Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paraan para Makilala ang Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang mga sipi sa ibaba ay mga patunay din tungkol kay Job. Ipagpatuloy natin ang pagbabasa.

Narinig ni Job ang Diyos sa pamamagitan ng Pagdinig ng Tainga

(Job 9:11) Narito, siya’y dumaraan sa akin, at hindi ko siya nakikita: siya’y nagpapatuloy rin naman, nguni’t hindi ko siya namamataan.

(Job 23:8-9) Narito, ako’y nagpapatuloy, nguni’t wala siya; at sa dakong likuran, nguni’t hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa, kapag siya’y gumagawa, nguni’t hindi ko mamasdan siya: nagkukubli siya sa kanan, na hindi ko makita siya.

(Job 42:2-6) Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at walang makakapigil sa iyong iniisip. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya’t aking binigkas na hindi ko nauunawaan, mga bagay na totoong kagila-gilalas sa akin na hindi ko nalalaman. Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako’y magsasalita; ako’y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. Narinig kita sa pakikinig ng tainga; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata, Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.

Bagama’t ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Dakilang Kapangyarihan ng Diyos

Ano ang malakas na tulak ng mga salitang ito? Nakikita ba ninyo na may isang katotohanan dito? Una, paano nalaman ni Job na may Diyos? At paano niya nalaman na ang mga langit at lupa at lahat ng bagay ay pinamamahalaan ng Diyos? Narito ang isang sipi na sumasagot sa dalawang katanungang ito: Narinig kita sa pakikinig ng tainga; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata. Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo (Job 42:5-6). Mula sa mga salitang ito ay nalaman natin, na sa halip na makita ang Diyos sa kanyang sariling mga mata, natutuhan ni Job ang tungkol sa Diyos mula sa alamat. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito na siya ay nagsimulang lumakad sa landas ng pagsunod sa Diyos, matapos nito ay pinatunayan niya ang pag-iral ng Diyos sa kanyang buhay, at sa lahat ng bagay. May isang hindi maikakailang katotohanan dito—at ano ito? Sa kabila ng kakayahang sundin ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, si Job ay hindi pa kailanman nakikita ang Diyos. Dito, hindi ba siya kapareho ng mga tao sa ngayon? Hindi pa kailanman nakita ni Job ang Diyos, na ang pahiwatig dito ay bagaman narinig niya ang tungkol sa Diyos, hindi niya alam kung nasaan ang Diyos, o kung ano ang katulad ng Diyos, o kung ano ang ginagawa ng Diyos, na mga pansariling kadahilanan; sa matapat na salita, bagaman sinunod niya ang Diyos, ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya o nakipag-usap sa kanya. Hindi ba ito isang katotohanan? Kahit na hindi nakipag-usap ang Diyos kay Job o nagbigay sa kanya ng anumang utos, nakita ni Job ang pag-iral ng Diyos, at namasdan niya ang Kanyang dakilang kapangyarihan sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga alamat kung saan natutuhan ni Job ang tungkol sa Diyos sa pakikinig, matapos noon ay sinimulan niya ang buhay na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ganito ang mga pinagmulan at paraan kung paano sumunod si Job sa Diyos. Ngunit kahit gaano siya natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, kahit gaano niya panghawakan ang kanyang katapatan, hindi pa rin kailanman nagpakita ang Diyos sa kanya. Basahin natin ang siping ito. Sinabi niya, “Narito, siya’y dumaraan sa akin, at hindi ko siya nakikita: siya’y nagpapatuloy rin naman, nguni’t hindi ko siya namamataan” (Job 9:11). Ang sinasabi ng mga salitang ito ay maaaring nadama ni Job ang Diyos sa paligid niya o maaari ring hindi—ngunit hindi niya kailanman nakita ang Diyos. Nagkaroon ng mga oras kung saan naisip niya na dumaraan ang Diyos sa harap niya, o kumikilos, o pinapatnubayan ang tao, nguni’t hindi niya kailanman nalaman. Ang Diyos ay darating sa tao kapag hindi niya inaasahan; hindi alam ng tao kung kailan darating ang Diyos sa kanya, o kung saan Siya darating sa kanya, sapagka’t ang tao ay hindi maaaring makita ang Diyos, at sa gayon, sa tao, ang Diyos ay nakatago mula sa kanya.

Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig Dahil Nakatago ang Diyos sa Kanya

Sa sumusunod na sipi ng banal na kasulatan, nagsabi si Job, “Narito, ako’y nagpapatuloy, nguni’t wala siya; at sa dakong likuran, nguni’t hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa, kapag siya’y gumagawa, nguni’t hindi ko mamasdan siya: siya’y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya” (Job 23:8-9). Sa salaysay na ito, nalalaman natin na sa mga karanasan ni Job, ang Diyos ay nakatago sa kanya sa buong panahon; ang Diyos ay hindi lantarang nagpakita sa kanya, at hindi rin Siya lantarang nangusap ng anumang salita sa kanya, gayunman sa kanyang puso, si Job ay may tiwala sa pag-iral ng Diyos. Palagi siyang naniniwala na ang Diyos ay maaaring naglalakad sa harap niya, o maaaring kumikilos sa kanyang tabi, at kahit na hindi niya makita ang Diyos, ang Diyos ay nasa tabi niya na pinamamahalaan ang kabuuan niya. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, ngunit nagawa niyang manatiling totoo sa kanyang pananampalataya, na walang ibang nakagawa. At bakit hindi nila magawa? Dahil hindi nakipag-usap ang Diyos kay Job, o nagpakita sa kanya, at kung siya ay hindi tunay na naniwala, hindi siya maaaring magpatuloy, o manatili sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Hindi ba ito totoo? Ano ang nadarama mo nang mabasa mo ang tungkol kay Job na sinasabi ang mga salitang ito? Nararamdaman mo ba na ang pagka-perpekto at pagkamakatwiran ni Job, at ang kanyang pagkamatuwid sa harap ng Diyos, ay totoo, at hindi isang kalabisan sa panig ng Diyos? Kahit na pinakitunguhan ng Diyos si Job katulad sa ibang tao, at hindi nagpakita o nakipag-usap sa kanya, naging matatag pa rin si Job sa kanyang katapatan, naniwala pa rin siya sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at, higit pa rito, madalas siyang nag-alay ng mga handog na susunugin at dumalangin sa harap ng Diyos bilang bunga ng kanyang takot na magalit ang Diyos. Sa kakayahan ni Job na matakot sa Diyos nang hindi pa nakikita ang Diyos, nakikita natin kung gaano niya iniibig ang mga positibong bagay, at kung gaano katatag at tunay ang kanyang pananampalataya. Hindi niya ikinaila na may Diyos dahil ang Diyos ay nakatago mula sa kanya, at hindi nawala ang kanyang pananampalataya at hindi tinakwil ang Diyos dahil hindi pa niya Siya nakikita. Sa halip, sa gitna ng mga nakatagong gawain ng Diyos sa pamamahala sa lahat ng mga bagay, napagtanto niya ang pag-iral ng Diyos, at nadama ang dakilang kapangyarihan at lakas ng Diyos. Hindi niya isinuko ang pagiging matuwid dahil ang Diyos ay nakatago, at hindi rin niya itinakwil ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan dahil ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya. Hindi kailanman hiniling ni Job na lantarang magpakita ang Diyos sa kanya upang patunayan ang Kanyang pag-iral, dahil nakita na niya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at naniwala siya na tinanggap niya ang mga pagpapala at biyaya na hindi pa nakamit ng iba. Kahit na ang Diyos ay nanatiling nakatago mula sa kanya, ang pananampalataya ni Job sa Diyos ay hindi kailanman nayanig. Kaya, inani niya ang hindi pa nakukuha ng iba: Ang pagsang-ayon ng Diyos at biyaya ng Diyos.

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Babala at Kaliwanagan ng Patotoo ni Job na Ibinigay sa mga Sumunod na Henerasyon

Sumunod:Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan

Baka Gusto Mo Rin