotohanan na talagang umiiral. Sa Diyos, hangga’t napagmamasdan sila ng Kanyang mga mata at nasa loob ng saklaw ng Kanyang kapangyarihan, sila ay talagang umiiral. Bagamat, sa sangkatauhan, hindi sila malinaw at hindi maisip—at bagamat, mangyari pa, sila ay hindi nakikita at hindi nasasalat—sa Diyos sila ay tunay at talagang umiiral. Ang gayon ay isa pang mundo ng lahat ng mga bagay na pinamamahalaan ng Diyos, at ito ay isa pang bahagi ng saklaw ng lahat ng mga bagay na pinamamahalaan Niya. Ito ang paksa na ating pinag-uusapan sa araw na ito—kung paanong pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang espirituwal na mundo. Yamang ang paksang ito ay sumasaklaw sa kung paano pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ito ay may kaugnayan sa mundo sa labas ng materyal na mundo—ang espirituwal na mundo—at kaya lubos ang pangangailangan para sa atin na maintindihan ito. Pagkatapos mapag-usapan at maintindihan ang nilalaman na ito saka pa lamang dalisay na maiintindihan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga salitang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay.” At ang nilalayon ng ganitong paksa ay upang makumpleto ang tema ng “Pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay.” Marahil, kapag narinig ninyo ang paksang ito, maaaring madama ninyo na kakaiba o hindi kapani-paniwala sa inyo—ngunit maging anuman ang inyong maramdaman, dahil ang espirituwal na mundo ay isang bahagi ng lahat ng mga bagay na pinamamahalaan ng Diyos, kailangan niyong matutunan ang ilang bagay ukol sa paksang ito. Pagkatapos ninyong magawa ito, magkakaroon kayo ng mas malalim na pagpapahalaga, pagkaunawa at kaalaman sa mga salitang “Ang Diyos ang Siyang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga bagay.”

0(Mga) Resulta ng Paghahanap