Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

30. Mapapabuti lamang ang pagpasok ng tao kapag ang mga pagbabago ay nangyari na sa kailaliman ng kanyang puso, sapagka’t ang gawain ng Diyos ay ang kumpletong kaligtasan ng tao—ang tao na natubos, na namumuhay pa rin sa ilalim ng mga puwersa ng kadiliman, at hindi kailanman ginising ang sarili niya—mula rito sa lugar na pinagtitipunan ng mga demonyo; ito ay upang ang tao ay maaaring mapalaya mula sa libong taon ng kasalanan, at maging mga iniibig ng Diyos, ganap na pinababagsak ang malaking pulang dragon, itinatatag ang kaharian ng Diyos, at pinapapahinga ang puso ng Diyos nang mas maaga, ito ay upang ilabas, nang walang pasubali, ang galit na nagpapalaki ng inyong dibdib, upang puksain yaong inaamag na mga mikrobyo, upang tulutan kayo na iwan ang buhay na ito na hindi naiiba mula sa isang baka, o kabayo, upang hindi na maging isang alipin, upang hindi na maging malayang natatapak-tapakan o nauutus-utusan ng malaking pulang dragon; hindi na kayo magiging bahagi nitong nabigong bansa, hindi na magiging pagmamay-ari ng kasuklam-suklam na malaking pulang dragon, hindi na kayo maaalipin nito. Ang pugad ng demonyo ay tiyak na luluray-lurayin ng Diyos, at kayo ay tatayo sa tabi ng Diyos—kayo ay pagmamay-ari ng Diyos, at hindi nabibilang dito sa imperyo ng mga alipin. Matagal nang kinasuklaman ng Diyos itong madilim na lipunan hanggang sa Kanya mismong mga buto. Pinagngangalit Niya ang Kanyang mga ngipin, desperado Siyang mariing tapakan itong masama at kasuklam-suklam na matandang ahas, sa gayon hindi ito maaaring mabuhay muli, at hindi na kailanman muling aabusuhin ang tao; hindi Niya patatawarin ang mga kilos nito sa nakaraan, hindi Niya titiisin ang panlilinlang nito sa tao, pananatilihin Niya ang puntos ng bawa’t isa sa mga kasalanan nito sa kabuuan ng mga kapanahunan; hindi maaawa ni katiting ang Diyos dito sa pasimuno ng lahat ng kasamaan,21 lubos Niya itong wawasakin.

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

31. Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, ang karumihan nito ay hindi-mabátá, ang paghihirap ay nananagana, ang mga multo’y gumagala sa bawa’t sulok nito, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,22 nagiging walang-awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; puno ang lupain ng nakasusulasok na amoy ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.23 Sino ang nakakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwawalâ ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay hindi-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay, samantala, ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, lubhang takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, iniiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kayang nakita ng mga tao ng ganitong bayan ng mga multo ang Diyos kahit kailan? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang kagandahan ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi-makatao, paanong titiisin ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao sa isang kisap-mata, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinahamak ang Diyos noon pa, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, at wala kahit bakas ng kabaitan, at tinutukso nila ang walang-malay sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang estado ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pang-relihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! Sino ang nakayakap sa gawain ng Diyos? Sino ang nagbuwis ng kanilang buhay o nagbuhos ng dugo para sa gawain ng Diyos? Sa sali’t salinlahi, mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, basta na lamang inalipin ng inaliping tao ang Diyos—paano itong hindi magbubunsod ng matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay naipon sa puso, nakaukit sa puso ang isang libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwalâ, at huwag na itong hayaang magsimula pa ng mas maraming problema hangga’t gusto nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, binayaran ang bawa’t halaga, para dito, upang basagin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at hayaan ang mga tao, na nabulag, at nagtiis ng bawa’t uri ng pagdurusa at paghihirap, na tumayo mula sa kanilang sakit at talikuran itong masamang matandang diyablo. Bakit maglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gagamit ng iba’t ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gagamit ng madayang mga pakánâ upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tutugisin ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit magdudulot ng gayong katinding pananabik sa Diyos? Bakit pinatatawag ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Bakit hindi hayaan nitong madilim na lipunan at ng nakakaawang asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya? Bakit hindi maintindihan ng tao, ng taong nabubuhay sa gitna ng pasakit at pagdurusa? Dahil sa inyo, nagtiis ang Diyos ng matinding paghihirap ng kalooban, taglay ang matinding pasakit, ibinigay Niya ang Kanyang minamahal na Anak, ang Kanyang laman at dugo, sa inyo—kaya bakit nagbubulag-bulagan pa rin ang inyong mga mata? Kitang-kita ng lahat, tinanggihan ninyo ang pagdating ng Diyos, at tinanggihan ang pakikipagkaibigan ng Diyos. Bakit napaka-walang-konsensya ninyo? Nahahanda ba kayong magtiis ng kawalang-katarungan sa madilim na lipunang tulad nito? Bakit, sa halip na pinupuno ninyo ang inyong tiyan ng isang libong taon ng poot, pinapalamnan ninyo ang inyong mga sarili ng “dumi” ng hari ng mga diyablo?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

32. Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa ay kinapapalooban ng matinding kahirapan: Ang kahinaan ng tao, mga kakulangan, pagiging-parang-bata, kamangmangan, at lahat ng bagay ng tao—ang bawa’t isa ay maselang pinagpaplanuhan at masusing isinasaalang-alang ng Diyos. Ang tao ay parang isang tigreng papel na walang naglalakas-loob na painan o galitin; sa pinakabahagyang paghipo siya ay kaagad nangangagat, o kaya ay nahuhulog at naliligaw sa kanyang daan, at ito ay mistulang, sa bahagyang pagkawala ng konsentrasyon, nabibinat siya, o kung hindi ay winawalang-bahala ang Diyos, o tumatakbo sa kanyang amang baboy at inang aso upang magpakasawa sa maruming mga bagay ng kanilang mga katawan. Anong tinding hadlang! Sa halos bawa’t hakbang ng Kanyang gawain, nalalagay sa pagsubok ang Diyos, at halos bawa’t hakbang ay nagdudulot ng matinding panganib. Ang Kanyang mga salita ay taos-puso at tapat, at walang malisya, nguni’t sino ang handang tanggapin ang mga ito? Sino ang nais na lubusang magpasakop? Dinudurog nito ang puso ng Diyos. Gumagawa Siya araw at gabi para sa tao, napupunô Siya ng pagkabalisa para sa buhay ng tao, at nahahabag Siya sa kahinaan ng tao. Nagtiis Siya ng maraming mga pasikut-sikot sa bawa’t hakbang ng Kanyang gawain, sa bawa’t salita na sinasabi Niya; lagi Siyang nasa pag-itan ng nag-uumpugang bato, at iniisip ang kahinaan ng tao, pagsuway, pagiging-parang-bata, at kahinaan ... sa lahat ng oras ... nang paulit-ulit. Sino ang kailanma’y nakabatid nito? Sino ang maaari Niyang pagtapatan? Sino ang makakayang makaunawa? Kailanman ay kinamumuhian Niya ang mga kasalanan ng tao, at ang kawalan ng gulugod, ang kawalan ng lakas-ng-loob, ng tao, at kailanman Siya ay nag-aalala sa kahinaan ng tao, at pinag-iisipang mabuti ang landas na naghihintay sa tao; laging, habang pinagmamasdan Niya ang mga salita at mga gawa ng tao, pinupuspos Siya nito ng awa, at galit, at ang pagtingin sa mga bagay na ito ay laging nagdudulot ng sakit sa Kanyang puso. Ang walang-muwang, pagkatapos ng lahat, ay lumaki na matigas ang puso; bakit dapat laging pahirapin ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa kanila? Lubos na walang tiyaga ang taong mahina; bakit dapat laging may ganoong di-humuhupang galit ang Diyos tungo sa kanya? Wala ni munti mang sigla ang mahina at walang-kapangyarihang tao; bakit dapat lagi siyang pagsabihan ng Diyos dahil sa kanyang pagsuway? Sino ang makatatagal sa mga banta ng Diyos sa langit? Ang tao, pagkatapos ng lahat, ay marupok, at nasa desperadong katayuan, ibinaon ng Diyos ang Kanyang galit nang malalim sa Kanyang puso, upang maaaring dahan-dahang makapagnilay ang tao sa kanyang sarili. Nguni’t ang tao, na nasa malubhang kaguluhan, ay wala ni bahagyang pagpapahalaga sa kalooban ng Diyos; nayurakan na siya sa ilalim ng paa ng matandang hari ng mga diyablo, nguni’t ganap na hindi namamalayan, palagi siyang sumasalungat sa Diyos, o hindi mainit ni malamig tungo sa Diyos. Nakabigkas ng maraming mga salita ang Diyos, nguni’t sino ang kailanman ay sineryoso ang mga ito? Hindi nauunawaan ng tao ang mga salita ng Diyos, gayunpaman nananatili siyang panatag, at walang matinding pananabik, hindi kailanman tunay na nakilala ang substansya ng matandang diyablo. Nakatira ang mga tao sa Hades, sa impiyerno, nguni’t naniniwala na nakatira sila sa palasyo sa pusod ng dagat; sila ay inuusig ng malaking pulang dragon, gayunpaman ang iniisip nila sa kanilang mga sarili ay napaboran24 ng bansa ng dragon; kinukutya sila ng diyablo nguni’t iniisip na kanilang tinatamasa ang pinakamainam na sining ng laman. Anong pangkat ng mga marumi at abang mga hamak sila! Sinapit ng tao ang kasawian, nguni’t hindi niya ito nalalaman, at sa ganitong madilim na lipunan nagdurusa siya ng sunud-sunod na sakúnâ,25 datapwa’t hindi pa siya kailanman nagigising dito. Kailan niya aalisin sa kanyang sarili ang kanyang sariling-kabaitan at malaaliping disposisyon? Bakit sobra siyang walang malasakit sa puso ng Diyos? Tahimik ba niyang kinukunsinti ang pang-aaping ito at paghihirap? Hindi ba niya inaasam ang araw na maaari niyang palitan ng liwanag ang kadiliman? Hindi ba niya inaasam na minsan pang malunasan ang mga kawalang-hustisya tungo sa pagkamatuwid at katotohanan? Naaatim ba niyang manood at walang ginagawa habang tinatalikdan ng tao ang katotohanan at binabaluktot ang mga katunayan? Masaya ba siyang patuloy na tiisin ang pagmamaltratong ito? Payag ba siyang maging alipin? Handa ba siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos kasama ang mga ari-arian ng nabigong estadong ito? Nasaan ang iyong kapasiyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad? Nasaan ang iyong kalayaan? Handa ka bang ibigay ang iyong buong buhay para sa malaking pulang dragon, ang hari ng mga diyablo? Masaya ka bang hayaan itong pahirapan ka hanggang kamatayan? Ang mukha ng kalaliman ay magulo at madilim, ang mga karaniwang katutubo, nagdurusa nang gayong kalungkutan, umiiyak sa Langit at nagrereklamo sa lupa. Kailan maitataas ng tao ang kanyang ulo nang mataas? Payat at alid ang tao, paano niya lalabanan itong malupit at abusadong diyablo? Bakit hindi niya ibigay ang kanyang buhay sa Diyos sa lalong madaling panahon? Bakit nag-aalinlangan pa rin siya, kailan niya matatapos ang gawain ng Diyos? Kaya walang-katuturang binubulyawán at inaapi, ang kanyang buong buhay sa kahuli-hulihan ay nagugol sa walang-kabuluhan; bakit siya nagmamadaling dumating, at ganoong kabilis na umalis? Bakit hindi siya nagpapanatili ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang libong taon ng poot?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

33. Naging katawang-tao sa panahong ito ang Diyos upang gawin ang gayong gawain, upang tapusin ang gawaing hindi pa Niya natatapos, upang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan, upang hatulan ang kapanahunang ito, upang sagipin ang lubhang makasalanan mula sa mundo ng dagat ng kadalamhatian, at lubos silang baguhin. Ipinako ng mga Judio ang Diyos sa krus, sa gayon ay tinatapos ang mga paglalakbay ng Diyos sa Judea. Hindi nagtagal, ang Diyos ay personal na naparito muli sa gitna ng tao, tahimik na dumarating sa bansa ng malaking pulang dragon. Sa katunayan, ang relihiyosong komunidad ng bansang Judio ay matagal nang nagsabit ng imahe ni Jesus sa kanilang mga dingding, at mula sa kanilang mga bibig humibik ang mga tao ng “Panginoong JesuCristo.” Kakaunti lamang ang kanilang nalalaman na matagal nang tinanggap ni Jesus ang utos ng Kanyang Ama na bumalik sa gitna ng tao upang tapusin ang ikalawang hakbang ng Kanyang hindi natapos na gawain. Bilang resulta, nagulat ang mga tao nang tumingin sila sa Kanya: Ipinanganak Siya sa gitna ng isang mundo kung saan maraming kapanahunan na ang lumipas, at nagpakita Siya sa mga tao na may hitsura ng isa na sukdulang karaniwan. Sa katunayan, habang ang mga kapanahunan ay lumilipas, ang Kanyang damit at buong hitsura ay nagbago, na tila Siya ay isinilang muli. Paano kaya malalaman ng tao na Siya ay ang mismong parehong Panginoong JesuCristo na bumaba mula sa krus at muling-nabuhay? Wala Siya ni bahagyang bakas ng pinsala, gaya nang si Jesus ay walang pagkakahawig kay Jehova. Ang Jesus ngayon ay matagal nang walang kinalaman sa nakalipas na mga panahon. Paano kaya Siya makikilala ng mga tao? Ang salawahang si “Tomas” ay palaging nagdududa na Siya ay si Jesus na muling-nabuhay, nais niya na palaging makita ang mga peklat mula sa mga pako sa mga kamay ni Jesus bago siya maniwala; hangga’t hindi niya nakikita ang mga iyon, palagi pa rin siyang magdududa, at walang kakayahang manindigan at sumunod kay Jesus. Kawawang “Tomas”—paano kaya niya malalaman na nakarating si Jesus upang gawin ang gawaing iniatas ng Diyos Ama? Bakit kailangang taglayin ni Hesus ang mga peklat ng pagkakapako sa krus? Ang mga peklat ba ng pagkakapako sa krus ang marka ni Jesus? Nakarating Siya upang gumawa para sa kalooban ng Kanyang Ama; bakit Siya darating nang nakadamit at nakagayak bilang isang Judio mula sa ilang libong taon na ang nakakaraan? Ang anyo kaya na ibinibihis ng Diyos sa katawang-tao ay makahahadlang sa gawain ng Diyos? Kaninong teorya ito? Bakit, kapag ang Diyos ay gumagawa, dapat ba itong maging alinsunod sa kathang-isip ng tao? Ang tanging bagay na pinagsusumikapan ng Diyos sa Kanyang gawain ay para magkaroon ito ng epekto. Hindi Siya sumusunod sa batas, at walang mga patakaran sa Kanyang gawain—paano ito maaarok ng tao? Paanong ang mga pagkaintindi ng tao ay makakaaninag sa gawain ng Diyos? Kaya pinakamahusay na pumirmi kayo nang maayos: Huwag mabahala sa maliliit na bagay, at huwag palakihin ang mga bagay na bago lamang sa inyo—pahihintuin ka nito sa pagiging isang katatawanan at ang mga taong tumatawa sa iyo. Naniwala ka sa Diyos sa kabuuan ng mga taóng ito at hanggang ngayon hindi pa rin nakikilala ang Diyos; sa kahuli-hulihan, ilulubog ka sa pagkastigo, ikaw, na inilagay sa “pinakamataas sa klase,”26 ay isinasama sa hanay ng mga kinastigo. Mainam na huwag kang gumamit ng mga tusong pamamaraan upang ipagyabang ang iyong mga simpleng pandaraya; maaari kayang tunay na nadarama ng iyong makitid-na-pananaw ang Diyos, na nakakakita mula sa walang-hanggan tungo sa walang-hanggan? Mailalantad ba nang buo ng iyong mababaw na mga karanasan ang kalooban ng Diyos? Huwag maging mayabang. Ang Diyos, pagkatapos ng lahat, ay hindi mula sa mundo—kaya paanong ang Kanyang gawain ay magiging gaya ng iyong inaasahan?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

34. Ang nakábáóng mga katutubong kaugalian at pangkaisipang pananaw ay matagal nang nakalambong sa ibabaw ng dalisay at walang-muwang na espiritu ng tao, nasalakay ng mga iyon ang kaluluwa ng tao na wala kahit bahagyang pagkatao, na parang walang damdamin o anumang pakiramdam sa sarili. Sukdulang malupit ang mga paraan ng mga demonyong ito, at para bang ang “edukasyon” at “pag-aaruga” ay naging mga tradisyonal na pamamaraan kung paano pinapaslang ng hari ng mga diyablo ang tao; gamit ang “malalim na katuruan” nito lubusan nitong tinatakpan ang pangit nitong kaluluwa, nagbibihis-tupa upang kunin ang tiwala ng tao at pagkatapos ay sasamantalahin kapag ang tao ay natutulog na ganap siyang lamunin. Kaawa-awang sangkatauhan—paano kaya nila malalaman na ang lupain kung saan sila ay pinalaki ay ang lupain ng diyablo, at ang nagpalaki sa kanila sa katunayan ay isang kaaway na nananakit sa kanila. Datapwa’t hindi pa rin nagigising man lamang ang tao; sawà na sa kanyang gutom at uhaw, naghahanda siya upang gantihan ang “kabaitan” ng kanyang mga “magulang” sa pagpapalaki sa kanya. Ganyan ang tao. Ngayon, hindi pa rin niya alam na ang hari na nagpalaki sa kanya ay kanyang kaaway. Ang lupa ay nakakalatan ng mga buto ng patay, baliw na nagsásayáng walang-tigil ang diyablo, at nagpapatuloy sa paglamon sa laman ng tao sa “mundo ng mga patay,” kasama sa libingan ng mga kalansay ng tao at walang-sawà sa pagtatangkang ubusin ang huling mga labî ng sira-sirang katawan ng tao. Gayunpaman ang tao ay wala pa ring kamuwang-muwang, at hindi kailanman itinuring ang diyablo bilang kanyang kaaway, bagkus ay pinagsisilbihan niya ito nang kanyang buong-puso. Ang ganoong kasámáng mga tao ay walang-kakayahang kilalanin ang Diyos. Madali ba para sa Diyos ang maging laman at dumating sa kalagitnaan nila, isinasakatuparan ang lahat ng Kanyang gawain ng pagliligtas? Paano kaya magagawa ng tao, na sumisid na sa Hades, na katagpuin ang mga kinakailangan ng Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

35. Maraming mga gabi na walang tulog ang tiniis ng Diyos para sa kapakanan ng gawain ng sangkatauhan. Mula sa kaitaasan hanggang sa pinakamababang kalaliman, nakábábâ Siya sa buháy na impiyerno kung saan ang tao ay nabubuhay upang gugulin ang Kanyang mga araw kasama ang tao, hindi kailanman nagreklamo sa panlilimahid ng tao, hindi kailanman sinisi ang tao dahil sa kanyang pagsuway, nguni’t tinitiis ang pinakamatinding kahihiyan habang personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain. Paano kayang ang Diyos ay mabibilang sa impiyerno? Paano Niya magugugol ang Kanyang buhay sa impiyerno? Nguni’t para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, nang sa gayon ang buong sangkatauhan ay makasumpong ng kapahingahan sa lalong mas madaling panahon, natiis Niya ang kahihiyan at nagdusa ng kawalang-katarungan upang makaparito sa lupa, at personal na pumasok sa “impiyerno” at “Hades,” sa yungib ng tigre, upang iligtas ang tao. Paanong kwalipikado ang tao na kontrahin ang Diyos? Anong dahilan ang mayroon siya upang minsan pang magreklamo tungkol sa Diyos? Paano siya nagkakaroon ng lakas-ng-loob na muling tumingin sa Diyos? Nakarating dito sa pinakamaruming lupain ng kasamaan ang Diyos ng langit, at hindi kailanman ibinulalas ang kanyang mga hinaing, o nagreklamo tungkol sa tao, bagkus ay tahimik na tinatanggap ang mga pamímínsalà27 at pang-aapi ng tao. Hindi Siya kailanman gumanti sa hindi-makatwirang mga hinihingi ng tao, hindi Siya kailanman humingi nang labis sa mga tao, at hindi Siya kailanman gumawa ng hindi-makatwirang mga paghingi sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat ng mga gawain na kinakailangan ng tao nang walang reklamo: pagtuturo, pagliliwanag, pagsaway, pagpipino ng mga salita, pagpapaalala, panghihikayat, pang-aaliw, paghatol at pagbubunyag. Alin sa Kanyang mga hakbang ang hindi naging para sa buhay ng tao? Kahit naalis Niya ang mga inaasam-asam at kapalaran ng tao, alin sa mga hakbang na isinakatuparan ng Diyos ang hindi para sa kapalaran ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng pananatiling buháy ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para palayain ang tao mula sa paghihirap at pang-aapi ng maitim na pwersa ng kadiliman na kasing-itim ng gabi? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng tao? Sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos, na tulad ng isang mapagmahal na ina? Sino ang maaaring makaabot sa sabik na puso ng Diyos? Ang masintahing puso ng Diyos at marubdob na mga pag-asam ay ginantihan ng malalamig na pakikitungo, ng mga matang walang pakiramdam at walang-pakialam, ng paulit-ulit na mga pagsaway at mga pang-iinsulto ng tao, ng masasakit na mga salita, at pambabárá, at pangmamaliit, ginantihan ang mga iyon ng panlilibak ng tao, ng kanyang pangyuyurak at pagtanggi, ng kanyang hindi tamang pagkaunawa, at pagdaing, at paghiwalay, at pag-iwas, ng walang anuman kundi pandaraya, pag-atake, at kapaitan. Ang mga magigiliw na salita ay sinalubong ng mababangis na mga mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumásawáy na mga daliri. Walang magawa ang Diyos kundi magtiis, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro.28 Gaano karaming mga araw at buwan, ilang beses Niyang hinarap ang mga bituin, gaano karaming beses Siya umalis sa madaling araw at bumalik sa dapit-hapon, at pabaling-baling, tinitiis ang matinding paghihirap na mas matindi ng isang libong beses kaysa sa sakit ng Kanyang pag-alis mula sa Kanyang Ama, tinitiis ang mga pag-atake at pananakit ng tao, at ang pakikitungo at pagpupungos ng tao. Sinuklian ang kababaang-loob at pagkatago ng Diyos ng pagkiling29 ng tao, ng mga di-makatarungang mga pananaw at pakikitungo ng tao, at ang Kanyang pagiging-di-kilala, pagtitiis, at pagpaparaya ay sinuklian ng sakim na titig ng tao; sinusubukan ng tao na magdabog sa Diyos hanggang kamatayan, walang pagsisisi, at sinusubukang yapakan ang Diyos sa lupa. Ang saloobin ng tao sa kanyang pakikitungo sa Diyos ay isa ng “bihirang katalinuhan,” at ang Diyos, na tinatakot at hinahamak ng tao, ay mariing tinapakan sa ilalim ng mga paa ng sampu-sampung libong mga tao habang ang tao sa sarili niya ay nakalindig nang mataas, na para bang siya ay magiging hari ng kastilyo, na para bang nais niyang kunin ang lubos na kapangyarihan,30 na hawakan ang hukuman mula sa likod ng isang tabing, upang gawin ang Diyos na matapat at masunurin-sa-panuntunang direktor sa likod ng mga eksena, na hindi pinahihintulutang lumaban o magsanhi ng problema; dapat gampanan ng Diyos ang bahagi ng Huling Emperador, dapat Siyang maging isang sunud-sunuran,31 walang wala ng lahat ng kalayaan. Hindi maikukuwento ang mga gawa ng tao, kaya karapat-dapat ba siya na humingi ng ganito o ganoon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikadong magbigay ng mga suhestiyon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikado na humingi sa Diyos na dumamay sa kanyang mga kahinaan? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng awa ng Diyos? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kadakilaan ng Diyos nang paulit-ulit? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kapatawaran ng Diyos nang paulit-ulit? Nasaan ang kanyang budhi? Matagal na niyang dinurog ang puso ng Diyos, matagal na niyang iniwan ang puso ng Diyos na durug-durog. Dumating ang Diyos sa gitna ng tao na puno ng pag-asa at masaya, umaasa na ang tao ay magiging mabait sa Kanya, kahit na kaunti lamang na pagkagiliw. Nguni’t ang puso ng Diyos ay hindi gaanong maaliw ng tao, ang lahat ng Kanyang natanggap ay parang bolang-niyebeng32 mga pag-atake at paghihirap ng kalooban; masyadong sakim ang puso ng tao, masyadong malaki ang kanyang pagnanásà, hindi siya kailanman magsasawa, lagi siyang pasáwáy at walang-patumangga, hindi niya kailanman binibigyan ng anumang kalayaan ang Diyos o karapatang magsalita at iniiwan ang Diyos na walang pagpipilian liban sa tiisin ang kahihiyan, at hayaan ang tao na manipulahin Siya kung paano man niya gusto.

mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

21. “Pasimuno ng lahat ng kasamaan” ay tumutukoy sa matandang diyablo. Ang pariralang ito ay nagpapahayag ng pinakamatinding pag-ayáw.

22. “Nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga pamamaraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.

23. “Mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga pamamaraan kung paano pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay talagang malupit, at lubhang kontrolado ang mga tao kaya wala nang puwang upang gumalaw.

24. “Napaboran” ay ginamit upang kutyain ang mga taong mukhang kulang sa mabuting asal at walang kamalayan sa sarili.

25. “Nagdurusa siya ng sunud-sunod na sakúnâ” ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay ipinanganak sa lupain ng malaking pulang dragon, at hindi nila kayang itaas ang kanilang mga ulo.

26. “Pinakamataas sa klase” ay ginagamit upang kutyain ang mga taong masigasig na naghahabol sa Diyos.

27. “Mga pamímínsalà” ay ginagamit upang ilantad ang pagsuway ng sangkatauhan.

28. “Sinalubong ng mababangis na mga mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumásawáy na mga daliri. Walang magawa ang Diyos kundi magtiis, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro,” ay orihinal na iisang pangungusap, nguni’t dito ay hinati sa dalawa upang mas malinawagan ang mga bagay-bagay. Ang unang pangungusap ay tumutukoy sa mga kilos ng tao, habang ang pangalawa ay nagpapahiwatig sa paghihirap na pinagdaanan ng Diyos, at na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago.

29. “Pagkiling” ay tumutukoy sa suwail na pag-uugali ng mga tao.

30. “Kunin ang lubos na kapangyarihan” ay tumutukoy sa masuwaying pag-uugali ng mga tao. Mapagmataas sila, iginagapos ang iba, pinasusunod ang mga ito sa kanila at pinagdurusa para sa kanila. Sila ang mga pwersa na laban sa Diyos.

31. “Sunud-sunuran” ay ginagamit upang kutyain ang mga taong hindi nakakakilala sa Diyos.

32. “Parang bolang-niyebeng” ay ginamit upang itampok ang mababang pag-uugali ng mga tao.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Unang bahagi) Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok" (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikalimang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaanim na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Unang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Ikalawang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

0(Mga) Resulta ng Paghahanap