Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pinakabagong mga Pagbigkas mula sa Makapangyarihang Diyos

9. Malaki ang naipagkatiwala ng Diyos sa tao at napatungkulan din ang kanilang pagpasok sa di-mabilang na mga paraan. Nguni’t dahil ang kakayahan ng mga tao ay lubhang mahina, marami sa mga salita ng Diyos ang nabigong mag-ugat. Sari-sari ang dahilan ng mahinang kalibreng ito, tulad ng katiwalian sa kaisipan ng tao at moralidad, kakulangan ng tamang pagpapalaki; pyudal na mga pamahiin na lubhang nakahawak sa puso ng tao; ubod-nang-samâ at bulok na mga uri ng pamumuhay na nagbunga ng maraming kasamaan sa pinakamalalim na sulok ng puso ng tao; mababaw na pagtarok sa pangkulturang kaalaman, kung saan halos siyamnapu’t-walong porsiyento ng mga tao ang kulang ng edukasyon sa pangkulturang kaalaman at, higit pa rito, iilan lamang ang nakatatanggap ng mas mataas na antas ng edukasyong pangkultura, kaya ang mga tao sa pangunahin ay walang ideya kung ano ang kahulugan ng Diyos o ng Espiritu, kundi mayroon lamang isang malabo at hindi maliwanag na larawan ng Diyos na nakuha mula sa pyudal na mga pamahiin; sa mga mapanirang impluwensya sa kalaliman ng puso ng tao na naiwan ng libu-libong taon ng matayog na diwa ng pagiging makabayan at pyudal na pag-iisip kung saan ang mga tao ay nakatali at nakakadena, nang wala ni ga-tuldok na kalayaan, walang paninindigang maghangad o magtiyaga, walang pagnanais na umunlad, sa halip ay nananatiling walang-pagkilos at paúróng, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin. At marami pa. Ang obhetibong mga salik na ito ay nagbahagi ng isang di-mabuburang marumi at pangit na anyo sa pang-kaisipang pananaw, mga simulain, moralidad at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang teroristang mundo ng kadiliman, na walang sinuman sa kanila ang naglalayong pangibabawan, at walang sinuman sa kanila ang nag-iisip na sumulong sa isang mundong uliran; sa halip, kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay,1 ang gugulin ang kanilang mga araw sa panganganak at pagpapalaki ng mga anak, nagsusumikap, nagpapapawis, nagtatrabaho, nangangarap ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng pagmamahal ng asawa, ng paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang, ng kagalakan sa kanilang katandaan habang matiwasay na namumuhay. ... Sa loob ng mga dekada, ng libu-libo, sampu-sampung libu-libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang mga oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng isang buhay na perpekto, lahat ay naghahangad lamang na makipagpatayan sa madilim na mundong ito, nakikipagkarera para sa katanyagan at kapalaran, at sa pang-iintriga laban sa isa’t isa. Sino ang kahit kailan ay naghanap sa kalooban ng Diyos? Mayroon bang sinuman na kahit kailan ay pumansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng mga bahagi ng pagkatao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging pantaong kalikasan mula noon, kaya lubos na mahirap isakatuparan ang gawain ng Diyos, at mas lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon. Kung anuman, sa tingin Ko hindi na bibigyang-halaga ng mga tao ang pagbigkas Ko ng mga salitang ito dahil ang sinasabi Ko ay tungkol sa kasaysayan ng libu-libong mga taon. Ang pag-usapan ang kasaysayan ay nangangahulugan ng mga katunayan at, higit pa rito, mga iskandalo na halata ng lahat, kaya ano ang punto sa pagsasalita ng salungat sa katunayan?

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Ang kinasusuklaman ng Diyos nang higit sa lahat ay ang mapamahiing gawain ng mga tao, nguni’t maraming mga tao pa rin ang hindi kayang bitawan ang mga iyon, at iniisip na ang mga mapamahiing gawaing ito ay iniutos ng Diyos, at kahit ngayon hindi pa lubusang nabibitawan ang mga iyon. Mga bagay na kagaya ng ginagawa ng mga kabataan para sa kapistahan ng kasalan at dote para sa mga babaeng ikakasal; mga regalong pera, mga handaan, at katulad na mga pamamaraan ng pagdiriwang ng masasayang mga okasyon; mga sinaunang pormula na namana; ang lahat ng mga walang-kabuluhang mapamahiing gawain na isinasagawa sa ngalan ng mga patay at seremonya ng paglilibing sa kanila, higit pang kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga ito. Kahit ang Linggo (araw ng Sabat, na sinusunod ng mga Judio) ay kinamumuhian ng Diyos; at lalo pang higit na kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos ang ugnayang panlipunan at makamundong pag-uugnayan sa pag-itan ng mga tao. Hindi iniutos ng Diyos kahit na ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko na kilala ng lahat ng tao, lalo na ang mga laruan at dekorasyon (mga pares-pares, keyk sa Bagong Taon, mga paputok, mga parol, mga regalo pag Pasko, mga salu-salo pag Pasko at Banal na Komunyon) dahil ang mga maliligayang araw ng pagdiriwang na ito—ay hindi ba mga idolo sa isipan ng mga tao? Ang pagpipira-piraso ng tinapay sa araw ng Sabat, alak at pinong lino ay lalong higit pang talagang mga idolo. Ang lahat ng mga iba’t-ibang mga tradisyonal na araw ng kapistahan na kilala sa Tsina, tulad ng “Dragon Heads-raising Day”, ang “Dragon Boat Festival”, “Mid-Autumn Festival”, ang “Laba Festival” at Araw ng Bagong Taon, at ang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Kuwaresma, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng mga di-makatwirang pistang ito ay isinaayos at ipinamana mula sa unang panahon hanggang sa kasalukuyan ng maraming mga tao, at lubos na hindi tugma sa lahi ng tao na nilikha ng Diyos. Ito ay ang mayamang imahinasyon ng tao at malikhaing pagbuo na nagsanhi sa mga ito na maipasa hanggang sa ngayon. Ang mga iyon ay walang kapintasan sa tingin, nguni’t sa katunayan ay mga panlilinlang ni Satanas sa sangkatauhan. Mas higit na pinagtitipunan ng mga Satanas ang isang lokasyon, at mas lipas at paúróng ang lugar na iyon, ay mas malálâ ang mga pyudal na kaugalian. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi na sila makakilos. Tila nagpapakita ng lubhang pagiging-orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at tila lumilikha ng isang tulay sa gawain ng Diyos, nguni’t ang mga iyon sa katunayan ay hindi-nakikitang mga tali ni Satanas na gumagapos sa mga tao upang hindi makilala ang Diyos—ang mga iyon ay mga tusong panlalansi ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay tapos na, nawasak na Niya ang mga kasangkapan at estilo ng panahong iyon, na walang naiwang anumang bakas. Gayunman, ang “matapat na mga mananampalataya” ay sinasamba pa rin ang mga nahihipong materyal na mga bagay; samantala isinasantabi nila sa kanilang mga isipan ang kung anong mayroon ang Diyos, hindi na ito pinag-aaralan pa, tila baga puno ng pag-ibig ng Diyos nguni’t ang totoo Siya ay matagal nang itinulak palabas ng bahay at inilagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Ang mga larawan ni Jesus, ang Krus, si Maria, Bautismo ni Jesus at ang Huling Hapunan—ang lahat ng mga ito ay iginagalang ng mga tao bilang Panginoon ng Langit, at lahat ay habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Diyos na Ama.” Hindi ba ang lahat ng ito ay isang biro? Hanggang ngayon, kinapopootan ng Diyos ang maraming katulad na mga pananalita at pagsasagawa na minana ng sangkatauhan, seryosong hinahadlangan ng mga iyon ang daan tungo sa Diyos at, higit pa rito, naging sanhi ng matitinding kabiguan sa pagpasok ng tao. Isinasantabi ang lawak ng pagkakasira ni Satanas sa sangkatauhan, ang mga kalooban ng mga tao ay lubusang napuno ng mga bagay na gaya ng batas ni Witness Lee, ng mga karanasan ni Lawrence, ng mga sarbey ni Watchman Nee at ng gawain ni Pablo. Walang basta-bastang paraan upang gumawa ang Diyos sa mga tao dahil sa loob nila ay may sobrang pagkamakasarili, mga batas, mga patakaran, mga alituntunin at mga sistema, at mga tulad nito ang mga bagay na ito, karagdagan sa hilig ng mga tao sa pyudal na mga pamahiin, ay bumihag at lumamon sa sangkatauhan. Ang iniisip ng mga tao ay mistulang isang kapana-panabik na pelikula na nagsasalaysay ng isang kathang-isip na kasaysayang may-kulay, na may hindi-kapani-paniwalang mga nilalang na nakasakay sa mga ulap, napaka-malikhain kaya namamangha ang mga tao, iniiwan silang tulala at hindi makapagsalita.

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ang pinakamahusay na paraan upang baguhin ang disposisyon ng tao ay baligtarin yaong mga bahagi sa kaibuturan ng mga puso ng mga tao na pinakamatinding nalason, na nagpapahintulot sa mga tao na magsimulang baguhin ang kanilang pag-iisip at moralidad. Una sa lahat, kailangang malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng mga seremonyang ito ng relihiyon, mga relihiyosong gawain, mga taon at mga buwan, at mga pista ay kinasusuklaman ng Diyos. Dapat silang lumaya mula sa mga gapos na ito ng pyudal na pag-iisip at wasakin ang bawa’t bakas ng kanilang malalim na pagkahilig sa pamahiin. Ang lahat ng ito ay kasama sa pagpasok ng tao. Dapat ninyong maunawaan kung bakit pinangungunahan ng Diyos ang sangkatauhan palabas sa sekular na mundo, at muli kung bakit Niya inaakay ang sangkatauhan paláyô sa mga patakaran at mga alituntunin. Ito ang pintuan kung saan kayo papasok, at kahit na ito ay walang kinalaman sa inyong espirituwal na karanasan, ang mga ito ang pinakamatinding mga bagay na humaharang sa inyong pagpasok, humaharang sa inyong pagkilala sa Diyos. Bumubuo ang mga iyon ng isang “lambat” na humuhuli sa tao. Maraming tao ang sobrang magbasa ng Biblia at kaya pang bigkasin ang maraming mga sipi sa Biblia mula sa memorya. Sa kanilang pagpasok ngayon, walang malay ang mga tao na ginagamit nila ang Biblia upang sukatin ang gawain ng Diyos na parang ang batayan ng yugtong ito sa gawain ng Diyos ay ang Biblia at ang pinagmulan nito ay ang Biblia. Kapag ang gawain ng Diyos ay nakalinya sa Biblia, matinding sinusuportahan ng tao ang gawain ng Diyos at tumitingin sa Kanya na may panibagong paggalang; kapag ang gawain ng Diyos ay hindi tumugma sa Biblia, masyadong nababahala ang mga tao na sila ay pinagpapawisan, naghahanap dito ng batayan ng gawain ng Diyos; kung ang gawain ng Diyos ay hindi nabanggit sa Biblia, hindi papansinin ng mga tao ang Diyos. Maaaring masabi na, kaugnay sa gawain ng Diyos sa ngayon, ang karamihan sa mga tao ay maingat na maingat na tumatanggap dito, namímilì lamang ng sinusunod, at nadaramang walang-pakialam kung ito man ay naalaman; at para sa mga bagay ng nakaraan, pinanghahawakan nila ang kalahati at tinatalikdan ang kalahati. Maaari ba itong matawag na pagpasok? Hinahawakan ang mga libro ng iba bilang mga kayamanan, at itinuturing ang mga iyon bilang ginintuang susi sa pasúkán ng kaharian, ipinakikita lamang ng mga tao na wala silang interes sa kung ano ang kinakailangan ng Diyos ngayon sa kanila. Higit pa rito, maraming “matalinong mga eksperto” ang humahawak sa mga salita ng Diyos sa kanilang kaliwang kamay at sa kanang kamay hawak nila ang “obra maestra” ng iba, na parang nais nilang mahanap ang batayan ng mga salita ng Diyos sa mga obra maestrang ito upang lubos na patunayan na ang mga salita ng Diyos ay tama, at ipinaliliwanag pa nila sa iba sa pamamagitan ng pagsasama ng mga iyon sa mga obra maestra, na mistula silang nagtatrabaho. Sa katotohanan, maraming mga “pang-agham na mga mananaliksik” sa gitna ng sangkatauhan ang hindi kailanman tinitingnan nang mataas ang mga pinakabagong tagumpay pang-agham sa kasalukuyan, mga pang-agham na tagumpay na walang nauna (i.e. ang gawain ng Diyos, ang mga salita ng Diyos at ang landas sa pagpasok sa buhay), kaya ang lahat ng tao ay “umaasa sa sarili,” “nangangaral” sa maraming lugar na umaasa sa kanilang galíng sa pagsasalita, ipinagmamarangya “ang magandang pangalan ng Diyos.” Samantala, nasa panganib ang kanilang pagpasok at ang distansya nila mula sa mga kinakailangan ng Diyos ay tila kasing-layo ng paglikha mula sa sandaling ito. Gaano kadaling gawin ang gawain ng Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Tila nakapagpasya na ang mga tao na iwanan ang kalahati ng kanilang mga sarili sa kahapon at dalhin ang kalahati sa kasalukuyan, ihatid ang kalahati kay Satanas at ihandog ang kalahati sa Diyos, na parang ito ang paraan upang gumaan ang kanilang budhi at makaramdam ng kaginhawahan. Lihim na mapánírà ang puso ng mga tao, takot silang mawala hindi lamang ang bukas kundi pati na rin ang kahapon, takot na takot na parehong masaktan si Satanas at ang Diyos ng ngayon na tila Siya at datapwa’t hindi rin Siya. Dahil nabigo ang mga tao na linangin ang kanilang pag-iisip at moralidad, sila ay kulang na kulang sa pagtalos, at hindi nila basta-basta masábi kung ang gawain ng kasalukuyan ay sa Diyos ba o hindi. Ito marahil ay dahil ang pyudal at mapamahiing pag-iisip ng tao ay masyadong malalim kaya matagal na nilang inilagay ang pamahiin at katotohanan, ang Diyos at mga diyus-diyosan, sa parehong kategorya; wala silang malasakit na alamin ang pagkakaiba sa pag-itan ng mga bagay na ito, at tila hindi pa rin nila malaman nang malinaw ang kaibahan kahit na pagkatapos nilang halukayin ang kanilang mga utak. Kaya napatigil na ang mga tao sa kanilang mga landas at hindi na sumusulong. Ang lahat ng mga problemang ito ay galing sa kakulangan ng mga tao sa tamang uri ng pag-aaral na pang-kaisipan, na nagdudulot ng matitinding mga paghihirap para sa kanilang pagpasok. Bilang resulta, hindi kailanman nakadama ng anumang interes ang mga tao sa gawain ng tunay na Diyos, nguni’t patuloy na kumakapit sa2 gawa ng tao (tulad niyaong mga tinitingnan nila bilang mga dakilang tao) na parang ito ay inimprentahan ng isang tatak. Hindi ba ang mga ito ang pinakabagong mga paksa na dapat pasukin ng sangkatauhan?

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Kung tunay na ang tao ay maaaring makapasok alinsunod sa gawain ng Banal na Espiritu, ang kanyang buhay ay mabilis na uusbong tulad ng isang labong pagkatapos ng isang ulan sa tagsibol. Kung titingnan mula sa kasalukuyang mga tayog ng karamihan sa mga tao, walang sinuman ang nagbibigay ng anumang kahalagahan sa buhay. Sa halip, ang pinahahalagahan ng mga tao ay ang ilang di-mahalagang panlabas na mga bagay. O nagmamadali sila parito at paroon at nagtatrabaho nang walang layon at nakikipagsapalaran na walang pagtutuon ng pansin, hindi alam kung saang direksyon tutungo at lalong hindi kung para kanino. Sila lamang ay “mapagkumbabang nagtatago ng kanilang mga sarili.” Ang katotohanan ay, iilan lamang sa inyo ang nakaaalam ng mga intensyon ng Diyos para sa huling mga araw. Bihira lamang sa inyo ang nakaaalam ng bakas ng paa ng Diyos, at higit pang kakaunti ang nakaaalam kung ano ang magiging pinakahuling pagsasakatuparan ng Diyos. Nguni’t ang lahat, sa pamamagitan ng tibay ng kalooban, ay tumatanggap ng disiplina at pakikitungo mula sa iba, na parang naghahanda3 at naghihintay sa araw kung kailan sa wakas ay nagawa nila ito at maaari nang magpahinga. Hindi ako magsasabi ng anuman sa mga “kababalaghang” ito sa gitna ng mga tao, nguni’t may isang punto na dapat maunawaan ninyong lahat. Karamihan sa mga tao sa sandaling ito ay pasulong na tumutungo sa abnormalidad,4 ang kanilang mga hakbang papasok ay patungo na sa isang dulong walang labasan.5 Marahil nag-iisip ang maraming tao na ito ang “Shangri-La” na inaasam ng tao, na pinaniniwalaan ito bilang ang lugar ng kalayaan. Sa katunayan, hindi ito. O ang isa ay maaaring magsabi na ang mga tao ay nawala na sa landas.

mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling kalmado ang Diyos, hindi kailanman ipinagkakanulo ang Sarili Niya. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kinasasaklawan. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, magigising ang lahat mula sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang pag-uugali6. Natatandaan ko nang minsang sabihin ng Diyos na, “Ang pagdating sa laman sa oras na ito ay parang tulad ng pagbagsak sa lungga ng isang tigre.” Ang ibig sabihin nito ay dahil sa ikot na ito ng gawain ng Diyos ay ang pagdating ng Diyos sa laman at pagkapanganak sa tinatahanang lugar ng malaking pulang dragon, ang Kanyang pagparito sa lupa sa panahong ito ay may kasama pang mas matitinding mga panganib. Ang kinakaharap Niya ay mga kutsilyo at mga baril at mga garote; ang kinakaharap Niya ay tukso; ang kinakaharap Niya ay maraming tao na may nakamamatay na mga tingin. Nakikipagsapalaran Siyang mapatay anumang sandali. Dumating nga ang Diyos na may poot. Gayunpaman, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagpeperpekto, na nangangahulugan na gawin ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain na nagpapatuloy pagkatapos ng gawain ng pagtubos. Para sa kapakanan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, inilaan ng Diyos ang sukdulang pagpapahalaga at pag-iingat at gumagamit ng bawa’t maiisip na mga paraan upang maiwasan ang mga pag-atake ng tukso, mapagkumbabang itinatago ang Kanyang sarili at hindi kailanman ipinapasikat ang Kanyang pagkakakilanlan. Sa pagsagip ng tao mula sa krus, kinukumpleto lamang ni Jesus ang gawain ng pagtubos; hindi Siya gumagawa ng gawaing pagpeperpekto. Kaya kalahati lamang ng gawain ng Diyos ang ginagawa, ang pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay kalahati lamang ng Kanyang buong plano. Sa pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at pagtatapos ng luma, ang Diyos Ama ay nagsimulang pag-isipan ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain at nagsimulang paghandaan ito. Noong nakaraan, maaaring hindi nahulaan ang pagkakatawang-taong ito sa huling mga araw, at sa gayon naglatag ito ng isang pundasyon para higit pang mailihim ang pagdating ngayon ng Diyos sa laman. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang papaganito nang sa gayon mas maayos na maisakatuparan ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa mahimbing na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal nang natapos at Siya’y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa. Dahil ang gawain ng Diyos ay nangangailangan na ang Diyos ay kumilos at magsalita nang personal, at dahil walang paraan ang tao upang makatulong, tiniis ng Diyos ang matinding sakit upang pumarito sa lupa at gawin Niya Mismo ang gawain. Hindi kayang humalili ng tao para sa gawain ng Diyos. Samakatuwid nakipagsapalaran sa mga panganib ang Diyos ng ilang libong beses na mas matindi kaysa roon sa Kapanahunan ng Biyaya upang bumaba sa kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan upang gawin ang Kanyang sariling gawain, upang ibuhos ang lahat ng Kanyang pag-iisip at pangangalaga sa pagtubos sa grupo ng naghihirap na mga taong ito, pagtubos sa grupong ito ng mga taong nasadlak sa tambak ng basura. Kahit na walang nakakaalam sa pag-iral ng Diyos, hindi nababalisa ang Diyos dahil ito ay malaking kapakinabangan sa gawain ng Diyos. Napakabangis na masama ang bawa’t isa, kaya paanong matitiis ng kahit na sino ang pag-iral ng Diyos? Iyon ang dahilan kung bakit laging tahimik ang Diyos sa lupa. Kahit gaano kalabis ang kalupitan ng tao, hindi dinidibdib ng Diyos ang alinman dito, kundi patuloy lamang Siya sa paggawa ng kailangang gawain upang matupad ang mas higit na atas na ibinigay sa Kanya ng Ama sa langit. Sino sa inyo ang nakakakilala ng kagandahan ng Diyos? Sino ang nagpapakita nang higit na pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos Ama kaysa sa ginagawa ng Kanyang Anak? Sino ang may kakayahang maunawaan ang kalooban ng Diyos Ama? Madalas na nababalisa sa langit ang Espiritu ng Diyos Ama, at ang Kanyang Anak sa lupa ay madalas nananalangin para sa kalooban ng Diyos Ama, lubhang nababahala ang Kanyang puso. Mayroon bang kahit sino na nakakaalam ng pag-ibig ng Diyos Ama para sa Kanyang Anak? Mayroon bang kahit sino na nakakaalam kung paano nangungulila ang sinisintang Anak sa Diyos Ama? Napupunit sa pag-itan ng langit at lupa, ang dalawa ay patuloy na tinititigan ang bawa’t isa mula sa malayo, magkaagapay sa Espiritu. O sangkatauhan! Kailan kayo magiging mapagbigay sa puso ng Diyos? Kailan ninyo mauunawaan ang intensyon ng Diyos? Palaging umaasa ang Ama at Anak sa isa’t isa. Bakit kung gayon dapat Silang maghiwalay, isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Minamahal ng Ama ang Kanyang Anak gaya ng pagmamahal ng Anak sa Kanyang Ama. Bakit kung gayon dapat Siyang maghintay nang may gayong pag-asam at manabik nang may gayong pagkabalisa? Kahit hindi Sila nagkahiwalay nang matagal, mayroon bang kahit sino na nakakaalam na ang Ama ay lubhang nababalisa na nagnanasa sa loob ng maraming mga araw at gabi at nananabik sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak? Nagmamasid Siya, nakaupo Siya sa katahimikan, naghihintay Siya. Ang lahat ng ito ay para sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak. Kailan kaya Niya muling makakasama ang Anak na naglilibot sa lupa? Kahit na minsang nagsama, magsasama Sila sa walang-hanggan, paano Niya matitiis ang libu-libong mga araw at gabi ng paghihiwalay, ang isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Ang sampu-sampung taon sa lupa ay gaya ng libu-libong taon sa langit. Paanong hindi mag-aalala ang Diyos Ama? Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, nararanasan Niya ang maraming mga pagbabago ng mundo ng tao kagaya nang nararanasan ng tao. Ang Diyos Mismo ay walang sala, kaya bakit hahayaang magdusa ang Diyos ng parehong sakit gaya ng tao? Hindi nakapagtataka na ang Diyos Ama ay nangungulila nang marubdob sa Kanyang Anak; sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos? Binibigyan ng Diyos ang tao nang sobra; paano magagawa ng tao na bayaran nang sapat ang puso ng Diyos? Datapwa’t ang ibinibigay ng tao sa Diyos ay masyadong maliit; paanong hindi mag-aalala samakatuwid ang Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. “Kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay” ay nangangahulugan na ang mga tao ay sumusunod sa mga patakaran at walang ginagawa na lumalabag sa mga batas.

2. “Patuloy na kumakapit sa” ay ginamit nang pakutya. Nangangahulugan ang pariralang ito na matigas ang ulo at sutil ang mga tao, pinanghahawakan ang mga bagay na nalipasan na ng panahon at umaayaw na bitawan ang mga ito.

3. “Naghahanda” ay ginagamit nang pakutya.

4. “Abnormalidad” ay nagpapahiwatig na lihis ang pagpasok ng mga tao at nasa isang-panig lamang ang kanilang mga karanasan.

5. Ang “walang labasan” ay nagpapahiwatig na tumatahak ang mga tao sa isang landas na salungat sa kalooban ng Diyos.

6. “Babaligtarin ang kanilang nakaraang pag-uugali” ay tumutukoy sa kung paano nagbabago ang mga pagkaintindi at pananaw ng mga tao tungkol Diyos sa sandaling makilala nila ang Diyos.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Unang bahagi) Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok" (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikalimang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaanim na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Unang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Ikalawang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

0(Mga) Resulta ng Paghahanap