Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

647 Alam Mo ba Talaga ang Gawain ng Diyos?

1 Sino ang kailannan ay nakakatanggap ng katotohanan? Sino ang kailanman ay nakakatanggap sa Diyos nang bukal sa kalooban? Sino ang kailanman ay masayang nag-aasam sa pagpapakita ng Diyos? Matagal nang sumama ang pag-uugali ng tao, at dahil sa kanyang karumihan ay matagal nang hindi makilala ang templo ng Diyos. Ang tao, samantala, ay patuloy pa ring nagsasakatuparan ng kanyang sariling gawain, laging minamaliit ang Diyos. Na para bang ang kanyang pagsalungat sa Diyos ay nakatatak na sa bato, at hindi mababago, at bilang resulta, mas nanaisin niyang masumpa kaysa magdusa sa ano pa mang masamang pagtrato sa kanyang mga salita at mga pagkilos. Paano kayang makikilala ng mga taong tulad nito ang Diyos? Paano nila masusumpungan ang kapahingahan sa piling ng Diyos? At paano sila magiging angkop na lumapit sa harap ng Diyos?

2 Walang duda, walang mali sa paglalaan ng sarili sa plano ng pamamahala ng Diyos—pero bakit laging inilalagay ng mga tao ang gawain ng Diyos at kabuuan ng Diyos sa likod ng kanilang isipan habang di-makasariling inilalaan ang kanilang sariling dugo at luha? Ang espiritu ng mga tao na di-makasariling paglalaan ay, walang duda, mahalaga—pero paano nila malalaman na ang “seda” na hinahabi nila ay talagang hindi kayang katawanin kung ano ang Diyos? Ang mabubuting layunin ng mga tao ay, walang duda, mahalaga at pambihira—pero paano nila malululon ang “kayamanang walang katumbas na halaga”?

3 Bawat isa sa inyo ay dapat isipin ang inyong nakalipas: Bakit hindi kayo nawalay kailanman mula sa walang-pusong pagkastigo at sumpa? Bakit ang mga tao’y palaging nasa ganoong “matalik na kaugnayan” sa mga salitang maringal at matuwid na paghatol? Sinusubok ba talaga sila ng Diyos? Sinasadya ba silang pinipino ng Diyos? At paano pumapasok ang mga tao sa gitna ng pagpipino? Alam ba talaga nila ang gawain ng Diyos? Anong mga aral ang natutuhan ng mga tao mula sa gawain ng Diyos at kanilang sariling pagpasok? Nawa’y huwag malimutan ng mga tao ang payo ng Diyos, nawa’y magkaroon sila ng kabatiran sa gawain ng Diyos, matatag na maniwala dito, at maayos na pamahalaan ang kanilang sariling pagpasok.

Hango sa “Gawain at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Napakahalagang Makilala ang Praktikal na Diyos

Sumunod:Maniwala na Tiyak na Gagawing Ganap ng Diyos ang Tao

Baka Gusto Mo Rin