Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 182

Anuman ang mangyari, ang gawain ng Diyos ay iba sa gawain ng tao at, higit pa rito, paano magiging katulad ang Kanyang mga pagpapahayag doon sa kanila? May Kanyang sariling partikular na disposisyon ang Diyos, samantalang ang tao ay may mga tungkuling dapat nilang gampanan. Ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos sa Kanyang gawain, samantalang ang tungkulin ng tao ay isinasakatawan sa mga karanasan ng tao at ipinapahayag sa mga paghahabol ng tao. Kung gayon nakikita ito sa pamamagitan ng mga gawaing ginagawa kung ang isang bagay ay pagpapahayag ng Diyos o pagpapahayag ng tao. Hindi kinakailangang maipaliwanag ito ng Diyos Mismo, ni hinihingi nito na magsikap ang tao na magpatotoo; higit pa rito, hindi nito kinakailangan ang Diyos Mismo para supilin ang sinumang tao. Dumarating ang lahat ng ito bilang isang natural na paghahayag; hindi ito pinipilit ni isang bagay na napapakialaman ng tao. Nalalaman ang tungkulin ng tao sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, at hindi ito nangangailangan na gumawa ang mga tao ng anumang ekstrang gawaing pang-karanasan. Naihahayag ang buong esensya ng tao habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, samantalang naipapahayag ng Diyos ang Kanyang likas na disposisyon habang ginagampanan ang Kanyang gawain. Kung ito ay gawain ng tao, hindi ito matatakpan. Kung ito ay gawain ng Diyos, mas imposibleng matakpan ng sinuman ang disposisyon ng Diyos, at lalo pang hindi makokontrol ng tao. Walang tao na maituturing na Diyos, ni maituturing ang kanilang gawain at mga salita bilang banal o maituturing na hindi nababago. Maaaring masabi na tao ang Diyos dahil binihisan Niya ang Sarili Niya ng laman, nguni’t hindi maituturing ang gawain Niya bilang gawain ng tao o tungkulin ng tao. Higit pa rito, ang mga pagbigkas ng Diyos at mga sulat ni Pablo ay hindi napagpapantay, ni napapatungkulan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang mga salita ng tagubilin ng tao sa magkakaparehong kataga. Kung gayon, may mga panuntunan na nagsasabi ng kaibahan ng gawain ng Diyos sa gawain ng tao. Makikita ang mga pagkakaiba nito ayon sa diwa ng mga ito, hindi sa saklaw ng gawain o pansamantalang bisa nito. Sa paksang ito, nagkakamali ang karamihan sa mga tao tungkol sa panuntunan. Ito ay sa kadahilanang tumitingin ang tao sa panlabas, na nakakamit nila, samantalang tumitingin ang Diyos sa diwa, na hindi namamasdan ng pisikal na mga mata ng sangkatauhan. Kung itinuturing mo ang mga salita at gawain ng Diyos bilang mga tungkulin ng karaniwang tao, at tinitingnan ang malaking gawain ng tao bilang gawain ng Diyos na nakabihis ng katawang-tao sa halip na tungkuling tinutupad ng tao, hindi ka kaya nagkakamali sa panuntunan? Ang mga sulat at mga talambuhay ng tao ay madaling naisusulat, nguni’t tanging sa saligan lamang ng gawain ng Banal na Espiritu. Gayunpaman, ang mga pagbigkas at gawain ng Diyos ay hindi madaling natutupad ng tao o nakakamit ng karunungan at pag-iisip ng tao, ni naipapaliwanag ang mga ito nang lubos ng mga tao matapos itong siyasatin. Kung ang mga bagay na ito ng panuntunan ay hindi nagbubunsod ng anumang pagtugon sa inyo, kung gayon ang inyong pananampalataya ay kitang hindi tapat o pino. Masasabi lamang na ang inyong pananampalataya ay puno ng kalabuan, at magulo rin at walang panuntunan. Nang hindi man lang nauunawaan ang pinakapangunahin at mahalagang usapin tungkol sa Diyos at tao, ang ganitong uri ba ng pananampalataya ay hindi yaong lubos na walang kabatiran?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Paniniwala Mo sa Labintatlong Sulat ni Pablo?

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger