Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Unang bahagi

Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.

Ang nilalaman ng ating huling pagsasama tungkol sa gawain ng Diyos ay ang mga salaysay sa Biblia na naganap matagal na panahon na ang nakalipas. Mga kuwento ang lahat ng ito tungkol sa tao at Diyos, at nangyari ang mga ito sa tao at sabay na nasali ang paglahok at pagpapahayag ng Diyos, upang ang mga kuwentong ito ay magkaroon ng partikular na halaga at kabuluhan sa pagkilala sa Diyos. Pagkatapos na pagkatapos Niyang nilikha ang sangkatauhan, nagsimulang makipag-ugnayan ang Diyos sa tao at nakipag-usap sa tao, at ang Kanyang disposisyon ay nagsimulang maipahayag sa tao. Sa ibang salita, mula sa unang pakikipag-ugnay ng Diyos sa sangkatauhan nagsimula Siyang magpakita sa tao, nang walang hinto, ang Kanyang diwa at kung anong mayroon Siya at ano Siya. Hindi alintana kung ang mga mas naunang tao o ang mga tao ng panahong ito ay nakikita o nauunawaan ito, sa madaling salita nakikipag-usap ang Diyos sa tao at gumagawa kasama ng tao, ibinubunyag ang Kanyang disposisyon at ipinapahayag ang Kanyang diwa—na isang katotohanan, at hindi maikakaila ng sinumang tao. Nangangahulugan din ito na ang disposisyon ng Diyos, diwa ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay tuluy-tuloy na lumalabas at ibinubunyag habang gumagawa at nakikipag-ugnayan Siya sa tao. Hindi Siya kailanman naglihim o nagtago ng anumang bagay mula sa tao, ngunit sa halip ay nagpapakita sa madla at inilalabas ang Kanyang sariling disposisyon nang walang pag-aatubili. Kaya, umaasa ang Diyos na kilalanin Siya ng tao at unawain ang Kanyang disposisyon at diwa. Hindi Niya nais tratuhin ng tao ang Kanyang disposisyon at diwa bilang walang hanggang mga misteryo, hindi rin Niya gustong tingnan ng sangkatauhan ang Diyos bilang isang palaisipan na hindi kailanman maaaring malutas. Kapag nakikilala ng sangkatauhan ang Diyos ay saka lamang malalaman ng tao ang daan pasulong at magagawang tanggapin ang gabay ng Diyos, at tanging ang taong tulad nito ang magagawang tunay na mabuhay sa ilalim ng dominyon ng Diyos, at mabuhay sa liwanag, kapiling ang mga biyaya ng Diyos.

Ang mga salita at disposisyong nilabas at ibinunyag ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang kalooban, at kumakatawan din ang mga ito sa Kanyang diwa. Kapag nakikipag-ugnay ang Diyos sa tao, anuman ang Kanyang sabihin o gawin, o anuman ang disposisyong Kanyang ibunyag, at anuman ang makita ng tao sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos para sa tao. Hindi alintana kung hanggang saan ang kayang matanto, maunawaan o maintindihan ng tao, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos—ang kalooban ng Diyos para sa tao. Ito ay walang pag-aalinlangan! Ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan ang siya ring kinakailangan Niya sa mga tao, ano ang kinakailangan Niyang gawin nila, kung paano Niya kinakailangan silang mabuhay, at kung paano Niya kinakailangan silang magkaroon ng kakayahang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Ito ba ang mga bagay na hindi mahihiwalay mula sa mga diwa ng Diyos? Sa ibang salita, inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon Siya at ano Siya kasabay ng pag-utos sa tao. Walang kasinungalingan, walang pagkukunwari, walang pagtatago, at walang pagpapaganda. Ngunit bakit walang-kakayahan ang tao ng pag-alam, at bakit hindi niya kailanman nagawang makita nang malinaw ang disposisyon ng Diyos? At bakit hindi niya kailanman natanto ang kalooban ng Diyos? Iyong ibinubunyag at inilalabas ng Diyos ay kung ano mayroon at kung ano ang Diyos Mismo, pati ang bawat aspeto at bahagi ng Kanyang tunay na disposisyon—kaya bakit hindi makakita ang tao? Bakit walang-kakayahan ang tao ng masusing kaalaman? Mayroong isang mahalagang dahilan para rito. At ano ang dahilang ito? Mula noong panahon ng paglikha, hindi kailanman itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Sa mga pinakaunang panahon, anuman ang ginawa ng Diyos tungkol sa tao, ang tao na kalilikha lamang, itinuring Siya ng tao na hindi hihigit sa isang kasama, bilang isa na maaaring asahan, at walang kaalaman o pag-unawa tungkol sa Diyos. Na ang ibig sabihin, hindi niya alam kung ano ang inilabas ng Manlilikha Mismo na ito—ang Manlilikha Mismo na ito na kanyang inasahan at nakita bilang kanyang kasama—ay ang diwa ng Diyos, ni hindi rin niya alam na ang Manlilikha Mismo na ito ay ang Siyang namamahala sa lahat ng bagay. Sa madaling sabi, ang mga tao ng panahong iyon ay hindi man lang nakilala ang Diyos. Hindi nila alam na ang langit at lupa at lahat ng mga bagay ay ginawa Niya, at sila ay walang kaalam-alam kung saan Siya nanggaling, at, higit pa rito, kung ano Siya. Mangyari pa, hindi kinailangan ng Diyos ang tao noong una na kilalanin Siya, o unawain Siya, o intindihin ang lahat ng Kanyang ginawa, o malaman ang Kanyang kalooban, dahil ito ang mga pinakaunang panahon kasunod ng paglikha sa sangkatauhan. Nang magsimula ang Diyos sa mga paghahanda para sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ginawa ng Diyos ang ilang mga bagay sa tao at nagsimula rin ang Kanyang pag-utos sa tao, na sinasabi sa kanya kung paano magbigay ng mga handog at sumamba sa Diyos. Saka lamang nagkaroon ang tao ng mga simpleng pananaw tungkol sa Diyos, saka lamang niya nalaman ang kaibahan sa pagitan ng tao at Diyos, at ang Diyos ang Siyang lumikha sa sangkatauhan. Nang malaman ng tao na ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao, nagkaroon ng isang tiyak na distansya sa pagitan niya at ng Diyos, ngunit hindi pa rin tinanong ng Diyos ang tao kung may mahusay Siyang kaalaman o malalim na pag-unawa sa Kanya. Kaya, gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang mga kinakailangan sa tao batay sa mga yugto at mga pangyayari ng Kanyang gawain. Ano ang nakikita ninyo rito? Anong aspeto ng disposisyon ng Diyos ang nakikita ninyo? Totoo ba ang Diyos? Angkop ba ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao? Sa mga pinakaunang panahon kasunod ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, noong kailangan pang isagawa ng Diyos ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao, at hindi nagbanggit ng napakaraming salita sa kanya, kaunti ang Kanyang hiningi sa tao. Hindi alintana kung ano ang ginawa o kung paano umasal ang tao—kahit ginawa niya ang ilang mga bagay na nakasakit sa damdamin ng Diyos—pinatawad iyon lahat ng Diyos, at hindi na pinansin. Dahil alam ng Diyos kung ano ang ibinigay Niya sa tao, at alam kung ano ang nasa loob ng tao, kaya alam Niya ang pamantayan ng mga pangangailangan na dapat Niyang makuha sa tao. Kahit na ang pamantayan ng Kanyang mga kinakailangan ay masyadong mababa sa panahong iyon, ito ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay hindi mahusay, o na ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan ay walang kabuluhan. Para sa tao, mayroon lamang isang paraan upang malaman ang disposisyon ng Diyos at Diyos Mismo: sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ng mga gawain ng pamamahala ng Diyos at kaligtasan ng sangkatauhan, , at pagtanggap ng mga salitang binabanggit ng Diyos sa sangkatauhan. Gayong alam na kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at alam ang disposisyon ng Diyos, hihingin pa rin kaya ng tao sa Diyos na ipakita sa kanya ang tunay Niyang persona? Hindi kailanman, at hindi maglalakas-loob ang tao, dahil sa pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at ano ang mayroon Siya at ano Siya, nakikita na ng tao ang tunay na Diyos Mismo, at nakikita na ang Kanyang tunay na persona. Ito ang kalalabasang 'di maiiwasan.

Habang walang humpay ang pasulong na pag-unlad ng gawa at plano ng Diyos, at matapos maisagawa ng Diyos ang tipan ng bahaghari sa tao bilang tanda na hindi na Niya kailanman wawasakin pang muli ang mundo sa paggamit ng baha, mataas ang pagnanais ng Diyos na makamit ang mga taong kayang makipag-isang isip sa Kanya. At gayundin, nagkaroon Siya ng matinding hangarin na makamit yaong mga naisakatuparan ang Kanyang kalooban sa lupa, at, higit pa rito, upang makatamo ng isang grupo ng mga tao na magagawang makawala sa mga puwersa ng kadiliman, at hindi masaklawan ni Satanas, at magagawang magpatotoo sa Kanya sa lupa. Ang pagtamo ng ganoong grupo ng tao ay ang matagal nang ninanais ng Diyos, ang hinihintay Niya simula pa sa panahon ng paglikha. Kaya, di-alintana ang mga bahang ginamit ng Diyos upang wasakin ang mundo, o ng Kanyang tipan sa tao, ang kalooban ng Diyos, kaisipan, plano, at pag-asa ay nanatiling ganoon pa rin. Ang nais Niyang gawin, na kung saan labis na hinangad Niya bago pa man ang panahon ng paglikha, ay makakuha sa sangkatauhan ng nais Niyang makuha—upang makuha ang grupo ng tao na kayang umunawa at malaman ang Kanyang disposisyon, at unawain ang Kanyang kalooban, isang grupo na kaya Siyang sambahin. Ang gayong grupo ng mga tao ay tunay na kayang magpatotoo sa Kanya, at sila, na maaaring masabi, ang Kanyang mga pinagkakatiwalaan.

Ngayon, ipagpatuloy natin ang paghahanap sa mga yapak ng Diyos at ang pagsunod sa mga hakbang ng Kanyang gawain, upang matuklasan natin ang mga saloobin at kaisipan ng Diyos, at lahat ng may kinalaman sa Diyos, na lahat ay “naitago sa imbakan” nang matagal. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito malalaman natin ang disposisyon ng Diyos, mauunawaan ang diwa ng Diyos, patutuluyin natin ang Diyos sa ating mga puso, at ang bawat isa sa atin ay dahan-dahang mapapalapit sa Diyos, na binabawasan ang ating distansya mula sa Diyos.

Bahagi ng ating pinag-usapan noong nakaraan ay may kinalaman sa kung bakit itinatag ng Diyos ang Kanyang tipan sa tao. Sa ngayon, pag-uusapan natin nang sama-sama ang mga sipi ng banal na kasulatan sa ibaba. Magsimula tayo sa pamamagitan ng pagbasa sa mga banal na kasulatan.

A. Abraham

1. Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham

(Gen 17:15-17) At sinabi ng Diyos kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, huwag mo nang tatawagin ang kanyang pangalang Sarai, kundi Sara ang kanyang magiging pangalan. At akin siyang pagpapalain, at saka bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya: oo, akin siyang pagpapalain, at magiging ina siya ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kanya. Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at natawa, at nasabi sa kanyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na? at manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?

(Gen 17:21-22) “Nguni’t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac, na iaanak sa iyo ni Sara, sa takdang panahon, sa darating na taon. At nang matapos na makipag-usap sa kanya, nilisan ng Diyos si Abraham.”

2. Isinakripisyo ni Abraham si Isaac

(Gen 22:2-3) At kanyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo. At maagang gumising si Abraham kinabukasan, at inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga batang lalaking alipin, at si Isaac na kanyang anak, at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.

(Gen 22:9-10) At dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at ginapos si Isaac na kanyang anak, at inihiga sa dambana sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay, at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak.

Walang Makapipigil sa Gawaing Pinagpapasiyahang Gawin ng Diyos

Katatapos lamang ninyong marinig ang kuwento ni Abraham. Siya ay pinili ng Diyos pagkatapos wasakin ng baha ang mundo, ang kanyang pangalan ay Abraham, at nang siya ay isang daang taong gulang na, at ang kanyang asawang si Sara ay siyamnapu, ang pangako ng Diyos ay dumating sa kanya. Ano ang ipinangako ng Diyos sa kanya? Ang tinukoy sa Banal na Kasulatan ang ipinangako ng Diyos: “At akin siyang pagpapalain, at saka bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya.” Ano ang pinagbabatayan sa pangako ng Diyos na bigyan siya ng isang anak na lalaki? Ibinibigay ng Banal na Kasulatan ang sumusunod na pahayag: “Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at natawa, at nasabi sa kanyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na? at manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?” Sa ibang salita, masyado nang matanda ang mag-asawang ito para magkaanak. At ano ang ginawa ni Abraham pagkatapos ipahayag ng Diyos ang Kanyang pangako sa kanya? Nagpatirapa si Abraham nang tumatawa, at nasabi sa kanyang sarili, “Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na?” Naniwala si Abraham na ito ay imposible—nangangahuluhang naniwala siyang ang pangako ng Diyos sa kanya ay walang iba kundi isang biro. Mula sa pananaw ng tao, ito ay hindi maaaring mangyari sa tao, at gayon din naman hindi magagawa ng Diyos at isang imposible para sa Diyos. Marahil, kay Abraham, ito ay katawa-tawa: Nilikha ng Diyos ang tao, gayon pa man hindi Niya alam na ang isang taong sobrang tanda na ay wala nang kakayahang magsilang ng mga anak; sa Kanyang palagay ay maaari Niya akong pahintulutang magkaanak, sinabi Niya na bibigyan Niya ako ng isang anak na lalaki—tiyak na imposible yan! At sa gayon, nagpatirapa si Abraham at tumawa, inisip niya: Imposible—Binibiro ako ng Diyos, hindi ito totoo! Hindi niya sineryoso ang mga salita ng Diyos. Kaya, sa paningin ng Diyos, anong uri ng tao si Abraham? (Matuwid.) Saan nakasaad na siya ay isang taong matuwid? Sa tingin ninyo ang lahat ng tinatawag ng Diyos ay matuwid, at perpekto, at mga taong lumalakad kasama ang Diyos. Sumusunod kayo sa doktrina! Dapat ninyong makita nang malinaw na kapag itinatakda ng Diyos ang isang tao, hindi Niya iyon ginagawa nang nagkataon lang. Hindi sinabi ng Diyos dito na matuwid si Abraham. Sa Kanyang puso, ang Diyos ay may mga pamantayan para sa pagsukat ng bawat tao. Bagaman hindi sinabi ng Diyos kung anong uri ng tao si Abraham, pagdating sa kanyang pag-uugali, anong uri ng pananampalataya mayroon si Abraham sa Diyos? Medyo matalinghaga ba ito? O malaki ba ang kanyang pananampalataya? Hindi, wala siya noon! Ang kanyang pagtawa at pag-iisip ang nagpakita kung sino siya, kaya ang inyong paniniwala na matuwid siya ay isang guniguni lamang ng inyong kaisipan, ito ay ang bulag na aplikasyon ng doktrina, ito ay isang iresponsableng pagtatasa. Nakita ba ng Diyos ang pagtawa at mumunting paghayag ni Abraham, alam ba Niya ang mga ito? Alam ng Diyos. Ngunit babaguhin ba ng Diyos ang Kanyang napagpasiyahang gawin? Hindi! Kapag binalak at napagpasiyahan ng Diyos na pipiliin Niya ang taong ito, ang bagay ay natapos na. Kahit ang pag-iisip ng tao o ang kanyang pag-uugali ay ni hindi makaiimpluwensiya o makahahadlang ng kahit katiting sa Diyos; hindi basta babaguhin ng Diyos ang Kanyang plano, ni hindi rin Niya babaguhin o sisirain ang Kanyang plano dahil sa ugali ng tao, na maaaring isang kahangalan pa. Kung gayon, ano ang nasusulat sa Genesis 17:21-22? “Nguni’t ang Aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa takdang panahon, sa darating na taon. At nang matapos na makipag-usap sa kanya, nilisan ng Diyos si Abraham.” Hindi man lang nagtuon ni katiting na pansin ang Diyos sa inisip o sinabi ni Abraham. At ano ang dahilan ng Kanyang pagwawalang-bahala? Ito ay dahil, sa pagkakataong iyon, hindi hiningi ng Diyos sa tao na magkaroon ng malaking pananampalataya, o magkaroon siya ng malaking kaalaman tungkol sa Diyos, o, higit pa rito, na magawa niyang unawain kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos. Kaya, hindi niya hiningi sa taong iyon na unawain nang lubos kung ano ang napagpasiyahan Niyang gawin, o ang mga taong Kanyang tiyak na pinili, o ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos, dahil ang antas ng kakayahan ng tao ay sadyang kulang. Sa pagkakataong iyon, itinuring ng Diyos bilang normal ang anumang ginawa ni Abraham at kung paano ang kanyang naging asal. Hindi Niya isinumpa, o pinagalitan, bagkus ay nagsabi lang na: “Iaanak ni Sara si Isaac sa iyo, sa takdang panahon sa darating na taon.” Sa Diyos, pagkatapos Niyang ihayag ang mga salitang ito, ang bagay na ito ay naging totoo nang sunud-sunod; sa paningin ng Diyos, ang dapat maganap sa Kanyang plano ay nakamit na. At matapos ang pagkumpleto ng mga kaayusan para sa mga ito, ang Diyos ay umalis. Kung ano ang ginagawa o iniisip ng tao, kung ano ang nauunawaan ng tao, ang mga plano ng tao—wala sa mga ito ang may kinalaman sa Diyos. Ang lahat ay nagpapatuloy ayon sa plano ng Diyos, alinsunod sa mga panahon at yugtong itinalaga ng Diyos. Ito ang prinsipyo ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay hindi humahadlang sa kahit anong iniisip o nalalaman ng tao, ngunit hindi rin Niya tinatalikuran ang Kanyang plano, o iniiwan ang Kanyang gawain, dahil ang tao ay hindi naniniwala o nakauunawa. Ang mga katotohanan ay sa gayon naisasagawa nang ayon sa plano at pag-iisip ng Diyos. Ito ang tiyak na nakikita natin sa Biblia: Hinayaan ng Diyos si Isaac na ipanganak sa panahong itinakda Niya. Pinatutunayan ba ng mga katotohanan na ang asal at pag-uugali ng tao ay humahadlang sa gawain ng Diyos? Hindi humadlang ang mga ito sa gawain ng Diyos! Naapektuhan ba ang gawain ng Diyos ng maliit na pananampalataya ng tao sa Diyos at ng kanyang mga pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa Diyos? Hindi, walang naging epekto ang mga ito! Ni kahit kaunti man! Hindi naaapektuhan ng sinumang tao, bagay, o kapaligiran ang plano sa pamamahala ng Diyos. Lahat ng Kanyang pinagpapasiyahang gawin ay makukumpleto na at matatapos sa oras at ayon sa Kanyang plano, at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring hadlangan ng sinumang tao. Hindi binibigyang pansin ng Diyos ang ilang kahangalan at kamangmangan ng tao, at kahit ang ilan sa paglaban at pagkaintindi ng tao tungo sa Kanya ay hindi pinapansin; sa halip, ginagawa Niya ang gawaing dapat Niyang gawin nang walang pag-aalangan. Ito ang disposisyon ng Diyos, at isang larawan ng Kanyang pagka-makapangyarihan.

0(Mga) Resulta ng Paghahanap