Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 606

Yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos ay yaong nakahandang magsagawa ng salita ng Diyos, at sila yaong mga nakahandang magsagawa ng katotohanan. Yaong mga tunay na nakakatayong saksi para sa Diyos ay yaon ding nakahandang magsagawa ng Kanyang salita, at sila yaong talagang nakakapanindigan sa panig ng katotohanan. Yaong mga gumagamit ng panlilinlang at gumagawa ng kawalang-katarungan ay mga taong walang katotohanan lahat at lahat sila’y nagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Yaong mga nasa iglesia na sumasangkap sa mga pagtatalo ay mga tagasunod ni Satanas, at mga pagsasakatawan ni Satanas. Ang ganitong uri ng tao ay masyadong malisyoso. Yaong mga walang pagtalos at mga hindi nakakapanindigan sa panig ng katotohanan ay nagkakandiling lahat ng masamang mga intensiyon at dinudungisan ang katotohanan. Ang mga taong ito ay lalong higit pang karaniwang mga kinatawan ni Satanas; sila ay hindi matutubos at hindi na kailangang sabihin na sila ay mga bagay na aalising lahat. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay hindi dapat tulutang manatili sa pamilya ng Diyos, at maging yaong mga sinasadyang gibain ang iglesia. Nguni’t ngayon ay hindi ang panahon para gumawa ng gawaing pagtitiwalag. Sila ay malalantad lamang at maaalis sa katapusan. Walang gawaing walang saysay ang magagawa sa mga taong ito; yaong mga kabilang kay Satanas ay hindi nakakapanindigan sa panig ng katotohanan, samantalang yaong naghahanap para sa katotohanan ay nakakatayo sa panig ng katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay hindi karapat-dapat makarinig sa daan ng katotohanan at hindi karapat-dapat sumaksi sa katotohanan. Ang katotohanan ay hindi talaga para sa kanilang mga tainga bagkus ito ay sinasalita para sa mga tainga niyaong nagsasagawa nito. Bago ibunyag ang katapusan ng bawat isang tao, yaong mga nanggugulo sa iglesia at nang-aabala sa gawain ay iiwan muna sa isang panig. Sa sandaling natapos ang gawain, ang mga taong ito ay malalantad nang isa-isa bago maaalis. Sa panahon ng pagkakaloob ng katotohanan, hindi sila pag-uukulan ng pansin pansamantala. Kapag nabunyag sa tao ang buong katotohanan ang mga taong iyon ay dapat maalis, dahil yaon din ang magiging sandali kung kailan pagbubukud-bukurin ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri. Dahil sa kanilang payak na katalinuhan, yaong walang pagtalos ay darating sa pagkawasak sa mga kamay ng masasamang tao at sila ay ililigaw ng masasamang tao at hindi na makababalik. Ang mga taong ito ay dapat pakitunguhan sa ganitong paraan, yamang hindi nila minamahal ang katotohanan, sapagka’t hindi sila nakakapanindigan sa panig ng katotohanan, sapagka’t sila ay sumusunod sa masasamang tao, tumitindig sila sa panig ng masasamang tao, at sapagka’t sila’y nakikipagsabwatan sa masasamang tao at sinasalangsang ang Diyos. Lubos nilang nalalaman na yaong masasamang tao ay nagbubuga ng kasamaan nguni’t pinatitigas nila ang kanilang mga puso at kumikilos nang pasalungat sa katotohanan upang sundan sila. Ang mga taong ito ba na hindi nagsasagawa ng katotohanan nguni’t gumagawa ng mapangwasak at kasuklam-suklam na mga bagay ay hindi gumagawang lahat ng kasamaan? Bagama’t mayroon yaong mga nasa gitna nila na inaayusan ang kanilang mga sarili bilang mga hari at yaong mga nakabuntot sa likuran, hindi ba magkakapareho ang kanilang mga kalikasan na sumusuway sa Diyos? Ano ang dahilan nila upang sabihin na hindi sila inililigtas ng Diyos? Ano ang dahilan nila upang sabihin na ang Diyos ay hindi matuwid? Hindi ba ang sarili nilang kasamaan ang sumisira sa kanila? Hindi ba ang sarili nilang paghihimagsik ang hahatak sa kanila pababa sa impiyerno? Yaong mga nagsasagawa ng katotohanan ay maliligtas sa katapusan at gagawing perpekto sa pamamagitan ng katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan sa katapusan ay aakit ng pagkawasak sa pamamagitan ng katotohanan. Ang mga ito ang mga katapusan na naghihintay sa kanila na nagsasagawa ng katotohanan at yaong mga hindi nagsasagawa. Pinapayuhan Ko yaong mga hindi nagplaplano na magsagawa ng katotohanan na iwan ang iglesia sa lalong madaling panahon upang maiwasan na makagawa pa ng mas lalong maraming mga kasalanan. Kapag dumating ang oras, maging ang pagsisisi ay magiging napakahuli, at lalo na yaong bumubuo ng mga grupo at lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, at yaong mga lokal na tampalasang mga ahas sa loob ng iglesia ay kailangang umalis nang mas maaga. Ang mga taong ito na may masamang kalikasan ng lobo ay walang kakayahang magbago, mas makabubuting iwan na nila ang iglesia sa pinakamaagang pagkakataon, hindi na kailanman muling gagambalain ang maayos na pamumuhay ng mga kapatiran, at sa ganito maiiwasan ang kaparusahan ng Diyos. Sa inyong mga sumama sa kanila ay makabubuting gamitin ang pagkakataong ito upang magbulay sa inyong mga sarili. Susundin mo ba ang masasama palabas sa iglesia, o mananatili at susunod nang buong katapatan? Kailangan mong isaalang-alang ang bagay na ito nang buong ingat. Binibigyan Ko kayo ng isa pang pagkakataon upang pumili. Naghihintay Ako para sa inyong kasagutan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger