Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 256

Ang Diyos Mismo ay nagtataglay ng katotohanan, at Siya ang pinagmumulan ng katotohanan. Bawa’t positibong bagay at bawa’t katotohanan ay nagmumula sa Diyos. Maaari Siyang humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay at lahat ng kaganapan; maaari Siyang humatol sa mga bagay na nangyari, mga bagay na nangyayari ngayon, at mga bagay sa hinaharap na hindi pa alam ng tao. Siya ang tanging hukom na maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay, at ang ibig sabihin niyan ay Siya lamang ang maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay. Alam Niya ang mga panuntunan para sa lahat ng bagay. Ito ang pinakalarawan ng katotohanan, na nangangahulugan na Siya Mismo ay nagtataglay ng diwa ng katotohanan. Kung naunawaan ng tao ang katotohanan at nakamtan ang pagiging perpekto, magkakaroon ba siya kung gayon ng kinalaman sa pinakalarawan ng katotohanan? Kapag ang tao ay ginawang perpekto, mayroon siyang tumpak na paghatol sa lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon at sa mga bagay na hinihiling Niya, at mayroon siyang tumpak na paraan ng pagsasagawa; nauunawaan din ng tao ang kalooban ng Diyos at alam ang tama sa mali. Subali’t may ilang bagay na hindi maaabot ng tao, mga bagay na malalaman lamang niya matapos sabihin ng Diyos sa kanya ang mga ito—malalaman ba ng tao ang mga bagay na hindi pa nalalaman, mga bagay na hindi pa nasasabi ng Diyos sa kanya? (Hindi.) Hindi makagagawa ng mga prediksiyon ang tao. Bukod pa riyan, kahit natamo ng tao ang katotohanan mula sa Diyos, at nagkaroon ng realidad ng katotohanan, at nalaman ang diwa ng maraming katotohanan, at nagkaroon ng kakayahang masabi ang tama sa mali, magkakaroon kaya siya kung gayon ng kakayahang kontrolin at pamahalaan ang lahat ng bagay? (Hindi.) Iyan ang kaibhan. Matatamo lamang ng mga nilikha ang katotohanan mula sa pinagmumulan ng katotohanan. Matatamo ba nila ang katotohanan mula sa tao? Maipagkakaloob ba ito ng tao? Makapaglalaan ba ang tao para sa tao? Hindi, at iyan ang kaibhan. Maaari ka lamang tumanggap, hindi maglaan—matatawag ka bang pinakalarawan ng katotohanan? Ano ba talaga ang diwa ng pinakalarawan ng katotohanan? Ito ang pinagmumulan na naglalaan ng katotohanan, ang pinagmumulan ng pamamahala at pamumuno sa lahat ng bagay, at ito rin ang mga pamantayan at panuntunan kung saan lahat ng bagay at kaganapan ay hinahatulan. Ito ang pinakalarawan ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem: Sa Kanila Lamang Nila Pinasusunod ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikatlong Bahagi)

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger