Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Unang bahagi)

1. Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi-malinaw sa inyo kung ano ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay ng mga pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan ng lahat niyaong nasa mundo ng relihiyon. Naririto ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, kaya’t ang kapintasang ito ay ang pare-parehong depekto ng lahat niyaong mga naghahanap sa Kanya. Walang isa mang tao ang kailanman ay nakakilala sa Diyos, o kailanman ay nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging kasing-hirap ng paglilipat ng isang bundok o pag-iígá ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang mga buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawain; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, yaong ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, ang namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo ng malupit at di-makataong pag-uusig...? Na ang mga trahedyang ito ay sumapit—hindi ba ang lahat ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay magkakaroon ng mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos datapwa’t umuusig sa Kanya ay magkakaroon ng mukhang ihaharap sa Kanya? Hindi lamang ang mga ito mga kakulangan niyaong mga nasa loob ng mundo ng relihiyon, bagkus ay parehong nasa inyo at nasa kanila. Naniniwala ang mga tao sa Diyos nang hindi Siya nakikilala; ito lamang ang dahilan kung bakit hindi nila iginagalang ang Diyos sa kanilang mga puso, at hindi Siya kinatatakutan sa kanilang mga puso. May mga tao pa nga na, kasama ang magarbong pagpapasikat, ay gumagawa ng gawain na kanilang nakikita sa kanilang mga sarili sa loob ng daloy na ito, at sumusulong sa paggawa ng gawain ng Diyos ayon sa kanilang sariling mga hinihingi at alibughang mga ninánasà. Maraming mga tao ang kumikilos nang magaspang, walang pagpapahalaga sa Diyos bagkus ay sinusunod ang kanilang sariling kalooban. Hindi ba ang mga ito ay perpektong pagsasakatawan ng makasariling mga puso ng mga tao? Hindi ba nito inihahayag ang sobrang masaganang elemento ng panlilinlang na taglay ng mga tao?

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Tunay ngang ang mga tao ay maaring napakatalino, nguni’t paanong maaaring halinhinan ng kanilang mga talento ang gawain ng Diyos? Maaari ngang tunay na nagmamalasakit ang mga tao sa pasanin ng Diyos, nguni’t hindi sila maaaring kumilos nang masyadong makasarili. Talaga bang ang gawa ng mga tao ay tunay na banal? Maaari bang ang sinuman ay maging siguradong positibo? Upang sumaksi sa Diyos, upang magmana ng Kanyang kaluwalhatian—ito ay ang pagpapahintulot ng Diyos at pag-aangat sa mga tao; paano sila magiging karapat-dapat? Kasisimula pa lamang ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay nagsisimula pa lamang na mabigkas. Sa puntong ito, maganda ang pakiramdam ng mga tao sa kanilang mga sarili; hindi ba ito ay isang bagay na maaaring magsanhi ng kahihiyan? Hindi nila masyadong naiintindihan. Kahit na ang pinakalikas-na-matalinong teoretista, ang pinaka-matátás na mananalumpati, ay hindi makakapaglarawan ng lahat ng kasaganaan ng Diyos—mas lalo pa kaya kayo? Pinakamabuti na huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang mas mataas pa kaysa langit, bagkus ay tingnan ang inyong mga sarili na mas mababa pa kaysa sa pinakamababa sa matitinong mga tao na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ito ang landas kung saan kayo ay papasok: ang makita ang inyong mga sarili na mas maikli ng isang dangkal kaysa sa iba. Bakit ipinapalagay ang inyong mga sarili na napakataas? Bakit ninyo totoong pinahahalagahan nang ganoong kataas ang inyong mga sarili? Sa mahabang lakbayin ng buhay, kasisimula pa lamang ninyong humakbang nang kaunti. Braso lamang ng Diyos ang nakikita ninyo, hindi ang kabuuan ng Diyos. Marapat lamang na makita ninyo ang mas marami pang gawain ng Diyos, upang matuklasan ninyo nang higit pa ang kung ano ang dapat ninyong pasukin, dahil kakaunti ang inyong ipinagbago.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa sangnilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng mga bagay, nag-iisa ang tao sa gitna ng mga iyon na napapasailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan tungo sa katiwalian nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; sila’y tinutukso nito sa ganitong paraan at ganoon hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawa’t pabagu-bagong takbo ng buhay, sa bawa’t paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinatapos na ni Satanas ang kanilang tadhana. Kaya’t ginugugol ng mga tao ang kanilang buong buhay sa kalituhan, hindi nila kailanman natatamasa ang mga magagandang bagay na naihanda ng Diyos para sa kanila, bagkus ay nasisira ni Satanas at naiiwang gula-gulanit. Ngayon sila ay naging napakahina at walang-sigla kaya’t wala nang ganang pansinin man lamang ang gawain ng Diyos. Kung ang mga tao ay walang ganang pansinin ang gawain ng Diyos, ang kanilang pagdaranas ay magpakailanmang mananatiling pira-piraso at hindi-buo, at ang kanilang pagpasok ay magpakailanmang magiging walang laman.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Sa loob ng ilang libong taon simula nang pumarito sa daigdig ang Diyos, ang anumang bilang ng mga tao na may matayog na mga simulain ay ginamit ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain sa anumang bilang ng mga taon; nguni’t yaong may alam sa Kanyang gawain ay napakakaunti na halos ay wala. Dahil dito, hindi mabilang na mga tao ang lumalaban sa Diyos kasabay ng pagbalikat sa gawain Niya, sapagka’t, sa halip na gawin ang Kanyang gawain, sila’y aktwal na gumagawa ng pantaong gawain sa posisyong ipinagkaloob ng Diyos. Maaari ba itong tawaging gawain? Paano sila makakapasok sa loob? Kinuha ng sangkatauhan ang biyaya ng Diyos at ito ay inilibing. Dahil dito, sa loob ng mga nakaraang henerasyon yaong mga gumagawa ng Kanyang gawain ay nakapasok lamang nang bahagya. Sila ay hindi man lamang nagsasalita tungkol sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, dahil masyadong kakaunti ang kanilang nauunawaan sa karunungan ng Diyos. Maaaring masabi na, bagaman maraming naglilingkod sa Diyos, nabigo silang makita kung gaano Siya kadakila, kaya’t ito ang kung bakit ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga sarili bilang Diyos upang sambahin ng iba.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Sa loob ng napakaraming taon nanatiling nakatago ang Diyos sa loob ng sangnilikha; mula sa likod ng tumatalukbong na hamog ay nagmamasid sa pagdaan ng maraming tagsibol at taglagas; sa pagdaan ng maraming mga araw at gabi ay tumitingin sa ibaba mula sa ikatlong langit; lumalakad kasama ng mga tao sa pagdaan ng maraming buwan at mga taon. Nakaupo Siya sa ibabaw ng lahat ng tao, matahimik na naghihintay sa pagdaan ng napakaraming magiginaw na mga taglamig. Hindi Niya kailanman ipinakita nang lantaran ang Sarili Niya kaninuman, ni hindi rin nagsanhi ng anumang ingay, umaalis nang walang palatandaan at kasing-tahimik na nagbabalik. Sino ang maaaring makakilala sa Kanyang tunay na mukha? Hindi kailanman Siya nagsalita sa tao, ni minsan ay hindi kailanman nagpakita sa tao. Gaano kadálî para sa mga tao na gawin ang gawain ng Diyos? Bahagya lamang nilang natatanto na ang kilalanin Siya ay ang pinakamahirap na bagay sa lahat. Ngayon ang Diyos ay nagsalita sa tao, nguni’t hindi Siya kailanman nakikilala ng tao, sapagka’t ang kanyang pagpasok sa buhay ay masyadong limitado at mababaw. Mula sa Kanyang perspektibo, ang mga tao ay ganap na hindi nararapat magpakita sa harap ng Diyos. Masyadong maliit ang kanilang pagkaunawa sa Diyos at masyadong hiwalay mula sa Kanya. Bukod dito, ang kanilang mga puso na naniniwala sa Diyos ay masyadong kumplikado, at hindi man lamang nila taglay ang imahe ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Bilang resulta, ang napakaingat na pagsisikap ng Diyos, at ang Kanyang gawain, tulad ng mga pira-pirasong gintong nakabaon sa ilalim ng buhanginan, ay hindi makapagsilay ng munti mang sinag ng liwanag. Para sa Diyos, ang kakayahan, mga motibo, at mga pananaw ng mga taong ito ay karima-rimarim sa kasukdulan. Hirap na hirap sa kanilang kapasidad na tumanggap, hindi nakakaramdam hanggang sa punto ng pagiging manhid, hamak at masama, sobra-sobrang sunud-sunuran, mahina at walang determinasyon, kailangan silang akayin gaya ng pag-akay sa mga baka at kabayo. Kaugnay sa kanilang pagpasok sa espiritu, o pagpasok sa gawain ng Diyos, hindi sila nag-uukol kahit katiting na pansin, hindi nagtataglay ng kahit isang tuldok ng paninindigang magdusa alang-alang sa katotohanan. Ang gawing ganap ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging madali para sa Diyos. Kaya mahalaga na inyong italaga ang inyong pagpasok mula sa anggulong ito—na sa pamamagitan ng inyong gawa at ng inyong pagpasok ay inyong alamin ang gawain ng Diyos.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Kapag binabanggit ang gawa, naniniwala ang tao na ang gawain ay ang tumakbo paroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng lugar, at gumugol para sa Diyos. Bagaman ang paniniwalang ito ay tama, ito ay masyadong nakakiling sa isang panig lamang; ang hinihingi ng Diyos sa tao ay hindi lamang maglakbay paroo’t parito para sa Diyos; ito ay higit na ang ministeryo at pagtutustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatirang lalaki at babae ang hindi kailanman nakapag-isip tungkol sa paggawa para sa Diyos kahit matapos ang napakaraming taon ng karanasan, pagka’t ang gawain ayon sa pagkaintindi ng tao ay hindi kaugma niyaong hinihingi ng Diyos. Samakatuwid, ang tao ay walang anumang interes patungkol sa gawain, at ito ang talagang dahilan kung bakit ang pagpasok ng tao ay masyadong nakakiling din sa isang panig. Lahat kayo ay dapat magsimulang pumasok sa pamamagitan ng paggawa para sa Diyos, nang sa gayon maaari ninyong mas mainam na maranasan ang lahat ng aspeto nito. Ito ang dapat ninyong pasukan. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagtakbo paroo’t parito para sa Diyos; tumutukoy ito sa kung ang buhay ng tao at kung ano ang isinasabuhay ng tao ay para matamasa ng Diyos. Tumutukoy ang gawain sa paggamit ng tao ng katapatang mayroon sila sa Diyos at sa kaalamang mayroon sila tungkol sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos at magministeryo sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at kung ano ang dapat mapagtanto ng lahat ng tao. Sa ibang salita, ang inyong pagpasok ay ang inyong gawain; humahanap kayong makapasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang kumain at uminom ng Kanyang salita nararanasan ang Diyos; ang mas mahalaga, makaya ninyo dapat na magpatotoo sa Diyos, maglingkod sa Diyos, at magministeryo at magtustos sa tao. Ito ang gawain, at ang inyo ring pagpasok; ito ang dapat tuparin ng bawa’t tao.

mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Marami ang mga nakatuon lamang sa paglalakbay paroo’t parito para sa Diyos, at nangangaral sa lahat ng dako, nguni’t hindi binibigyang-pansin ang kanilang personal na karanasan at pinababayaan ang kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang sanhi kung bakit yaong mga naglilingkod sa Diyos ay nagiging yaong mga lumalaban sa Diyos. Sa loob ng napakaraming taon, itinuring lamang niyaong mga naglilingkod sa Diyos at nagmiministeryo sa tao ang paggawa at pangangaral bilang pagpasok, at walang nagturing sa kanilang sariling espirituwal na karanasan bilang isang mahalagang pagpasok. Sa halip, pinupuhunan nila ang pagliliwanag ng gawain ng Banal na Espiritu upang magturo sa iba. Kapag nangangaral, lubha silang nabibigatan at tinatanggap ang gawa ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan nito nailalabas nila ang tinig ng Banal na Espiritu. Sa sandaling iyon, kayabangan at pagkalugod sa sarili ang nararamdaman ng mga gumagawa, na para bang ang gawain ng Banal na Espiritu ay kanilang sariling espirituwal na karanasan; pakiramdam nila na ang lahat ng mga salitang kanilang sinasambit sa sandaling iyon ay kanilang sariling pagkatao.... Matapos mong minsang makapangaral sa ganoong paraan, pakiramdam mo ang iyong aktwal na tayog ay hindi kasing-liit ng iyong inakala. Pagkatapos ng maraming beses na gumawa sa iyo sa katulad na paraan ang Banal na Espiritu, saka mo nalaman na ikaw ay mayroon nang tayog at nagkamali sa paniniwala na ang gawa ng Banal na Espiritu ay ang iyong sariling pagpasok at pagkatao. Kapag patuloy kang nagkakaroon ng ganitong karanasan, nagiging pabáyâ ka tungkol sa iyong sariling pagpasok. Sa gayon ay hindi mo napapansin na ikaw ay nagiging tamad, at hindi nagpapahalaga kahit kaunti sa iyong sariling pagpasok. Samakatuwid, kapag ikaw ay naglilingkod sa iba, dapat malinaw sa iyo ang pagkakaiba sa pag-itan ng iyong tayog at ng gawa ng Banal na Espiritu. Mas mapapadali nito ang iyong pagpasok at mas kapaki-pakinabang para sa iyong karanasan. Ang pagtuturing ng tao sa gawa ng Banal na Espiritu bilang kanilang sariling karanasan ay ang simula ng pagbábà ng tao. Kaya, anumang tungkulin ang inyong ginagampanan, dapat ninyong ituring ang inyong pagpasok bilang isang susing aral.

mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Gumagawa ang isa upang tuparin ang kalooban ng Diyos, upang dalhin ang lahat niyaong may wangis ng puso ng Diyos sa harap Niya, upang dalhin ang tao sa Diyos, at upang ipakilala ang gawa ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos sa tao, at dahil doon ginagawang perpekto ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Sa kadahilanang ito, mahalagang matarok ninyo ang substansya ng paggawa. Bilang isa na ginagamit ng Diyos, lahat ng tao ay karapat-dapat sa paggawa para sa Diyos, iyon ay, mayroong pagkakataon ang lahat upang magamit ng Banal na Espiritu. Subali’t, may isang punto na dapat ninyong mapagtanto: Kapag ginagawa ng tao ang gawain ng Diyos, may pagkakataon ang tao na magamit ng Diyos, nguni’t ang sinasabi at nalalaman ng tao ay hindi ang buong tayog ng tao. Mas makikilala lamang ninyo ang inyong mga pagkukulang sa inyong gawain, at tatanggap ng higit na kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, sa gayon ay pinahihintulutan kayong mas mahusay na makapasok sa inyong gawain. Kung itinuturing ng tao ang patnubay mula sa Diyos bilang sariling pagpasok ng tao at kung ano ang likas sa loob ng tao, walang potensyal na lumago ang tayog ng tao. Nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao kapag sila ay nasa karaniwang katayuan; sa gayong mga pagkakataon, madalas napapagkamalian ng tao ang kaliwanagan na kanilang natatanggap bilang kanilang sariling tayog sa katunayan, sapagka’t nagbibigay-liwanag ang Banal na Espiritu sa pinaka-karaniwang paraan: sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang likas sa loob ng tao. Kapag ang tao ay gumagawa at nagsasalita, o sa panahon ng pananalangin ng tao sa kanyang espirituwal na mga debosyon, isang katotohanan ang biglang magiging malinaw sa kanila. Sa katunayan, gayunpaman, ang nakikita ng tao ay kaliwanagan lamang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (natural, ito ay kaugnay ng pakikipagtulungan mula sa tao) at hindi totoong tayog ng tao. Pagkatapos ng isang panahon ng karanasan na kung saan ang tao ay nakatagpo ng iba’t ibang tunay na mga kahirapan, ang tunay na tayog ng tao ay lumilitaw sa ilalim ng ganoong mga pangyayari. Sa oras lamang na iyon natutuklasan ng tao na ang tayog ng tao ay hindi ganoon kalákí, at ang pagka-makasarili, personal na mga pagsasaalang-alang, at kasakiman ng tao ay lumalabas lahat. Pagkatapos lamang ng ilang ulit ng naturang karanasan matatanto niyaong mga nagkaroon ng kamalayan sa loob ng kanilang mga espiritu na hindi ito kanilang sariling katunayan sa nakaraan, kundi isang panandaliang pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu, at nakatanggap lamang ang tao ng liwanag. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, ito ay madalas na sa isang malinaw at natatanging paraan, na walang konteksto. Iyon ay, hindi Niya isinasama ang mga paghihirap ng tao sa pagbubunyag na ito, at sa halip direktang ibinubunyag ang katotohanan. Kapag ang tao ay nakatagpo ng mga paghihirap sa pagpasok, saka isinasama ng tao ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ito ang nagiging aktwal na karanasan ng tao. ... Samakatuwid, kapag tinatanggap ninyo ang gawa ng Banal na Espiritu, kasabay nito ay dapat ninyong higit na tutukan ang inyong pagpasok, tinitingnan kung ano talaga ang gawa ng Banal na Espiritu at kung ano ang inyong pagpasok, gayundin ay isinasama ang gawa ng Banal na Espiritu sa inyong pagpasok, upang higit kayong magawang perpekto sa pamamagitan Niya at hayaan ang substansya ng gawa ng Banal na Espiritu na mailakip sa inyo. Sa panahon ng inyong karanasan sa gawa ng Banal na Espiritu, nakikilala ninyo ang Banal na Espiritu, pati na rin ang inyong mga sarili, at sa gitna ng maraming matitinding mga sandali ng paghihirap, nagkakaroon kayo ng isang karaniwang relasyon sa Diyos, at ang ugnayan sa pag-itan ninyo at ng Diyos ay nagiging mas malápít araw-araw. Matapos ang hindi mabilang na mga pagkakataon ng pagpupungos at pagpipino, nabubuo sa inyo ang isang tunay na pag-ibig para sa Diyos. Kaya dapat ninyong mapagtanto na ang pagdurusa, pananakit, at mga kapighatian ay hindi nakakatakot; ang nakakatakot ay ang pagkakaroon lamang ng gawa ng Banal na Espiritu nguni’t hindi ng inyong pagpasok. Kapag dumating ang araw na ang gawain ng Diyos ay tapos na, kayo ay nagpagal nang walang kabuluhan; bagaman inyong naranasan ang gawa ng Diyos, hindi ninyo nakilala ang Banal na Espiritu o nagkaroon ng inyong sariling pagpasok. Ang pagliliwanag sa tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay hindi upang panatilihin ang rubdob ng tao; ito ay upang magbukas ng daan para sa pagpasok ng tao, gayundin ay upang tulutan ang tao na makilala ang Banal na Espiritu, at mula riyan ay mabuuan ng isang puso na may paggalang at pagsamba sa Diyos.

mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger