1. Ano ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang kaalaman tungkol sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng makilala ang Diyos? Ibig sabihin nito ay nakakayang maintindihan ng tao ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos; ito ang pagkilala sa Diyos. Inaangkin mong nakikita mo na ang Diyos, ngunit hindi mo nauunawaan ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang Kanyang disposisyon. Ni hindi mo rin nauunawaan ang Kanyang katuwiran, ni ang Kanyang pagka-mahabagin, ni hindi mo alam kung ano ang gusto o kinamumuhian Niya. Hindi ito pagkakilala sa Diyos. Samakatuwid, nakakayang sundan ng ilang tao ang Diyos ngunit hindi nila talaga kayang tunay na manalig sa Kanya; dito nakasalalay ang pagkakaiba. Kung kilala mo ang Diyos, nauunawaan Siya at kayang maintindihan ang ilan sa Kanyang kalooban, kung gayon talagang makakapaniwala ka sa Kanya, talagang nagpapasakop sa Kanya, talagang minamahal Siya, at talagang sinasamba Siya. Kung hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito, kung gayon isa ka lamang tagasunod na nakikitakbo at nakikigaya sa karamihan. Hindi natatawag iyan na tunay na pagpapasakop o tunay na pagsamba. Paano ba nangyayari ang tunay na pagsamba? Walang natatangi, lahat na talagang kilala ang Diyos ay sinasamba at iginagalang Siya sa tuwing nakikita nila Siya; silang lahat ay nauudyukang yumukod at sumamba sa Kanya. Sa kasalukuyan, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay gumagawa, mas higit ang pagkaunawa na mayroon ang mga tao tungkol sa Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon Siya at ano Siya, mas higit na pahahalagahan nila ang mga ito at mas higit nilang igagalang Siya. Sa pangkalahatan, mas mababaw ang pagkaunawa ng mga tao, mas lalo silang pabaya, kung kaya itinuturing nilang tao ang Diyos. Kung talagang kilala at nakikita ng mga tao ang Diyos, mangangatog sila sa takot. “Siya na dumarating kasunod ko ay lalong makapangyarihan kaysa sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak”—bakit sinabi ito ni Juan? Kahit sa kaibuturan wala siyang napakalalim na pagkaunawa, alam niyang kagila-gilalas ang Diyos. Ilang tao sa panahon ngayon ang kayang gumalang sa Diyos? Kung hindi nila alam ang Kanyang disposisyon, sa gayon paano sila makakagalang sa Kanya? Hindi alam ng mga tao ang diwa ni Cristo ni hindi nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, lalong hindi nila kayang talagang sambahin ang Diyos. Kung nakikita lamang nila ang ordinaryo at normal na panlabas na anyo ni Cristo, subalit hindi alam ang diwa Niya, kung gayon madali para sa kanila na ituring si Cristo bilang isang ordinaryong tao lamang. Maaaring magtaglay sila ng walang-paggalang na saloobin sa Kanya, at madadaya Siya, tutulan Siya, suwayin Siya, at hatulan Siya. Maaari silang maging matuwid sa sarili at hindi seryosohin ang Kanyang salita, maaari pa ngang pagmulan sila ng mga pagkaunawa, mga pagkondena at paglapastangan laban sa Diyos. Para malutas ang mga usaping ito dapat malaman ang diwa at ang pagka-Diyos ni Cristo. Ito ang pangunahing aspeto ng pagkilala sa Diyos; ito ang kailangang pasukin at tamuhin ng lahat ng mananampalataya sa praktikal na Diyos.

Hinango mula sa “Paano Kikilalanin ang Diyos na Nagkatawang-tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at kakanyahan—ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung binibigyang-pansin mo lamang ang Espiritu, at ang Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, kung gayon nagpapatunay pa rin ito na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-alam at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pag-unawa sa mga patakaran at mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kabilang din dito ang pag-alam na pinamamahalaan ng Espiritu ang bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao, at na direktang pagpapahayag ng Espiritu ang mga salitang sinasabi Niya. Sa gayon, upang makilala ang praktikal na Diyos, pinakamahalagang malaman kung paanong gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; pumapatungkol naman ito sa mga pagpapahayag ng Espiritu, kung saan nakikipag-ugnayan ang lahat ng mga tao.

Hinango mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang proseso ng pag-alam sa salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos at pag-alam sa gawain ng Diyos. Kaya, ang pag-alam sa mga pangitain ay hindi lamang tumutukoy sa pagkilala sa pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, kundi kabilang din ang pag-alam sa salita at gawain ng Diyos. Mula sa salita ng Diyos nauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos nalalaman nila ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang Diyos. Paniniwala sa Diyos ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwalang ito sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Kanya ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, ang proseso ng pagdanas ng gawain ng Diyos. Kung naniniwala ka lamang sa Diyos para maniwala sa Diyos, at hindi para makilala Siya, walang realidad sa iyong pananampalataya, at hindi maaaring maging dalisay ang iyong pananampalataya—walang duda ito. Kung, sa proseso kung saan nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, unti-unti niyang nakikilala ang Diyos, unti-unting magbabago ang kanyang disposisyon, at lalong magiging totoo ang kanyang paniniwala. Sa ganitong paraan, kapag nagtatagumpay ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos, ganap na niyang nakamit ang Diyos. Kaya ginagawa ng Diyos ang lahat para maging tao sa ikalawang pagkakataon upang personal na gawin ang Kanyang gawain ay upang makilala at makita Siya ng tao. Pagkilala sa Diyos[a] ang huling epektong makakamtan sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito alang-alang sa Kanyang huling patotoo; ginagawa Niya ang gawaing ito upang sa wakas ay ganap na bumaling ang tao sa Kanya. Mamahalin lamang ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para mahalin ang Diyos kailangan niyang makilala ang Diyos. Paano man siya naghahangad, o ano man ang kanyang hangad na matamo, kailangan niyang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos. Sa paraang ito lamang mapapalugod ng tao ang puso ng Diyos. Sa pagkilala lamang sa Diyos magkakaroon ang tao ng tunay na pananampalataya sa Diyos, at sa pagkilala lamang sa Diyos siya tunay na maaaring magpitagan at sumunod sa Diyos. Ang mga hindi nakakakilala sa Diyos ay hindi kailanman tunay na makakasunod at magpipitagan sa Diyos. Ang pagkilala sa Diyos ay kinabibilangan ng pag-alam sa Kanyang disposisyon, pag-unawa sa Kanyang kalooban, at pag-alam kung ano Siya. Subalit alinmang aspeto ang mapag-alaman ng isang tao, kinakailangan sa bawat isa na magsakripisyo at maging handang sumunod ang tao, kung hindi ay walang sinumang patuloy na makakasunod hanggang wakas.

Hinango mula sa “Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tatlong yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayahang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ni hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos lamang ang lubos na makapaghahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos, at ganap na makapaghahayag ng hangarin ng Diyos na pagliligtas sa buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang katunayan na natalo na Niya si Satanas at nakamit ang sangkatauhan, ito ay katunayan ng tagumpay ng Diyos, at ang pagpapahayag ng kabuuang disposisyon ng Diyos. Yaong mga nakakaunawa ng isang yugto lamang sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay bahagi lamang ang alam tungkol sa disposisyon ng Diyos. Sa pagkaintindi ng tao, madali para sa nag-iisang yugto ng gawaing ito na maging doktrina, marahil ang tao ay magtatakda ng mga alintuntunin tungkol sa Diyos, at ginagamit ng tao itong nag-iisang bahagi ng disposisyon ng Diyos bilang isang pagkatawan sa buong disposisyon ng Diyos. Higit pa riyan, malaking bahagi ng imahinasyon ng tao ang kahalo sa loob, sa gayon ay mahigpit niyang pinipigilan ang disposisyon, pag-iral, at karunungan ng Diyos, gayundin ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, sa loob ng limitadong mga hangganan, naniniwala na kung ang Diyos ay naging ganito minsan, kung gayon Siya ay mananatiling ganito habang panahon, at hinding-hindi kailanman magbabago. Yaong mga nakakaalam lamang at nagpapahalaga sa tatlong yugto ng gawain ang may kakayahang lubos at tiyak na makilala ang Diyos. Gayunpaman, hindi nila bibigyang-kahulugan ang Diyos bilang ang Diyos ng mga Israelita, o mga Hudyo, at hindi Siya makikita bilang isang Diyos na walang-hanggang nakapako sa krus para sa kapakanan ng tao. Kung nakikilala mo lamang ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, kung gayon ang iyong pagkakilala ay masyadung-masyadong kaunti. Ang iyong pagkakilala ay isang patak lamang sa dagat. Kung hindi, bakit marami sa mga relihiyosong konserbatibong ayaw sa pagbabago ang nagpapako sa Diyos nang buhay sa krus? Hindi ba dahil ikinukulong ng tao ang Diyos sa loob ng ilang parametro? Hindi ba maraming tao ang sumasalungat sa Diyos at hinahadlangan ang gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t iba at malawak na gawain ng Diyos, at, higit pa, dahil sila ay nagtataglay ng napakaliit na kaalaman at doktrina na ginagamit bilang panukat sa gawain ng Banal na Espiritu? Kahit na ang mga karanasan ng mga taong iyon ay mababaw, sila ay mapagmataas at likas na abusado, at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi pinapansin ang mga disiplina ng Banal na Espiritu, at, bukod dito, ginagamit nila ang kanilang mga walang halagang lumang argumento upang pagtibayin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila rin ay nagkukunwari, at lubos na naniniwala sa kanilang sariling natutuhan at kaalaman, at sila ay nakakapaglakbay sa ibang dako ng mundo. Hindi ba ang ganoong mga tao ay yaong mga kinasusuklaman at tinatanggihan ng Banal na Espiritu, at hindi ba sila ang mga aalisin ng bagong kapanahunan? Hindi ba silang mga taong lumalapit sa Diyos at lantarang sinasalungat Siya ay mga hamak na taong mangmang at walang alam, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa kanilang kaunting kaalaman sa Biblia, sinusubukan nilang sakupin ang mga “akademya” sa mundo, gamit lang ang mababaw na doktrina upang turuan ang mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu, at tinatangkang paikutin ito sa kanilang mga pansariling proseso ng pag-iisip, at dahil sila ay maigsi ang pananaw, sinusubukan nilang makita sa isang tingin ang 6,000 taong gawain ng Diyos. Walang karapatang magsalita ang mga taong ito! Sa katunayan, habang mas malawak ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos, mas mabagal nilang huhusgahan ang Kanyang gawain. Bukod dito, kaunti lamang ang kanilang sinasabi tungkol sa kaalaman nila sa gawain ng Diyos ngayon, ngunit hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghatol. Kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas mapagmataas sila at may labis-labis na pagtitiwala sa sarili, at mas lalo nilang walang-pakundangang inihahayag ang kabuuan ng Diyos—ngunit ang kanila lamang sinasalita ay teorya, at walang tunay na katibayang ipinakikita. Sila ang mga taong walang halagang anuman. Silang nagtuturing sa gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay di-seryoso! Silang mga hindi maingat kapag kanilang nakakatagpo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, mabibilis humusga, na malayang hinahayaan ang kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang pagkamatuwid ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto rin at nilalapastangan ito—ang mga ganoong napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop? Kahit na dumating ang araw na ang ganoong uri ng mga tao ay tumanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak ang mga taong gumagawa para sa Diyos, nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang ganoong mga mapangahas na hangal na mga tao ay hindi patatawarin, maging sa kapanahunang ito o sa darating mang kapanahunan at sila ay walang-hanggang mapapahamak sa impiyerno! Ang ganoong napakawalang-galang at maluhong mga tao ay nagpapanggap na naniniwala sa Diyos, at habang mas lalo nilang ginagawa ito, maaaring mas lalo silang nagkakasala sa mga atas administratibo ng Diyos. Hindi ba lahat yaong mga mapagmataas na likas na di-mapigil, at hindi pa kailanman sumunod sa kahit kanino, ay lalakad lahat sa landas na ito? Hindi ba nila sinasalungat ang Diyos sa bawat araw, Siya na laging bago at hindi kailanman luma?

Hinango mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung gaano karami ang pagkaunawa ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao ang nagpapasya kung gaanong kalagayan ang Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso. Kung gaano kadakila ang antas ng kaalaman ukol sa Diyos ang nasa kanilang mga puso ay kung gaano kadakila ang Diyos sa kanilang mga puso. Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo, kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay wala ring laman at malabo. Ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa saklaw ng iyong sariling personal na buhay, at walang kinalaman sa tunay na Diyos Mismo. Kaya, ang pagkilala sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang kapangyarihang walang hanggan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano Siya, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng bagay—ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay may direktang kinalaman sa kung makapapasok o hindi ang tao sa realidad ng katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin Ko na ang iyong Diyos na pinaniniwalaan ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay isang guni-guning Diyos, hindi ang tunay na Diyos. Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan—ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na Aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng bagay, sa pagiging buhay ng lahat ng bagay, at sa mga batas ng pagbabago sa lahat ng bagay.

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lahat ng nasa Kristiyanismo na nag-aral ng teolohiya, Banal na Kasulatan, at maging ng kasaysayan ng gawain ng Diyos—mga tunay ba silang mananampalataya? Naiiba ba sila sa mga mananampalataya at tagasunod ng Diyos na binabanggit ng Diyos? Sa mata ng Diyos, naniniwala ba sila sa Diyos? (Hindi.) Nag-aaral sila ng teolohiya, pinag-aaralan nila ang Diyos. May pagkakaiba ba sa pagitan nilang pinag-aaralan ang Diyos at sa kanilang nag-aaral ng mga ibang bagay? Walang pagkakaiba. Kagaya rin lang sila ng mga taong nag-aaral ng kasaysayan, nag-aaral ng pilosopiya, nag-aaral ng batas, nag-aaral ng biolohiya, nag-aaral ng astronomiya—sadyang hindi nila gusto ang agham, o biolohiya, o anumang mga asignatura; gusto lamang nila ng teolohiya. Pinag-aaralan ng mga taong ito ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap ng mga palatandaan at pahiwatig sa gawain ng Diyos—at ano ang lumalabas sa kanilang pananaliksik? Natutukoy ba nila kung umiiral ang Diyos? Hindi kailanman. Natutukoy ba nila ang kalooban ng Diyos? (Hindi.) Bakit? Sapagkat nabubuhay sila sa gitna ng mga salita at parirala, nabubuhay sila sa gitna ng karunungan, nabubuhay sila sa gitna ng pilosopiya, nabubuhay sila sa gitna ng mga kaisipan at saloobin ng tao. Hindi nila kailanman makikita ang Diyos, hindi nila kailanman makakamit ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Paano sila tinutukoy ng Diyos? Bilang mga walang pananampalataya, bilang mga hindi sumasampalataya. Nakikihalubilo itong mga hindi sumasampalataya at walang pananampalataya sa tinatawag na komunidad na Kristiyano, na kumikilos tulad sa mga taong naniniwala sa Diyos, na kumikilos tulad sa mga Kristiyano—ngunit, sa katunayan, tunay bang sumasamba sila sa Diyos? Tunay bang sumusunod sila sa Kanya? Hindi. Bakit? Isang bagay ang tiyak: ito ay dahil, sa kanilang kalooban, hindi sila naniniwala na nilikha ng Diyos ang daigdig, na Siya ang namamahala sa lahat ng bagay, na magagawa Niyang magkatawang-tao, lalong hindi sila naniniwalang umiiral ang Diyos. Ano ang ipinahihiwatig ng kawalan ng pananampalatayang ito? Pagdududa, pagtatatwa, at maging ang saloobing umaasa na ang mga propesiyang sinalita ng Diyos—lalo yaong tungkol sa mga sakuna—ay hindi nagkakatotoo at hindi natutupad. Ito ang saloobin kung paano nila ituring ang paniniwala sa Diyos, at ito rin ang diwa at totoong mukha ng tinatawag nilang pananampalataya. Pinag-aaralan ng mga taong ito ang Diyos sapagkat may tangi silang interes sa karunungan at kaalaman sa teolohiya, at interesado sila sa mga pangkasaysayang katunayan ng gawain ng Diyos. Dili nga ba’t isang pangkat lamang sila ng mga intelektuwal na nag-aaral ng teolohiya. Hindi naniniwala ang mga “intelektuwal” na ito sa pag-iral ng Diyos, kaya’t ano ang kanilang ginagawa kapag gumawa na ang Diyos at natutupad ang Kanyang mga salita? Ano ang kanilang unang reaksiyon kapag narinig nila na ang Diyos ay nagkatawang-tao, at gumaganap sa bagong gawain? “Imposible!” Isinusumpa nila ang sinumang nangangaral sa bagong gawain ng Diyos, at ibig pa ngang patayin ang mga ito. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba’t ito ang pagpapakita ng kanilang pagiging ganap na antikristo? Kinapopootan nila ang gawain ng Diyos at ang katuparan ng Kanyang mga salita, huwag nang banggitin pa ang Kanyang pagkakatawang-tao: “Kung Ikaw ay hindi nagkatawang-tao at ang mga salita Mo ay hindi natupad, Ikaw nga ay Diyos. Kung ang mga salita Mo ay natupad at Ikaw ay nagkatawang-tao, Ikaw ay hindi Diyos.” Ano ang lingid na kahulugan nito? Ito ay ang hindi nila pagpapahintulot sa pagkakatawang-tao ng Diyos hangga’t sila ay umiiral. Hindi ba’t ito’y ganap na antikristo? Ito ay tunay na antikristo. Umiiral ba sa mga pangrelihiyong komunidad ang mga ganitong pagpapahayag? Ginagawang napakalakas ang mga ganyang pagpapahayag, at napakapuwersa rin: “Mali na ang Diyos ay nagkatawang-tao, ito’y imposible! Anumang pagkakatawang-tao ay isangkasinungalingan!” May ilang nagtatanong, “Nailigaw ba ang mga taong ito?” Hinding-hindi. Wala lamang silang tunay na pananampalataya sa Diyos. Hindi sila naniniwala sa pag-iral ng Diyos, hindi sila naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi sila naniniwala sa ginawang paglikha ng Diyos sa daigdig, at lalong hindi sila naniniwala sa ginawa ng Diyos na pagpapapako sa krus at pagtubos sa buong sangkatauhan. Para sa kanila, ang pinag-aaralan nilang teolohiya ay isang serye ng mga pangyayari sa kasaysayan, isang uri ng doktrina o teorya.

Hinango mula sa “Para sa mga Lider at Manggagawa, Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (7)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ano ang pangunahing pagpapakita ng pagpapaimbabaw ng mga Fariseo? Masusing binasa lamang nila ang Banal na Kasulatan at hindi hinanap ang katotohanan. Nang mabasa nila ang mga salita ng Diyos, hindi sila nagdasal o naghanap; sa halip, pinag-aralan nila ang mga salita ng Diyos, pinag-aralan nila ang mga sinabi at ginawa ng Diyos, kaya’t ginawa nilang isang uri ng teorya ang Kanyang mga salita, isang doktrina na itinuturo nila sa iba. Ganito ang masusing pagbasa sa mga salita ng Diyos. Kaya’t bakit nila ginawa iyan? Ano ang kanilang masusingbinasa? Sa tingin nila, hindi salita ng Diyos ang mga ito, hindi sila mga pagpapahayag ng Diyos, at lalong hindi katotohanan ang mga ito, bagkus ay isang anyo ng karunungan. Sa tingin nila, ang ganoong karunungan ay dapat maipasa, dapat maipalaganap, at ito lamang ang pagpapalaganap sa gawi ng Diyos at ng ebanghelyo. Ito ang tinatawag nilang “pangangaral,” at ang sermon na kanilang ipinangaral ay teolohiya.

… Itinuring ng mga Fariseo ang teolohiya at ang teoryang kanilang dinalubhasa bilang isang uri ng karunungan, bilang isang kasangkapan sa pagkondena sa mga tao at pagsukat kung sila ay tama o mali. Ginamit pa nga nila ito sa Panginoong Jesus—ganyan kung paano nakondena ang Panginoong Jesus. Ang kanilang pagtatasa sa mga tao, at ang kanilang paraan sa pagtrato sa mga ito, ay hindi nakabatay sa kanilang diwa, o kung ang kanilang sinabi ay tama o mali, lalong hindi sa pinagkunan o pinagmulan ng kanilang mga salita. Kinundina at sinukat lamang nila ang mga tao batay sa mga matitigas na salita at doktrinang kanilang nadalubhasa. Kaya’t bagama’t batid ng mga Fariseong ito na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay hindi kasalanan, at hindi paglabag sa batas, Siya ay kanila pa ring kinundina, sapagkat ang sinabi ng Panginoong Jesus ay lumalabas na salungat sa kaalaman at karunungan na kanilang nadalubhasa at sa teorya ng teolohiya na kanilang naipaliwanag. At hindi basta niluluwagan ng mga Pariseo ang kanilang kapit sa mga salita at pariralang ito, nangunyapit sila sa karunungang ito at hindi ito pawawalan. Ano lamang ang tanging posibleng kalalabasan sa huli? Hindi nila kikilalanin na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na darating, o na may katotohanan sa sinabi ng Panginoong Jesus, lalo pang hindi na ang sinabi ng Panginoong Jesus ay pagsang-ayon sa katotohanan. Nakakita sila ng ilang di-mapatunayang paratang upang kondenahin ang Panginoong Jesus—ngunit ang totoo, sa kanilang mga kalooban, alam ba nila kung makatwiran ang mga tinukoy nilang kasalanan sa pagsumpa sa Kanya? Alam nila. Kung gayon, bakit pa rin nila Siya kinundina? (Ayaw nilang paniwalaan na ang mataas at makapangyarihang Diyos na nasa kanilang isipan ay maaaring ang Panginoong Jesus, ang imaheng ito ng isang pangkaraniwang Anak ng tao.) Ayaw nilang tanggapin ang katunayang ito. At ano ang katuturan ng kanilang pagtangging tanggapin ito? Hindi ba’t mayroon ditong pagsisikap na makapangatwiran sa Diyos? Ang ibig nilang sabihin ay “Magagawa ba iyan ng Diyos? Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao, tiyak na Siya ay dapat sumilang mula sa marangal na lahi. Higit pa, dapat Niyang tanggapin ang pagtuturo ng mga eskriba at Fariseo, matutuhan ang karunungang ito, at magbasa nang magbasa ng Banal na Kasulatan. Pagkaraan maangkin Niya ang karunungang ito, saka lamang Niya makukuha ang titulo ng ‘pagkakatawang-tao’.” Naniwala sila na, una, Ikaw ay hindi kuwalipikado, kaya’t Ikaw ay hindi Diyos; pangalawa, kung wala ang karunungang ito, hindi Mo magagawa ang gawain ng Diyos, at lalong hindi Ka magiging Diyos; pangatlo, hindi Ka makagagawa sa labas ng templo—wala Ka sa templo ngayon, palagi Kang kasama ng mga makasalanan, kaya’t ang mga gawain Mo ay lampas sa saklaw ng gawain ng Diyos. Saan nagmula ang batayan ng kanilang sumpa? Mula sa Banal na Kasulatan, mula sa isip ng tao, at mula sa natanggap nilang edukasyon sa teolohiya. Sapagkat punung-puno sila sa mga palagay, guniguni, at karunungan, naniwala sila na tama ang karunungang ito, na ito ang katotohanan, na ito ang batayan, at hindi kailanman masasalungat ng Diyos ang mga bagay na ito. Hinanap ba nila ang katotohanan? Hindi. Ang kanilang hinanap ay ang kanilang mga palagay at haka, at ang kanilang mga sariling karanasan, at sinubok nilang gamitin ang mga ito upang bigyang katuturan ang Diyos at matukoy kung Siya ba ay tama o mali. Ano ang panghuling kinahantungan nito? Kinundina nila ang gawain ng Diyos at ipinako Siya sa krus.

Hinango mula sa “Para sa mga Lider at Manggagawa, Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (7)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang mga taong nagawang tiwali na, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyos-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, at ang kanilang mga salita ay puno ng pagmamataas at pagtitiwala sa sarili, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan. Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alitan sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga kasulatan nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Naniniwala sila sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng saklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay kapareho ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung wala Ako, walang Biblia. Hindi nila pinapansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, kundi sa halip ay pinag-uukulan ng sobra at espesyal na pansin ang bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan sa Kasulatan. Sobra ang pagpapahalaga nila sa Kasulatan. Masasabi na itinuturing nilang napakahalaga ang mga salita at pahayag, hanggang sa gumamit sila ng mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang tuligsain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan para makaayon sila sa Akin, o ang paraan para makaayon sila sa katotohanan, kundi ang paraan para makaayon sila sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na anumang hindi umaayon sa Biblia, nang walang itinatangi, ay hindi Ko gawain. Hindi ba ang gayong mga tao ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang tuligsain si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ni Jesus noong panahong iyon, kundi masigasig nilang sinunod nang perpekto ang batas, hanggang sa ipinako nila ang walang-salang si Jesus sa krus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at na hindi Siya ang Mesiyas. Ano ang kanilang diwa? Hindi kaya na hindi nila hinanap ang paraan para makaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat isang salita ng Kasulatan, habang hindi nila pinapansin ang Aking kalooban at ang mga hakbang at pamamaraan ng Aking gawain. Hindi sila mga taong naghangad sa katotohanan, kundi mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong naniwala sa Biblia. Ang totoo, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at pagtibayin ang dangal nito, at protektahan ang reputasyon nito, ipinako pa nila ang maawaing si Jesus sa krus. Ginawa nila ito para lamang ipagtanggol ang Biblia, at mapanatili ang katayuan ng bawat isang salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang pabayaan ang kanilang kinabukasan at ang handog para sa kasalanan upang tuligsain si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang kamatayan. Hindi ba sila mga alipin sa bawat isang salita ng Kasulatan?

At paano naman ang mga tao ngayon? Pumarito si Cristo upang ilabas ang katotohanan, ngunit mas gusto pa nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at tumanggap ng biyaya. Mas gusto pa nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan para pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas ginusto pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking pagliligtas, kung napakasama ng kanyang puso, at nilalabanan Ako ng kanyang likas na pagkatao? Ako ay namumuhay kasama ng mga tao, ngunit hindi pa rin nalalaman ng tao ang Aking pag-iral. Nang pinagniningning Ko ang Aking liwanag sa tao, nananatili pa rin siyang mangmang sa Aking pag-iral. Nang pinakakawalan Ko ang Aking galit sa tao, itinatanggi niya ang Aking pag-iral nang may mas higit pang lakas. Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumalapit sa harap Ko upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na malasakit sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay sadyang masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob sa kanila ng napakalaking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa pagsasaayos ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang masyadong mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang walang katapusang humihingi sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga mapanghimagsik laban sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?

… Ang mga umiintindi lamang sa mga salita ng Biblia, ang mga walang pakialam sa katotohanan o naghahangad sa Aking mga yapak—sila ay laban sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako ayon sa Biblia, at Ako’y kanilang pinipilit sa loob ng Biblia, kaya’t lubhang lapastangan tungo sa Akin. Paano makalalapit ang gayong mga tao sa Akin? Sila ay hindi nagbibigay ng pag-intindi sa Aking mga gawa o sa Aking kalooban, o sa katotohanan, sa halip sila ay nahuhumaling sa mga salita, mga salitang nakamamatay. Paano magiging kaayon sa Akin ang mga gayong tao?

Hinango mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “Ang gawain ng pagkilala sa Diyos.”

Sinundan: 3. Ang likas na katangian at bunga ng problema ng pagkilala sa Diyos nang hindi kinikilala ang katotohanan

Sumunod: 2. Paano makikilala ng isang tao ang disposisyon at diwa ng Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

19. Ano ang pagpapaimbabaw?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:Ano ang kahulugan ng katawagang “Fariseo”? Ito’y isang tao na mapagpaimbabaw, na isang huwad at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito