Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanging sa pamamagitan ng Aking Pagpasok sa Katotohanan Ako Maaaring Tunay na Makatulong sa Iba

Du Fan Lalawigan ng Jiangsu

Kamakailan, nagsagawa ang iglesia ng botohan upang pumili ng bagong pinuno, ngunit sinalungat ng namumuno ang mga prinsipyo ng iglesia, ginamit ang kanyang sariling paraan upang isagawa ang botohan. Nang ipahayag ng ilang mga kapatid na lalaki at babae ang kanilang mga opinyon, hindi lamang niya sila hindi kinilala, ngunit iginiit na sundin ang kanyang sariling paraan. Pagkatapos nito, nagkaroon ng kalituhan sa iglesia dahil sa mga kilos ng pinuno. Nang nalaman ko ito, tuluyan akong nagalit: Paano maging napakayabang at sariling matuwid ang isang tao? Pagpapatupad sa mga tungkulin ng isang pinuno ng iglesia nang hindi taglay ang Diyos sa kanyang puso, minamaliit ang mga kasunduan sa gawain, pinabubulaanan at tinatanggihan ang mga iminumungkahi ng mga kapatid na lalaki at babae—sino pa ang dapat sisihin para sa kalituhan sa iglesia kung hindi ikaw! Kaaagad kong inutusan ang isang tao na makipag-usap sa pinuno ng iglesia at, habang naghihintay, binasa ang salita ng Diyos para maghanap ng mga katotohanan na may kaugnayan dito na maaari kong sabihin sa pinuno upang kumbinsihin siyang mali ang kanyang mga paraan. Kinagabihan, nakipagkita ako sa pinuno. Sa aming pag-uusap, kinausap ko siya nang may tonong nag-aakusa, hindi ko mapigilan ang aking sariling galit. Sa aking pagkagulat, makalipas ang sampung minuto ng aming pagpupulong, biglang tumayo ang pinuno at tumakbo palabas habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Pagkaraan nang ilang sandali bumalik ang kapatid na lalaki na humabol sa kanya at sinabing, “Wala na siya at alam niyang nagkamali siya.” Hindi pa rin ako humuhupa, galit na sumisigaw: “Pagdating sa ganoong mahalagang bagay ukol sa prinsipyo, nakahanda kang iwanan ang mga bagay-bagay na hindi nalulutas? Napakayabang at napaka-mapagpaimbabaw mo naman! Sasalungatin mo ang mga prinsipyo ng iglesia at hindi hinahayaan ang sinuman na magbigay ng opinyon. Paano ka makapagpatupad ng kahit anong bagay sa hinaharap? Napakamapanganib na hinaharap! Hindi ito maaari, kung bigla ka na lang aalis nang hindi nagpapaalam, kinakailangan sumulat na lang ako ng liham sa iyo.” Sa sandali ring iyon, umupo ako at sumulat ng liham para sa kanya kung saan inamin ko na ang aking asal sa aming pag-uusap ay hindi tama at hiningi ko ang kanyang pagpapatawad. Sa liham, tinugunan ko rin ang kanyang mga isyu, binanggit ang mga prinsipyo upang ipaliwanag ang problema. Inisip ko na natukoy ko ang mga bagay nang mabuti. Sa isang banda, naipakita ko na isinantabi ko ang aking sarili at nagtamo ng mas malalim na pagkakaunawa sa aking sarili, habang ginagamit ang katotohanan upang lutasin ang mga isyu. Naisip ko, batay sa pangangasiwa ko sa mga bagay, siguradong mahihikayat ang pinunong ito at makakatamo ng bagong pag-unawa.

Tanging sa pamamagitan ng Aking Pagpasok sa Katotohanan Ako Maaaring Tunay na Makatulong sa Iba

Minsan, noong ako ay nakikipag-usap sa aking pinuno tungkol sa bagay na ito, tinanong ako ng pinuno kung paano ako nakapasok sa katotohan habang nilulutas ang isyu na ito. “Paano ako nakapasok sa katotohanan? Masama ba ang ginawa ko? Hindi ba nararapat ang aking mga kilos?” Nakaramdam ako ng kaunting pagkalito. Nagpatuloy ang pinuno: “Ang tanong ay hindi kung gaano kahusay mong nilutas ang isyu, ngunit sa halip, sa paglutas sa isyu, ginamit mo ba ang iyong estado at kapangyarihan upang hikayatin ang iba o ginamit mo ba ang katotohanan upang dakilain at tumestigo sa Diyos, at hayaan ang iba na magtamo ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang mga sarili? Sa panlabas, parang nakikipag-usap ka batay sa salita ng Diyos, ngunit ang totoo, sinusubukan mo lamang na bumigay siya sa iyong pananaw. Bakit siya umalis sa kalaunan? Maliwanag na umalis siya dahil hindi niya matanggap ang iyong argumento, hindi siya nahikayat. Kung pagtutuunan lamang natin ang pagbabahagi sa katotohanan sa iba at kakaligtaang pagtuunan ang ating sariling katiwalian, magpabaya sa pagkilala sa ating sarili, at magtrabaho para lamang sa trabaho, tayo ay nakatakdang walang matututunan na bago at walang pagbabago sa ating sariling disposisyon. Kung ganoon, hindi ba't kapareho tayo ni Pablo, na nagbigay ng pagpapatnubay sa iba ngunit, siya, na naglilingkod sa Diyos, ay naging mas lalo pang nagtuon sa kanyang tiwaling mga paraan? Sa kanyang kayabangan, siya ay naging isang tao na naniwala sa Diyos subalit tinutulan ang Diyos, nakamtam ang kanyang katapusan sa kamatayan.” Ang pakikipag-usap na ito ay parang isang tawag na gumigising sa akin mula sa mahabang pagkakahimbing. Talagang noong ipinakita ng Diyos ang sitwasyong ito sa akin, hindi ko hinangad ang katotohanan o hinanap ang layunin ng Diyos, hindi ko isinaalang-alang kung paano ako makakapasok sa katotohanan o wariin ang aking sariling emosyonal na tugon sa sitwasyon. Ang tangi kung nagawa ay isipin kung paano malulutas ang mga problema ng ibang tao. Sa ganitong paraan, isinasaalang-alang ko ba ang paghahangad ng Diyos na dalhin ang iba sa Kanyang harapan? O ginagamit ko lamang ba ang aking sariling estado upang pilitin ang iba na tanggapin ang aking pananaw? Itiniwali ako ni Satanas, walang katotohanan, pagkatao o katwiran. Ako rin ay biktima. Paano ako naging mas magaling kaysa sa iba? Hindi ko kilala ang aking sarili, walang pag-unawa sa katotohahan. Nang hindi nababatid, gumamit ako ng magaspang na tono at nagalit, ipinangalandakan ang aking estado sa pagtuturo sa iba. Ang aking malasatanas na kayabangan at kahambugan ay nalantad na! Noong umalis na umiiyak ang aking kapatid na babae, hindi ko winari ang aking mga kilos, sa halip, minasama ko siya at sumiklab ang galit ko. Hindi ba’t ang naging asal ko ay kapareho ng mga mapaniil na kilos ng malaking pulang dragon?

Salamat sa Diyos sa Kanyang pagpapatnubay. Ang karanasang ito ay nagbigay sa akin ng pagliliwanag sa kahalagahan ng pagpasok sa katunayan ng katotohanan. Tanging ang pagpasok sa katunayan ng katotohanan nating maaaring matanggap ang proteksyon ng Diyos at hindi tutulan ang Diyos. Sa pagbabahagi ng tao nasabi na: “Maraming mga tao ang nagiging huwad na mga pinuno at anticristo dahil hindi nila talaga hinahangad ang katotohanan at, bilang resulta, wala sila kahit kaunting katunayan ng katotohanan. Sa sandaling nakakakamit sila ang estado at nagkakaroon ng kaunting kapangyarihan, nagsisimula nilang hamunin ang prinsipyo, iniisip na mas mataas sila at, nagnanasa para sa mga biyaya ng estado, ipinahahayag ang kanilang sarili bilang hari. Sa huli, ang ganitong mga tao ay kinasusuklaman at tinatanggihan ng pinili ng Diyos, tuluyan bumibigay sa ganap na kabiguan. Maaari kaya itong bihirang pangyayari? Bakit hindi magising ang mga tao? Ano ang gamit ng paniniwala sa Diyos para lamang magtamo ng kapangyarihan, gamitin ang kapangyarihan at magdiwang sa mga nasamsam ng estado? Ito ay pag-uugali ng makasarili, mababa at masamang mga tao, ito ang mababang hangarin ng mga tao na tumatahak sa landas na pagsalungat kay Cristo” (“Kailangan Ninyong Maranasang Pumasok sa Realidad ng Katotohanan ng Salita ng Diyos Upang Makamit ang Pagpeperpekto ng Diyos” sa Ang Pangangaral at Pagbabahagi ng Itaas). Sa pamamagitan ng sipi na ito, nabatid ko na silang mga hindi pumapasok sa katotohahan, ay, pagkatapos makamit ang estado, ipapahayag ang kanilang sarili bilang hari at mayabang na gagamitin ang kanilang estado upang pigilin, magpakana para pagbintangan, at kontrolin ang iba. Sila ay tuluyang magiging huwad na mga pinuno at mga anticristo. Hindi kapangyarihan ang sumira sa mga taong ito, kung hindi ang hindi maiwasang bunga ng pagkabigo sa paghahanap sa katotohanan! Bagama’t ang karanasang ito ay parang hindi gaanong katakot-takot, ang estado ng aking pag-iisip at totoong kalikasan sa pagtutol sa Diyos ay hindi maikakailang inilalarawan na aking tinatahak ang daan na pasalungat kay Cristo. Kung hindi ko taglay ang direksyon ng Diyos, siguradong hindi ko nabatid ang aking kaululan at nananatili pa sanang namumuhay sa sariling-pagkamatuwid. Sa pagpapatuloy sa landas na iyon, tuluyan sana akong nalantad at namatay! Kapag iniisip ko kung paano sana nangyari ang mga bagay, tumatayo ang aking mga balahibo. Anong mapanganib na tubig ang aking tinatahak, naniniwala sa Diyos nang maraming taon at nananatili pa ring hindi malaman kung paano makapasok sa katotohanan kagaya ni Pablo, na namuhay sa loob ng guniguning akala tungkol sa katotohanan, ngunit nagpatuloy na naniwala at nagsilbi sa Diyos ayon sa kanyang likas na katangian at tiwaling kalikasan. Kung hindi ko babaliktarin ang kasalukuyang katayuan ng mga bagay, maaari akong masumpa sa walang hanggang kaparusahan. Sa hinaharap, kailangan kong bigyan ng mas maraming pagpapahalaga ang personal na pagpasok at paghahanap sa katotohanan.

Hindi katagalan pagkatapos nangyari ito, nakatanggap ako ng liham mula sa isang kapatid na mula sa unang-hanay ng koponan ng ebanghelyo na nagsimula sa pamamagitan ng pagsasaad na siya ay nahihirapang unawain ang katotohanan at hiningi ang aking pagpapatnubay. Pagkatapos kong basahin ang liham, nagalit ulit ako: Napakayabang mong tao! Hindi mo kayang makipagtulungang mabuti sa mga pinuno at manggagawa ng iglesia. Sa tuwing binibigyan ka nila ng mga mungkahi, nagdadahilan ka, patuloy na kumikilos nang walang pakundangan. Ang gawain ng ebanghelyo na iyong pinangungunahan ay hindi nagtagumpay at palaging iniuulat ng mga iglesia ang iyong sitwasyon. Ngayon, sumusulat ka sa aking upang humingi ng pagpapatnubay: Sigurado ka ba na matatanggap mo ang aking patnubay? Akala mo lahat nang iyong nagawa ay angkop at tama at lahat ng iyong kabiguan ay mga bunga ng hindi pagsasagawa ng ibang tao sa katotohanan: Gaano mo talaga kakilala ang iyong sarili? ... Habang lalo akong nag-iisip, lalo akong nagagalit, nararamdaman ko ang pag-alab ng matinding galit sa aking puso: Hindi ba’t humingi ka sa akin ng pagpatnubay? Matagal ko nang gustong makipag-usap sa iyo, ngayon sa wakas ang aking pagkakataon. Iniwan ko ang aking kasalukuyang mga gawain at nagtrabaho upang hanapin ang mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa kanyang sitwasyon na maaari kong banggitin para mahikayat siya. Ang nangyari, habang lalo akong naghahanap para sa angkop na mga sipi, mas lalo namang kaunti ang aking natagpuan—nalito ako kung saan naglaho ang lahat ng mga sipi na mayroon akong kaunting pagkaunawa. Nang ako ay nagsimulang mabahala, isang naninising tinig ang nagsalita mula sa puso: Saan mo ba hinahanap ang salita ng Diyos? Dito, itong taong ito ay nasa harapan mo, paano ka makakapasok sa katotohanan? Bakit mo palaging sinusubukang lutasin ang mga problema ng ibang tao? Ano ang iyong inilantad sa iyong sarili? Pinatay ng pagbubunyag at pagpapatnubay ng Diyos ang galit na nag-aalab sa aking puso at binigyan ako ng ilang kaunawaan: Nakalimutan mo na ba ang nangyari noong huli? Huwag kang matrabaho para lamang sa trabaho—lutasin mo ang iyong sariling mga isyu bago mo subukang tulungan ang iba. Sa puntong ito, naisip ko ang siping ito ng salita ng Diyos: “Kailangan mo munang lutasin ang lahat ng kahirapan sa iyong kalooban sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos. Wakasan ang iyong masasamang disposisyon at magawang tunay na maunawaan ang iyong mga sariling kondisyon at alamin kung paano dapat gawin ang mga bagay-bagay; magpatuloy sa pagbabahagi ng anumang hindi mo nauunawaan. Hindi katanggap-tanggap na hindi mo kilala ang iyong sarili. Pagalingin mo muna ang sarili mong karamdaman, at sa pamamagitan ng higit pang pagkain at pag-inom sa Aking mga salita, pagninilay sa Aking mga salita, mamuhay at magsagawa ayon sa Aking mga salita; ikaw man ay nasa bahay o ibang lugar, dapat mong hayaang gamitin ng Diyos ang kapangyarihan Niya sa kalooban mo. ... Maaari bang lumago ang buhay ng isang tao na hindi nabubuhay ayon sa mga salita ng Diyos? Hindi. Dapat kang mabuhay ayon sa Aking mga salita sa lahat ng pagkakataon. Sa buhay, ang Aking mga salita ang dapat mong maging pamantayan ng kilos. Ang mga ito ay magiging sanhi para maramdaman mo na ang paggawa ng mga bagay sa isang paraan ay nagdudulot ng ligaya sa Diyos, at ang paggawa ng mga bagay sa ibang paraan ay kinamumuhian ng Diyos; unti-unti, ikaw ay tatahak sa tamang landas” (“Ang Dalawampung-segundong Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Dapat may isang pagkaunawa sa mga taong kung kanino nakikisama at nagbabahagi tungkol sa mga espirituwal na usapin sa buhay, tanging kung gayon matutustusan ng buhay ang iba at pinupunan ang kanilang mga kakulangan. Hindi dapat gumamit ng tonong nagsesermon sa kanila, na pangunahin ang maling posisyon na magkaroon. Sa pakikisama dapat may isang pagkaunawa sa mga espirituwal na usapin. Dapat may karunungan at makayang maunawaan kung ano ang mga nasa puso ng ibang tao. Dapat maging isang taong nasa tama kung maglilingkod ka sa iba at dapat nakikibahagi kung ano ang mayroon ka” (“Ika-labintatlong Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay kasing-liwanag ng isang lawa sa bundok at tinulungan akong mabatid ang aking sariling mga kakulangan: Kapag ako ay nasasangkot sa anumang sitwasyon, hindi ko kailanman namamalayan ang aking sarili at hindi pinapahalagahan kung ano ang aking inilalantad tungkol sa aking sarili. Unang-una, wala ang Diyos sa aking puso at hindi ko alam kung paano umasa sa Kanya. Dagdag dito, hindi ko nauunawaan ang napakarami sa mga salita ng Diyos at hindi ko magawa na tingnan ang mga bagay o kumilos ayon sa mga salita ng Diyos. Hinihingi ng Diyos na tayo ay mamuhay ayon sa Kanyang salita sa bawat sandali ng bawat araw at na gamitin natin ang salita ng Diyos bilang panuntunan kung paano tayo kumilos. Hinihingi Niya na gawin natin kung ano ang gusto Niya at iwanan kung anuman ang hindi naaayon sa Kanyang layunin. Hindi ba’t kinamumuhian ng Diyos kung anuman ang aking inilantad tungkol sa aking sarili ngayon? Sa anong paraan matutupad ng aking mga kilos ngayon ang aking mga tungkulin? Hindi, malinaw na ako ay gumagawa ng masama. Sa puntong ito, natagpuan ko ang sipi mula sa ika-44 na Prinsipyo “Ang Prinsipyo ng Pagtulong sa Iba nang May Mapagmahal na Puso,” na nagsabing: “1. Kinakailangan mong makilala ang mga iba't ibang uri ng mga tao ayon sa salita ng Diyos. Para sa mga tunay na naniniwala sa Diyos at tinatanggap ang katotohanan, kinakailangan mo silang tulungan nang may mapagmahal at matapat na puso.” Natagpuan ko rin ang mga salitang ito ng Diyos, “Ano ang hinihingi ng salita ng Diyos bilang prinsipyo sa pakikitungo sa iba? Mahalin ang minamahal ng Diyos, kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Iyon ay, ang mga taong minamahal ng Diyos na tunay na naghahangad ng katotohanan at gumagawa ng kalooban ng Diyos, ang mga taong dapat mong mahalin. Ang mga hindi gumagawa sa kaloobang ng Diyos, namumuhi sa Diyos, sumusuway sa Diyos, at kinasusuklaman ng Diyos, ay mga taong dapat nating kasuklaman at tanggihan. Iyan ang hinihingi ng salita ng Diyos” (“Ang Pagkilala sa Iyong Sarili ay Nangangailangan ng Pagkilala sa Iyong Mga Kaisipan at Mga Pananaw na Nag-ugat na nang Malalim” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Dahil mahal tayo ng Diyos, Siya ay nagkatawang-tao at mapagpakumbabang ikinubli ang Kanyang sarili, walang tigil upang iligtas ang buong sangkatauhan. Kinasusuklaman Niya ang tiwaling mga aspeto ng tao, ngunit nakikiramay sa kanilang mga kahinaan, hindi kailanman tinatawag ang mga tao ayon sa kanilang pagkatiwali, kung hindi palaging hinihimok ang mga tao nang may taimtim na pagpapayo, walang kapagurang pagtuturo at pagmamahal upang mabatid ang kamalian ng kanilang mga paraan at hanapin ang bagong paraan tungo sa hinaharap. Ipinagkakaloob ng Diyos sa akin ang Kanyang biyaya, itinataas ako at hinahayaan akong gampanan ang tungkuling ito para maaari kong mahalin kung ano ang mahal ng Diyos, tulungan at suportahan ang aking mga kapatid nang may mapagmahal na puso kapag sila ay nasasangkot sa kahirapan at tratuhin ang lahat ng tao nang may matapat na puso. Subalit, ako ay sumalungat sa Kanyang mga prinsipyo: Dahil nagkaroon ako ng kaunting estado at nakita ko ang iba na naglantad ng ilan sa kanilang pagkatiwali, napabayaan kong makiramay sa kanilang kahinaan, ngunit sa halip ay ginamit ang salita ng Diyos na parang sandata upang pigilin sila at pilitin silang sumang-ayon sa akin. Hindi ba ito isang asal ng pagkasuklam? Bigla kong naramdaman ang lubos na pagkapahiya at hiyang-hiyang sa aking kayabangan at kawalang kaalaman. Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos mula sa ika-43 na Prinsipyo, “Ang Prinsipyong Pagbabahagi Mula sa Puso”: “Sa ‘karanasan ng pagbabahagi at pakikipamayan,’ ang ibig sabihin ng pagbabahagi ay pagsasabi ng bawat naiisip ng iyong puso, ng iyong kalagayan, ng iyong mga karanasan at kaalaman sa salita ng Diyos, at maging sa masamang disposisyon sa loob mo—at pagkatapos noon, tutukuyin ng iba ang pagkakaiba, at tatanggapin ang positibo at kikilalanin kung ano ang negatibo. Ito lang ang pagbabahagi, at ito lang ang tunay na pakikipamayan” (“Para Maging Matapat, Dapat Buksan ang Sarili sa Iba” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, natutunan ko kung paano makipag-usap sa aking kapatid sa paraan na magiging kapaki-pakinabang sa kanya. Ngayon, nang kinuha ko ang aking pluma, nakaramdam ako ng daluyong ng pagmamahal na umaagos mula sa kalooban ko. Nakaramdam ako ng matinding pagnanais na ihayag ang aking puso sa pakikipag-usap sa aking kapatid. Ngayon, hindi ko ginamit ang salita ng Diyos upang lutasin ang kanyang mga isyu, ngunit sa halip ay pinag-usapan ang aking mga kaunawaan sa aking sariling mayabang at hambog na kalikasan at hindi makataong ugali–hindi ko pinakitunguhan ang aking mga kapatid nang tama, nakaligtaang magpakita ng pagmamahal at awa sa kanila. Sa liham, isinulat ko ang mga sumusunod: Tunay kong pinasasalamatan ang Diyos dahil sa pagdadala Niya sa iyo sa aking harapan, hinayaan akong makita ang malisya sa aking puso. Bilang pinuno, wala akong katotohanan o katunayan. Hindi ako karapat-dapat na maging pinuno, dahil ako ay nabigo na akuin ang responsibilidad para sa tungkulin na ipinagkaloob ng Diyos sa akin–nabigo ako na kumilos bilang tagapaglingkod ng Diyos. Sa halip, itinuring ko ang aking tungkulin bilang isang posisyon na may kapangyarihan, estado, iniisip na mas mataas ako kaysa sa iba. Noong nakita ko ang iyong liham, napuno ako ng paghamak at paghatol, at naninwala pa na taglay ko ang kapangyarihan upang pungusin at pakitinguhan ka. Paano ako naging mayabang at hambog! Ang totoo, ang iyong mga kakulangan ay akin ding mga kakulangan at mga kamalian. Kapag ako at ang aking mga kapatid ay hindi magawang magtulungan nang mapayapa, ito ang Diyos na naglalantad sa katunayan na ang buong kasawiang ito ay bunga ng aking kawalan ng kakayahan na makapasok sa katotohanan sa mapayapang pagkikipagtulungan. Salamat sa Diyos sa pagbubunyag na ito, na tumulong sa akin upang mabatid na sa kabila ng paniniwala sa Diyos sa maraming mga taon, kailangan ko pang makatamo ng pag-unawa sa pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Kinakailangan ko pa ring maunawaan ang layunin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Hindi ko alam kung sa anong mga paraan dapat mailigtas ang mga tao at magawang perpekto. Dahil dito, sa kahit anong sitwasyon na aking haharapin, hindi ko pa rin magawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos ng Diyos. Sa halip, palagi kong mas pinagtutuunan ng pansin ang pag-iingat sa mga kapakanan ng laman at naglulubalob sa mababaw na mga bagay. Kung hindi mo ipinadala sa akin ang liham na ito na naglantad sa akin, hindi ko sana makikita ang kalikasan ng aking isyu. Isagawa nating pareho ang pagpasok sa katunayan ng katotohanan sa hinaharap.

Noong pinakawalan ko na nga ang aking sarili, nalaman ko at hinimay ang aking sarili, at ginamit ang tunay na kondisyon na naranasan ko sa pakikipag-usap at pagpasok sa katotohanan kasama ang aking kapatid, naramdam ko ang matinding pagpapakumbaba at kapayapaan at naramdaman ko na wala ng namamagitan at pagkakahiwalay sa aming dalawa. Tunay kong nakita ang tatak ng pagpapala ng Diyos sa mga sitwasyon kung saan isinagawa ko ang katotohanan. Tanging sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatnubay at pagliliwanag ng Diyos ako, na kayang magsalita lamang tungkol sa katotohanan ngunit hindi maisabuhay ito, na basta lamang sumailalim sa mga karanasan nang hindi pumapasok sa katunayan ng katotohahan, unti-unting nagsimulang magbago. Nakita ko ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos sa aking nakaraang mga karanasan. Gaya nang sinabi ng pag-uusap sa itaas, “Kung saan mayroong katiwalian, magkakaroon ng paghatol, kung saan mayroong kasamaan, magkakaroon ng pagkastigo.” Lalo ko ring mas nabatid na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang ating kailangan. Ang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay isang handog ng malalim na kaligtasan at biyaya. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap sa paghatol at pagkastigo na ito tayo maaaring maagaw mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas, itakwil ang kadiliman, hanapin ang liwanag at ang katotohanan, pumasok sa katotohanan, at isagawa ang katotohanan. Ipinagdarasal ko na sundan ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos saan man ako magpunta, upang matamo ko ang pagkadalisay at mamuhay bilang isang tunay na tao.

Sinundan:Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sumunod:Tanging sa Pag-unawa ng Katotohanan Mo Tunay na Makikilala ang Iyong Sarili

Baka Gusto Mo Rin