Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 604

Ang lahat ng iglesia ay mayroong mga tao na gumagambala sa iglesia, lahat ay mayroong mga kasaping umaantala sa gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga Satanas lahat na nagbabalatkayo sa pamilya ng Diyos. Ang ganitong uri ng mga tao ay natatanging mahusay sa panggagaya, magalang sila na dumarating sa harap Ko, tumatango at yumuyukod, nag-aasal na parang galising mga aso, inilalaan ang kanilang “lahat-lahat” nang sa gayon ay makamit ang kanilang sariling mga layunin, nguni’t ipinakikita ang kanilang pangit na mukha sa harap ng mga kapatiran. Kapag nakakakita sila ng sinuman na nagsasagawa ng katotohanan ay kanilang sinasalakay at tinutulak sila sa isang tabi; kapag nakakakita sila ng mga tao na mas mahirap talunin kaysa sa kanilang sarili, pinupuri nila at nakikipagbolahan sa kanila. Kumikilos na parang mga manlulupig sa loob ng iglesia. Maaaring sabihin na ang karamihan sa mga iglesia ay mayroong ganitong uri ng “lokal na tampalasang ahas,” ng ganitong uri ng “sipsip” sa gitna nila. Sila ay pumupuslit na magkakasama, nagkikindatan at palihim na nagsesenyasan sa isa’t isa, at walang sinuman sa kanila ang nagsasagawa ng katotohanan. Kung sino man ang pinakamakamandag sa kanila ay ang “punong demonyo,” at kung sino man ang mayroong pinakamataas na karangalan ay nangunguna sa kanila, dinadala ang kanilang bandila paitaas. Ang mga taong ito ay nagwawala sa loob ng iglesia, ikinakalat ang kanilang pagiging negatibo, pinakakawalan ang kamatayan, ginagawa ang anumang maibigan nila, at sinasabi ang anumang maibigan; walang nangangahas na pigilan sila, dahil puno ng mala-satanas na mga disposisyon. Sa sandaling sinisimulan nilang magsanhi ng kaguluhan, isang hangin ng kamatayan ang pumapasok sa loob ng iglesia. Yaong mga nagsasagawa ng katotohanan sa loob ng iglesia ay tinatalikuran at hindi nakakayang tantuin ang kanilang natatagong kakayahan, habang yaong mga nanggugulo sa iglesia at nagkakalat ng kamatayan ay nagwawala sa loob ng iglesia. Bukod diyan, ang karamihan sa mga tao ay sumusunod sa kanila. Ang ganitong uri ng iglesia ay talagang nasa ilalim ng pagpigil ni Satanas at ang diyablo ang kanilang hari. Kung ang mga tao ng iglesia ay hindi tumatayo at pinalalayas yaong mga punong demonyo, kung gayon sila ay darating din sa pagkawasak sa malao’t madali. Mula ngayon kailangang gumawa ng mga hakbang laban sa ganitong uri ng iglesia. Kung yaong mga nakapagsasagawa ng munting katotohanan ay hindi nakikibahagi sa paghahanap, kung gayon ang iglesiang iyon ay ipagbabawal. Kung walang sinuman sa isang iglesia ang nakahandang magsagawa ng katotohanan, walang sinuman ang nakakatayong saksi para sa Diyos, kung gayon ang iglesiang iyon ay dapat ihiwalay nang lubusan, at ang kanilang mga kaugnayan sa ibang mga iglesia ay dapat maputol. Ito ay tinatawag na paglilibing ng kamatayan, at pagpapalayas kay Satanas. Kung mayroong maraming lokal na napakasamang ahas sa isang iglesia, gayundin ang ilang maliliit na “langaw” na wala ni anumang pagtalos at sumusunod sa kanila, kung yaong mga nasa iglesia ay hindi pa rin maitatakwil ang mga tali at pagmamanipula ng mga ahas na ito pagkatapos nilang nakita ang katotohanan, kung gayon ang mga hangal na ito ay aalisin sa katapusan. Bagama’t ang maliliit na mga langaw na ito ay maaaring hindi nakagawa ng anumang bagay na malala, sila ay lalo pang mas tuso, lalo pang mas mapanlinlang at mahirap hulihin, at ang lahat ng kagaya nito ay maaalis. Walang isa man ang matitira! Yaong mga kabilang kay Satanas ay ibabalik kay Satanas, habang yaong kabilang sa Diyos ay tiyak na paroroon sa paghahanap ng katotohanan; ito ay nalalaman sa pamamagitan ng kanilang mga kalikasan. Hayaang mapahamak ang lahat ng sumusunod kay Satanas! Walang habag na ipakikita sa mga taong ito. Hayaan yaong mga naghahanap ng katotohanan ay makamtan ang panustos at tulutan silang magalak sa salita ng Diyos hanggang ibig ng kanilang mga puso. Ang Diyos ay matuwid; hindi Niya pinakikitunguhan ang mga tao nang hindi makatarungan. Kung ikaw ay isang diyablo kung gayon ay hindi ka makapagsasagawa ng katotohanan. Kung ikaw ay isa na naghahanap para sa katotohanan kung gayon ay tiyak na hindi ka mabibihag ni Satanas—ito ay walang pag-aalinlangan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger