Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Makinig Nang Mabuti sa Salita ng Diyos

Bilis

Makinig Nang Mabuti sa Salita ng Diyos

I

Huwag mag-alinlangan,

nguni't buong-pusong sumandal sa Kanya,

at Sya ay tiyak na magpapakita sa inyo,

pagkat Sya ang inyong Diyos.

Ang mga mapag-alinlangan,

sila ay tiyak na hindi makatatayo nang matatag,

ang kakulangan ng pananampalataya'y

walang anumang makakamit.

Dapat ninyong malaman

gaano kaselang oras ito ngayon,

ang kahalagahan ng puntong ito!

Huwag mag-abala sa mga bagay

na walang kabuluhan;

lumapit sa Diyos, makisama sa Kanya,

lahat ng hiwaga'y ibinubunyag.

Bigyang-pansin ang salita ng Diyos,

pakinggan ang Kanyang tinig,

at Kanyang ibubunyag sa iyo.

Manahimik sa Kanya;

Sya'y iyong Diyos, inyong Manunubos.

Patahimikin palagi puso n'yo,

mamuhay sa Kanya;

Sya ang iyong bato, ang inyong sandigan,

ang tulong na iyong kailangan.

II

Pakinggan ang salita ng Espiritung Banal,

sundan ang bawat turo Niya.

Huwag palipasin at walang matutunan.

Naririnig mo salita ng Diyos

nguni't kinaliligtaan ang mga ito.

Ikaw na walang pakundangan at bulag.

Kayraming pagpapalang nasayang.

Dapat kang makinig nang mabuti

sa salita ng Diyos,

makisama at maging malapít sa Kanya.

Ika'y tuturuan ng mga bagay

na hindi mo nauunawaan,

at pangungunahan tungo sa pasulong na daan.

Wag masyadong makisama sa iba.

Pagkat madami ang nangangaral

ng mga katuruan

at mga doktrina,

nguni't iilan lang ang nagtataglay ng katotohanan.

Bigyang-pansin ang salita ng Diyos,

pakinggan ang Kanyang tinig,

at Kanyang ibubunyag sa iyo.

Manahimik sa Kanya;

Sya'y iyong Diyos, inyong Manunubos.

Patahimikin palagi puso n'yo,

mamuhay sa Kanya;

Sya ang iyong bato, ang inyong sandigan,

ang tulong na iyong kailangan.

III

Ang pakikinig sa kanila ay magsasanhi

ng kalituhan at pamamanhid,

hindi nalalaman kung paano lumago.

Kahit kayo ay makinig sa kanila,

pawang mga katuruan lamang ang matututunan.

Bantayan ang inyong hakbang,

pangalagaan ang inyong puso,

at sa Diyos wag hihiwalay.

Maging malapít sa Diyos at Kanyang ipapakita

yaong mga bagay na 'di mo nauunawaan.

Ingatan ang inyong mga pananalita at puso,

lakaran ang landas ng Diyos.

Bigyang-pansin ang salita ng Diyos,

pakinggan ang Kanyang tinig,

at Kanyang ibubunyag sa iyo.

Manahimik sa Kanya;

Sya'y iyong Diyos, inyong Manunubos.

Patahimikin palagi puso n'yo,

mamuhay sa Kanya;

Sya ang iyong bato, ang inyong sandigan,

ang tulong na iyong kailangan.

tulong na iyong kailangan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos

Sumunod:Ang Prinsipyo ng Gawain ng Banal na Espiritu