Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Pinakabagong mga Pagbigkas mula sa Makapangyarihang Diyos

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pinakabagong mga Pagbigkas mula sa Makapangyarihang Diyos

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Pagpapatuloy ng Ikalawang bahagi

Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.” Mayroon bang praktikal na bahagi sa pangungusap na ito? Nakikita ba ninyo ang praktikal na bahagi nito? Ang bawat isang bagay na sinasabi ng Diyos ay nanggagaling mula sa Kanyang puso, kaya bakit Niya sinabi ito? Paano ninyo uunawain ito? Maaari ninyong maintindihan ang kahulugan ng pangungusap na ito ngayon, ngunit sa panahong iyon hindi kasingdami ng tao ang nakaintindi sapagkat kalalabas pa lamang ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan. Para sa kanila, ang paglabas mula sa Sabbath ay isang bagay na napakahirap gawin, bukod sa pagkaunawa kung ano ang isang totoong Sabbath.

Ang pangungusap na “ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” ay nagsasabi sa mga tao na ang lahat sa Diyos ay hindi kinakailangan, at bagamat maipagkakaloob ng Diyos ang lahat ng iyong mga materyal na pangangailangan, sa sandaling ang iyong mga materyal na pangangailangan ay naging sapat, mapapalitan ba ng kasiyahan mula sa mga bagay na ito ang iyong paghahangad sa katotohanan? Yaon ay malinaw na hindi mangyayari! Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya na ating pinagsamahan ay kapwa ang katotohanan. Ito ay hindi masusukat sa pamamagitan ng mabigat na halaga ng mga materyal na bagay o ang halaga nito ay maaaring masukat sa pamamagitan ng salapi, dahil ito ay hindi isang materyal na bagay, at tinutustusan nito ang mga pangangailangan sa puso ng bawat isang tao. Para sa bawat isang tao, ang halaga nitong mga katotohanang hindi nahahawakan ay dapat na higit kaysa sa halaga ng anumang mga materyal na bagay na sa tingin mo ay mainam, tama? Ang pananalitang ito ay isang bagay na dapat ninyong pag-isipang mabuti. Ang pangunahing punto ng Aking sinabi ay na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos at ang lahat sa Diyos ay ang pinakamahalagang mga bagay para sa bawat isang tao at ang mga ito ay hindi mapapalitan ng anumang materyal na bagay. Bibigyan kita ng isang halimbawa: Kapag ikaw ay nagugutom, kailangan mo ng pagkain. Masasabing ang pagkaing ito ay masarap o hindi ganoon kasarap, ngunit kapag ikaw ay nabusog, ang hindi magandang pakiramdam na iyon ng pagiging gutom ay hindi na narooon—ito ay mapapawi na. Maaari ka nang umupo doon nang payapa, at ang iyong katawan ay mapapahinga. Ang gutom ng mga tao ay maaaring malunasan ng pagkain, ngunit kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at nararamdaman mong wala kang pagkaunawa sa Kanya, paano mong malulunasan ang kahungkagan sa iyong puso? Maaari ba itong malunasan ng pagkain? O kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, ano ang magagamit mo upang punan ang gutom na yaon sa iyong puso? Sa proseso ng iyong karanasan ng kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, habang naghahangad ng pagbabago sa iyong disposisyon, kung hindi mo naiintindihan ang Kanyang kalooban o hindi nalalaman kung ano ang katotohanan, kung hindi mo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, hindi ka ba makadarama ng sobrang pagkabalisa? Hindi ka ba makadarama ng isang matinding pagkagutom at pagkauhaw sa iyong puso? Hindi ba hahadlangan ng mga damdaming ito na madama mo ang kapayapaan sa iyong puso? Kaya paano mong pupunan ang gutom na yaon sa iyong puso—mayroon bang paraan para lunasan ito? Ang ilang mga tao ay bumabaling sa pamimili, ang ilan ay hinahanap ang mga kaibigan upang magsabi, ang ilang mga tao ay matutulog nang matutulog, ang iba ay nagbabasa ng mas maraming salita ng Diyos, o sila’y lalong magsisipag at gugugol ng mas maraming pagmamalasakit para tuparin ang kanilang mga tungkulin. Malulunasan ba ng mga bagay na ito ang iyong mismong mga suliranin? Ganap ninyong naiintindihang lahat ang mga ganitong uri ng mga pagsasagawa. Kapag nakadarama ka ng kahinaan, kapag nakadarama ka ng isang matinding pagnanais na magkamit ng pagliliwanag mula sa Diyos upang hayaan kang malaman ang realidad ng katotohanan at ang Kanyang kalooban, ano ang pinaka-kailangan mo? Ang kailangan mo ay hindi isang masaganang pagkain, at hindi iilang mga salita. Higit kaysa doon, hindi ang panandaliang kalinga at kasiyahan ng laman—ang iyong kailangan ay para sa Diyos na direkta, sabihin sa iyo nang malinaw kung ano ang dapat mong gawin at kung paano mo gagawin ito, upang sabihin sa iyo nang malinaw kung ano ang katotohanan. Pagkatapos mong maintindihan ito, kahit ito ay kakapiraso, hindi ka ba nakadama ng higit na kasiyahan sa iyong puso kaysa sa nakakain ka ng isang saganang pagkain? Kapag ang puso mo ay nasiyahan, hindi ba ang iyong puso, ang iyong kabuuang pagkatao, ay nagkamit ng tunay na kapayapaan? Sa pamamagitan ng paghahambing na ito at pagsusuri, naiintindihan na ba ninyo ngayon kung bakit gusto Kong ibahagi sa inyo ang pangungusap na ito, “ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath”? Nangangahulugan ito na anumang mula sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang lahat ng Kanya ay higit na dakila kaysa sa anumang ibang bagay, kabilang ang bagay o ang tao na minsa’y pinaniniwalaan mong pinakamahalaga sa iyo. Na ang ibig sabihin, kung ang isang tao ay hindi maaaring magkaroon ng mga salita mula sa bibig ng Diyos o hindi nila naiintindihan ang Kanyang kalooban, hindi sila maaaring magkamit ng kapayapaan. Sa inyong hinaharap na mga karanasan, maiintindihan ninyo kung bakit gusto Kong makita ninyo ang talatang ito sa araw na ito—ito ay napakahalaga. Ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay katotohanan at buhay. Ang katotohanan para sa tao ay isang bagay na hindi maaaring wala sila sa kanilang mga buhay, na hindi kailanman maaaring sila’y wala; maaari mong sabihin na ito ang pinakadakilang bagay. Bagamat hindi mo ito nakikita o nahihipo, ang kahalagahan nito sa iyo ay hindi maaaring balewalain; ito ang tanging bagay na makapagbibigay ng kapayapaan sa iyong puso.

Ang inyo bang pagkaunawa sa katotohanan ay nakalakip sa iyong sariling mga katayuan? Sa totoong buhay, dapat mo munang isipin kung alin sa mga katotohanan ang may kaugnayan sa mga tao, mga bagay, at mga kaganapan na iyong nakaharap; sa gitna ng mga katotohanang ito mo masusumpungan ang kalooban ng Diyos at maiuugnay ang iyong nakaharap sa kanyang kalooban. Kung hindi mo nalalaman kung alin sa mga aspeto ng katotohanan ang may kaugnayan sa mga bagay na iyong nakaharap subalit dumiretso sa paghahanap ng kalooban ng Diyos, ang ganitong paglapit ay parang bulag at hindi magkakamit ng mga resulta. Kung gusto mong masumpungan ang katotohanan at maintindihan ang kalooban ng Diyos, una kailangan mong tingnan kung anong uri ng mga bagay ang dumating sa iyo, sa aling mga aspeto ng katotohanan sila may kaugnayan, at maghanap para sa katotohanan sa salita ng Diyos na may kaugnayan sa kung anong naranasan mo. At pagkatapos ay hanapin mo ang landas sa pagsasagawa na tama para sa iyo sa katotohanang iyon; sa ganitong paraan makakamit mo ang isang di-tuwiran na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Ang paghahanap at pagsasagawa ayon sa katotohanan ay hindi wala-sa-loob na paglalagay ng isang doktrina o pagsunod sa isang pormula. Ang katotohanan ay hindi gawa sa pormula, hindi rin ito isang kautusan. Hindi ito patay—ito ay buhay, ito ay isang buhay na bagay, at ito ang patakaran na dapat sundin ng isang nilikha at ang patakaran na dapat taglayin ng tao sa kanilang buhay. Ito ay isang bagay na higit mong maiintindihan mula sa karanasan. Hindi alintana anong yugto ka man nakarating sa iyong karanasan, ikaw ay hindi maihihiwalay sa salita ng Diyos o sa katotohanan, at kung ano ang iyong pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang iyong pagkakilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay ipinahayag lahat sa mga salita ng Diyos; ang mga ito ay may ugnayang hindi maihihiwalay sa katotohanan. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay ang mga katotohanan mismo; ang katotohanan ay isang tunay na kapahayagan ng disposisyon ng Diyos at ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Ginagawa nitong kongkreto ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos at malinaw na sinasabi ito; sinasabi nito sa iyo nang mas tuwiran kung ano ang gusto ng Diyos, kung ano ang hindi Niya gusto, kung ano ang nais Niyang gawin mo at kung ano ang hindi Niya pinahihintululot na gawin mo, anong mga tao ang hinahamak Niya at anong mga tao ang Kanyang kinagigiliwan. Sa likod ng mga katotohanan na ipinahahayag ng Diyos nakikita ng tao ang Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at kaligayahan, gayundin ang Kanyang diwa—ito ang pagbubunyag ng Kanyang disposisyon. Maliban sa pagkakilala sa kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at pagkaunawa sa Kanyang disposisyong mula sa Kanyang salita, ang mahalaga ay ang pangangailangan na marating ang pagkaunawang ito sa pamamagitan ng praktikal na karanasan. Kung aalisin ng isang tao ang kanyang sarili mula sa totoong buhay nang upang makilala ang Diyos, hindi niya magagawang makamtan iyon. Kahit na may mga tao na nakapagkakamit ng ilang pagkaunawa mula sa salita ng Diyos, ito ay limitado lamang sa mga teorya at mga salita, at mayroong kaibahan sa kung ano talaga ang Diyos.

Ang ating pinag-uusapan ngayon ay nakapaloob lahat sa saklaw ng mga kuwentong naitala sa Biblia. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, at sa pagsusuri sa mga bagay na ito na naganap, maiintindihan ng mga tao ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya na Kanyang ipinahayag, nagpapahintulot sa kanila na makilala ang bawat aspeto ng Diyos nang mas malawakan, mas malaliman, mas komprehensibo, at mas mabuti. Kaya, ang tanging paraan lang ba na makilala ang bawat aspeto ng Diyos ay sa pamamagitan ng mga kuwentong ito? Hindi, hindi ganoon! Sapagkat kung ano ang sinasabi ng Diyos at ang gawain na Kanyang ginagawa sa Kapanahunan ng Kaharian ay makatutulong nang maigi sa mga tao na makilala ang Kanyang disposisyon, at makilala ito nang lubusan. Gayunman, iniisip Ko na mas madaling makilala ang disposisyon ng Diyos at maintindihan ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya sa pamamagitan ng ilang mga halimbawa o mga kuwentong naitala sa Biblia na pamilyar sa mga tao. Kung kukunin Ko ang mga salita ng paghatol at pagkastigo at ang mga katotohanan na inihahayag ng Diyos sa araw na ito upang maipakilala Ko Siya sa inyo salita para sa salita, mararamdaman mo na masyado itong mapurol at masyadong nakapapagod, at mararamdaman pa ng ilang mga tao na ang mga salita ng Diyos ay mukhang mula sa pormula. Ngunit kapag kinuha natin ang mga kuwentong galing sa Biblia bilang mga halimbawa upang matulungan ang mga tao na makilala ang disposisyon ng Diyos, hindi nila ito ituturing na nakakainip. Maaari mong sabihin na sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag sa mga halimbawang ito, ang mga detalye sa kung ano ang nasa puso ng Diyos sa panahong iyon—ang Kanyang kalooban at damdamin, o ang Kanyang mga saloobin o mga ideya—ay nasabi na sa mga tao sa wika ng tao, at ang layunin ng lahat ng ito ay upang tulutan silang magpahalaga, maramdaman na ang kung ano ang mayroon at ano ang Diyos ay hindi isang pormula. Ito ay hindi isang alamat, o isang bagay na hindi nakikita o nahihipo ng mga tao. Ito ay isang bagay na talagang umiiral na nararamdaman ng mga tao, at maaaring pahalagahan. Ito ang sukdulang layunin. Maaari mong masabi na ang mga taong nabubuhay sa kapanahunanng ito ay pinagpala. Maaari silang lumapit sa mga kuwento sa Biblia upang magkamit ng mas malawak na pagkaunawa sa mga nagdaang gawain ng Diyos; nakikita nila ang Kanyang disposisyon sa mga gawain na Kanyang ginawa. At nagagawa nilang maintindihan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan nitong mga disposisyon na kanyang ipinahayag, maintindihan ang kongkretong pagpapakita ng Kanyang kabanalan at ang Kanyang pag-aaruga para sa mga tao nang upang marating ang isang lalong mas malalim na pagkakilala sa disposisyon ng Diyos. Naniniwala Ako na nararamdaman ninyong lahat ito!

Sa loob ng saklaw ng gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, makikita mo ang isa pang aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, at ito ay naging posible para makita at pahalagahan ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Sa Anak ng tao, nakita ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao na isinabuhay ang Kanyang pagkatao, at nakita nila ang pagka-Diyos ng Diyos na inihayag sa katawang-tao. Ang dalawang uri ng paghahayag na ito ay nagbigay-daan sa mga tao na makita ang isang totoong tunay na Diyos, at nagtulot sa kanila na makabuo ng isang naiibang konsepto ng Diyos. Gayunman, sa yugto ng panahon sa pagitan ng paglikha sa mundo at sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, iyon ay, bago ang Kapanahunan ng Biyaya, kung ano ang nakita, narinig, at naranasan ng mga tao ay ang aspeto ng pagka-Diyos ng Diyos. Ito ay ang kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos sa isang hindi nahihipong kaharian, at ang mga bagay na Kanyang ipinahayag mula sa Kanyang tunay na persona na hindi maaaring makita o mahipo. Kadalasan, nagagawa ng mga bagay na ito na maramdaman ng mga tao na ang Diyos ay napakadakila, at na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Ang impresyon na karaniwang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay na Siya ay aandap-andap, at nararamdaman pa ng mga tao na ang bawat isa sa Kanyang mga saloobin at mga ideya ay masyadong misteryoso at masyadong mailap na walang paraan para maabot ang mga ito, lalong hindi nagtangka na maintindihan at pahalagahan ang mga ito. Para sa mga tao, ang lahat ng mga bagay tungkol sa Diyos ay masyadong malayo—sa sobrang layo ay hindi na ito makita ng mga tao, hindi na ito mahipo. Mistula Siyang nasa kalawakan, at parang ni hindi Siya umiiral. Kaya para sa mga tao, ang pagkaunawa sa puso at isip ng Diyos o anuman sa Kanyang iniisip ay hindi maaaring makamit, at hindi pa maaabot. Kahit na gumawa ang Diyos ng ilang kongkretong gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, at nagpalabas din Siya ng ilang tiyak na mga salita at nagpahayag ng ilang tiyak na mga disposisyon upang tulutan ang mga tao na pahalagahan at makita ang ilang kaalaman ukol sa Kanya, ngunit sa katapusan, yaon ang pagpapahayag ng Diyos sa kung anong mayroon at kung ano Siya sa isang hindi nahihipong kaharian, at kung ano ang naiintindihan ng mga tao, kung ano ang nalalaman nila ay sa aspetong pagka-Diyos pa rin ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Hindi magawang makamit ng mga tao ang isang kongkretong konsepto mula sa pagpapahayag na ito ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at ang kanilang impresyon ukol sa Diyos ay nananatili pa rin sa loob ng saklaw ng “ang isang Espiritu na mahirap malapitan, na aandap-andap.” Sapagkat ang Diyos ay hindi gumamit ng isang tiyak na bagay o isang imahe sa materyal na kaharian upang magpakita sa mga tao, hindi pa rin nila Siya magawang ipakahulugan gamit ang wika ng tao. Sa mga puso at mga isip ng mga tao, palagi nilang gustong gamitin ang kanilang sariling wika upang makapagtatag ng isang pamantayan para sa Diyos, upang gawin Siyang nahihipo at gawin Siyang tao, gaya ng gaano Siya katangkad, gaano Siya kalaki, ano ang Kanyang hitsura, ano talaga ang gusto Niya at ano ang Kanyang tiyak na personalidad. Sa totoo lang, sa Kanyang puso nalalaman ng Diyos na ganito ang iniisip ng mga tao. Napakalinaw Niya sa mga pangangailangan ng tao, at mangyari pa nalalaman din Niya kung ano ang dapat gawin, kaya ipinatupad Niya ang Kanyang gawain sa naiibang paraan sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa ganitong paraan ay kapwa maka-Diyos at gawaing makatao. Sa yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, nakikita ng mga tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong mga pagpapahayag. Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan, maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang pagpapahayag at isang pagbunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang katawang-tao na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila mararamdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos, ang mga salita, at ang gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ding ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na kaharian. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, kalagayan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at gawing makatao. Bagamat ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at ang Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at katotohanan ng Diyos. Bagamat ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na kaharian, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao—hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaring katawanin ang sinumang tao—Hindi maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.

0(Mga) Resulta ng Paghahanap