Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

612 Walang Sinumang Makakatakas sa Araw ng Poot ng Diyos

1 Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong sariling kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maaaring maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, ibinubunyag ang Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Lilipulin Ko itong luma at sukdulan ang karumihang sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking-anak at mga baka sa Ehipto, itinira lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa hamba ng kanilang mga pinto.

2 Hindi ba't ang mga taong Aking nalulupig at mula sa Aking pamilya ay siya ring mga taong kumakain ng Aking laman bilang Kordero at umiinom ng aking dugo bilang Kordero, at Aking natubos at sumasamba sa Akin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba yaong mga wala ng laman Ko, ang Kordero, ay tahimik nang nakalubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat kayo sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang niyaong mga sinabi ni Jehova sa mga lalaking-anak at mga lalaking-apo ng Israel. Nguni’t ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nagsasanhi ng Aking poot para maipon, nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa inyong mga laman, higit pang paghatol sa inyong mga kasalanan, at higit pang poot sa inyong di-pagkamakatuwiran.

3 Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong di-pagkamakatuwiran ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong paglaban ang makakatakas ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, si Jehova, ay nagsasalita sa inyo, mga inapo ng pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas Ko sa inyo ay higit sa lahat ng pagbigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, nguni’t kayo ay mas matigas pa sa lahat ng tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang Ako ay mapayapang gumagawa ng Aking gawain? Paano kayo makakatakas nang walang-pinsala mula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

Hango sa “Walang Sinumang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Napakasama na ng Disposisyon ng Tao

Sumunod:Ang Katwirang Dapat Taglayin ng mga Tao

Baka Gusto Mo Rin