Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (III) Pagpapatuloy ng Ikatlong Bahagi

Binabalanse ng Diyos ang mga Ugnayan sa Pagitan ng Lahat ng mga bagay Upang Ipagkaloob sa Tao ang Isang Matatag na Kapaligiran para Mabuhay

Pinamamahalaan din ng Diyos ang balanse ng lahat ng uri ng hayop. Paano napamamahalaan ang balanseng ito? Ito ay kagaya sa mga halaman—pinamamahalaan Niya ang balanse at nagpapasiya Siya ng kanilang mga bilang batay sa kakayahan nilang magparami, kanilang dami at bilis ng pagpaparami at ang mga papel na kanilang ginagampanan sa gitna ng mga hayop. Halimbawa, kinakain ng mga leon ang mga sebra, kaya kung ang bilang mga leon ay lumampas sa bilang ng mga sebra, ano ang magiging kapalaran ng mga sebra? Sila ay malilipol. At kung ang kabuuang pagpaparami ng mga sebra ay higit na mababa kaysa doon sa mga leon, ano ang magiging kapalaran nila? Sila ay malilipol din. Kaya, ang bilang ng mga sebra ay kailangang higit na marami kaysa sa bilang ng mga leon. Ito ay sa dahilang ang mga sebra ay hindi umiiral para sa kanilang mga sarili lamang; umiiral din sila para sa mga leon. Maaari mo ding sabihin na ang bawat sebra ay isang bahagi ng mga sebra, ngunit ito ay pagkain din naman sa bibig ng leon. Ang bilis ng pagpaparami ng mga leon ay hindi kailanman madadaig ang sa mga sebra, kaya ang kanilang bilang ay hindi kailanman hihigit sa bilang ng mga sebra. Sa ganitong paraan lamang magagarantiya ang pinagkukunan ng pagkain ng leon. Kahit na ang mga leon ay likas na mga kaaway ng mga sebra madalas silang nakikita ng mga taong panatag na nagpapahinga sa parehong lugar. Ang mga sebra ay hindi kailanman mababawasan sa bilang o maglalaho sapagkat sila ay sinisila ng mga leon at kinakain, at ang mga leon ay hindi kailanman madadagdagan ang kanilang bilang dahil sa kanilang kalagayan bilang “hari.” Ang balanseng ito ay isang bagay na matagal na panahon nang itinatag ng Diyos. Iyon ay, itinatag ng Diyos ang mga kautusan sa balanse sa pagitan ng lahat ng hayop nang upang matamo nila ang balanse, at ito ay isang bagay na nakikita ng sangkatauhan. Ang mga leon lang ba ang likas na mga kaaway ng mga sebra? Kinakain din ng mga buwaya ang mga sebra. Nakakita ka na ba ng isang buwaya na kumakain ng isang sebra? Ang eksena ng isang buwaya na kumakain ng isang sebra ay malupit din naman. Ang mga sebra ay para talagang mahinang uri ng hayop. Wala sila ng bangis ng mga leon, at kapag nakasasagupa ng isa, ang nakatatakot na kalabang ito, tatakbo lamang sila. Hindi man lamang sila makalaban. Kapag hindi nila natalo sa takbuhan ang leon, hahayaan na lamang nila ang kanilang mga sarili na makain nito. Ito ay makikita nang madalas sa mundo ng mga hayop. Ano ang inyong pakiramdam kapag nakikita ninyo ang ganitong uri ng bagay? Naaawa ka ba sa sebra? Kinamumuhian mo ba ang leon? Ang mga sebra ay napakaganda sa paningin! Ngunit ang mga leon, palagi nilang tinitingnan ang mga ito nang buong kasakiman. At ang nakakaloko, ang mga zebra ay hindi makatakbo nang malayo. Nakikita nila ang leon doon naghihintay sa kanila, basta na lang naghihintay sa lilim ng isang puno. Sino ang nakaaalam kung kailan nito sila kakainin. Alam ba nila ito sa kanilang mga puso? Oo alam nila, ngunit hindi pa rin sila aalis sa kapirasong lupang iyon. Ito ay isang kagila-gilalas na bagay. Ang kagila-gilalas na bagay na ito ay naglalaman ng katalagahan ng Diyos, Kanyang patakaran. Maaawa ka sa zebra na iyon ngunit hindi mo maililigtas ito, at mararamdaman mo na ang leon ay kasuklam-suklam ngunit hindi mo ito mapapaalis. Ang sebra ay pagkain na inihanda ng Diyos para sa leon, ngunit gaano man sila kainin ng mga leon, ang mga sebra ay hindi mauubos. Ang bilang ng supling na nagagawa ng mga leon ay maliit talaga, at mabagal silang magparami, kaya hindi nila malalampasan ang bilang ng mga sebra. Gaano man karami ang kanilang kakainin, ang kanilang bilang ay hindi hihigit doon sa mga sebra. Ito ay isang uri ng balanse.

Ano ang layunin ng Diyos sa pagpapanatili ng ganitong balanse? Ito ay may kinalaman sa mga kapaligiran ng mga tao para mabuhay gayundin ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Kung ang mga sebra, o ng anumang kaparehong sinisila ng leon—usa o iba pang mga hayop—ay mabagal sa pagpaparami at ang bilang ng mga leon ay mabilis na dumarami, anong uri ng panganib ang haharapin ng mga tao? Ang mga leon na kumakain ng mga sebra ay isang normal na pangyayari, ngunit kung ang isang leon ay kumain ng mga tao, ito ay magiging isang trahedya. Ang trahedyang ito ay hindi isang bagay na itinalaga ng Diyos, hindi ito kabilang sa Kanyang patakaran, lalong hindi Niya itinulot para sa sangkatauhan. Sa halip, ito ay itinulot ng mga tao sa kanilang mga sarili. Kaya kagaya ng nakikita ng Diyos, ang balanse sa pagitan ng lahat ng mga bagay ay napakahalaga para sa kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Maging sila man ay mga halaman o mga hayop, hindi nila makakayang iwala ang kanilang angkop na balanse. Ang mga halaman, mga hayop, mga kabundukan, at mga lawa ay naghanda para sa sangkatauhan ng isang normal na kapaligirang pang-ekolohiya. Sa pagkakaroon lamang ng ganitong uri ng kapaligirang pang-ekolohiya—ang isang balanse—saka pa lang magiging ligtas ang kanilang kakayahang mabuhay. Kung ang kakayahang magparami ng isang puno o damo ay hindi ganoon kaganda o ang bilis ng pagpaparami ay masyadong mabagal, ano ang gagawin ng lupa? Mawawala ba ng lupa ang kahalumigmigan nito? Kung mawala ng lupa ang kanyang kahalumigmigan, hindi ba ito magiging isang suliranin? Kung mawala ng lupa ang kanyang mga halaman at kahalumigmigan, ito ay kaagad na guguho, at buhangin ang papalit sa kanyang lugar. Ang lupa ay hindi na magiging malusog pa at ito ay magiging mabuhangin, at kapag ang lupa ay lumubha, ang kapaligiran ng mga tao para mabuhay ay sira na rin. Kasabay ng pagkawasak na ito ay darating ang mga sakuna. Kung wala ang ganitong uri ng balanseng pang-ekolohiya, kung wala ang ganitong tipo ng balanseng pang-ekolohiya, ang mga tao ay madalas na magdurusa mula sa mga sakuna dahil sa mga kawalan ng balanseng ito sa pagitan ng lahat ng mga bagay. Halimbawa, ang kawalang balanse sa kapaligiran ay nagbibigay-daan sa pagtaas ng bilang ng mga palaka sa isang naturang lugar—ang kanilang kapaligirang pang-ekolohiya ay nasira, sila ay nagsama-sama, ang kanilang mga bilang ay mabilis na dumami at nakakakita pa ang mga tao ng mga palakang tumatawid sa mga kalsada sa mga siyudad, at malaking bilang ng mga palaka ang nasa mga daan. Kung ookupahan ng malaking bilang ng mga palaka ang kapaligiran ng mga tao para mabuhay, ano ang maitatawag dito? Isang sakuna. Bakit ito matatawag na isang sakuna? Ang mga maliliit na hayop na ito na kapaki-pakinabang para sa sangkatauhan ay mapapakinabangan ng mga tao kapag sila ay nanatili sa isang lugar na angkop para sa kanila; napananatili nila ang balanse ng kapaligiran ng mga tao para mabuhay. Sa sandaling sila ay maging isang sakuna, maaapektuhan nila ang kaayusan ng mga buhay ng mga tao. Ang lahat ng mga bagay at lahat ng mga elementong dala-dala ng mga palaka kasabay nila ay makakaimpluwensya sa kalidad ng buhay ng mga tao. Maging ang kanilang mga pisikal na bahagi ay maaaring salakayin—ito ay isa sa mga uri ng mga sakuna. Isa pang uri ng sakuna, na isang bagay na palaging nararanasan ng mga tao—ay ang paglitaw ng napakaraming bilang ng mga balang. Hindi ba ito isang sakuna? Ito ay isang nakatatakot na sakuna. Hindi alintana kung gaano kahusay ang mga tao—ang mga tao ay maaaring gumawa ng mga eroplano, mga kanyon, at mga bombang atomika—ngunit kapag ang mga balang ay naghimasok sa sangkatauhan, ano ang magiging solusyon nila? Maaari ba nilang gamitin ang mga kanyon sa kanila? Maaari ba nilang barilin ang mga ito ng kanilang mga baril na de-makina? Hindi nila magagawa. Kung gayon maaari ba nilang bombahin ng isang pestisidyo upang maitaboy sila? Hindi rin iyon madali. Kaya, bakit dumarating ang maliliit na balang na iyon? Upang kumain ng mga butil. Saanman magpunta ang mga balang ang mga pananim ay lubusang nangasisira. Partikular nilang kinakain ang mga pananim at mga butil. Saanman sila magdaan, ang anumang mga butil ay mawawala na lamang! Sa ilalim ng pagsalakay ng mga balang, sa isang kisapmata, ang pagkain na inaasahan ng mga magsasaka—katumbas ng isang taong mga butil—ay maaaring maubos lahat ng mga balang. At ano ang pagdating ng mga balang para sa mga tao? Hindi lamang ito isang pagkainis—ito ay isang sakuna. Ang mga balang ay isang uri ng sakuna, kaya paano naman ang mga daga? Kapag mabilis magparami ang mga daga at walang anumang mga kuwago at mga lawin upang kainin sila, sila ay dadami nang mabilis, mas mabilis kaysa sa iniisip mo. At kapag ang paglaganap ng mga daga ay hindi nasiyasat, magkakaroon ba ang mga tao nang mainam na buhay? Hindi. Kaya ano yaong kakaharapin ng mga tao? (Isang salot.) Isang salot lamang ba? Kakainin ng mga daga ang anumang bagay! Ngangatngatin nila maging ang kahoy. Kung mayroong dalawang daga sa isang bahay, ang bawat isa sa buong sambahayan ay maiirita. May mga pagkakataon na nang-uumit sila ng mantika at kinakain nila, may mga pagkakataon na kinakain nila ang mga butil at nginangata ang mga damit—ito ang kaguluhan na dinadala ng mga daga sa mga tao. Sila ay mga sobrang liit lang na mga daga, ngunit ang mga tao ay walang paraan ng pakikitungo sa kanila. Tinatakot pa sila ng mga ito. May mga pagkakataon na sumasampa sila sa lalagyan ng mga plato—maaari pa bang gamitin ang mga platong iyon? Ang mga plato ay hindi na maaaring gamitin, ang paglilinis sa kanila ay walang bisa at kahit na linisin mo sila hindi ka rin mapapakali, kaya itatapon mo na lang ang mga ito. At ang mga bagay na hindi nila makakain ay nginangata na lamang nila sa maliliit na piraso at gagawin ang mga itong magulong-magulo. Nginangata nila ang mga damit, mga sapatos, kahoy, muwebles—nginangata nila ang lahat ng mga bagay. Hindi na kailangang magsalita pa ukol sa isang buong pulutong ng mga daga—ang isang pares lamang ng mga daga ay sapat upang makapagdulot ng kasiraan. Kapag sila ay naging isang sakuna, ang mga kahihinatnan ay hindi malilirip. Kaya, kapag ang sobrang kaliit na mga langgam ay naging isang sakuna, ano kaya ang makakatulad nito? Ang pinsala na kanilang maidudulot sa sangkatauhan ay hindi maaaring balewalain. Ang pagngatngat ng mga langgam sa kahoy hanggang sa gumuho ang isang bahay ay hindi isang kakatwang bagay. Ang kanilang lakas ay hindi maaaring hindi makita. At kung ang iba’t-ibang uri ng mga ibon ay maging isang sakuna ito rin ay magiging isang nakatatakot na bagay. Iyon ay, maging anumang uri ng mga hayop o mga bagay na may buhay, sa sandaling mawala nila ang kanilang balanse, sila ay lalago, magpaparami, at maninirahan sa loob ng isang abnormal na saklaw, isang hindi karaniwang saklaw. Magdudulot ito ng hindi malirip na mga kahihinatnan sa sangkatauhan. Hindi lamang nito maaapektuhan ang pagpapanatili ng mga tao at mga buhay, ngunit ito ay magdudulot din ng sakuna sa sangkatauhan, maging hanggang sa punto na maranasan ng mga tao ang lubos na pagkalipol, daranasin ang kapalaran ng pagkapuksa.

Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang buhay na nilkha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas, o bilang sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. Kapag ang isang uri ng buhay na nilalang ay masyadong marami sa bilang, nanakawin nito sa tao ang kanilang pagkain, sisirain ang mga pinagkukunan ng tubig ng mga tao, at sisirain ang kanilang mga bayan. Sa gayong paraan, ang pagpaparami ng sangkatauhan o ang kalagayan ng kanilang kakayahan para mabuhay ay dali-daling maapektuhan. Halimbawa, ang tubig ay napakahalaga para sa lahat ng mga bagay. Kung masyadong marami ang mga hayop—kung ang mga bilang ng mga daga, mga langgam, mga balang, at mga palaka ay masyadong napakarami at kailangan nilang uminom ng tubig—kung magkakaroon ng sobra-sobrang bilang ng mga hayop, ang dami ng tubig na kanilang iniinom ay tataas din. Habang ang dami ng tubig na kanilang iniinom ay tumataas, sa loob nitong nakapirming saklaw ng mga pinagkukunan ng tubig na iniinom at mga lugar na may tubig, ang iniinom na tubig ng mga tao at ang mga pinagkukunan ng tubig ay mababawasan, at magkukulang sila ng tubig. Kapag ang tubig na iniinom ng mga tao ay nasira, nakontamina, o nawasak dahil ang lahat ng uri ng hayop ay dumami sa bilang, sa ilalim ng gayong uri ng malupit na kapaligiran para mabuhay, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay lubhang manganganib. Kung mayroong isang uri o iba’t ibang uri ng nilalang na may buhay na lumampas sa kanilang angkop na bilang, ang hangin, temperatura, kahalumigmigan, at maging ang nilalaman ng hangin sa loob ng puwang ng sangkatauhan para mabuhay ay malalason at masisira sa magkakaibang antas. Nang katulad, sa ilalim ng ganitong mga kaganapan, ang kakayahang mabuhay ng mga tao at kapalaran ay nakapailalim pa rin sa panganib ng gayong uri ng kapaligiran. Kaya, kapag nawala ng mga tao ang mga balanseng iyon, ang hangin na kanilang hinihinga ay masisira, ang tubig na kanilang iniinom ay magiging kontaminado, at ang mga temperatura na kanilang kinakailangan ay magbabago din, maapektuhan sa iba’t-ibang mga antas. Kapag nangyari iyon, ang likas na kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay mapapasailalim sa mga katakut-takot na mga dagok at mga hamon. Sa ilalim ng ganitong kalagayan kung saan ang pangunahing mga kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay nangasira, ano ang magiging kapalaran ng tao at mga inaasahan? Ito ay napakaseryosong suliranin! Sapagkat nalalaman ng Diyos kung ano ang lahat ng mga bagay sa sangkatauhan, ang papel ng bawat isang uri ng bagay na Kanyang nilikha, anong epekto mayroon ito sa mga tao, at gaano kadakilang pakinabang ang dadalhin nito sa sangkatauhan—sa puso ng Diyos ay may plano para sa lahat ng ito at pinamamahalaan Niya ang bawat isang aspeto sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, kaya para sa mga tao, ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay napakahalaga—ang lahat ng ito ay kinakailangan. Kaya makakita ka man ng ilang pangyayari na pang-ekolohiya, o ilang likas na mga kautusan sa gitna ng lahat ng mga bagay, hindi ka na magdududa pa sa pangangailangan sa bawat isang bagay na nilikha ng Diyos. Hindi ka na uli gagamit pa ng mga ignoranteng pananalita upang gumawa ng mga hindi makatwirang paghatol sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng mga bagay at ang Kanyang iba’t ibang pamamaraan sa pagkakaloob sa sangkatauhan. Hindi ka na rin gagawa ng mga hindi makatwirang konklusyon sa mga kautusan ng Diyos para sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha. Hindi ba ito ang pinag-uusapan?

Ano ang lahat ng ito na tinalakay pa lamang natin? Isiping mabuti ang tungkol dito. Ang Diyos ay may Kanyang sariling layunin sa bawat isang bagay na Kanyang ginagawa. Kahit na hindi nakikita ng mga tao ang gayong layunin, ito ay palaging lubos na may kaugnayan sa kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Hindi maihihiwalay ang kaugnayan nito dito—ito ay hindi maaaring mawala. Ito ay dahil hindi pa gumawa ang Diyos ng anumang bagay na walang saysay. Sa bawat isang bagay na Kanyang ginagawa, ang Kanyang plano ay nakapaloob sa mga teorya at mga prinsipyo nito, na nagtataglay ng Kanyang karunungan. Ang layunin sa likod ng planong iyon at ang layon ay ang pag-ingatan ang sangkatauhan, upang tulungan ang sangkatauhan na maiwasan ang sakuna, ang panghihimasok ng anumang buhay na bagay, at anumang uri ng pinsala sa tao ng lahat ng mga bagay. Kaya mula sa mga pagkilos ng Diyos na ating nakita mula sa paksang ito na ating tinatalakay, maaari ba nating sabihin na naglalaan ang Diyos para sa sangkatauhan sa iba pang paraan? Maaari ba nating sabihin na pinakakain at pinapastol ng Diyos ang sangkatauhan sa ganitong paraan? Masasabi mo talaga iyan. Ngayon ay dapat ninyong maintindihan, mayroon bang matibay na kaugnayan sa pagitan ng paksang ito at ang pamagat ng ating pagsasamahan, “Ang Diyos ang Siyang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga bagay”? (Oo.) Mayroong matibay na kaugnayan, at ang paksang ito ay isang aspeto niyon. Bago talakayin ang mga paksang ito, ang mga tao ay mayroon lamang ilang malabong guniguni ukol sa Diyos, sa Diyos Mismo at sa Kanyang mga pagkilos—hindi sila nagkaroon ng tunay na pagkaunawa ukol sa mga bagay na ito. Gayunman, kapag sinasabi sa mga tao ang tungkol sa Kanyang mga pagkilos at sa mga bagay na Kanyang ginawa, naiintindihan nila at nauunawaan ang mga prinsipyo ukol sa kung ano ang ginagawa ng Diyos at nakapagtatamo sila ng kaliwanagan dito, tama? (Oo.) Kahit na sa puso ng Diyos, ang Kanyang mga teorya, mga prinsipyo, at mga patakaran ay masyadong kumplikado kapag gumagawa Siya ng anumang bagay, nang nilikha Niya ang lahat ng mga bagay, at kapag namamahala Siya sa lahat ng mga bagay, kung ang nag-iisang bagay ay ginamit upang ibahagi sa inyo sa pagsasamahan, hindi ba ninyo maiintindihan sa inyong mga puso na ang mga ito ay mga pagkilos ng Diyos, at ang mga ito ay napakatibay? (Oo.) Kung gayon paanong naiba sa nakaraan ang inyong kasalukuyang pagkaunawa sa Diyos? Ito ay naiiba sa diwa nito. Ang inyong naintindihan noong nakaraan ay masyadong hungkag, masyadong malabo, at ang inyong naiintindihan ngayon ay nagtataglay ng napakaraming kongkretong katunayan na makapanghahawak sa mga pagkilos ng Diyos, upang ikumpara sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kaya, ang lahat ng Aking sinabi ay napakalaking tulong sa inyong pagkaunawa sa Diyos.

Iyan lamang lahat para sa ating pagtitipon sa araw na ito. Paalam! Magkaroon ng magandang gabi! (Paalam, Makapangyarihang Diyos.)

Pebrero 09, 2014

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kontakin Kami Gamit ang Messenger