Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Walang Makakapalit sa Awtoridad ng Diyos

Bilis

Walang Makakapalit sa Awtoridad ng Diyos

I

Awtoridad ng Lumikha

nagbibigay ng sigla

sa mga bagay na tila di gumagalaw,

kaya kailanma'y di sila naglalaho.

Nagbibigay Siya ng likas na ugaling magparami

sa lahat ng may buhay, kaya di sila naglalaho.

Mga tuntuni't batas sa pananatiling buhay

ipinapasa nila sa mga henerasyon.

Lahat ng ito'y bigay ng Lumikha,

lahat ito'y bigay ng Lumikha.

II

Paggamit ng awtoridad ng Lumikha

sa maliliit o malalaking paraan

ay hindi limitado sa anumang anyo.

Galaw ng sansinukob Kanyang inuutusan.

Nasa kapangyarihan Niya ang buhay at kamatayan.

Pinakikilos Niya ang lahat para Siya'y pagsilbihan.

Kontrolado Niya ang mga ilog, lawa at kabundukan.

Pinamumunuan Niya ang lahat

at ibinibigay ang kanilang kailangan.

Lahat ng ito'y gawa ng Lumikha,

lahat ng ito'y gawa ng Lumikha.

III

Awtoridad ng Lumikha'y kakaiba.

Sa lahat ng bagay ito'y makikita

di lang sa isang habambuhay.

Ito'y walang hanggan at hindi magpapahinga.

Di magbabago, di masisira.

Walang makapagbabago rito,

walang makapagdaragdag

ni makapagbabawas dito.

Lahat ng ito'y ipinakita ng Lumikha,

lahat ng ito'y ipinakita ng Lumikha.

Walang makakapalit sa pagkakakilanlan

ng Lumikha, ng Lumikha.

Kaya awtoridad Niya'y hindi mapapalitan

ng anumang nilikha,

ni maaabot ng anumang di-nilikha.

Lumikha, Lumikha.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Lahat ng Bagay ay Pagpapakita ng Awtoridad ng Maylikha

Sumunod:Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos