Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Espesyal na Paksa tungkol sa Paghuhukom

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay para paghiwa-hiwalayin ang lahat ayon sa kanilang uri, para tapusin ang buong kapanahunan, at sa wakas ay makamit ang katuparan ng kaharian ni Cristo sa lupa.

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay para paghiwa-hiwalayin ang lahat ayon sa kanilang uri, para tapusin ang buong kapanahunan, at sa wakas ay makamit ang katuparan ng kaharian ni Cristo sa lupa.

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

"Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid."

mula sa "Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)"

"Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao."

mula sa "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan"

"Kasunod ng kaganapan ng mga salita Ko, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting babalik sa pagiging-karaniwan ang tao, at sa gayon naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, mababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan na ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa madilim, mahirap na mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi na nakikipag-away ang mga tao sa isa’t isa, hindi na makikipagdigma ang mga bansa sa isa’t isa, wala na ang patayan at ang dugong dumadaloy mula sa patayan; mapupuno ang lahat ng mga lupain ng kaligayahan, at punung-puno ng init sa pagitan ng mga tao ang lahat ng dako. Kumikilos Ako sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking trono, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng mga bituin. At naghahandog sa Akin ang mga anghel ng mga bagong awitin at mga bagong sayaw. Hindi na sinasanhi ng kanilang kahinaan na umagos ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng pag-iyak ng mga anghel, at wala na ring nagrereklamo sa Akin ng kahirapan. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa harapan Ko; bukas, mamamalagi kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapala na ipinagkakaloob Ko sa tao?"

mula sa "Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas"

"Hindi nagtagal, napuno ang buong lupain ng tawanan, saanmang dako sa mundo ay puno ng pagpupuri, at walang lugar na wala ang Aking kaluwalhatian. Ang Aking karunungan ay nasa lahat ng dako sa mundo, at nasa kabuuan ng buong sansinukob. Sa gitna ng lahat ng mga bagay ay ang mga bunga ng Aking karunungan, sa gitna ng lahat ng mga tao ay sumagana ang pinakamahusay na gawa ng Aking karunungan; ang bawa’t bagay ay katulad ng lahat ng mga bagay sa Aking kaharian, at lahat ng mga tao ay nananahan sa kapahingahan sa ilalim ng Aking mga kalangitan tulad ng mga tupa sa Aking mga pastulan. Kumikilos Ako sa ibabaw ng lahat ng mga tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang nagmumukhang matanda, at walang tao na katulad ng kung ano siya dati. Namamahinga Ako sa trono, sumasandig Ako patawid sa buong sansinukob, at Ako’y lubos na nasisiyahan, dahil naibalik ang lahat ng mga bagay sa kanilang kabanalan, at muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion, at ang mga tao sa mundo ay makapamumuhay ng mapayapa, kuntentong mga buhay sa ilalim ng Aking paggabay. Pinangangasiwaan ng lahat ng mga tao ang lahat ng bagay sa Aking kamay, nabawi na ng lahat ng mga tao ang dati nilang katalinuhan at orihinal na anyo; hindi na sila nababalutan ng alabok, ngunit, sa Aking kaharian, dalisay sila na tulad ng mamahaling-batong luntian, bawat isa ay may mukha na gaya ng sa banal na nilalang sa kaibuturan ng puso ng tao, dahil naitatag na ang Aking kaharian sa kalagitnaan ng mga tao."

mula sa “Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas”

Sinundan:Ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang Gumagawa ng mga Mananagumpay Bago Sumapit ang Kalamidad

Sumunod:Ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ay May Mahalagang Kabuluhan sa Kaligtasan at Pagiging Perpekto ng Tao sa Pamamagitan ng Pagsampalataya sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin