Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

334 Lahat ng Tao ay Nasa Proseso ng Paggising

Dahil lamang sa lahat ng Aking mga gawa kaya may kaunting pagnanais ang tao tungo sa Akin, at dahil dito, ang tao ay unti-unting lumalapit sa harap Ko para makisama sa Akin. Kapag ang Aking kabuuan ay nabubunyag sa tao, makikita ng tao ang Aking mukha, at mula sa sandaling iyon, hindi Ko na itatago o tatakpan pa ang Aking Sarili mula sa tao. Sa buong sansinukob, magpapakita Ako nang hayagan sa lahat ng tao, at lahat ng sa laman at dugo ay makakakita sa lahat ng Aking mga gawa. Lahat ng sa espiritu ay tiyak na maninirahan nang may kapayapaan sa Aking sambahayan, at siguradong masisiyahan sa magagandang pagpapala kasama Ko. Lahat ng Aking pinagmamalasakitan ay tiyak na makakatakas sa pagkastigo, at tiyak na makakaiwas sa pasakit ng espiritu at pagdurusa ng katawang-tao. Magpapakita Ako nang hayagan sa lahat ng bayan at maghahari at gagamit ng kapangyarihan, upang ang amoy ng mga bangkay ay hindi na lumaganap pa sa sansinukob; sa halip, ang Aking sariwang samyo ang siyang lalaganap sa buong mundo, dahil ang Aking araw ay papalapit na, ang tao ay nagigising, ang lahat ng nasa daigdig ay nasa ayos, at ang mga araw ng pananatiling buháy ng daigdig ay wala na, dahil Ako ay nakarating na!

Hango sa “Kabanata 29” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Umayon sa Kalooban ng Diyos sa Pagsunod sa Sampung Utos

Sumunod:Hatid ng Diyos ang Katapusan ng Sangkatauhan sa Mundo

Baka Gusto Mo Rin