Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 248

Ako ay isang apoy na tumutupok sa lahat at hindi Ko kinukunsinti ang pagkakasala. Dahil Ako ang lumikha sa lahat ng mga tao, anuman ang sabihin at gawin Ko, kailangan silang sumunod, at hindi sila maaaring maghimagsik. Walang karapatan ang mga tao na makialam sa Aking gawain, at lalong hindi sila karapat-dapat na suriin kung ano ang tama o mali sa Aking gawain at sa Aking mga salita. Ako ang Panginoon ng paglikha, at dapat makamit ng mga nilalang ang lahat ng hinihiling Ko nang may pusong may paggalang sa Akin; hindi nila dapat subukang mangatwiran sa Akin, at lalo nang hindi sila dapat lumaban. Pinamamahalaan Ko ang Aking mga tao gamit ang Aking awtoridad, at lahat niyaong bahagi ng Aking paglikha ay dapat magpasakop sa Aking awtoridad. Bagama’t ngayon ay matapang at mapangahas kayo sa Aking harapan, bagama’t sinusuway ninyo ang mga salitang itinuturo Ko sa inyo at wala kayong kinatatakutan, tinutugunan Ko lamang ng pagpaparaya ang inyong pagkasuwail; hindi Ako mawawalan ng pagtitimpi at hindi Ko aapektuhan ang Aking gawain nang dahil sa ikinalat ng maliliit, walang-halagang mga uod ang dumi sa bunton ng dumi ng hayop. Tinitiis Ko ang patuloy na pag-iral ng lahat ng Aking kinamumuhian at lahat ng bagay na Aking kinasusuklaman alang-alang sa kalooban ng Aking Ama, at gagawin Ko iyon hanggang sa matapos ang Aking mga pahayag, hanggang sa kahuli-hulihan Kong sandali. Huwag kang mag-alala! Hindi Ako maaaring masadlak sa antas ng isang di-kilalang uod, at hindi Ko ikukumpara ang antas ng Aking kakayahan sa iyo. Kinamumuhian kita, nguni’t nagagawa Kong magtiis. Sinusuway mo Ako, nguni’t hindi ka makakatakas sa araw na kakastiguhin kita, na ipinangako sa Akin ng Aking Ama. Maikukumpara ba ang isang nilikhang uod sa Panginoon ng paglikha? Sa taglagas, nagbabalik ang nalalaglag na mga dahon sa mga ugat nito; babalik ka sa tahanan ng iyong “ama,” at babalik Ako sa tabi ng Aking Ama. Sasamahan Ako ng Kanyang magiliw na pagmamahal, at susundan ka ng pagtapak ng iyong ama. Mapapasaakin ang kaluwalhatian ng Aking Ama, at mapapasaiyo ang kahihiyan ng iyong ama. Gagamitin Ko ang pagkastigong matagal Ko nang pinipigilang ipataw sa iyo, at sasalubungin mo ang Aking pagkastigo ng iyong maantang laman na sampu-sampong libong taon nang naging tiwali. Matatapos Ko ang Aking gawain ng mga salita sa iyo, kasama ang pagpaparaya, at magsisimula kang tuparin ang papel ng pagdurusa ng kapahamakan mula sa Aking mga salita. Lubos Akong magagalak at gagawa sa Israel; tatangis ka at magngangalit ang iyong mga ngipin, na umiiral at namamatay sa putikan. Babawiin Ko ang Aking orihinal na anyo at hindi na Ako mananatili sa dumi na kasama mo, samantalang babawiin mo ang iyong orihinal na kapangitan at patuloy kang maglulungga sa bunton ng dumi ng hayop. Kapag natapos na ang Aking gawain at mga salita, iyon ay magiging isang araw ng kagalakan para sa Akin. Kapag natapos na ang iyong paglaban at pagkasuwail, iyon ay magiging isang araw ng pagtangis para sa iyo. Hindi Ako mahahabag sa iyo, at hindi mo na Ako muling makikita kailanman. Hindi na Ako makikipag-usap sa iyo, at hindi mo na Ako muling makakatagpo kailanman. Kamumuhian Ko ang iyong pagkasuwail, at mangungulila ka sa Aking pagiging kaibig-ibig. Hahampasin kita, at mananabik ka sa Akin. Masaya kitang lilisanin, at malalaman mo ang iyong pagkakautang sa Akin. Hindi na kita muling makikita kailanman, nguni’t lagi kang aasa sa Akin. Kamumuhian kita dahil kasalukuyan Mo Akong nilalabanan, at mangungulila ka sa Akin dahil kasalukuyan kitang kinakastigo. Hindi Ko nanaising mabuhay sa tabi mo, nguni’t mapait mo itong hahangarin at mananangis ka hanggang sa walang-hanggan, sapagka’t pagsisisihan mo ang lahat ng nagawa mo sa Akin. Makakaramdam ka ng pagsisisi sa iyong pagkasuwail at paglaban, isusubsob mo pa ang iyong mukha sa lupa sa pagsisisi at magpapatirapa ka sa Aking harapan at susumpa na hindi mo na Ako muling susuwayin. Gayunman, sa puso mo ay Ako lamang ang iyong mamahalin, subalit hindi mo na maririnig ang Aking tinig kailanman. Gagawin Kitang nahihiya sa iyong sarili.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat Nito, Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Nagawa Mo

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger