Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Tumulong sa Akin upang Lumago

Baituo    Lungsod ng Dezhou, Probinsya ng Shandong

Dati, Ang alam ko lamang na ang karunungan ng Diyos ay isinasagawa batay sa masamang balak ni Satanas, na ang Diyos ay isang matalinong Diyos at si Satanas ay kailanma’y natalong kaaway ng Diyos sa teorya, ngunit wala ako pang-unawa o kaalaman ng mga ito batay sa aktwal na karanasan. Pagkatapos, sa loob lamang ng isang kapaligiran na isinaayos ng Diyos ay nakamit ko ang ilang mga tunay na karanasan ng aspetong ito ng katotohanan.

Ako ay nasa isang pulong isang hapon, nang biglang ang katuwang ng puno ng distrito ay nagmamadaling tumakbo palapit sa akin at sinabi, "Ang iyong ina ay tinangay ng malaking pulang dragon. Huwag ka munang umuwi. Ang iglesia ang mag-aayos ng isang punong-abalang pamilya para sa iyo." Ang balitang ito ang tumimo sa akin tulad ng isang biglaang kidlat at lubhang yumanig sa akin na biglang akong natuliro. Ano? Ang aking ina ay tinangay ng malaking pulang dragon? Paano siya pahihirapan ng malaking pulang dragon? Magagawa ba niyang matiis ang mga ito? Maaaring hindi ko na makitang muli ang aking ina. Anong gagawin ko? Sa pag-iisip-isip sa mga bagay na ito, ang aking puso ay nagdurusa at hindi ko mapigilang lumuha. Pagkaraan matapos ang pagpupulong, ako ay dinala sa isinayos na punong-abalang pamilya at, matapos akong tumahan, ang aking mga saloobin ay muling bumalik sa aking ina. Sa bahay, ako ang pinakamalapit sa aking ina. Kahit na sinubukan ng aking di-naniniwalang ama na pilitin ako upang isuko ang Diyos, hindi ako pinansin ng aking ate akin dahil sa aking paniniwala sa Diyos at ang lahat ng aking iba pang mga kamag-anak ay iniwan ako, hindi ako nakadama nang lungkot, dahil kasama ko pa rin ang aking inang naniniwala rin sa Diyos. Maging espirituwal o pisikal, ang aking ina ay laging nangangalaga sa akin, suminta sa akin, at madalas akong tinulungan. Sa tuwing ako ay mayrong mga problema ay maaari ko siyang laging kausapin tungkol sa mga ito; maaari mong sabihin na siya ang aking bato. Ngunit ngayon ang tangi kong maaring sandalan ay tinangay ng malaking pulang dragon. Nadama ko na parang biglang ako ay naging isang ulila, hindi alam kung paano tatahakin and hinaharap na daan, ni di ko alam kung kanino pupunta kapag nakakaranas ng mga paghihirap. Sa mga sumunod na araw, nanangis ako nang buong araw, namuhay sa patuloy na sakit at nakadama ng panlulumo. Habang ako ay namumuhay sa ganitong kalagayan, hindi kayang palayain ang aking sarili, ginabayan ako ng Diyos sa mula sa kaibuturan: "Nais mo ba talagang mamuhay ng palagian sa kadiliman, pahintulutan si Satanas na gawin kang isang hangal? At talaga bang hindi mo gustong unawain ang Diyos sa Kanyang gawain at mamuhay sa liwanag? "Ang patnubay ng Diyos ang gumising sakin mula sa aking sakit. Tama iyon, napag-isip ko. Talaga bang ako ay palaging mabubuhay nang tulad nito sa kadiliman, pahihintulutan si Satanas na gawing akong hangal? Hindi, hindi ito maari! Ang sitwasyon na sumapit sa akin ay tiyak na upang mapanghawakan ang kagandahang-loob ng Diyos. Pagkatapos, nagpunta ako sa harap ng Diyos ng maraming beses upang manalangin at upang hanapin ang Diyos, na humihiling sa Diyos upang maliwanagan ako nang sa gayon maunawaan ko ang Kanyang kalooban.

Pagkaraan ng ilang panahon, natuklasan ko na sinimulan ko na pumasok sa ilang katotohanan na hindi ko dati nauunawaan at hindi magawang isatuparan. Dati akong laki sa layaw sa bahay at pagkain, damit at natuon ang karamihan ng aking oras sa pagliliwaliw. Ang aking laman ay umiiwas sa pagdurusa at hindi kayang magtiis nang katiting na paghihirap. Sa ilang araw matapos kong umalis ng bahay at nanirahan sa punong-abalang pamilya, hindi ko na magawa ang anumang bagay na gusto ko, hindi ko na magawa ang ayon sa aking kagustuhan tulad nang ginawa ko sa bahay. Unti-unti, ang aking mga likas na layaw at mga masamang kaugalian ay nabawasan, at napagtanto ko na ang magkaroon ng pagkain at damit sa buhay ay ang maging kuntento. Kapag ako ay may kinakaharap na problema, hindi ako nagdarasal sa Diyos, hindi naghahanap nang katotohanan, ni hindi ako nagkaroon isang normal na relasyon sa Diyos. Matapos tangayin ang aking ina, wala akong ni isang masandalan kapag ako ay nahaharap sa mga paghihirap. Pumupunta lamang ako sa harapan ng Diyos nang mas madalas upang manalangin, kumain at uminom ng mas maraming ng mga salita ng Diyos, para hanapin ng Kanyang kalooban nang mas madalas. Unti-unti, ang lugar na pinanahanan ng ang aking ina sa aking puso ay naging mas maliit, habang ang lugar ng Diyos sa aking puso ay mas lumaki. Nadama ko na ang Diyos ay maaaring makatulong sa akin anumang oras na kailangan ko, na hindi ko kayang iwan ang Diyos kahit sa isang sandali. Dagdag pa rito, natutunan ko ring umasa sa panalangin at umasa sa aking pagtugis sa katotohanan upang lutasin ang aking mga problema, at natikman ko ang pakiramdam ng kapayapaan, kasiguruhan at pagkamaaasahan na nagmumula dahil sa kasama ko ang Diyos. Noong ako ay nanirahan sa bahay, kahit na alam ko na ang mga mananampalataya at di-mananampalataya ay dalawang uri ng mga tao na hindi kaayon sa bawat isa, nadama ko pa rin na para bang ang aking mga magulang at ang aking ate lamang ang aking pamilya, at lagi kong nakikitaang aking kapatid na lalaki at mga kapatid na babae sa iglesia bilang mga taga-labas, palaging nakakaramdam ng ilang distansya sa pagitan namin. Pagkatapos gamitin nang Diyos ang kapaligiran para "palayasin" ako sa aking bahay, kasama ko ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae sa aking punong-abalang pamilya mula umaga hanggang gabi, at nadama ang kanilang mga pag-aalala at pangangalaga sa akin, kanilang pagpaparaya at pag-unawa. Nagsalita kami sa parehong wika, nagsalo sa parehong mga hangarin at nagtulungan sa bawat isa sa buong buhay; mula sa aking puso, nadama ko na ito ang aking tanging tunay na pamilya, na ang akin lamang mga kapatid sa iglesia ang aking ama, ina at kapatid. Wala nangg anumang paghihiwalay sa pagitan ko at ng aking mga kapatid sa iglesia, walang distansya, at naranasan ko ang init na nanggagaling mula sa pagkakaroon ng isang malaking pamilya. Sa pamamagitan ng kapaligirang ito kapiling ang aking mga kapatid, natutunan ko rin kung paano natin maaaring mahalin ang isa’t isa, patawarin ang isa’t isa at suportahan ang isa't isa sa buhay, upang ang aking mga karaniwang pagkatao ay manumbalik muli. Ang katotohanang ito ang hindi ko kayang isakatuparan noon, noong nanirahan ako sa bahay at umaasa sa mga pagpulong at mga pangaral. Matapos ang aking ina ay tanangayin ng malaking pulang dragon at ako ay napilitang umalis sa bahay, sa ganitong mga pambihirang pangyayari at lingid sa aking kaalaman, ginawa ng Diyos ang katotohanang ito sa kalooban ko at dahan-dahan pinalalim ang aking pang-unawa ng mga ito. Sa pagpukaw ng pagpasok ko sa katotohanang ito, ang puso ko na naghangad mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos ay naging lalong mas malakas at ang aking pagnanais mabuhay nang aking buong buhay para sa Diyos ay naging mas lalong walang tinag. Ang pagkatao ko noon - na naniniwala sa Diyos ngunit walang layunin, na nanghihina sa tuwing may problemang dumating-ay sumasailalim sa isang unti-unting pagbabago. Ang pinagkaloob sa akin ng Diyos ay higit pa sa maaari kong maisip, at ang aking puso ay naging puno ng pasasalamat at pagpuri para sa Kanya.

Isang araw, noong panahon ng aking espiritwal na debosyon, binasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. … Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan …” (“Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay biglang nagliliwanag sa aking puso, at hindi ko maiwasang ilabas ang isang buntong-hininga mula sa aking kalooban: Ang Diyos ay tunay na isang marunong na Diyos! Talagang ang gawain ng Diyos ay kahanga-hangang at di-inaasahan! Ang sitwasyong ito ngayon ay dumating sa akin at, sa ibabaw, ito ay mukhang waring bang tinangay ang aking ina nang malaking pulang dragon, kinuha ang aking tanging sandigan, ginawang mahirap para sa akin na bumalik nang bahay, sinubukan nang walang kabuluhan para gamitin ito para hadlangan ang aking paniniwala sa Diyos at upang ako ay gumuho, o lalong manghina at sumuko sa pamamagitan ng papanakot sa akin sa pamamagitan nang kanyang impluwensya. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay sinasanay batay sa mga masamang balak ni Satanas, at ginamit ito ng Diyos ng lubusan. Kinuha nya ako mula sa aking maalwang kinalalagyan at, sa pamamagitan ng kapalagirang ito, pinahinahon ang aking kalooban, ginawang perpekto ang aking kalooban upang danasin ang paghihirap, sinanay ako para magkaroon ng kakayahang mabuhay nang nakapag-iisa, tinuruan ako kung paano mamuhay ayon sa normal na pagkatao at kung paano maging isang tunay na tao; ang katotohanang ito ay isang bagay na hindi ko kayang maunawaan, walang paraan para makamit sa isang kapaligiran ng kaalwanan at kaginhawaan. Sa pamamagitan ng kapaligirang ito, pinausbong ng Diyos ang Kanyang katotohanan at kung sino Siya sa buhay sa kalooban ko, nang sa gayon ay hindi lamang ako hindi sumuko dahil sa mga pag-uusig ng malaking pulang dragon ngunit, sa kabaligtaran, nakamtan ko ang katotohanan na ibinigay sa akin ng Diyos at dinala ako sa ilalim ng kaligtasan ng Diyos. Higit pa rito, sa pamamagitan ng pag-uusig ng malaking pulang dragon, nakita ko ang kanyang ganid, malupit na mukha at nakit nang malinaw ang reaksyunaryo niyang kalikasan. Mula sa aking puso, kinamuhian ko ito nang higit pa, at ang aking puso na naghahangad na ibigin ang Diyos ay naging mas lalong malakas.

Nagpapasalamat ako sa Diyos! Mula sa karanasang ito, ako ay nagkamit ng ilang mga praktikal na pang-unawa ng pagka-mapangyarihan at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at nagkamit ng ilang mga praktikal na karanasan ng katotohanang ang karunungan ng Diyos ay sinanay batay sa masasamang balak ni Satanas. Naiintindihan ko na ang lahat ng bagay na sumasapit na hindi sumasangayon sa mga kuru-kuro ng tao ay ang mga pantas na gawa ng Diyos. Gaano man ipaatupad ni Satanas ang kanyang masamang balak , Ang Diyos ay kailanma’y magiging marunong na Diyos at si Satanas ay kailanma’y magiging talunang katunggali ng Diyos. Ayon sa pagkaka unawang ito, ang kalooban ko upang sundin ang Diyos ay mas matatag ngayon, at ako'y puspos ng pananampalataya para sa nakaambang daan! Nagkamit din ako ng isang pananaw sa kahulugan ng laman, hindi na muli para magpatuloy upang hanapin ang kasiyahan ng laman, at natutunan ko na ang paghahanap para masiyahan ang Diyos ay ang pinakamahalagang bagay na magagawa ng isang nilikha. Dati, kapag nasa bahay ang aking ina, hindi mahalaga kahit ako may pisikal na mga isyu o problema sa aking buhay, palagi akong nakasandal sa kanya at hinayaan ko siyang tulungan ako na malutas ang mga ito.

Sinundan:Ano Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?

Sumunod:May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Baka Gusto Mo Rin