Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

337 Hindi Matatakasan Ninuman ang Paghatol ng Diyos

1 Mula sa pinakamataas na punto sa sansinukob, pinanonood ng Diyos ang bawat galaw ng tao, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng tao. Kahit ang bawat kaloob-loobang kaisipan nila ay Kanyang minamasdan nang may walang-pasubaling kalinawan, hindi ito nilalampasan—kaya’t humihiwa ang mga salita ng Diyos sa mga puso ng mga tao, tumatama sa kanilang bawat iniisip, at matalas at walang kamalian ang Kanyang mga salita. “Kahit na nakikilala ng tao ang Aking Espiritu, nasasaktan rin niya ang Aking Espiritu. Hinuhubaran ng Aking mga salita ang pangit na mukha ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng lahat ng tao, at sinasanhi ang lahat sa lupa na bumagsak sa kalagitnaan ng Aking pagsisiyasat.”

2 Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, maraming tao ang hindi matiis na mawalay sa mga salita ng Diyos, at bumubukal ang pag-ibig sa Diyos sa kalooban nila. Sa gayon, minsan pa ay sinusumpa ng Diyos si Satanas, at minsan pa ay inilalantad ang pangit na mukha nito. “Ang panahon kung saan nagpapasimula si Satanas ng kaguluhan at lubhang nagpapakahari” ay ang mismong kapanahunan din na sinisimulan ng Diyos ang Kanyang opisyal at malaking gawain sa lupa. Sunod, sinisimulan Niya ang gawain ng paglipol sa mundo. Na ang ibig sabihin, mas nanggugulo si Satanas, mas nalalapit ang pagdating ng araw ng Diyos, at kaya mas nagsasalita ang Diyos tungkol sa kalabisan ni Satanas, kaya naipapakita na mas nalalapit ang araw kung kailan lilipulin ng Diyos ang mundo. Ganyan ang pahayag ng Diyos kay Satanas.

Hango sa “Kabanata 9” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Kailangang Wasakin ng Diyos ang Luma at Maruming Kapanahunan

Sumunod:Nagtamo ng Kaluwalhatian ang Diyos sa Lahat ng Nilikha

Baka Gusto Mo Rin