Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Espesyal na Paksa tungkol sa Paghuhukom

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa para mapadalisay, mailigtas at magawang perpekto ang tao, at makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay.

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa para mapadalisay, mailigtas at magawang perpekto ang tao, at makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay.

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

"Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos."

mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan"

"Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong kapinuhan at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang makatuwirang paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong kapinuhan ay nang upang linisin ang tao, ang masasakit na mga salita at ang pagtutuwid ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan. At kaya, ang kasalukuyang paraan ng pagliligtas ay hindi kagaya noong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang makatuwirang paraan ng paghatol ay ililigtas ka, at isang mabuting kasangkapan sa pagbubukod-bukod sa bawat isa sa inyo ayon sa uri, at ang malulupit na pagkastigo ay magdudulot sa inyo ng pinakadakilang kaligtasan--at ano ang masasabi ninyo sa harap ng pagkastigong ito at paghatol? Hindi ba ninyo natatamasa ang pagliligtas mula umpisa hanggang katapusan?"

mula sa "Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao"

"Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto."

mula sa "Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos"

"Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos."

mula sa "Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos"

"Ang tao ay nabubuhay sa gitna nang laman, na nangangahulugang nabubuhay siya sa isang pantaong impiyerno, at kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tao ay kasing-dumi ni Satanas. Paano magiging banal ang tao? Naniniwala si Pedro na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pinakamabuting pag-iingat sa tao at pinakadakilang biyaya. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol ng Diyos magigising ang tao, at kapopootan ang laman, at kapopootan si Satanas. Ang mahigpit na pagdisiplina ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensya ni Satanas, siya’y pinalalaya nito mula sa kanyang sariling makitid na mundo, at hinahayaan siyang mamuhay sa liwanag ng presensya ng Diyos. Wala nang higit na mabuting pagliligtas kundi ang pagkastigo at paghatol! ... Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang buhay na may kahulugan, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang makalaya siya mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Alamin na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao."

mula sa "Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol"

"Dati ko nang sinabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig-sabihin nila ay ang mga taong ito na tanging natamo lamang ay tunay na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagpupungos at lahat ng mga uri ng kapinuhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Wala pa silang nakitang anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi nila pinag-uusapan ang mga malalabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na mga kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos?"

mula sa "Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos"

Sinundan:Paano Isinasagawa ng Diyos ang Kanyang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian?

Sumunod:Ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang Gumagawa ng mga Mananagumpay Bago Sumapit ang Kalamidad

Baka Gusto Mo Rin