Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Natuto Akong Makipagtulungan sa Kapwa

Liu Heng Jiangxi Province

Sa pamamagitan ng biyaya at parangal ng Diyos, tinanggap ko ang responsibilidad na maging isang pinuno ng iglesia. Sa panahong iyon, naging napakasigla ko at nagtakda ako ng resolusyon sa harapan ng Diyos: Kahit ano pa ang aking haharapin, hindi ko pababayaan ang aking mga responsibilidad. Makikipagtulungan akong mabuti sa ibang kapatid at hahanapin ko ang katotohanan. Subalit ako ay desidido lamang, at hindi ko alam kung paano papasok sa realidad ng isang mapayapang pakikipagtulungan na ugnayan. Noong una kong simulan makipag-ugnayan sa aking kapatid na katrabaho ko, at kapag kami ay nagkakaroon ng pagkaka-iba ng mga pananaw o mga pagtatalo, sadya akong nagdarasal sa Diyos at hinihingi sa Kanya na protektahan ang aking puso at kaluluwa para hindi ko sana sisihin ang aking kasama. Subalit, nakatuon lamang ako sa pagkontrol sa aking mga kilos para hindi na kami magkaroon ng mga pagtatalo ng aking kasama, kaya hindi ako nakapasok sa katotohanan. Samakatuwid, sa paglipas ng panahon, nagkaroon ako ng mas maramin pang di-pagkakaunawaan sa aking kapatid. Minsan gusto ko sanang itaas ang posisyon ng isang kapatid sa gawaing pagdidilig at ang sinabi ng aking kapatid na katrabaho ko na ang kapatid na tinutukoy ko ay hindi magaling. Pagkatapos kong nagpalit ng ibang kandidato, sinabi pa rin niya na hindi rin ito magaling. Bigla akong nainis at galit na sinabing: “Walang magaling, tanging ikaw ang magaling!” Bilang resulta nito, hindi ko na kailanman binanggit ang bagay na ito. Noong tinanong niya ako tungkol dito, buong galit kong sinabi: “Piliin mo kung sino ang gusto mo! Wala akong pakialam!” Pagkatapos nito, kahit ano pa ang kanyang sinabi, kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan, wala na akong sinasabi, kinimkim ko ito dahil inisip ko sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagtatalo. Kung minsan, ang pagkikimkim ay hindi ko na makayanan, kaya magtatago ako sa isang lugar at iiyak, pakiramdam ko na ako ay ginawan ng mali. Sa bandang huli, hindi na ako nakialam tungkol sa pagsusulong; inisip ko: Wala ka bang kakayahan? Kung ganon, ikaw na ang gumawa! Hahayaan kitang magsagawa hanggang sa gusto mo, at panonoorin kitang magkamali! Dala-dala ko malisyosong ugali na ito na pagnanais na umupo at pagtawanan siya. Minsan sa kalaunan, pinayagan ko ang isang kapatid na umupa ng apartment para gamitin ng distrito. Pagkatapos ko itong makita, naniwala ako na ito ay magiging epektibo. Dinala ko rin ang isang kapatid ng distrito doon para makita niya at binayaran ang lahat ng deposito sa upa. Ang kalahatan ng bagay na ito ay sarili kong desisyon at inayos ko mismo, at pakiramdam ko na nasiyahan ako dito. Inisip ko na ang kapatid na pupurihin at aaliwin ako ng kasama ko sa gawain. Sa hindi inaasahan, tinanggihan ito ng aking kasama na parang binubuhusan ako ng malamig na tubig, at sinabing: “Talagang hindi! “Wala ito sa tamang palapag!” Talagang ikinagalit ko ito. Naisip ko: Hindi mo man lang tiningnan ang kabuuan ng apartment at basta mo na lang itong tinanggihan. Iyan ay lubos na kayabangan! Bunga nito, pareho kaming nanindigan sa aming mga opinyon at wala sa amin ang handang sumuko sa isa’t isa. Pagkatapos, hindi man lang ako nakinig sa mga pakikipag-usap ng salita ng Diyos. Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, lalo kong naramdaman na siya ay mali. Siya na nagsamantala sa kanyang pagiging mas matanda para sadyang gawing mahirap ang mga bagay para sa akin. Naisip ko rin kong paano ko siya paulit-ulit na hinayaan, subalit, ganito pa rin ang pagtrato niya sa akin. ... Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, lalo ko ring naramdaman na may maling ginawa sa akin, hanggang lubusan akong naiwan sa kadiliman at nawala ang gawain ng Banal na Espiritu. Magmula sa panahon na iyon, hindi ko na gustong makasama siya sa trabaho. Naisip ko: Dahil mahirap pakitunguhan, pagtataguan ko na lang ito. Noong panahon na iyon, batid ko rin na ang ganitong uri ng sitwasyon ay medyo mapanganib. Inisip ko na mas makakabuti na hilingin ko na pagpalitin ang mga responsibilidad sa laong madaling panahon para maiwasan makagawa ng masama, at hayaan siyang makipagtrabaho sa iba. Bunga nito, ginamit ko ang aking maliit na katayuan at kawalan ng kakayahan bilang dahilan para gawin ang aking sulat na pagbibitiw, at pagkatapos ay dinala ko sa grupo ng mga kaganapan. Hindi nagtagal pagkatapos nito, noong makita ko ang isang kapatid mula sa distrito, sinabi ko ang tungkol sa aking pagbibitiw. Pagkatapos ay nakipag-usap siya sa akin tungkol sa prinsipyo ng pag-amin ng kabiguan at pagbibitiw pati na ang dakilang pagsasaalang-alang ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao. Subalit naging matigas na ang aking puso at hindi na ito mapapalambot.

Natuto Akong Makipagtulungan sa Kapwa

Kinaumagahan pagkatapos kong bumangon, ganap na walang laman ang aking ulo. Pakiramdam ko, pinabayaan ako ng Diyos—na ayaw sa akin ng Diyos! Natakot ako at nataranta; tiyak na ang aking asal ang dahilan ng pagkasuklam ng Diyos sa akin. Bilang resulta, nagsimula kong suriin ang aking sarili. Pagkatapos kong inisip ang tungkol sa lahat ng nangyari, nabatid ko na ang aking disposisyon ang sanhi ng pagkasuklam sa akin ng Diyos. Ang aking pag-iisip at aking mga kilos ay ganap na kapareho ng isang hindi naniniwala. Nabuhay akong parang si Satanas, ang dating demonyo, na nananatiling hindi nagbago. Wala ang mga salita ng Diyos sa aking asal at wala akong paggalang sa Diyos. Ako ay lubusang naging isang tao na hindi tinatanggap ang katotohanan. Ang naging resulta, ako ay naloko ni Satanas at isinuko ko ang aking mga responsibilidad nang hindi ko namalayan. Pagkatapos ko itong mabatid, kaagad akong humandusay sa harapan ng Diyos at nagsisi: “O Makapangyarihang Diyos, nagkamali ako. Naniwala ako sa Iyo, ngunit hindi ako naging handa na maranasan ang Iyong gawain. Inayos Mo ang aking kapaligiran at hindi ako naging handa na tanggapin ito; buong puso kong ginusto na iwasan ang Iyong pagkastigo at paghahatol, at nang dumating sa akin ang Iyong pagmamahal, hindi ko lamang ito hindi pinahalagahan, nagreklamo din ako sa Iyo at hindi Kita naunawaan. Sinaktan Ka ng aking asal. O Diyos ko, maraming salamat sa pagbubunyag Mo sa akin sa Iyong gawain at hinayaan Mo ako na mabatid ang disposisyon ni Satanas na nasa kalooban ko. Kung hindi dahil dito, iniisip ko pa rin sana na hindi ako masama at hindi sana ako handa na lumabas mula sa buhay na ito ng pagpapahalaga sa sarili. Ngayon nakikita ko na ang aking katayuan ay talagang napakaliit. Hindi ko kayang harapin kahit ang mga pinakamaliit na kabiguan. Sa pag-iisip lamang tungkol sa pagtalikod sa Iyo, binalewala ko ang aking sinumpaan sa Iyo. O Diyos ko, nakahanda akong magsisi; nakahanda akong kilalanin ang aking sarili sa pamamagitan ng Iyong mga salita at tanggapin ang paghahatol at pagkastigo ng Iyong mga salita. Nakahanda ako na huwag nang magmatigas laban sa Iyo. Ngayon nakahanda na ako na sumuko sa Iyo sa ganitong kapaligiran at makipagtulungan sa aking kapatid. O Diyos ko, gusto Mo man ako o hindi, gamitin Mo man ako o hindi, hindi ko na ninanais na mabuhay sa ilalim ng pagkontrol ng impluwensya ni Satanas. Nagdesisyon na akong bawiin ang aking sulat ng pagbibitiw. Hindi ko na ninanais na mabuhay para sa sarili kong dignidad, ngunit nakahanda akong pasayahin Ka minsan!” Pagkatapos kong magdasal, napaluha ako. Hinugasan ko ang aking mukha at pumunta sa grupo ng mga kaganapan; binawi ko ang aking sulat ng pagbibitiw at pinunit ko sa maliliit na piraso sa lugar ding iyon. Noong nagtipon kami sa araw ng iyon, ang ilan sa amin ay magkakasamang nagbabasa ng salita ng Diyos: “Ang inyong karangalan ay nawasak, ang inyong bikas ay nakakahiya, ang inyong paraan ng pagsasalita ay mababa, ang inyong buhay ay kasumpa-sumpa, at maging lahat ng inyong buong pagkatao ay mababa. Kayo ay makitid-ang-isip tungo sa mga tao at kayo ay nakikipagtawaran sa bawa’t kaliit-liitang bagay. Kayo ay nakikipag-away sa inyong sariling karangalan at estado, kahit hanggang sa punto na handa kayong bumaba sa impiyerno, tungo sa lawa ng apoy” (“Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Hindi masyadong humihingi ang mga tao mula sa kanilang mga sarili, pero marami ang hinihingi nila sa iba. Dapat silang maging matiisin at mapagtimpi sa kanila, pahalagahan sila, pagkalooban sila, ngitian sila, pagbigyan sila, at magparaya sa kanila. Dapat nilang pangalagaan sila sa maraming paraan, at hindi sila maaaring maging istrikto sa kanila, galitin sila, o gawan ng anumang bagay na hindi nila magugustuhan. Kulang-kulang ang kanilang katuwiran!” (“Ang Mga Taong Laging May Hinihingi sa Diyos ang Pinaka-hindi Makatuwiran” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang salita ng Diyos ay tuluyang dinala ang aking nakakahiyang sitwasyon at maka-demonyong anyo sa liwanag. Hiyang-hiya ako na hindi ko maiwasang isipin na sana may siwang sa lupa para gumapang ako dito. Sa pamamagitan ng pagbubunyag at pagliliwanag ng salita ng Diyos, nakita ko na ang disposisyon ni Satanas sa kalooban ko ay napakalala. Nagkaroon ako ng kalikasan na arogante at mayabang na inisip ko na mas magaling ako kaysa sa ibang tao. Wala ako kahit kaunting pagpapahalaga sa kamalayan ng sarili; hindi ko nabatid na hindi ako mas magaling. Samakatuwid, noong ako ay nagtatrabaho kasama ang aking kapatid na babae, palagi kong iniisip na ako ang namamahala, na ako ang pinuno. Sabik ako na sumunod sa akin ang kapatid na babae sa lahat ng bgay at makinig sa akin. Palagi kong inisip na ako ang pinuno. Noong ang mga opinyon ng kapatid na babe ay sumalungat sa aking sarili, hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin ang hindi pagtatalo o magkaroon ng pagkakaunawaan. Sa halip, nawawalan ako ng pasensiya at nag-iinarte ako dahil napahiya ako at umaabot hanggang iiwan ko ang aking gawain para ilabas ang aking mga pagkadismaya. Nagkaroon ako ng mga paghuhusgang ideya tungkol sa kapatid na babae at hindi ko kailanaman inisip na magkusa para mapabuti ang aming hindi magandang relasyon. Kapag sabay kaming nagtatrabaho, palagi kong ipinapakita na ako ay maawain. Hindi ko hiningi sa sarili ko na magbago, kinamuhian kong makipag-usap nang masinsinan sa kapatid na babae at wala akong kahit kaunting pagmamahal sa kanya. Pinagtuonan ko siya at hinihing baguhin niya ang kanyang sarili. Itinuring ko ang aking sarili na dalubhasa sa katotohanan at ibinilang na tiwali ang ibang mga tao. Sa kabuuan ng proseso ng aming magkasamang pagtatrabaho, hindi ko sinuri ang aking sarili. Kapag ang kapatid ay umaasal ng hindi tama, o kapag may pagkakaiba ng opinyon sa pagitan namin, iipunin ko ang lahat ng sisi at ipapasa ito sa aking kasama. Naniwala ako na siya ay mali at ako ang tama, minaliit ko siya sa aking puso at nagdiskrimina ako laban sa kanya hanggang umabot sa punto na itinuring ko siyang kagaya ng isang kaaway, ginusto kong makita ang aking kasama na gawing katawa-tawa ang kanyang sarili. Sa pagkabatid ko sa aking pagka-arogante, malupit na kayabangan, kawalang kabuluhan, at kalunos-lunos, pati na ang pagiging makitid ng aking pag-iisip, paano pa kaya magkakaroon ng anumang natitirang normal na diwa ng tao sa akin? Ako ay talagang kagaya ni Satanas! Ako ay tunay na naging wala sa katwiran! Pinarangalan ako ng Diyos at binigyan Niya ako ng pagkakataon na magkaroon ng responsibilidad, subalit, hindi ko inisip na makipagtulungang mabuti sa kapatid na babae sa aming mga tungkuling para pasayahin ang Diyos. Sa buong maghapon, hindi ako nakibahagi sa matapat na paggawa, nagpapakana ako laban sa kanya, at nagkakaroon ng mapanibughong pakikipagtalo sa kanya. Sa buong maghapon ang tanging alam ko ay ang makipag-away tungkol sa aking sariling mga hinanakit at walang tigil na nakikipaglaban para sa aking sariling dignidad at kabuluhan. Nagkaroon ba ako ng makatwirang konsensya? Ako ba ay naging isang tao na naghanap sa katotohanan? Mula sa umpisa, kami ng kapatid na babae ay hindi sumuko sa isa’t-isa, o sumuporta sa isa’t-isa sa aming gawain; sa halip, pinamahalaan namin ang aming sarili at nagkanya-kanya kami. Hindi ba ako nasa landas ng pagiging anti-kristo? Hindi ba ang paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan ay patungo sa pagkasira ng sarili? Ngayon, nakikita ko na na ang aking asal ay tungkol lamang sa makasariling paghahangad ng laman. Ang aking kalikasan ay napakamakasarili at kalunos-lunos. Hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan hanggang sa punto na ang aking maraming taon na naniwala sa Diyos ay hindi nagdulot sa akin ng anumang bagay na tunay at wala kahit anong bahid ng pagbabago sa aking disposisyon. Kung hindi naawa sa akin ang Diyos, kung hindi iniabot sa akin ng Diyos ang Kanyang mapagmahal na kamay, at kung ang mga bagay ay nagpatuloy sa kanilang pinatutunguhan, kung gayon ay siguradong nahulog sana ako sa lawa ng apoy! Hinihingi ng Diyos na isagawa natin ang Kanyang salita sa ating mga buhay, subalit inilayo ko ang aking sarili dito sa pagtupad sa aking mga responsibilidad. Ako ay tunay na hindi naniniwala! Hindi ako maaaring magpatuloy na ganito, nakahanda kong hanapin ang katotohanan at baguhin ang aking sarili.

Pagkatapos, nabasa ko ang salita ng Diyos na nagsasabing: “Kung kayong mga tao na nakikipagtulungan upang gumawa sa mga iglesia ay hindi matututo sa bawat isa, at mag-uusap, makabawi sa mga pagkukulang ng bawat isa, mula saan kayo matututo ng mga aral? Kapag nakasasagupa kayo ng anuman, kailangan ninyong magsamahan sa isa’t-isa, upang ang inyong buhay ay makinabang. ... Kailangan ninyong magtamo ng may pagkakaisang pagtutulungan para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at para sa nagpapatuloy na pagpapasigla sa mga kapatid. Makipagtulungan ka sa kanya at makikipagtulungan siya sa iyo, sinususugan ang isa’t-isa, darating sa isang mas mahusay na kahihinatnan ng gawain, upang magmalasakit sa kalooban ng Diyos. Tanging ito ang tunay na pakikipagtulungan, at ang gayong mga tao lamang ang mayroong tunay na pagpasok. ... Ang bawat isa sa inyo, bilang mga tao na naglilingkod, ay kailangang maipagtanggol ang kapakanan ng iglesia sa lahat ng mga bagay na iyong ginagawa, sa halip na atupagin ang iyong sariling mga kapakanan. Hindi katanggap-tanggap na gawin ito nang nag-iisa, kung saan pinahihina mo siya at pinahihina ka niya. Ang mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay hindi karapat-dapat na maglingkod sa Diyos!” (“Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nasabi sa pagbabahagi ng lalaki: “Sa pagtutulungan, huwag pansinin ang pagiging nakatatanda; ang dalawang tao ay may pantay na mga katungkulan at dapat pag-usapan ang katotohanan nang sa gayon, makamit ang pagkakaunawaan. Hinihingi nito ang kapwa pagsuko; ibig sabihin, kung sino ang nagsasalita nang tama at naaayon sa katotohanan ay dapat sundin ayon sa prinsipyo ng pagsunod sa katotohanan. Ang katotohanan ay otoridad at sinuman ang may kakayahan na ipamahagi ang katotohanan at nakikita ang mga bagay nang tama ay siyang dapat na taong susundin. Kahit ano pa ang ginagawa at anong tungkulin ang tinutupad, ang lahat ay dapat gawin ayon sa prinsipyo ng pagsunod sa katotohanan” (“Ang Ibig Sabihin at Pagpapaliwanag ng Sampung Mga Prinsipyo ng Buhay ng Iglesia na Itinatag ng Pamilya ng Diyos” sa Kasaysayan ng Pagbabahagi at mga Kaayusan ng Gawain ng Iglesia II). Mula sa pagbabahagi at salita ng Diyos, nakita ko kung paano ang koordinasyon sa mga serbiyo ay dapat maisagawa. Ibig sabihin, ang pagsasalang-alang sa kalooban ng Diyos at pagprotekta sa kapakanan ng pamilya ng Diyos habang nagtutulungan. Kahit ano pa ang ginagawa o ano ang gawain, dapat ang lahat ay ginagawa bilang pagsunod sa katotohanan sa pamamagitang ng pagpapahayag sa katotohanan para makamit ang pagkakaunawaan. Hindi ka maaaring maging napaka-arogante at mayabang para mapanatili ang iyong sariling mga opinyon at gawin ang iba na makinig sa iyo, at hindi mo maaaring ibenta ang katotohanan para maprotektahan ang iyong mga relasyon sa ibang mga tao. Dagdag dito, hindi mo maaaring sundin ang pagkatao para lumikha ng kalayaan, dapat kang magpakumbaba at magkaroon ng pagkukusa para huwag pagbigyan ang iyong sarili, matuto sa bawat isa, at punan ang kahinaan ng bawat isa para makamit ang isang mapayapang pagtutulungang relasyon. Tanging sa pagpasok sa ganitong tunay na pagtutulungang relasyon, pagpapasaya sa Diyos sa lahat ng bagay taglay ang isang puso at isang isip, at pagpuno sa mga kahinaan ng bawat isa maaari mong makamit ang mga biyaya at pamamatnubay ng Diyos, sa kayon hinahayaan ang iglesia na makamit ang mga mas magandang resulta sa kanyang gawain habang napapabuti rin ang iyong sariling buhay. Sa kabilang dako, kung ikaw ay arogante habang nakikipagtulungan, kung hindi mo hanapin ang prinsipyo ng katotohanan at maging diktador para makontrol ang iba, o kung gagawa nang nagsasarili at asahan ang iyong sarili na gawin ang mga bagay, kung gayon, pagdurusahan mo ang pagkasuklam ng Diyos at magdudulot ng mga pinsala sa iglesia ng Diyos. Ngunit ako ay naging arogante at palaging ninais na sa akin ang huling salita. Paano ko hindi nabatid na ang gawain sa pamilya ng Diyos ay hindi isang bagay na isang tao lang ang makakatupad? Ang lahat ng mga tao ay walang katotohanan at marami ang kakulangan. Ang asahan ang sarili para gawin ang isang bagay ay maaaring maging sanhi ng mga aksidente. Tanging sa pamamagitan ng pagtutulungan sa gawain maaaring makamit ang mas maraming gawain ng Banal na Espiritu para mapunan ang ating mga pagkukulang at mapigilan ang mga pagkakamali. Sa ngayon, hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkabagabag ng aking budhi at pagsisi sa sarili para sa pagkahayag ng disposisyon ni Satanas sa aking pagiging arogante at makasarili, at sa kawalan ng kaunting pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, pati na sa pagtutuon lamang sa hindi pagkapahiya hanggang sa puntong pagpapakita ng nakakagulat at magaspang na asal. Naniwala ako na ako ay naging napakabulag at katawa-tawa, at hindi ko naunawaan ang layunin ng Diyos para ayusin ang kapaligiran para sa akin para isagawa ang koordinasyon ng serbisyo—kahit hanggang sa puntong hindi ako nagkaroon ng kaunting pagkaunawa kung paano matuto sa mga kakayahan ng aking kasama para mapunan ang aking mga pagkukulang, o kung paano matutunan ang kailangan ko sa pamamagitan ng magkasamang pagtatrabaho. Ang kinalabasan, nagdulot ito ng mga pinsala sa iglesia at inatala ang aking sariling paglago sa buhay. Ngayon, kung wala ang awa ng Diyos at kung wala ang liwanag ng salita ng Diyos, hindi ko sana magagawa na palayain ang aking sarili at hindi ko sana nabatid na ako ay hindi mas magaling. Gusto ko pa ring makinig ang iba sa akin, na para bang maaari akong umasa sa sarili ko na gawin ang gawain ng iglesia nang mabuti. Sa huli, sino ang nakakaalam kung anong kalamidad ang nangyari sana? Bunga nito, nagtatag ako ng isang resolusyon: Nakahanda ako nang kumilos ayon sa salita ng Diyos, nakahanda ako na makipagtulungan nang mapayapa sa kapatid na babae para sa gawain ng iglesia at para sa aking paglago sa buhay at hindi ko na iisipin ang aking sariling mga kapakanan kailanman.

Pagkatapos, inihayag ko ang aking niloloob sa kapatid na babae na aking katrabaho tungkol sa pagkakilala ko sa aking sarili. Tunay kaming nagkausap at nakapasok sa prinsipyo ng sabayang pagsisilbi. Pagkatapos nito, naging mas mapayapa ang aming trabaho. Kapag kami ay may pagkakaiba ng mga opinyon, nagdasal kami para sa katotohanan at hinanap ang kalooban ng Diyos. Kapag nakikita namin ang pagkukulang ng bawat isa, naging maunawain at mapagpatawad kami; trinato namin ang isa’t-isa nang may pagmamahal. Hindi namin namamalayan, naramdaman namin ang mga biyaya ng Diyos at ang mga bunga ng gawain ng ebanghelyo ay mas naibunyag kaysa sa nakaraan. Sa ngayon, mas kinamuhian ko ang dati kong tiwaling kalikasan; kinamuhian ko na hindi ko hinanap ang katotohanan at binigo lalo ang Diyos. Sa wakas naramdaman ko ang matamis na lasa ng pagsasagawa sa katotohanan at naramdaman ang mas malakas na kapangyarihan para tuparin ang aking mga tungkulin at pasayahin ang puso ng Diyos. Magmula ngayon, nakahanda akong makapasok sa realidad ng mas maraming aspeto ng katotohanan at hangarin na magkaroon ng prinspyo sa lahat na aking gagawin.

Sinundan:Tanggalin ang Maskara, at Magsimula ng Panibagong Buhay

Sumunod:Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Baka Gusto Mo Rin