Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

646 Napakahalagang Makilala ang Praktikal na Diyos

1 Naniniwala ka ba na makakakilos ka sa paraang gusto mo tungo kay Cristo hangga’t nananatili kang tapat sa Diyos na nasa langit? Mali! Ang kamangmangan mo kay Cristo ay kamangmangan sa Diyos na nasa langit. Gaano ka man katapat sa Diyos na nasa langit, ito ay mga walang lamang salita at pagkukunwari, dahil ang Diyos na nasa lupa ay hindi lamang naging kasangkapan sa pagtanggap ng mga tao sa katotohanan at mas malalim na karunungan, kundi higit pang naging kasangkapan sa pagsumpa sa tao at kasunod nito ang pag-agaw ng mga katibayan upang parusahan ang masasama. Naiintindihan mo ba ang mga pakinabang at mga nakapipinsalang kalalabasan dito? Naranasan mo na ba ang mga ito? Ang nais Ko ay maintindihan ninyo balang-araw ang katotohanang ito: Para makilala ang Diyos, kailangan ninyong makilala hindi lamang ang Diyos na nasa langit, ngunit, mas mahalaga pa, ang Diyos na nasa lupa. Huwag malito kung ano ang dapat unahin o hahayaan na ang hindi gaanong mahalaga ay mangibabaw sa pangunahin. Sa ganitong paraan ka lamang maaaring tunay na makabuo ng magandang relasyon sa Diyos, nagiging mas malapit sa Diyos, at napapalapit ang iyong puso sa Kanya. Kung nasa pananampalataya ka na sa loob ng maraming taon at matagal nang may kaugnayan sa Akin, ngunit nananatiling malayo sa Akin, kung gayon ay sinasabi Kong madalas kang nagkakasala sa disposisyon ng Diyos, at ang iyong katapusan ay napakahirap tantiyahin.

2 Kung ang maraming taon ng pagkakaugnay mo sa Akin ay hindi lamang nabibigong baguhin ka tungo sa isang tao na nagtataglay ng pagkatao at katotohanan, at sa halip ang iyong masamang mga gawi ay lalong nag-ugat sa iyong kalikasan, at hindi lamang dumoble ang iyong kayabangan kaysa rati kundi ang iyong mga maling pagkaintindi sa Akin ay lalo pang lumala, at dahil dito itinuturing mo Ako ngayon bilang iyong abang alalay, kung gayon sinasabi Ko na hindi lamang tagos sa laman ang iyong sakit kundi tumatagos na sa iyong mga buto. At ang maaari mo na lamang gawin ay maghintay at maghanda para gawin ang pagsasaayos ng iyong libing! Hindi mo kailangang magsumamo sa Akin kung gayon para maging iyong Diyos, sapagkat nakakagawa ka ng kasalanan na nararapat sa kamatayan, isang walang kapatawarang kasalanan. Kahit maaaring magkaroon Ako ng awa sa iyo, ang Diyos na nasa langit ay igigiit na kunin ang iyong buhay, dahil sa ang iyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos ay hindi pangkaraniwang problema, kundi isang napakalalang uri. Kapag dumarating ang panahon, huwag mo Akong sisisihin dahil sa hindi pagbibigay-alam sa iyo sa umpisa. Ang lahat ng ito ay bumabalik dito: Kapag nakipag-ugnayan ka sa Cristo—sa Diyos na nasa lupa—bilang pangkaraniwang tao, iyon ay, kapag naniniwala ka na ang Diyos na ito ay walang iba kundi tao lamang, ikaw kung gayon ay mapapahamak. Ito lamang ang Aking paalala sa inyong lahat.

Hango sa “Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi Nararapat ang Tiwaling Sangkatauhan na Makita si Cristo

Sumunod:Alam Mo ba Talaga ang Gawain ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin