Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Recital-latest-expression-6
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Awtoridad ng Diyos (II)

Ikalimang bahagi

Kamatayan: Ang Ikaanim na Sugpungan

Matapos ang kayraming pagtutulakan at pagmamadalian, napakaraming mga pagkadismaya at mga kabiguan, matapos ang napakaraming galak at kalungkutan at mga tagumpay at mga kabiguan, matapos ang napakaraming di-malilimutang mga taon, matapos ang pagmasid sa mga panahon na umiikot muli’t muli, ang isa ay dumadaan sa mahahalagang mga pangyayari sa buhay na hindi napapansin, at lahat sa isang iglap natatagpuan ng isa ang kanyang sarili sa humihinang mga taon. Ang mga marka ng panahon ay nakatatak sa lahat ng bahagi ng katawan ng isang tao: Ang isa’y hindi na makatayo nang tuwid, ang ulo na may itim na buhok ay nagiging puti, ang mga maliliwanag at malinaw na mga mata ay nagdidilim at nanlalabo, ang makinis, malambot na balat ay nagiging kulubot at batik-batik. Ang pandinig ng isa ay humihina, ang mga ngipin ay lumuluwag at nalalaglag, ang mga reaksyon ay naaantala, ang mga kilos ay bumabagal…. Sa puntong ito, ang isa ay ganap na nakapagpaalam na sa masidhing mga taon ng kanyang kabataan at pumasok na sa takipsilim ng kanyang buhay: ang katandaan. Susunod, kakaharapin ng isa ang kamatayan, ang huling sugpungan sa pantaong buhay.

1. Tanging ang Manlilikha ang may Kapangyarihan sa Buhay at Kamatayan ng Tao

Kung ang kapanganakan ng isa ay naitadhana ng nakaraan niyang buhay, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng kahihinatnang yaon. Kung ang kapanganakan ng isa ay simula ng isang misyon sa buhay na ito, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng misyong yaon. Yamang ang Manlilikha ang nagtadhana ng isang nakapirming hanay ng mga pangayayari para sa kapanganakan ng isang tao, malinaw na Siya rin ang nagsaayos ng isang pirming hanay ng mga pangyayari para sa kamatayan ng isa. Sa ibang salita, walang sinuman na ipinanganak na nagkataon lang, ang kamatayan ng isa ay hindi inaasahan, at kapwa ang kapanganakan at kamatayan ay kinakailangang konektado sa nakaraan at kasalukuyang buhay ng isang tao. Ang mga pangyayari ng kapanganakan at kamatayan ng isa ay kapwa naitadhana ng Manililikha; ito ang kahihinatnan ng isang tao, ang kapalaran ng isang tao. Gaya ng maraming masasabi tungkol sa kapanganakan ng isa, bawat kamatayan ng tao ay magaganap sa ilalim ng magkakaibang hanay ng espesyal na mga pangyayari, kung kaya may magkakaibang mga haba ng buhay ang mga tao at magkakaibang mga kaparaanan at mga oras ng kanilang mga kamatayan. May ilang mga tao na malakas at malusog ngunit namamatay nang maaga; ang mga iba ay mahina at masasaktin ngunit nabubuhay hanggang sa tumanda, at namamatay nang mapayapa. Ang ilan ay namamatay sa di-natural na mga sanhi, ang iba’y sa natural. Ang ilan ay tinatapos ang kanilang mga buhay nang malayo sa tahanan, ang iba’y ipinipikit ang mga mata kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang ilang tao ay namamatay sa kalagitnaan ng himpapawid, ang iba’y sa ilalim ng lupa. Ang ilan ay lumulubog sa ilalim ng tubig, ang iba’y nawawala sa mga kapahamakan. Ang ilan ay namamatay sa umaga, ang iba sa gabi. … Ang lahat ay nagnanais ng isang tanyag na kapanganakan, isang maningning na buhay, at isang maluwalhating kamatayan, subalit walang sinuman ang makakalampas sa sarili niyang tadhana, walang sinuman ang maaaring makatakas sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Ito ang pantaong kapalaran. Ang tao ay maaaring gumawa ng lahat ng uri ng mga plano para sa kanyang kinabukasan, subalit walang sinuman ang maaaring makapagplano ng kaparaanan at panahon ng kanyang kapanganakan at ng kanilang pag-alis mula sa mundo. Bagaman ginagawa ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya upang iwasan at tutulan ang pagdating ng kamatayan, datapwat ganoon pa rin, hindi lingid sa kanila, ang kamatayan ay matahimik na darating. Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan sila mamamatay o kung paano sila magkakaganoon, higit pang lalo kung saan magaganap iyon. Nang walang alinlangan, hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi ng ilang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Manlilikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, subalit isang kinahinatnan ng kapangyarihan ng awtoridad ng Manlilikha.

2. Ang Isa na Hindi Nakakaalam sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ay Magiging Masidhi sa Takot sa Kamatayan

Kapag ang isa ay pumasok sa katandaan, ang hamon na kinakaharap niya ay hindi ang paglalaan para sa isang pamilya o pagtatatag niya ng maringal na mga ambisyon sa buhay, subalit kung paano mamamaalam sa sariling buhay, kung paano kakatagpuin ang pagtatapos ng sariling buhay, kung paano tutuldukan sa katapusan ang sariling pag-iral. Bagaman sa ibabaw tila ang mga tao ay nagbibigay ng maliit na atensyon sa kamatayan, walang sinuman ang maaaring makaiwas na galugarin ang paksa, pagkat walang sinuman ang nakakaalam kung may isa pa ngang mundo sa malayong gilid ng kamatayan, isang mundo na hindi maaaring mahiwatigan o maramdaman, isa na wala silang alam. Ito ang sanhi ng takot sa tao upang tuwirang harapin ang kamatayan, takot na kaharapin ito nang nararapat, at sa halip gagawin nila ang lahat upang maiwasan ang paksa. At kung kaya pinupuno nito ang mga tao ng pangamba tungkol sa kamatayan, at nagdadagdag ng belo ng misteryo sa di-maiiwasang katotohanang ito ng buhay, naglalagay ng isang walang-puknat na anino sa bawat puso ng tao.

Kapag nararamdaman ng isa na ang kanyang katawan ay nanghihina na, kapag nadadama ng isa na siya ay papalapit na sa kamatayan, ang isa ay nakakaramdam ng malabong pangamba, isang di-maipahayag na takot. Ang takot sa kamatayan ay nagpapadama sa isa ng mas matindi pang kalungkutan at kawalang-magawa, at sa puntong ito tinatanong ng isa sa sarili: Saan nanggaling ang tao? Saan papunta ang tao? Sa ganito ba mamamatay ang tao, na ang buhay ay madaling lumipas sa kanya? Ito ba ang yugto na nagtatakda sa katapusan ng buhay ng tao? Ano, sa katapusan, ang kahulugan ng buhay? Ano ang halaga ng buhay, sa wakas? Tungkol ba ito sa katanyagan o karangyaan? Tungkol ba ito sa pagpapalaki ng isang pamilya? ... Hindi alintana anuman ang napag-iisipan tungkol sa tiyak ng mga katanungan, hindi alintana kung gaano kalalim ang takot ng isa sa kamatayan, sa mga kaibuturan ng puso ng bawat tao may palaging isang pagnanais na siyasating maigi ang mga misteryo, isang damdamin ng kawalang pagkaunawa sa buhay, at kahalo ng mga ito, pagkasentimental tungkol sa mundo, isang pag-aatubili na lumisan. Marahil walang sinuman ang makakapagbigkas nang malinaw kung ano ang kinatatakutan ng tao, kung ano ang nais siyasatin ng tao, kung ano ang dinaramdam niya at kung ano ang pinag-aatubilihan niyang iwan. …

Dahil sa takot nila sa kamatayan, ang mga tao ay masyadong nag-aalala; dahil sa takot nila sa kamatayan, kaydami nang hindi nila maaaring bitawan. Kapag sila ay mamamatay na, may ilang mga tao ang naliligalig sa ganito o sa ganoon; nag-aalala sila tungkol sa kanilang mga anak, mga minamahal nila sa buhay, kanilang kayamanan, na para bang sa pamamagitan ng pag-aalala mabubura nila ang paghihirap at pangamba na dinadala ng kamatayan, na para bagang sa pagpapanatili ng isang uri ng pagkamalapit sa nabubuhay maaari nilang matakasan ang kawalang-magawa at kalungkutan na sumasama sa kamatayan. Sa kailaliman ng pantaong puso doon nakahimlay ang isang unang takot, isang takot nang pagkakalayo mula sa mga minamahal, na hindi kailanman muling makikita ng mga mata ang mga bughaw na kalangitan, na kailanman hindi na matitingnan ang materyal na mundo. Ang isang nalulungkot na kaluluwa, sanay na kasama ang mga minamahal, ay nag-aatubili na pakawalan ang hawak nito at lumisan, na nag-iisa, tungo sa isang di-nakikilala, hindi pamilyar na mundo.

3. Ang Buhay na Iginugol sa Paghahanap ng Katanyagan at Yaman ay Mag-iiwan sa Isa sa Katarantahan sa Harap ng Kamatayan

Dahil sa dakilang kapangyarihan at pagtatadhana ng Manlilikha, ang isang nalulungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang anuman sa pangalan niya ay magtatamo ng mga magulang at isang pamilya, ang pagkakataon na maging kaanib ng sangkatauhan, ang pagkakataon na maranasan ang pantaong buhay at makita ang mundo; at matatamo rin ang pagkakataon na maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, malaman ang kahanga-hangang paglikha ng Manlilikha, at higit sa lahat, ang malaman at mapasailalim sa awtoridad ng Manlilikha. Subalit karamihan sa mga tao ay hindi tunay na iniintindi ang pambihira at napaparam na pagkakataong ito. Ang isa’y umuubos ng isang panghabambuhay na halaga ng enerhiya sa paglaban sa kapalaran, ginugugol ang lahat ng kanyang panahon sa pagsubok na buhayin ang kanyang pamilya at nagpapabalik-balik sa pagitan ng kayaman at katayuan. Ang mga bagay na pinakaiingat-ingatan ng mga tao ay ang pamilya, salapi, at katanyagan; tinitingnan nila ang mga bagay na ito bilang pinakamahahalagang mga bagay sa buhay. Lahat ng mga tao ay nagrereklamo tungkol sa kanilang mga kapalaran, datapwat itinutulak pa rin nila sa likod ng kanilang mga isip ang mga katanungan na pinakamahalagang suriin at unawain: bakit ang tao ay buhay, paano dapat mamuhay ang tao, ano ang kahalagahan at kahulugan ng buhay. Lahat ng kanilang buhay, gaano man kadaming taon ang mga iyon, ay minamadali lang nila sa paghanap ng katanyagan at mabuting kapalaran, hanggang sa ang kabataan nila ay lumipad, hanggang sila ay maging matanda na at kulubot; hanggang sa makita nila na hindi mahihinto ng katanyagan at mabuting kapalaran ang pagdausdos tungo sa pagkahuklob, na ang salapi ay hindi maaaring punan ang kahungkagan ng puso; hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang malilibre mula sa batas ng kapanganakan, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, na walang sinuman ang maaaring makatakas kung ano ang inilaan sa kanila ng kapalaran. Tanging kapag napilitan silang harapin ang huling sugpungan ng buhay doon lamang nila tunay na mauunawaan na kahit na magmay-ari ang isa ng mga milyones na ari-arian, kahit na ang isa ay mapribilehiyo at may mataas na ranggo, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan, bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya. Kapag ang isa ay may mga magulang, naniniwala siya na ang kanyang mga magulang ay ang lahat-lahat; kapag ang isa ay may ari-arian, naiisip ng isa na ang salapi ay pangunahing sandigan niya, na ito’y bagay na mahalaga sa buhay; kapag ang mga tao ay may katatayuan, mahigpit ang pagkapit nila dito at ipagsasapalaran nila ang kanilang mga buhay dahil dito. Tanging kapag pinakawalan na ng mga tao ang mundong ito doon lamang nila matatanto na ang mga bagay na pinaggugulan ng kanilang mga buhay na tugisin ay balewala ngunit lumilipas na mga ulap, wala na kung saan maaari nilang mapanghawakan, wala na kung saan maaari nilang isama ang mga ito, wala na kung saan maaaring malibre sila mula sa kamatayan, wala na kung saan maaaring magbigay ng kasama o aliw sa isang malungkot na kaluluwa sa pagbalik nito; at ang pinakamababa sa lahat, wala na kung saan maaari magbigay sa tao ng kaligtasan, payagan silang mapangibabawan ang kamatayan. Ang katanyagan at mabuting kapalaran na natamo ng isang tao sa materyal na mundo ay maaaring makapagbigay sa isa ng panandaliang kasiyahan, lumilipas na pagtatamasa, isang huwad na damdamin ng kaluwagan, ginagawa ang isa na mawala sa landas. At kung kaya ang mga tao, habang sila’y kumukuwag-kuwag sa malawak na dagat ng sangkatauhan, nananabik sa kapayapaan, kaginhawahan, at kapanatagan ng puso, ay muli’t muling nadadala sa ilalim ng mga alon. Kapag kinailangan pa ng mga tao na malaman kung ang mga katanungan na pinakamahalagang maunawaan—kung saan sila nanggaling, bakit sila buhay, saan sila papunta, at iba pa—sila ay naaakit ng katangyagan at mabuting kapalaran, inililigaw, nakokontrol ng mga ito, di-mababawing mawala. Mabilis lumipas ang panahon; ang mga taon ay dumadaan sa isang kisapmata; bago pa matanto ng isa, ang isa ay nakapagpaalam na sa pinakamaiinam na taon ng kanyang buhay. Kapag ang isa ay malapit nang lumisan mula sa mundo, ang isa ay darating sa unti-unting pagkatanto na ang lahat-lahat sa mundo ay inaanod, na walang sinuman ang maaari makahawak sa mga inaari niya; sa gayon tunay na nararamdaman ng isa na siya ay walang kahit anong pag-aari, tulad ng isang tumataghoy na sanggol na kalalabas lang sa mundo. Sa puntong ito, ang isa ay napipilitang pag-isipan kung ano ang nagawa niya sa buhay, ano ang kabuluhan ng pagiging buhay, ano ang kahulugan nito, bakit ang isa ay naparito sa mundo; at sa puntong ito, ang isa ay mas tumataas ang kagustuhan na malaman kung tunay na may buhay sa kabiling buhay, kung tunay na umiiral ang Langit, kung talagang mayroong kabayaran…. Mas papalapit ang isa sa kamatayan, mas higit na nais ng isang taong maunawaan kung tungkol saan talaga ang buhay; mas papalapit ang isa sa kamatayan, tila mas walang laman ang puso ng isa; mas papalapit ang isa sa kamatayan, mas kawalang-magawa ang nararamdaman ng isa; at kaya ang takot ng isa sa kamatayan ay palaki nang palaki sa bawat araw. May dalawang kadahilanan kung bakit ang mga tao ay kumikilos sa ganitong paraan habang papalapit sila sa kamatayan: Una, malapit nang mawala sa kanila ang katanyagan at kayamanan na kung saan ang buhay nila ay kanilang iniasa, na kanilang iiwan na ang lahat-lahat na nakikita sa mundo; at ikalawa, kakaharapin na nila, nang mag-isa, ang isang hindi pamilyar na mundo, isang misteryoso, di-kilalang kaharian na kung saan sila ay natatakot pumunta, na kung saan wala silang mga mahal sa buhay at walang susuporta. Dahil sa dalawang kadahilanang ito, lahat ng humaharap sa kamatayan ay di-mapalagay, nakakaranas ng sindak at isang damdamin ng kawalang-magawa na hindi nila kailanman napag-alaman dati. Tanging kapag ang mga tao ay talagang nakarating sa puntong ito doon lamang nila matatanto na ang unang bagay na dapat maunawaan ng isa, kapag umapak siya sa mundong ito, ay kung saan nanggaling ang mga tao, bakit ang mga tao ay buhay, sino ang nagdidikta ng pantaong kapalaran, sino ang nagbibigay at may kapangyarihan sa pag-iral ng tao. Ang mga ito ang tunay na mahahalaga sa buhay, ang pangunahing batayan para sa kaligtasan ng tao, hindi ang pagkatututo kung paano paglaanan ang sariling pamilya, o kung paano makakamtan ang kantayagan at kayamanan, hindi ang matutunan kung paano mamukod-tangi sa karamihan ng tao o mabuhay sa isang mas marangyang pamumuhay, mas lalo pa ang matutunan kung paano mahihigitan o matagumpay na makikipagpaligsahan sa iba. Bagaman ang iba’t-ibang kasanayang para sa kaligtasan ng buhay na pinaggugulan ng mga tao na makabisado sa kanilang buhay ay maaaring makapaghandog ng isang kasaganaan sa mga materyal na mga kaaliwan, sila ay di-kailanman nakapagdadala sa puso ng isa ng tunay na kapayapaan at kasiyahan, sa halip ay patuloy na ginagawa ng mga tao na mawala sa kanilang direksyon, mahirapan sa pagkontrol ng kanilang mga sarili, magmintis sa bawat pagkakataon na matutunan ang kabuluhan ng buhay; at sila’y naglilikha ng mga ligalig ng gulo tungkol sa kung paano ang wastong pagharap sa kamatayan. Sa ganitong paraan, ang mga buhay ng tao ay nawawasak. Tinatrato ng Manililikha ang lahat nang patas, binibigyan ang bawat isa ng isang panghabambuhay na mga pagkakataon na maranasan at makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, datapwat tanging kapag papalapit na ang kamatayan, kapag ang multo ng kamatayan ang nakasabit na sa ibabaw ng isang tao, doon lamang nakikita ng isa ang liwanag—at sa gayon ay huli na.

Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa pagtugis sa salapi at katanyagan; mahigpit nilang hawak ang mga kapiranggot na ito, iniisip na ang mga ito ang tanging mga paraan ng suporta, na parang kung mayroon sila nito maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malillibre sa kamatayan. Subalit kung malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadali mabasag, kung gaano kalungkot at kawalang-magawa sila, na walang mapagbabalingan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi maaaring mabili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng mga tao ay pantay-pantay na mahihirap at di-makatwiran sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na ang pera ay di-maaaring makabili ng buhay, na ang katanyagan ay di-maaaring makabura sa kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-maaaring makapagpahaba ng buhay ng isang tao kahit na ng isang minuto, ng isang segundo. Mas ganito ang nararamdaman ng mga tao, mas lalo nilang nanaising patuloy na mabuhay; mas ganito ang maramdaman ng mga tao, mas katatakutan nila ang pagsapit ng kamatayan. Tanging sa punto lang na ito tunay na mapagtanto nila na ang kanilang mga buhay ay hindi sa kanila, na hindi sa kanila upang makontrol, at na walang sinuman ang makapagsasabi kung siya ay mabubuhay o mamamatay, na ang lahat ng mga ito ay labas sa kanyang kontrol.

0(Mga) Resulta ng Paghahanap