Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Kabanalan ng Diyos (III)

Pagpapatuloy ng Ikatlong bahagi

Ang talakayan ngayon lamang tungkol sa kasamaan ni Satanas ay pinaramdam sa bawat isa na tila bang ang mga tao ay namumuhay nang napakalungkot at na ang buhay ng tao ay dinadagsa ng kasawian. Ngunit ano ang pakiramdam ninyo ngayon na tinalakay ko ang tungkol sa kabanalan ng Diyos at ang gawain na Kanyang isinasagawa sa tao? (Napakasaya.) Nakikita natin ngayon na ang lahat-lahat na ginagawa ng Diyos, lahat ng Kanyang pinaghirapang ayusin para sa tao ay busilak. Lahat-lahat nang ginagawa ng Diyos ay walang mali, nangangahulugang ito ay tamang-tama, hindi nangangailangan na iwasto ninoman, magbigay ng payo o gumawa ng anumang pagbabago. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos para sa bawat indibidwal ay walang pagdududa; inaakay Niya ang bawat isa sa kamay, sinusubaybayan ka sa bawat sandali at kailanma’y hindi umalis sa iyong tabi. Habang ang mga tao ay lumalaki sa ganitong uri ng kapaligiran at lumalaki sa ganitong uri ng karanasan, maaari ba nating sabihin na ang mga tao sa katunayan ay lumalaki sa palad ng kamay ng Diyos? (Oo.) Kaya ngayon dama n’yo pa ba ang damdamin ng kawalan? (Hindi.) May sinuman ba na nakakaramdam pa ng pagkalungkot? (Wala.) Kaya may sinuman ba na nararamdaman na tinalikdan ng Diyos ang sangkatauhan? (Wala.) Kaya ano sa lupa ang sa gayon nagawa ng Diyos? (Pinananatili Niya ang sangkatauhan.) Ang malaking paglingap at pangangalaga sa likod ng lahat-lahat na ginagawa ng Diyos ay walang duda. Ang karagdagan pa, habang ipinapatupad ng Diyos ang gawaing ito, kailanma’y wala Siyang inilatag na kondisyon o hinihingi sa sinuman sa inyo na alamin ang halaga na Kanyang ibinabayad para sa inyo, kaya samakatuwid kayo ay nakakaramdam nang taos-pusong pasasalamat sa Kanya. Ang Diyos ba kailanman ay dati nang nakagawa ng anumang bagay tulad nito? (Hindi.) Sa kabuuan ng inyong mahabang mga buhay, talagang ang bawat indibidwal ay nakatagpo na ng maraming mapanganib na mga sitwasyon at sumailalim sa maraming mga tukso. Ito ay sapagkat si Satanas ay nandoon mismo sa tabi mo, ang mga mata nito ay palaging nakatuon sa iyo. Gusto nito kapag ang kapahamakan ay humahampas sa iyo, kapag dinadagsa ka ng mga kalamidad, kapag walang mabuting nangyayari sa iyo, at gusto nito kapag ikaw ay nahuhuli sa lambat ni Satanas. Samantalang para sa Diyos, palagi ka Niyang pinoprotektahan, iniiwas ka Niya bawat kasawian at mula sa bawat kapahamakan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ko na ang lahat ng mayroon ang tao—kapayapaan at kasiyahan, mga pagpapala at personal na kaligtasan—ay sa katunayan lahat nasa ilalim ng kontrol ng Diyos, at ginagabayan Niya at pinagpapasiyahan ang buhay at kapalaran ng bawat indibidwal. Subalit ang Diyos ba ay may napalaking paniwala sa Kanyang posisyon, gaya ng sinasabi ng ilang tao? Sinasabi sa iyo, “Ako ang pinakadakila sa lahat, Ako ang namamahala sa inyo, kayong lahat ay dapat magsumamo sa Aking habag at ang pagsuway ay mapaparusahan ng kamatayan.” Kailanman ba’y tinakot ng Diyos ang sangkatauhan sa ganitong paraan? (Hindi.) Kailanman ba’y sinabi Niya, “Ang sangkatauhan ay napakasama kaya hindi mahalaga kung paano Ko sila tratuhin, anumang hindi makatwirang pagtrato ay maaari; hindi Ko kinakailangang isaayos nang maigi ang mga bagay para sa kanila.” Ganito ba mag-isip ang Diyos? (Hindi.) Ang Diyos ba ay kumilos sa ganitong paraan? (Hindi.) Bagkus, ang pagtrato ng Diyos sa bawat isa at bawat tao ay maalab at responsable, mas responsible pati kaysa sa iyo sa sarili mo. Hindi nga ba? Ang Diyos ay hindi basta na nangungusap, ni hindi rin Siya tumatayo nang mataas na nagyayabang ni hindi Siya gumagawa ng panloloko sa mga tao. Sa halip Siya ay matapat at matahimik na ginagawa ang mga bagay na kinakailangan Niya Mismong gawin. Ang mga bagay na ito ay nagdadala ng mga pagpapala, kapayapaan at tuwa sa tao, dinadala nila ang tao nang mapayapa at matiwasay sa harapan ng paningin ng Diyos at sa Kanyang pamilya at dinadala sa tao ang tamang katuwiran, tamang pag-iisip, tamang paghatol at tamang kondisyon ng pag-iisip na kinakailangan nila upang makaharap sa Diyos at matanggap ang kaligtasan ng Diyos. Sa gayon ang Diyos ba kailanman ay naging mapanloko sa tao sa Kanyang gawain? (Hindi.) Kailanman ba’y nagpakita Siya ng huwad na tanghal ng kabaitan, sinusuyo ang tao nang may kaunting pakikitungo, pagkatapos ay tatalikuran Niya ang tao? (Hindi.) Kailanman ba’y nagsabi ang Diyos ng isang bagay at pagkatapos ay gumawa ng iba? (Hindi.) Ang Diyos ba kailanma’y gumawa ng hungkag na mga pangako at nagyabang, sinasabi sa iyo na maari Niyang gawin ito para sa iyo o tutulungan kang gawin iyon, at pagkatapos ay nawala? (Hindi.) Walang katusuhan sa Diyos, walang kasinungalingan. Ang Diyos ay matapat at lahat-lahat ng Kanyang ginagawa ay kapwa totoo at tunay. Siya lamang ang maaaring maasahan ng tao at tanging mapagkakatiwalaan ng tao ng kanilang mga buhay at ng kanilang lahat-lahat. Dahil sa walang katusuhan sa Diyos, maaari ba nating masabi na ang Diyos ang pinaka-taos-puso? (Oo.) Syempre maaari, tama? Bagaman, sa pagtalakay ng tungkol sa salitang ito ngayon, kapag ginamit sa Diyos ito ay napakahina, masyadong ginawang pantao, na wala na tayong magagawa tungkol dito sapagkat ang mga ito ang mga limitasyon ng pantaong wika. Bahagyang di-naaangkop dito na tawagin ang Diyos na taos-puso, subalit gagamitin natin ang salitang ito pansamantala. Ang Diyos ay matapat at taos-puso, hindi nga ba Siya? (Oo.) Kaya ano ang ating ibig sabihin sa pagtalakay tungkol sa mga aspetong ito? Ang ibig sabihin ba natin ay ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng tao at ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ni Satanas? Maaari nating sabihin ito sapagkat hindi maaaring makita ng tao sa Diyos ang isa mang bakas ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Tama ba ako sa pagsabi nito? Maaari ba akong makakuha ng Amen para dito? (Amen!) Wala tayong nakikitang kasamaan ni Satanas na naibunyag sa Diyos. Lahat ng ginagawa ng Diyos at ibinubunyag ay ganap na kapaki-pakinabang at makakatulong sa tao, ganap na ginawa upang maglaan para sa tao, puno ng buhay at nagbibigay sa tao ng isang daanan na masusundan at isang direksyon na tatahakin. Ang Diyos ay hindi masama at, bukod pa rito, tinitingnan ngayon ang lahat ng ginagawa ng Diyos, maaari ba nating masabi na ang Diyos ay banal? (Oo.) Dahil sa ang Diyos ay walang kasamaan ng sangkatauhan at wala kahit na malayo man tulad ng masamang disposisyon ng tao o ng kakanyahan ni Satanas, mula sa kuru-kurong ito maaari nating masabi na ang Diyos ay banal. Ang Diyos ay walang ibinubunyag na kasamaan, at ang pagbubunyag ng Kanyang sariling kakanyahan sa Kanyang gawain ay lahat pagpapatibay na kinakailangan natin na ang Diyos Mismo ay banal. Nakikita n’yo ba ito ngayon? Na ibig sabihin, upang makilala ang banal na kakanyahan ng Diyos, pansamantalang tingnan natin ang dalawang aspetong ito: 1) Walang masamang disposisyon sa Diyos; 2) ang kakanyahan ng gawain ng Diyos sa tao ay nagpapahintulot sa tao na makita ang sariling kakanyahan ng Diyos at ang kakanyahang ito ay kapwa ganap na positibo at ganap na tunay. Para ano ang mga bagay na bawat pamamaraan ng Diyos ay dinadala sa tao? Lahat sila ay positibong mga bagay, lahat sila'y pag-ibig, lahat katotohanan at lahat realidad. Una, hinihingi ng Diyos sa tao na maging tapat—hindi ba ito positibo? Binibigyan ng Diyos ang tao ng karunungan—hindi ba ito positibo? Ginagawa ng Diyos ang tao na magawang maunawaan ang pagkakaiba ng kabutihan sa kasamaan—hindi ba ito positibo? Hinahayaan Niya na maunawaan ng tao ang kahulugan at kahalagahan ng buhay ng tao—hindi ba ito positibo? Hinahayaan Niya ang tao na makita ang kakanyahan ng mga tao at ng mga bagay ayon sa katotohanan—hindi ba ito positibo? (Oo.) At ang bunga ng lahat ng ito ay na ang tao ay hindi na malilinlang ni Satanas, hindi na maipagpapatuloy na mapinsala ni Satanas o nakokontrol nito. Sa ibang salita, hinahayaan nila ang mga tao na ganap na palayain ang kanilang mga sarili mula sa katiwalian ni Satanas, at samakatuwid unti-unting lumakad sa daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Gaano kalayo na ninyong nalakad ang landas na ito ngayon? Mahirap sabihin, hindi ba? Ngunit sa pinakamababa mayroon na ba kayo ngayong unang pagkaunawa kung paanong sinisira ni Satanas ang tao, kung aling mga bagay ang masama at aling mga bagay ang negatibo? (Oo.) Sa unang pagkaunawang ito, kayo ngayon ay kamuntiman lang na naglalakad sa tamang daan, nakapagsimula nang malaman ang katotohanan, makita ang liwanag ng buhay, at sa gayon ang inyong pananamapalataya sa Diyos ay mas lumaki na.

Tatapusin na natin ngayon ang pagtalakay tungkol sa kabanalan ng Diyos, kaya sino sa inyo, mula sa lahat ng inyong narinig at natanggap, ang makakapagsabi kung ano ang kabanalan ng Diyos? Ano ang tinutukoy ng kabanalan ng Diyos na tinatalakay ko? Pag-isipan ng isang saglit. Ano ang kabanalan ng Diyos? Ang pagkamakatotohanan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang katapatan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang di-pagkamakasarili ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang kababaang-loob ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang pagmamahal ba ng Diyos para sa tao ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Malayang ibinibigay ng Diyos sa tao ang katotohanan at buhay—ito ba ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang lahat ng ito na ibinubunyag ng Diyos ay natatangi; hindi ito umiiral sa loob ng masamang pagkatao, ni hindi ito nakikita doon. Walang pinaka maliit na bakas nito ang makikita sa panahon ng proseso nang paggawang masama ni Satanas sa tao, ni sa masamang disposisyon ni Satanas ni sa kakanyahan o kalikasan ni Satanas. Kaya ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi at tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng kakanyahan, tanging ang Diyos Mismo ang nag-aangkin ng ganitong uri ng kakanyahan. Sa pagtalakay nito sa ngayon, mayroon bang sinuman sa inyo ang nakakita sa sinuman na ganitong banal sa sangkatauhan? (Wala.) Kaya mayroon bang sinuman ang ganito kabanal sa mga sikat na mga tao, ang dakilang mga tao at mga idolo na inyong sinasamba sa sangkatauhan? (Wala.) Tiyak na walang sinuman na maaaring matawag na banal! Ang tinatawag na mga santo ng mga di-naniniwala ay lahat mga ipokritong nagmamarunong at pinaka-tuso, ang pinaka-traidor na demonyong Satanas. Ito ay walang iba kundi tiyak na katotohanan. Maaari lamang na sabihin ngayon na ang Diyos lamang ang tunay na banal, na ang kabanalan ng Diyos ay natatangi at tanging Siya lamang ang maaari magsama nito sa pangalan at gayundin sa katotohanan. At saka, mayroon ding itong isang praktikal na bahagi. Mayroon bang anumang pagkakaiba sa pagitan ng kabanalan na tinatalakay ko ngayon at ang kabanalan na dati ninyong napag-isipan at naguguniguni? (Oo.) Sa gayon gaano kalaki ang pagkakaibang ito? (Napakalaki!) Gamit ang inyong sariling mga salita, ano kadalasan ang ibig sabihin ng mga tao kapag pinag-uusapan ang tungkol sa kabanalan? (Ilang panlabas na asal.) Ang asal o kapag isinasalarawan ang isang bagay, sinasabi nila na ito ay banal. Kaya ang pagsasalarawan bang ito ng “kabanalan” ay isang teorya? Ito ay ang isang bagay lamang na mukhang malinis at maganda, bagay na mukha o tunog mabuti sa mga tao, wala ni anumang tunay na sangkap ng kabanalan. Walang anumang totoo tungkol sa kung ano ang kabanalan na ipinapalagay ng mga tao na maging. Bukod dito, ano eksakto ang tinutukoy na “kabanalan” na iniisip ng mga tao? Ito ba ay kung ano ang kanilang iniisip o hinatulang maging? Halimbawa, may ilang Budista ang namatay habang nagsasanay, lumilisan habang sila’y nakaupo doon na natutulog. May ilang mga tao ang nagsasabi na sila ay naging banal at lumipad na tungong langit. Ito rin ay isang uri ng imahinasyon. Pagkatapos may mga ilan na nag-iisip na ang isang diwata na lumulutang pababa mula sa langit ay banal. Mayroon din ilan na nag-iisip na ang kailanma’y di-pag-asawa, kumain at manamit nang mahirap at magdusa buong buhay ay banal. Sa katunayan, ang pag-iisip ng mga tao sa salitang “banal” ay palaging isang uri lamang nang mababaw na imahinasyon at teorya na walang pangunahing tunay na diwa dito, at dagdag pa walang kinalaman sa kakanyahan ng kabanalan. Ang kakanyahan ng kabanalan ay tunay na pag-ibig, ngunit higit dito ito ay ang kakanyahan ng katotohanan, pagkamatuwid at liwanag. Ang salitang “banal” ay angkop lamang kapag ginamit sa Diyos; wala sa nilikha ang karapat-dapat na matawag na banal. Dapat maunawaan iyon ng tao. Ang di-kilalanin kung ano ang tunay na kabanalan ay ang hindi kilalanin ang Diyos. Tanging ang Diyos ang banal, at ito ay ang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan.

0(Mga) Resulta ng Paghahanap