Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Kabanalan ng Diyos (III)

Ikalawang bahagi

Katatapos lamang nating pag-usapan ang tungkol sa kung paano ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang pasamain ang tao, kaya ang susunod nating pagsasamahan ay tungkol sa kung paano gamitin ni Satanas ang siyensiya upang pasamain ang tao. Una, sa paggamit ng siyensiya upang itiwali ang tao, ginagamit ni Satanas ang pangalan ng siyensiya upang bigyang-kasiyahan ang pagkausyoso ng tao, bigyan-kasiyahan ang pagnanais[a] ng tao na saliksikin ang siyensiya at siyasating mabuti ang mga misteryo. Ganoon din sa ngalan ng siyensiya, binigyang-kasiyahan ni Satanas ang materyal na mga pangangailangan ng tao at hinihingi ng tao na tuluy-tuloy na iangat ang kanilang kalidad ng buhay. Si Satanas samakatuwid, sa pangalan nito, ay ginagamit ang daan ng siyensiya upang pasamain ang tao. Ito ba ay iniisip lamang ng tao o kaisipan ng tao na ginagawang masama ni Satanas ang tao sa pamamagitan ng paraan ng siyensya? Sa gitna ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa ating kapaligiran na ating nakikita at na ating nakakasalamuha, sa ano pa ginagamit ni Satanas ang siyensiya upang magpasama? (Ang natural na kapaligiran.) Tama kayo. Tila kayo ay lubhang napinsala nito, at labis din na naapektuhan nito. Maliban sa paggamit ng siyensiya upang linlangin ang tao, ginagamit ang lahat ng iba’t-ibang mga natuklasan at mga konklusyon ng siyensiya upang linlangin ang tao, ginagamit din ni Satanas ang siyensiya bilang isang paraan upang isagawa ang walang pakundangan na pagkawasak at pagsasamantala sa buhay na kapaligiran na ipinagkaloob sa tao ng Diyos. Ginagawa ito nito sa ilalim ng pagkukunwari na kung isasagawa ng tao ang siyentipikong pananaliksik, sa gayon ang buhay na kapaligiran ng tao ay magiging pabuti nang pabuti at ang pamantayan ng pamumuhay ng tao ay patuloy na uunlad, at dagdag pa ang siyentipikong kaunlaran ay ginagawa upang magsilbi sa pang-araw-araw na dumaraming materyal na mga pangangailangan ng tao at patuloy na pangangailangang iangat ang kanilang kalidad ng buhay. Kung hindi sa mga dahilang ito, sa gayon tinatanong nito kung ano ang ginagawa mong pagpapaunlad sa siyensiya sa anumang paraan. Ito ang pang-teoriyang batayan ni Satanas sa pagpapaunlad sa siyensiya. Anong mga kalalabasan, gayunpaman, mayroon ang siyensiya para sa sangkatauhan? Ano ang bumubuo sa ating agarang kapaligiran? Hindi ba’t ang hangin na nilalanghap ng sangkatauhan ay madumi na? Ang tubig bang ating iniinom ay tunay na dalisay pa? (Hindi.) Sa gayon ano ang tungkol sa pagkain na ating kinakain, ang karamihan ba nito ay natural? (Hindi.) Sa gayon ano ito? Ito ay pinalalago gamit ang abono at nililinang gamit ang genetikong pagbabago, at mayroong ding mga pagbabagong dulot nang paggamit ng iba’t-ibang siyentipikong mga pamamaraan, sa gayon kahit na ang mga gulay at prutas na ating kinakain ay hindi na natural. Hindi madali ngayon para sa mga tao na makatagpo nang hindi-nabagong mga produktong pagkain na makakain. Kahit ang lasa ng mga itlog ay hindi na gaya nang dati, dahil naproseso na ni Satanas sa tinaguriang siyensiya. Sa pagtingin sa mas malaking larawan, ang buong kapaligiran ay winasak at dinumihan; mga kabundukan, lawa, kagubatan, ilog, karagatan, at lahat-lahat na nasa ibabaw o ilalim ng lupa ay nasira na nang tinatawag na siyentipikong mga nagawa. Sa ibang salita, ang buong ekolohiya, ang buong buhay na kapaligiran na ipinagkaloob sa tao ng Diyos ay nadumihan at winasak ng tinaguriang siyensiya. Bagaman mayroong maraming mga tao na nakapagkamit nang kung ano ang inaasahan nila sa mga tuntunin sa kalidad ng buhay na kanilang hinahanap, binibigyan-kasiyahan kapwa ang kanilang mga pagkamakasakim at kanilang laman, ang kapaligirang tinitirhan ng tao ay talagang nasira at winasak ng iba’t ibang “mga nagawa” na dulot ng siyensiya. Kahit sa labas o sa ating mga tahanan wala na tayo ngayong karapatang huminga ng isang hinga nang malinis na hangin. Sabihin mo sa Akin, ito ba’y ang dalamhati ng sangkatauhan? Mayroon pa bang anumang kaligayahang mapag-uusapan para ang tao ay mabuhay sa buhay na espasyong ito? Ang tao ay nabubuhay sa buhay na espasyong ito at, simula sa pinakasimula, ang buhay na kapaligirang ito ay nilikha ng Diyos para sa tao. Ang tubig na iniinom ng mga tao, ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang pagkain na kinakain ng mga tao, mga halaman, mga puno, at mga karagatan—ang buhay na kapaligirang ito ay lahat ipinagkaloob sa tao ng Diyos; ito ay natural, tumatakbo ayon sa kautusan ng kalikasan na inilatag ng Diyos. Kung walang siyensiya, at maaaring matamasa ng mga tao kung ano ang ipinagkaloob sa tao ayon sa paraan ng Diyos, maaaring silang maging maligaya at maaaring matamasa ang lahat sa kanyang pinaka-malinis. Ngayon, gayun paman, ang lahat ng ito ay nasira at winasak ni Satanas; ang pangunahing buhay na espasyo ng tao ay wala na sa kanyang pinaka-malinis. Subalit walang sinuman ang nakakapansin kung ano ang nagdulot ng ganitong uri ng kinalabasan o kung paano ito nangyari, at dagdag pa mas maraming mga taong nakakaunawa at lumalapit sa siyensiya sa paggamit ng mga ideya na hinubog sa kanila ni Satanas, at sa pagtingin sa siyensiya gamit ang makamundong mga mata. Hindi ba ito nakakapoot at kahabag-habag? Ngayon na nakuha na ni Satanas ang espasyo na kung saan ang sangkatauhan ay umiiral at ang kanilang buhay na kapaligiran at ginawa silang masama sa ganitong estado, at kasama ang sangkatauhan na nagpapatuloy umunlad sa ganitong paraan, mayroon bang anumang pangangailangan para sa kamay ng Diyos na patayin ang sangkatauhang ito sa lupa na lubhang ginawang masama at naging salungat sa Kanya? Mayroon bang anumang pangangailangan para sa kamay ng Diyos na wasakin ang sangkatauhan? (Wala.) Kung magpapatuloy ang sangkatauhan na umunlad sa ganitong paraan, anong direksyon ang tatahakin nito? (Pagkawasak.) Paano mawawasak ang sangkatauhan? Dagdag pa sa sakim na paghahanap ng tao sa katanyagan at pakinabang, palagi nilang isinasagawa ang siyentipikong pagtutuklas at malalimang pagsasaliksik, sa gayon walang-tigil na binibigyan-kasiyahan nila ang kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at mga kasakiman; ano samakatuwid ang mga kalalabasan para sa tao? Una sa lahat wala ng anumang balanseng ekolohikal at, kasabay nito, ang mga katawan ng sangkatauhan ay lahat namantsahan at napinsala ng ganitong uri ng kapaligiran, at iba’t ibang nakakahawang mga sakit, mga salot at manipis na ulap ay lumaganap sa lahat ng dako. Ito ay isang sitwasyon na ngayon ang tao ay walang kontrol, hindi ba tama iyon? Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung ang sangkatauhan ay di-sumunod sa Diyos, ngunit palaging sinusundan si Satanas sa ganitong paraan—ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang mga sarili, ginagamit ang siyensya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap na buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng paraan upang patuloy na mabuhay—makikilala ba ninyo kung ano ang magiging natural na pagtatapos ng sangkatauhan? Ano ang magiging natural na pangwakas na kalalabasan? (Pagkawasak.) Ito ay pagkawasak: paisa-isang pagdating ng pagkawasak. Paisa-isang pagdating ng pagkawasak! Tila ngayon ang siyensiya ay isang uri ng gayuma at mabagal-kumilos na lason na inihanda ni Satanas para sa tao, upang sa gayon kapag sinubukan ninyong intindihin ang mga bagay-bagay gagawin ninyo ang gayon sa isang mahamog na manipis na ulap; gaano man kahirap ninyong tingnan, hindi ninyo maaaring makita nang malinaw ang mga bagay, at gaano man kahirap mong subukan, hindi ninyo maaaring malalaman ang mga ito. Si Satanas, gayunpaman, ay ginagamit pa rin ang pangalan ng siyensiya upang patakamin kayo at hilahin kayo sa ilong, isang paa nangunguna sa isa, tungo sa kailaliman at tungo sa kamatayan. Hindi nga ba? (Oo.) Ito ang ikalawang paraan.

Ang usapin kung paano ginagamit ni Satanas ang tradisyunal na kultura upang pasamain ang tao ay nangangailangan din ng paliwanag. Maraming pagkakapareho sa pagitan ng tradisyunal na kultura at pamahiin, tanging ang tradisyunal na kultura ay may tiyak na mga kuwento, mga tukoy, at mga pinagmumulan. Nabuo at naimbento na ni Satanas ang maraming kuwentong katutubo o mga kuwento sa mga aklat ng kasaysayan, nag-iiwan sa mga tao nang malalim na impresyon ng tradisyunal na kultura o mga mapamahiing imahe. Halimbawa, ang sa Ang Walong Imortal na Tumatawid ng Dagat ng Tsina, Paglalakbay sa Kanluran, Ang Emperador ng Batong-Luntian, Sinakop ni Nezha ang Haring Dragon, at ang Pagpapatibay ng mga Diyos. Hindi ba ang mga ito ay malalim na nag-ugat sa mga isip ng tao? Kahit na ang ilang mga tao ay hindi nakakaalam ng lahat ng mga detalye, alam pa rin nila ang pangkalahatang mga kuwento, at ang pangkalahatang laman na ito ang dumikit sa iyong puso at dumikit sa iyong isip, at hindi mo makakalimutan ito. Ang mga bagay na ito ang itinayo ni Satanas para sa tao matagal na ang nakalipas, naipakalat na sa iba’t ibang panahon ang mga iba’t ibang mga kaisipan at mga pilosopiya sa buhay. Ang mga ito ay tuwirang nakakapinsala at nakakaagnas sa mga kaluluwa ng tao at inilalagay ang mga tao sa ilalim ng isang gayuma nang paisa-isa. Na ibig sabihin na kapag nasimulan mong tanggapin ang mga bagay na ito na nanggaling sa tradisyunal na kultura, mga kwento o pamahiin, kapag ang mga bagay na ito ay naitatag sa iyong isip, kapag nadikit ito sa iyong puso, ito ay parang isang gayuma—nabibitag ka at naiimpluwensyahan ng mga kulturang ito, ng mga ideyang ito at tradisyunal na mga kuwento. Iniimpluwensyahan nila ang iyong buhay, ang iyong pagtingin sa buhay at iniimpluwensyahan din nila ang iyong paghatol sa mga bagay. Mas higit pa iniimpluwensyahan nila ang pagtugis mo sa tunay na daan ng buhay: Ito ay talagang isang gayuma! Sinusubukan mo ngunit hindi mo maipagpag; tinataga mo sila ngunit hindi mo sila kayang mapabagsak; hinahataw mo sila ngunit hindi mo sila mapatumba. Hindi nga ba? (Oo.) Dagdag pa, pagkatapos na ang tao ay walang kaalam-alam na mapasailalim sa ganitong uri ng gayuma, walang kaalam-alam silang nagsisimulang sumamba kay Satanas, kinakandili ang imahe ni Satanas sa kanilang mga puso. Sa ibang salita, itinatag nila si Satanas bilang kanilang idolo, isang bagay para kanilang sambahin at tingalain, kahit humantong sa pagtrato dito sa parehong paraan na kanilang ginagawa sa Diyos. Walang kaalam-alam, ang mga bagay na ito ay nasa mga puso ng tao na nagkokontrol sa kanilang mga salita at gawa. Wala kang kaalam-alam na kinikilala mo ang pag-iral ng mga kuwentong ito, ginagawa ang mga ito na tunay na mga imahe, ginagawa ang mga ito na tunay na umiiral na mga bagay. Sa hindi pagkakaalam, walang kamalayan mong tinatanggap ang mga ideyang ito at ang pag-iral ng mga bagay na ito. Walang kamalayan mo ring tinatanggap ang mga demonyo, si Satanas at mga idolo sa iyong sariling tahanan at sa iyong sariling puso—isa nga itong gayuma! Pareho ba ang inyong nararamdaman? (Oo.) Mayroon bang sinuman sa inyo ang nakapagsunog na ng insenso at sumamba kay Buddha? (Oo.) Kaya ano ang layunin nang pagsunog ng insenso at pagsamba kay Buddha? (Nananalangin para sa kapayapaan.) kakatwa ba na magdasal kay Satanas para sa kapayapaan? Si Satanas ba ay nagdadala ng kapayapaan? (Hindi.) Kung pag-iisipan ito ngayon, kayo ba ay mangmang noong nakaraan? (Oo.) Ang ganoong uri ng asal ay kakatwa, mangmang at walang muwang, hindi ba? Si Satanas ay hindi maaaring magbigay sa iyo ng kapayapaan. Bakit? Si Satanas ay nag-iisip lamang kung paano ka pasasamain at di-maaaring bigyan ka ng kapayapaan; maaaring bigyan ka lamang nito ng pansamantalang pamamahinga. Subalit dapat kang gumawa ng isang taimtim na pangako at kapag sinira mo ang iyong pangako o sinira ang iyong taimtim na pangako na iyong ginawa dito, samakatuwid makikita mo kung paano ka nito lubhang pahihirapan. Sa pagdadala nito sa iyo na gumawa ng taimtim na pangako, sa katunayan nais nito na kontrolin ka, hindi ba? Nang manalangin kayo para sa kapayapaan, nakamit n’yo ba ang kapayapaan? (Hindi.) Hindi kayo nakatamo ng kapayapaan, subalit sa kabaligtaran nagdala ito ng kasawian, walang katapusang mga kapahamakan at karamihan ng mga kalamidad—tunay na isang walang-hangganang dagat ng kapaitan. Ang kapayapaan ay wala sa sakop ni Satanas, at ito ang katotohanan. Ito ang kalalabasan para sa sangkatauhan ng piyudal na pamahiin at tradisyunal na kultura.

Ang usapin na sinasamantala ni Satanas ang panlipunang uso upang pasamain ang tao ay nangangailangan din ng tiyak na paliwanag. Ang mga panlipunang usong ito ay isinasama ang maraming mga bagay. Sinasabi ng ilan na: “Sila ba ay tungkol sa mga damit na ating sinusuot? Sila ba ay tungkol sa pinakabagong mga moda, mga pagpapaganda, pag-aayos ng buhok, at pagkaing gourmet?” Sila ba’y tungkol sa mga bagay na ito? Ang mga ito ay isang bahagi ng mga uso, subalit hindi natin nais pag-usapan ang mga ito dito. Nais lamang nating pag-usapan ang tungkol sa mga ideya na dinadala ng panlipunang uso para sa mga tao, ang paraan na kanilang dinudulot sa mga tao sa pangangasiwa ng kanilang mga sarili sa mundo, ang mga layunin sa buhay at pagtingin na kanilang dinudulot sa mga tao. Ang mga ito ay napakahalaga; maaari nilang kontrolin at impluwensyahan ang pag-iisip ng tao. Isa-isa, ang lahat ng mga usong ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na lagi nang nagpapalubha sa tao, na nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kanilang kalidad ng karakter nang mas higit pa, hanggang sa masabi natin na karamihan ng mga tao ngayon ay walang katapatan, walang kabaitan, ni wala din silang anumang konsensya, at higit na walang anumang katuwiran. Kaya ano ang mga usong ito? Hindi mo nakikita ang mga usong ito ng karaniwang mata lamang. Kapag ang hangin ng isang uso ay umihip, marahil tanging maliit na bilang ng mga tao ang magiging mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng ganitong uri ng bagay, tinatanggap ang ganitong uri ng ideya o ganitong uri ng perspektibo. Ang karamihan ng mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalang-kamalayan, ay patuloy na nahahawahan, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng uso, hanggang sa silang lahat ay walang kaalam-alam at hindi-kinukusang tumanggap nito, at lahat ay nakalubog at kontrolado nito. Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman alam kung ano ang katotohanan, na hindi maaaring makapagsabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, ang mga ganitong uri ng uso isa-isa ay ginagawa silang lahat na tanggapin nang maluwag sa kalooban ang mga usong ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pilosopiya sa buhay at mga kahalagahan na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at ang paraang mabuhay na “iginawad” sa kanila ni Satanas. Wala silang lakas, ni wala silang kakayanan, lalo na ang kamalayang tumutol. Kaya ano sa lupa ang mga usong ito? Nakapulot ako ng isang simpleng halimbawa na maaari ninyong maunawaan. Halimbawa, ang mga tao nang nakaraan ay pinatatakbo ang kanilang mga negosyo sa paraang hindi nangloloko ng matanda o bata, at binebenta ang mga bagay sa parehong presyo hindi alintana kung sino ang bumibili. Ang pahiwatig ba ng konsensya at kabaitan ay naipapahatid dito? Nang ginamit ng mga tao ang ganitong uri ng kredo kapag nagsasagawa ng kanilang negosyo, maaari ba nating masabi na sila ay mayroon pa ring ilang konsensya, kaunting kabaitan sa panahong iyon? (Oo.) Ngunit sa pangangailangan ng tao para sa kailanmang pagtaas ng halaga ng pera, ang mga tao ay walang kaalam-alam na minahal ang pera, nagmahal sa pakinabang at nagmahal nang higit pa at mas sa kasiyahan. Sa gayon tiningnan ba ng mga tao ang pera bilang mas mahalaga? Nang tingnan ng mga tao ang pera bilang mas mahalaga, walang kaalam-alam nilang pinababayaan ang kanilang reputasyon, kanilang kabantugan, karangalan, at katapatan; pinababayaan nila ang lahat ng mga bagay na ito, hindi ba? Kapag nakisali ka sa negosyo, nakikita mo ang ibang tao na gumagawa ng ibang mga pakikitungo at gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang dayain ang mga tao at maging mayaman. Bagaman ang pera na kinita ay nakaw, sila’y yumayaman nang yumayaman. Ang buong pamilya nila ay nakikisali sa parehong negosyo gaya nang sa iyo, subalit tinatamasa nila ang buhay nang mas higit kaysa sa iyo, at masama ang loob mo, nagsasabing: “Bakit hindi ko magawa ang gayon? Bakit hindi ako kumikita nang katulad sa kanila? Dapat akong makagawa ng paraan upang magkaroon nang mas maraming pera, upang gawing masagana ang aking negosyo.” Sa gayon pag-iisipan mo ito. Ayon sa karaniwang paraan ng pagkita ng pera, ang hindi pagdaya sa matanda man o bata at sa pagbebenta ng mga bagay sa kaparehong presyo para sa lahat, ang perang nakukuha mo ay ayon sa mabuting konsensya, subalit hindi ka agad mapapayaman nito. Gayunpaman, sa ilalim ng udyok na magkaroon ng tubo, ang iyong pag-iisip ay sasailalim sa isang dahan-dahang pagbabago. Sa panahon ng pagbabagong ito, ang mga prinsipyo mo ng pag-uugali ay nagsisimula ring magbago. Kapag una mong nilinlang ang isang tao, kapag una mong dinaya ang isang tao, mayroong kang mga pasubali, nagsasabi “Ito ang huling pagkakataon na dadayain ko ang isang tao at hindi ko na ito uulitin. Hindi ako maaaring mandaya ng mga tao. Ang pandaraya ng mga tao ay magtatamo lamang ng ganti at magdadala ng kapahamakan sa akin! Ito ang huling pagkakataon na dadayain ko ang isang tao at hindi ko na ito uulitin.” Kapag una kang nandaya ng isang tao, ang iyong puso ay may ilang pag-aatubili; ito ang gawain ng konsensya ng tao—ang magkaroon ng pag-aatubili at sisihin ka, sa gayon nararamdaman nito ang di-natural kapag nandaya ka ng isang tao. Subalit matapos mong matagumpay na dayain ang isang tao makikita mo na ngayong mayroon ka nang mas maraming pera kaysa dati, at iisipin mo na ang paraang ito ay maaaring maging mas kapaki-pakinabang para sa iyo. Sa kabila ng bahagyang sakit sa iyong puso, nais mo pa ring batiin ang iyong sarili sa iyong “tagumpay,” at nararamdaman mo ang isang pagkalugod sa iyong sarili. Sa unang pagkakataon, sinasang-ayunan mo ang iyong sariling pag-uugali at sinasang-ayunan ang iyong sariling pandaraya. Pagkatapos, kapag ang tao ay nahawahan ng ganitong pandaraya, pareho ito sa isang tao na nasangkot sa pagsusugal at sa gayon ay naging isang sugarol. Sa kawalan ng kabatiran, sinasang-ayunan niya ang kanyang mapandayang pag-uugali at tinatanggap ito. Sa kawalan ng kabatiran, inilalagay nito ang pandaraya sa isang lehitimong pang-negosyong pag-uugali, at ginagawa ang pandaraya na maging isang pinaka-kapaki-pakinabang na paraan para sa kanyang kaligtasan ng buhay at sa kanyang buhay; iniisip niya na sa paggawa nito maaari siyang mabilis na yayaman. Sa simula ng prosesong ito hindi matatanggap ng mga tao ang ganitong uri ng pag-uugali, mababa ang tingin nila sa ganitong pag-uugali at sa ganitong paraan nang pagsasagawa ng mga bagay, hanggang sa kanilang subukan ito at pag-eksperimentuhan sa sarili nilang paraan, personal at unang karanasan, at pagkatapos ang kanilang mga puso ay nagsisimulang dahan-dahang magbago. Sa gayon ano ang pagbabagong ito? Ito ay ang pagsang-ayon at pagtanggap sa usong ito, isang pagtanggap at pagsang-ayon sa uring ito ng ideya na naihubog sa iyo ng panlipunang uso. Sa kawalan ng kabatiran, pakiramdam mo na kapag hindi ka nandaya sa negosyo samakatuwid magdurusa ka ng maraming pagkalugi, na kapag hindi ka nandaya sa gayon mawawalan ka ng isang bagay. Walang kaalam-alam, ang ganitong pandaraya ang nagiging iyong pinaka-kaluluwa, ang iyong pangunahing sandigan, at nagiging isang uri ng pag-uugali na kailangang-kailangan na panuntunan ng iyong buhay. Matapos tanggapin ng tao ang ganitong pag-uugali at ganitong pag-iisip, ang puso ba ng tao ay sumasailalim sa isang pagbabago? Ang iyong puso ay nagbago, sa gayon ang iyo bang katapatan ay nagbago? Ang iyo bang pagkatao ay nagbago? (Oo.) Sa gayon ang iyong konsensya ba ay nagbago? (Oo.) Ang kabuuan ng tao ay sumasailalim sa isang dekalidad na pagbabago mula sa kanilang puso tungo sa kanilang mga pag-iisip, sa naturang isang lawak na sila ay nababago mula sa loob at papalabas. Ang pagbabagong ito ay naglalagay sa iyo nang karagdagan at karagdagang layo sa Diyos, at ikaw ay nagiging mas higit at higit na umaayon kay Satanas, higit at mas higit na kapareho nito.

Ngayon ang mga panlipunang usong ito ay madali para sa iyo na maunawaan. Pumili lamang ako ng isang simpleng halimbawa, isang karaniwang nakikitang halimbawa na pamilyar sa mga tao. Ang mga panlipunang usong ito ay may malaking impluwensya ba sa mga tao? (Oo!) Ang mga panlipunang usong bang ito ay may malalim na impluwensya sa mga tao? (Oo!) Isang napakalalim na mapinsalang epekto sa mga tao. Ginagamit ni Satanas nang isa-isa ang mga panlipunang usong ito upang pasamain ang ano sa tao? (Konsensya, katuwiran, pagkatao, mga moral.) Ano pa? (Ang pananaw ng tao sa buhay.) Naging sanhi ba sila nang unti-unting pagkabulok ng mga tao? (Oo.) Ginagamit ni Satanas ang mga panlipunang usong ito upang paisa-isang akitin ang mga tao sa pugad ng mga demonyo, sa gayon ang mga taong naiipit sa panlipunang uso ay walang kaalam-alam na magtataguyod ng pera at materyal na mga pagnanasa, gayundin magtataguyod ng kasamaan at karahasan. Sa sandaling ang mga bagay na ito ay makapasok sa puso ng tao, ano sa gayon magiging ang tao? Ang tao ay magiging ang demonyong Satanas! Ito ay dahilan sa anong sikolohikal na pagkahilig sa puso ng tao? Ano ang itinataguyod ng tao? Nasisimulang magustuhan ng tao ang kasamaan at karahasan. Ayaw nila ng kagandahan at kabaitan, kahit ang kapayapaan. Ang mga tao ay hindi handang mamuhay nang simpleng buhay ng normal na pagkatao, subalit sa halip nais na tamasahin ang mataas na estado at malaking kayamanan, ang magkatuwaan sa mga aliw ng laman, hindi nagtitipid sa pagsisikap upang bigyan-kasiyahan ang sarili nilang laman, na walang mga paghihigpit, walang mga gapos na pipigil sa kanila, sa ibang salita magagawa ang anumang naisin nila. Sa gayon kapag ang tao ay nalubog sa ganitong mga uri ng mga uso, maaari bang ang kaalaman na natutunan mo ay makatulong sa iyo na makalaya? Maaari bang ang tradisyunal na kultura at mga pamahiin na alam mo ay makatulong sa iyo na itapon itong katakut-takot na mahigpit na kalagayan? Maaari bang ang tradisyunal na mga moral at tradisyunal na seremonya na nauunawaan ng tao ay makatulong sa kanila na magsanay ng pagpipigil? Kuning halimbawa, Ang Tatlong Klasikong Karakter. Matutulungan ba nito ang mga tao na hilahing paalis ang kanilang mga paa mula sa kumunoy[b] ng mga usong ito? (Hindi, hindi maaari.) Sa ganitong paraan, ang tao ay nagiging mas higit na ano? Higit na mas masama, mayabang, magpakababa, makasarili, at malisyoso. Wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga tao, wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, wala nang anumang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kamag-anak at mga kaibigan; ang pantaong mga ugnayan ay napuno ng pandaraya, puno ng karahasan. Bawat iisang tao ay nagnanais gamitin ang pandarayang mga paraan at mararahas na mga pamamaraan upang mabuhay sa gitna ng kanilang kapwa tao; sila’y nagsisinungaling, nandadaya at nagiging marahas upang samsamin ang sarili nilang kabuhayan; nananalo sila sa kanilang mga posisyon at nakakamit ang sarili nilang mga pakinabang gamit ang karahasan at ginagawa nila ang anumang naisin nila gamit ang marahas at masamang mga paraan. Hindi ba nakakatakot ang ganitong pagkatao? (Oo.) Matapos madinig Akong magsalita tungkol sa mga bagay na ito ngayon lamang, hindi mo ba naiisip na nakakatakot na mamuhay sa gitna ng uri na ito ng karamihan ng mga tao, sa ganitong mundo at sa ganitong kapaligiran na ginawang masama ni Satanas? (Oo.) Sa gayon kailanma’y naramdaman n’yo na ba ang inyong mga sarili na kahabag-habag? Dapat maramadaman ninyo ito nang kaunti ngayon. (Oo.) Sa pagkarinig sa inyong tono, tila iniisip ninyo na “ginagamit ni Satanas ang napakaraming iba-ibang mga paraan upang pasamain ang tao. Kinukuha nito ang bawat pagkakataon at nasa lahat ng dako na ating binabalingan. Maaari pa bang maligtas ang tao?” May anumang pag-asa pa ba para sa sangkatauhan? Maaari bang mailigtas ng tao ang kanilang mga sarili? (Hindi.) Maaari bang maligtas ng Emperador na- Batong-Luntian ang tao? Maaari bang maligtas ni Confucious ang tao? Maari bang maligtas ni Guanyin Bodhisattva ang tao? (Hindi.) Sa gayon sino ang maaaring magligtas sa tao? (Ang Diyos.) Ilang mga tao, gayunpaman, ay itataas sa kanilang puso ang mga tanong na gaya ng: “Pinipinsala tayo ni Satanas nang napakarahas, talagang nakakagalit na wala tayong pag-asang mabuhay, ni magkaroon ng anumang tiwala sa pamumuhay. Tayong lahat ay nabubuhay sa gitna ng kasamaan at gayon pa man bawat iisang tao ay tumututol sa Diyos, sa gayon ang ating mga puso ay ganap nang nanlamig ngayon. Kaya habang ginagawa tayong masama ni Satanas, nasaan ang Diyos? Ano ang ginagawa ng Diyos? Anuman ang ginagawa ng Diyos para sa atin kailanman’y hindi natin naramdaman iyon!” Ilang mga tao ang hindi maiwasang hindi magdusa ng ilang kawalan, at hindi maiwasang hindi maramdamang halos masiraan ng loob. Sa inyo, ang pandamang ito, ang pakiramdam na ito ay napakalalim sapagkat lahat ng aking nasabi na ay upang gawin ang mga tao na unti-unting maintindihan, maramdaman nang higit at mas higit pa na sila ay walang pag-asa, na maramdaman na higit at mas higit pa na sila ay tinalikdan ng Diyos. Subalit huwag mag-alala. Ang ating pagsasamahang paksa para sa araw na ito, “ang kasamaan ni Satanas,” ay hindi ang ating tunay na tema. Upang pag-usapan ang tungkol sa kakanyahan ng kabanalan ng Diyos, gayunpaman, dapat muna nating pag-usapan kung paano pinasama ni Satanas ang tao at ang kasamaan ni Satanas upang mas maging malinaw sa mga tao kung anong uri ng kondisyon nandoroon ang sangkatauhan ngayon at eksaktong kung hanggang saan naging masama ang tao. Ang isang layunin ng pag-uusap tungkol dito ay upang hayaan ang mga tao na malaman ang kasamaan ni Satanas, habang ang isang layunin ng pag-uusap tungkol dito ay upang mas malaliman na maunawaan kung ano ang tunay na kabanalan. Naiintindihan na ninyo ito ngayon, hindi ba?

Ang mga bagay bang ito na kasasabi ko pa lamang ay mas detalyado kaysa nang nakaraan? (Oo.) Kaya ang pagkaunawa ba ninyo ngayon ay mas may kaunting kalaliman, samakatuwid? (Oo.)

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasa “pagbibigay kasiyahan sa tao sa pagsaliksik ng siyensiya at masusing pananaliksik sa mga hiwaga.”

b. Ang orihinal na teksto ay nilalaktawan “ang kumunoy ng.”

0(Mga) Resulta ng Paghahanap