Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

87. Kasisimula Ko pa Lamang Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay

Shi Han Lalawigan ng Hebei

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka. Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabait na batang babae” sa mga mata ng matatanda. Lubhang nainggit ang ibang mga magulang sa aking mga magulang, na nagsasabi na masuwerte sila sa pagkakaroon ng mabait na anak na babae. At ganoon na nga, lumaki akong araw-araw na naririnig ang mga papuri ng mga taong nakapaligid sa akin. Noong ako’y nasa elementarya, namukod-tangi ang aking akademikong rekord, at palagi akong nanguna sa mga pagsusulit. Isang beses, nakatanggap ako ng pinakamataas na marka sa isang paligsahan sa sanaysay na ginanap sa aming bayan, na nagpanalo ng karangalan para sa aming paaralan. Hindi lamang iginawad sa akin ng punong-guro ang premyo at sertipiko, ngunit pinuri rin ako sa harap ng buong paaralan at nanawagan sa mga mag-aaral upang matuto sa akin. Bigla akong naging “tanyag na tao” ng paaralan, at binansagan pa ako ng aking mga kaklase na “laging matagumpay na heneral.” Ang mga papuri mula sa aking mga guro, ang pagkainggit ng aking mga kaklase, at ang pagkahaling ng aking mga magulang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam sa aking puso ng higit na kagalingan, at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na hinahangaan ng lahat. Kaya, walang pag-aalinlangan na naniwala ako na ang pinakadakilang kagalakan sa buhay ay ang paghanga ng iba, at ang pakiramdam na kaligayahan ay nagmula sa papuri ng iba. Lihim kong sinabi sa aking sarili: Gaano man kahirap at nakakapagod ito, dapat akong maging isang taong tanyag at may katayuan, at hindi kailanman hahamakin ng iba. Simula noon, ang mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Ang mga tao ay dapat palaging magsikap na maging mas mahusay kaysa sa kanilang kapanahon” ang naging mga kasabihan ko sa buhay.

Gayunman, noong ako ay 13 taong gulang, nagkasakit nang malubha ang aking ama at ipinasok sa ospital, kaya nagkaroon ng malaking pagkakautang ang dati na naming mahirap na pamilya. Nang makita ko ang aking ama na dumadaing sa sakit dahil sa karamdaman at nagpapakapagod ang aking ina para sa aming kabuhayan, masyado akong nalungkot na ninais kong lumaki na ako nang mabilis upang makibahagi ako sa kanilang kalungkutan at pasakit. Kaya gumawa ako ng masakit na desisyon na huminto sa pag-aaral, na iniisip: kahit hindi na ako pumasok sa paaralan, hindi ako makagagawa nang mas masahol pa sa iba. Sa paglaki ko, magiging isang matatag at matagumpay na babae ako, at magagawa ko pa ring magkaroon ng isang magandang buhay! Dahil sa aking kahusayan sa pag-aaral, naging isa akong “batang tanyag” sa aming magkakapitbahay. Kaya, nang kumalat ang balita na hihinto ako sa pag-aaral, sinimulang pag-usapan ito ng mga tagabaryo, na sinasabing: “Napakatangang batang ito! Masisira ang kanyang kinabukasan sa pagtigil sa pag-aaral!” at “Hindi igagalang ng sinuman ang taong walang pinag-aralan. Magdurusa siya sa paghihirap at karalitaan sa buong buhay niya!” Bilang isang taong nasanay na tumanggap ng mga papuri mula pagkabata, naramdaman ko ang kalungkutan na “Ang nahulog na piniks ay mas mababa kaysa manok” biglang dumating sa akin. Natakot akong lumabas, natakot na makipagkita sa mga tao, natakot na maramdamang hinahamak. Upang maiwasan ang ganitong kalungkutan, halos hindi ako lumabas ng aming bahay sa loob ng dalawang buong taon, at palagi akong walang kibo. Kasabay nito, lalong tumindi ang aking pagnanais na maging isang matatag at matagumpay na babae, kaya pagkatapos ng dalawa pang taon, lumabas ako upang magsimulang magtrabaho. Marami akong pinasukan na trabaho, ngunit madali akong susuko sa bawat pagkakataon dahil naramdaman ko na ang trabaho ay alinman sa masyadong nakakapagod at nakakabalisa, o ang suweldo ay masyadong mababa, o ang amo ay hindi mabait. Matapos mabigo nang paulit-ulit, ako ay lubusang nasiraan ng loob at nadama na naging malayong matupad ang aking pangarap na maging isang matatag at matagumpay na babae.

Kasisimula Ko pa Lamang Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay

(Pinagmumulan: shutterstock)

Noong 2005, nagkaroon ako ng pribilehiyo na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Simula noon, ang aking istilo ng pamumuhay at maging ang aking buong buhay ay ganap na nagbago. Nakita ko sa salita ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa pagpigil ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at pag-aabala para sa kanyang sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling mga pagkakataon, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa rin bang isang nilikha?” (“Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Malalim na tumimo sa aking puso ang makapangyarihang mga salita ng Diyos, ipinauunawa sa akin na ang kapalaran ng bawat isa ay nasa Kanyang mga kamay at hindi talagang kontrolado mismo ng lahat ng tao, at kahit anumang oras ito, hindi matatakasan ng mga tao ang dakilang kapangyarihan at mga plano ng Diyos, at dapat maging masunurin sa ilalim ng awtoridad ng Diyos. Ito ang tanging paraan na magkakaroon ang mga tao ng magandang kapalaran. Sa pamamagitan ng patnubay ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko kung anong uri ng pamilya ako ipinanganak, gaano ako kasibilisado, mahirap man o mayaman ang aking buhay—lahat ng mga bagay na ito ay itinatakda ng Diyos. Hindi ito isang bagay na maaaring baguhin ng aking isip o mga kakayahan. Ako ay determinadong hangarin ang pagiging isang matatag na babae, naniniwalang makakaasa sa aking sariling mga pagsisikap para baguhin ang aking kapalaran. Ngunit pagkaraang magdusa ng matinding paghihirap, nagtitiis ng sobrang kalungkutan, hindi ko pa rin nakamit ang kagustuhan sa bandang huli. Ngayon naisip ko ang lahat ng hinanakit na pinagdaanan ko.; nagbunga ba ang pagkilala sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at matigas ang ulong nagsusumikap laban sa kapalaran? Ngayon alam ko na sa pamamagitan lamang ng paglapit sa harap ng Diyos at pagtanggap at pagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos at mga na maaaring unti-unting makatakas sa lahat ng hinanakit na ito. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, hindi na ako nabigo sa aking mga karanasan, at hindi na ako nag-alala tungkol sa sinabi ng ibang tao. Sa halip, naging determinado akong maniwala sa Diyos at wastong hinangad ang katotohanan, at mamuhay ng isang makahulugang buhay. Pagkatapos nito, nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, at nanalangin, umawit ng mga himno, at dumalo sa mga pulong kasama ang kapatiran. Dahil sa aking medyo mabilis na pag-unawa sa katotohanan at sa aking madamdaming paghahangad, natamo ko ang pagpapahalaga ng kapatid na babae na nagdilig sa akin, kaya nadama ko ang lahat ng papuri nang labis-labis sa kalooban. Nang makapasok sa iglesia, narinig ko ang mga pinuno ng iglesia na nagsasabi na dapat akong maging tampulan ng kanilang paglilinang, na ginawang mas mahirap na pigilan ko ang kagalakan sa aking puso at binigyan pa ako ng dagdag na sigla sa aking paghakbang. Kaya sinabi ko sa aking sarili: Dapat akong magpatuloy nang buong puso at kaluluwa! Hindi ko maaaring ipahiya ang mga lider ng iglesia. Kahit na ito ay para lang sa aking magandang reputasyon, dapat akong magtrabaho nang mabuti upang maibabalik ko rito ang katanyagan at katayuan na nawala sa akin sa labas na mundo. Nang panahong iyon, wala talaga akong pakialam tungkol sa kalooban ng Diyos. Ang tanging bagay na nasa isip ko ay katanyagan, tagumpay, at katayuan sa harap ko, tulad ng nakasisilaw na mga sinag sa ulo na patuloy na kumakaway sa akin.

Hindi nagtagal, ginampanan ko ang tungkulin ng pagdidilig sa mga bagong mananampalataya sa iglesia. Upang makamit ang mataas na papuri mula sa kapatiran, at matupad ang titulong “tampulan ng paglilinang,” pinagpasyahan ko na gampanan ang aking tungkulin sa abot ng aking kakayahan. Naisip ko na hangga’t inaprubahan ako ng kapatiran, natural na magugustuhan din ako ng Diyos. Dahil sa aking “kasipagan at mga pagsisikap,” sa wakas ay nagawa kong matupad ang aking pagnanais matapos ang isang panahon, ang pagkamit ng papuri at pagpapalakas ng loob mula sa kapatiran. Wala akong magawa kundi isipin: Dahil napakarami sa kapatiran ang naaprubahan ako dapat mangahulugan na mas mahusay ako kaysa sa ibang tao. Kung alam ito ng mga lider ng iglesia, tiyak na itataas at ilalagay ako sa isang mahalagang posisyon. Pagkatapos, tiyak na mapupuno ang aking kinabukasan ng walang limitasyong potensiyal. Dahil nabuhay ako sa pagkakuntento at kasiyahan sa sarili, hindi ko namalayang nagsimula akong gumanap sa aking tungkulin sa isang hindi matamlay na paraan at tumigil sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya nang may kasipagan. Bilang resulta, ilan sa mga bagong mananampalataya ay hindi nakatanggap ng tunay na pagdidilig at namuhay nang negatibo at may kahinaan. Labis akong nabahala sa harap ng sitwasyong ito at naisip: Malayo na ang narating ko upang makamit ang “karangalan” na mayroon ako ngayon. Paano ko mapapayagan ang mga bagong mananampalataya na magpatuloy nang tulad nito? Kung malalaman ng mga pinuno ng iglesia, tiyak na sasabihin nila na wala akong kakayahan at maaari ring itigil pati ang aking tungkulin. Hindi ba’t tapos na ang lahat para sa akin kung gayon? Dapat akong gumawa ng isang bagay upang baguhin ang sitwasyong ito. Sa mga sumunod na araw, araw-araw akong lumabas upang suportahan ang mga bagong mananampalataya. Minsan, alang-alang sa isang pulong, aakyat ako ng ilang burol at umaabot ng tatlo hanggang apat na oras upang maglakad nang balikan, ngunit hindi ko talaga naramdamang masaklap ito. Pagkalipas ng isang buwan, ako ay napagod na, ngunit dahil wala akong gawain ng Banal na Espiritu, ang aking pagpapahayag ng salita ng Diyos ay mapurol at tuyo, at bilang resulta hindi nagbago ang sitwasyon ng mga bagong mananampalataya sa isang napapanahong paraan. Naramdaman ko ang labis na hirap nito kaya sumakit ang aking ulo, ngunit hindi ko pa rin napagtanto na dapat akong pumunta sa harap ng Diyos upang magnilay sa aking sarili. Dahil sa pangmatagalang pagiging hindi epektibo ng aking gawain, na naging sanhi ng pinsala sa buhay ng mga bagong mananampalataya, sa huli ay pinalitan ako. Tulad ng pagbagsak sa lupa mula sa langit ang sandali nang pag-uwi ko sa bahay. Nakaramdam ng panlalata at panghihina ang aking buong katawan. Naisip ko kung gaano karami ang kapatiran na tumingala sa akin noon, at ngayon pa ay nahulog ako nang ganoong katindi. Paano ako ituturing ng kapatiran kapag nalaman nila? Habang mas inisip ko ang tungkol dito mas lalo kong nadama na hindi ko kayang humarap sa kapatiran, kaya tumanggi akong lumabas para sa mga pulong at sa halip ay nanatili sa bahay araw-araw na lumuluha. Naghihirap ang aking kalooban. Isang araw, nakita ko ang mga sumusunod na mga salita ng Diyos: “Sa inyong paghahanap, mayroon kayong napakaraming indibidwal na mga pagkaunawa, mga inaasam, at mga hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay sa layuning pakitunguhan ang inyong pagnanasa para sa katayuan at inyong maluluhong mga pagnanasa. Ang mga inaasam, ang pagnanasa para sa [a] katayuan, at ang mga pagkaunawa ay pawang klasikong mga pagkatawan sa maka-Satanas na disposisyon. … Sa maraming taon, ang mga kaisipan na pinanaligan ng mga tao para sa kanilang pananatiling buhay ay sumisira sa kanilang mga puso hanggang sa punto na sila ay naging mapanlinlang, may-karuwagan, at kasumpa-sumpa. Hindi lamang sila kulang sa matibay na paninindigan at kapasyahan, subali’t sila rin ay naging ganid, mayabang, at matigas ang ulo. Sila ay lubos na nagkukulang sa anumang kapasyahan na dumaraig sa sarili, at higit pa, sila ay walang kahit kaunting katapangan upang iwaksi ang mga pamumuna ng madidilim na impluwensyang ito. Ang mga kaisipan at mga buhay ng mga tao ay bulok, ang kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay nananatili pa ring di-matingnan sa kapangitan, at kahit kapag ang mga tao ay nagsasalita tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ito ay tahasang di-kayang pakinggan. Ang mga tao ay naduduwag lahat, walang-kakayahan, kasumpa-sumpa, gayundin ay marupok. Sila ay hindi nakadarama ng pagkainis para sa mga pwersa ng kadiliman, at hindi sila nakadarama ng pagmamahal para sa liwanag at sa katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaalis ang mga ito” (“Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan lamang ng mabisang pagbubunyag ng mga salita ng Diyos na napagtanto ko na mali mula pa sa simula ang aking pagtanaw sa paniniwala sa Diyos. Nais kong gamitin ang aking paniniwala sa Diyos upang magtamo ng katanyagan, tagumpay, at katayuan na nabigo kong makamtan sa mundo, at naisip nang walang katotohanan: Pipiliin ako at ilalagay sa isang mahalagang posisyon hangga’t nakamit ko ang papuri ng kapatiran, at magugustuhan at pupurihin din ako ng Diyos. Sa ilalim ng kapamahalaan ng mga saloobing ito, naging mahina ako at kamuhi-muhi. Kapag pinuri ako ng kapatiran, mapupuno ako ng pagtitiwala, ngunit nang mawalan ako ng mga bagay na ito, agad akong nawalan ng pag-asa at nalungkot, negatibo at umaatras. Paano ito paniniwala sa Diyos? Ang lahat ng pinaniniwalaan ko ay katanyagan, tagumpay, at katayuan! Ang layunin ng Diyos ay hindi upang sanayin ako upang maging isang kahanga-hangang manggagawang may talento, at bukod pa rito hindi iyon upang hayaan ako na samantalahing tuparin ang aking tungkulin upang masiyahan ang mga personal na pagnanasa. Sa halip, umaasa Siya na kaya ko, sa pamamagitan ng proseso ng pagtupad sa aking tungkulin, na matutuklasan ang aking mga kakulangan at maranasan ang mga salita at gawain ng Diyos, at sa gayon ay maunawaan at makuha pa ang higit pang katotohanan, at sa huli ay tanggapin ang kaligtasan ng Diyos. Kasabay nito, gayon din ay maaari kong gamitin ang aking sariling mga karanasan at pagkaunawa sa katotohanan upang matustusan ang kapatiran na mga bagong mananampalataya sa Diyos, at tulungan silang ilagay ang pundasyon sa tunay na paraan upang maaaring makapasok sila sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos sa lalong madaling panahon. Gayunman, hindi ko hinangad ang mga layunin ng Diyos gaya ng palagi kong pagsisikap para sa katanyagan at katayuan, at para sa sarili kong mga ambisyon. Sa huli, hindi ko talaga natanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, kaya gaano man karaming pagsisikap ang gawin ko, hindi ko nadilig nang maayos ang mga bagong mananampalataya. Matapos akong pahintuin sa paggawa ng aking tungkulin, naging labis akong negatibo at hindi naunawaan ang mga layunin ng Diyos, iniisip na wala akong pag-asa na matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Sa oras na ito bigla kong naalaala ang mga salita ng Diyos: “Wala Akong pakialam kung gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga kakayahan, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo nagawa na ang Aking hiningi, hindi mo kailanman makakamit ang Aking papuri” (“Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Maging ang taos-pusong paghahanap ay hindi pinagpapasyahan kung paano sila hinahatulan ng iba o kung paano sila tinitingnan ng mga tao sa paligid nila, ngunit kung paano kumikilos ang Banal na Espiritu sa kanila at kung mayroon silang presensya ng Banal na Espiritu, at ito lahat ay mas pinagpapasyahan kung ang kanilang disposisyon ay nagbabago at kung mayroon silang kaalaman sa Diyos matapos sumailalim sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng isang tiyak na panahon …” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga salita ng Diyos ay naunawaan ko ang Kanyang mga layunin at mga kinakailangan. Lumabas na ang aking naunang paniniwala na ang mas mataas na katayuan ay nangangahulugan ng isang mas maaasahang kinabukasan at ang mas maraming papuri mula sa Diyos ay ang pagsukat ng gawain ng Diyos mula sa makalupang pagtanaw, na hindi maaaring maging mas mali. Kung paano sinusukat at tinutukoy ng Diyos ang wakas ng isang tao ay hindi nakabatay sa kanilang katayuan, katagalan sa tungkulin, o ang dami ng kanilang ginawa, sa halip ay kung natamo nila ang katotohanan at kung nakamit ang pagbabago ng disposisyon. Kung hindi nakuha ng isang tao ang katotohanan o nakamit ang pagbabago ng disposisyon sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, kung gayon lahat ay nawawalan ng kabuluhan gaano man kataas ang kanilang katayuan o gaano man karaming tao ang kumakatig sa kanila. Hindi lamang sila sa hindi tatanggap ng pagpayag ng Diyos, sila rin ay kamumuhian, tatanggihan, at susumpain ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagpansin sa pagkilala sa kanilang sarili at sa Diyos habang tinutupad ang kanilang tungkulin, at paggamit ng kanilang tunay na mga karanasan upang diligin at suportahan ang kapatiran, maaari nilang malutas ang mga aktuwal na problema, makahanap ng landas upang gabayan ang kapatiran, at gawing epektibo ang kanilang gawain. Ang isang taong tulad ko, na hindi talaga naghangad na matamo ang kanyang sariling pagpasok at pagbabago habang nagtatrabaho, ngunit sa halip ay walang taros na sinikap na matamo ang katanyagan, tagumpay, at katayuan, sa huli ay nagdulot lamang ng pinsala sa mas marami pang kapatiran, at personal na aalisin sa wakas. Nang naisip ko ito, naintindihan ko na ang pagpapahinto ng aking tungkulin sa iglesia ay isang kapaligiran na itinatag ng Diyos na pinupuntirya ang aking mga maling layunin at pagnanasa, pati na rin ang aking tiwaling kalikasan, upang maaari akong magnilay at makilala ko ang aking sarili, baguhin ang aking mga maling pagtanaw sa gawain at sundin ang tamang landas ng paghahangad na matamo ang katotohanan sa lalong madaling panahon. Sa sandaling iyon, talagang nadama ko ang pag-ibig, pag-aalaga, at pagpapahalaga ng Diyos, at walang magagawa kundi ang manalangin sa Diyos: “O Diyos! Salamat sa pagbibigay Mo sa akin ng Iyong dakilang pagmamahal. Dati ay hindi ko nauunawaan ang Iyong mga layunin at inisip na ang pagkakaroon ng katanyagan, tagumpay, at katayuan ay gagarantiyahan ang Iyong pagpapahalaga. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagmamalasakit tungkol sa pagpasok sa katotohanan sa panahon ng aking gawain. Lahat ng ginawa ko ay walang taros na hangarin ang katanyagan at tagumpay, na lubos na naiiba sa Iyong mga kinakailangan. Sa pamamagitan ng kaliwanagan ng Iyong salita, nauunawaan ko na ngayon ang Iyong mga kinakailangan. Hindi na ako direktang lalabag sa Iyong gawain gaya ng ginawa ko noon. Hahangarin ko ang pagbabago ng diposisyon at sundin ang tamang landas ng paghahangad ng katotohanan.”

Hindi nagtagal, muling inayos ng iglesia para sa akin na diligin ang mga bagong mananampalataya, at upang mamuhay rin akong kasama ang isang batang kapatid na babae. Matapat at madamdamin ang pagkatao ng batang kapatid, kaya naisip ko: Dahil ako ay mahiyain at hindi masyadong gustong makipag-usap, habang ang batang kapatid na babae ay mapagkaibigan at nagsasalita nang walang pasubali, maaari naming gamitin ang pagkakataong ito upang matuto mula sa malakas na katangian ng isa’t isa upang pagaanin ang aming mga kahinaan. Kahit na naisip ko ang ganitong paraan, mayroon pa ring ilang mga tunggalian at hindi mga pagkakaunawaan sa aming mga aktuwal na pakikipag-ugnayan. Upang baguhin ang sitwasyong ito, nagsimula akong magsalita at kumilos nang mas maingat, natatakot na maaaring magkaroon ng mas maraming hindi kasiya-siyang mga pangyayari. Kadalasang pumapasok sa trabaho ang batang kapatid. Nakikitang lubhang abala siya sa lahat ng oras, nagpasya akong gawin ang lahat ng gawaing-bahay upang bigyan siya ng magandang impresyon at upang makatulong na mapanatili ang aming relasyon. Hindi ko kailanman inaasahan na pagkalipas ng ilang buwan, ang aming relasyon ay talagang naging mas mahirap, na nakita kong lalong nakakalungkot at masakit. Gayunman, hindi ako nagsiyasat sa sarili at kinilala ang aking katiwalian at sa halip ay itinuon ang aking atensiyon sa batang kapatid na babae, iniisip na mahirap siyang pakisamahan at masyadong hindi makatwiran. Isang araw, nang bumalik ang kapatid na babae mula sa trabaho at nakitang ginagawa ko ang mga gawaing-bahay, tahasan niyang sinabi na ginagawa ko lang ito dahil sa kasipagan. Nang marinig ito, hindi ko na mapipigilang sumabog ang aking mga luha ng karaingan. Sa sandaling iyon, talagang gusto kong kaagad na umalis at hindi na kailanman bumalik. Ngunit naisip ko na mas bata sa akin ang kapatid, at matagal siyang hindi naniwala sa Diyos. Kung hindi ko maisasantabi ang aking sarili, at patuloy na may sama ng loob laban sa kanya, paano ako titingnan ng mga pinuno ng iglesia at iba pa sa kapatiran? Sasabihin nila na hindi ako nagpakita ng pagmamahal sa batang kapatid na babae at na ako ay iresponsable. Papaano ko sila magagawang harapin sa gayon? Sa pagharap sa gayong sitwasyon, wala talaga akong ideya kung ano ang gagawin. Sa sakit, pumunta ako sa harapan ng Diyos upang manalangin: “O Diyos! Masyado akong nasaktan. Parang may mabibigat at malalaking bato na dumadagan sa akin, kaya imposible na magkaroon ako ng lakas upang tumakas. Ngunit naniniwala ako na ang Iyong mabubuting layunin ay dapat na malagay sa sitwasyong ito na nangyari sa akin. Naninikluhod lamang ako na liwanagan Mo ako upang maunawaan ko ang Iyong mga layunin at matutuhan ang aral na dapat kong matutuhan.” Hindi nagtagal pagkatapos ng panalangin, isang kapatid na babae ang nangyari lang na dumating at nakita ako, kaya binuksan ko ang aking puso at sinabi sa kanya ang tungkol sa aking sitwasyon. Matapos pakinggan ito, sinabi ng kapatid na: “Ang lahat ng gawain ng Diyos ay para sa pagliligtas sa sangkatauhan, at ang lahat ng sitwasyong nangyari sa atin ay upang turuan tayo ng mga leksiyon. Kung mayroon tayong mga negatibong bagay sa ating kalooban, nangangahulugan ito na mayroon pa rin tayong ilang makademonyong lason sa ating kalooban na kinamumuhian ng Diyos. Lilinisin tayo ng Diyos at babaguhin tayo sa pamamagitan ng mga sitwasyong ito....” Pagkaalis ng kapatid, nagpabali-baliktad ako sa higaan at hindi makatulog, iniisip na: Ano ang nililinis at binabago ng Diyos sa akin? Kaya, bumangon ako at nagbasa ng salita ng Diyos: “Natatalos mo ang kalikasan ng isang tao at kung kanino siya kabilang mula sa mga pananaw niya sa buhay at mga pinapahalagahan. Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang kahangalan ay naging buhay at kalikasan ng tao. Ang ‘Lahat para sa kanya-kanyang sarili at kinukuha ng diyablo ang pinakahuli’ ay isang sikat na mala-satanas na kasabihan na naikintal na sa lahat at naging buhay na ng mga tao. May mga iba pang salita ng pilosopiya ng buhay na katulad din nito. … Marami pa ring mala-satanas na mga lason sa buhay ng mga tao, sa kanilang paghawak sa mga bagay-bagay, at sa kanilang pag-uugali at pakikitungo sa iba—halos wala silang kahit katiting na katotohanan—halimbawa, ang mga pilosopiya nila sa buhay, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng mga ito ay galing kay Satanas. Kaya, ang lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay mga bagay na kay Satanas” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Habang pinag-isipan ko ang mga salita ng Diyos, naging abala ako sa pag-iisip: Sa nakalipas na ilang buwang ito, bakit ako nabubuhay sa ganoong depresyon at sakit? Aling mga lason ni Satanas ang nangingibabaw sa aking pag-uugali? Sa ilalim ng kaliwanagan ng Diyos, nadama kong unti-unting nagliliwanag ang loob ng aking puso, at napagtanto ko na ang dahilan kung bakit lagi kong sobrang binibigyang-pansin ang katanyagan at katayuan ay ang impluwensiya at kaguluhan ng mga lason ni Satanas tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” “Nabubuhay ang puno para sa balat nito; nabubuhay ang tao para sa kanyang mukha,” at “Dapat ang mga tao ay nagsisikap na maging mas mabuti kaysa sa kanilang mga kapanahon.” “Habang nabubuhay, maging tao ang mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa.” Ang pangingibabaw ng mga lason na ito ang dahilan kung bakit inaalagaan kong mabuti ang aking kahihiyan at kapalaluan, pati na rin ang kung ano ang iniisip ng iba sa akin. Lahat ng ginawa at sinabi ko ay upang mapanatili ang aking imahe at katayuan sa mga puso ng ibang tao. Sa sandaling may isang bagay na bumangga sa aking kahihiyan o kapalaluan, masasaktan ako at magdurusa. Lahat ng paghihirap at kapaitan na ito ay dahil kay Satanas. Naalala ko na mula noong ako ay lumipat kasama ang batang kapatid na babae, palagi akong maingat na nakisama sa kanya upang mag-iwan ng magandang impresyon, natatakot na mag-iiwan ako ng masamang impresyon kung may masabi o may magawa akong anumang mali. Samakatuwid ako ay nabuhay na mapanuyo at kumikilos tulad ng isang hangal. Nang makitungo sa akin ang batang kapatid na babae, hindi ko ginamit ang pagkakataong makilala ang sarili ko, ngunit napuno ng mga opinyon at maling palagay laban sa kapatid na babae dahil ayaw kong mawalan ng kahihiyan, at ninais pang makatakas sa kapaligirang ito. Upang mapanatili ang aking imahe at kahihiyan, hindi ako naglakas-loob na maging bukas sa batang kapatid na babae kahit na kung minsan ay nakita ko siyang nagbubunyag ng kaunting katiwalian o gumagawa ng bagay na hindi tugma sa katotohanan, natatakot na masaktan ko siya at maging sanhi ng lalong paglalayo ng aming relasyon. … Gayunman, ang mga lason na ito ni Satanas ay ginawa akong higit pang mapagkunwari at tuso, na ginawang nakakapagod at masaklap ang aking buhay. Talagang ninais kong mapasok itong madilim na hawla at punitin ang aking pekeng mukha, upang mabubuhay ako nang may ganap na kalayaan at kaginhawahan. Ngunit hindi ko magagawa ito sa aking sarili, kaya lumuhod ako sa harapan ng Diyos at ibinuhos ang aking puso sa Kanya: “O Diyos! Nasanay akong ituring ang papuri at karangalan bilang isang uri ng kasiyahan. Ngayon nakikita ko na ako ay mali. Ang paghahangad na matamo ang mga bagay na ito ay hindi kahanga-hangang kasiyahan kundi pasakit, depresyon, pagkaalipin, at pagpigil. Ngayon ay nakikita ko rin nang malinaw na ang mga pilosopiya ni Satanas ang nanlinlang at kumontrol sa akin, kung kaya hinangad kong matamo ang katanyagan, tagumpay, at katayuan, pati na rin ang kahihiyan at kapalaluan. Lahat ng aking pasakit ay dala ni Santanas. O Diyos! Hindi ko na talaga gustong mamuhay pa sa mga pilosopiya ni Satanas. Humihingi ako ng Iyong pagliligtas; ipakita sa akin ang tamang landas ng pagsasagawa, at bigyan ako ng kumpiyansa at kapangyarihan upang sirain ang bitag ni Satanas at kumilos alinsunod sa Iyong mga kinakailangan.” Matapos ang panalangin, nadama ko ang walang kapantay na kaginhawahan. Kasabay nito, natanto ko na maaari ko lamang malutas ang aking tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng paghahangad na matamo ang katotohanan. Pagkatapos nito, nakita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao ngunit nagpapanatili ng isang wastong kaugnayan sa Diyos, kung ikaw ay nakahandang ibigay ang iyong puso sa Diyos at matututuhang sundin Siya, likas lamang na ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao ay magiging wasto. Sa ganitong paraan, ang mga kaugnayang ito ay hindi itinatatag sa laman, ngunit sa saligan ng pag-ibig ng Diyos. Halos walang mga pakikipag-ugnayan batay sa laman, ngunit sa espiritu ay mayroong pagsasamahan gayundin ng pag-ibig, kaaliwan, at paglalaan para sa isa’t isa. Ang lahat ng ito ay ginagawa sa saligan ng isang puso na pinalulugod ang Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pananangan sa pilosopiya ng tao sa buhay, ngunit ang mga ito ay napakalikas na binubuo sa pamamagitan ng pasanin para sa Diyos. Hindi kinakailangan ng mga ito ang pagsisikap ng tao—ang mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Nakahanda ka bang maging mapagbigay tungo sa kalooban ng Diyos? … Nakahanda ka bang ibigay nang lubos ang iyong puso sa Diyos, at hindi isasaalang-alang ang iyong katayuan sa gitna ng mga tao?” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang isang malinaw na paraan ng pagsasanay sa akin, at iyon ay ang magsanay na maging tapat na tao at hindi na nababahala tungkol sa katanyagan at tagumpay o mapanatili ang aking imahe at katayuan sa mga puso ng mga tao. Sa halip, dapat kong ibigay ang aking puso sa Diyos, purihin at magpatotoo sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, isagawa ang katotohanan, at sundin ang Diyos. Sa ganitong paraan, makakapagtatag ako ng isang normal na relasyon sa Diyos. Ang pagkakaroon ng isang normal na relasyon sa Diyos ay natural na nagreresulta rin sa normal na mga ugnayan sa ibang tao. Kaya, pansarili kong binago ang aking isip na kumilos alinsunod sa mga salita ng Diyos at unti-unting iwinaksi ang aking tiwaling disposisyon. Mula noon, madalas kong sinadya ang pakikipag-usap sa batang kapatid na babae at binasa ang mga salita ng Diyos nang magkasama. Kung magkakaroon kami ng mga problema sa pagganap ng aming mga tungkulin na hindi namin malulutas, magkasama kaming mananalangin sa Diyos at hahanapin ang mga sagot sa mga salita ng Diyos. Nagkasundo kami nang mabuti sa isa’t isa. Hindi ko namalayan, naglaho ng lahat ang pasanin sa aking katawan at ang depresyon sa aking puso ay naglaho ng lahat at lumitaw sa aking mukha ang isang matagal ng pinakahihintay na ngiti. Tunay na naranasan ko ang kaginhawahan at kagalakan na dulot ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Taos-puso kong pinasasalamatan ang Diyos sa pagliligtas sa akin.

Pagkatapos ng ilang buwang ito ng masakit na kadalisayan, naunawaan ko sa wakas kung bakit hindi tayo pahihintulutan ng Diyos na gamitin ang mga pilosopiya ng buhay upang mapanatili ang ugnayan sa ibang tao. Ito ay dahil ang lahat ng pilosopiyang ito ng buhay at ang tinatawag na salawikain ay mga lason na itinatanim ni Satanas sa mga tao, at mga kasangkapan na ginagamit ni Satanas upang igapos at makapinsala sa mga tao. Gagawin lamang ng mga makademonyong pilosopiya na lumikha ang mga tao ng dibisyon, sigalot, at kamatayan, at maaari lamang maghatid sa mga tao ng depresyon at pasakit. Ito ay dahil si Satanas mismo ay katiwalian at dibisyon, at ang mga salita lamang ng Diyos at kung ano ang Kanyang kinakailangan sa mga tao ang maaaring magbigay-daan sa kanila na gumawa ng kapayapaan sa isa’t isa. Sa pamamagitan lamang ng pamumuhay sa mga salita ng Diyos at pagkilos alinsunod sa Kanyang mga salita maaaring sirain ng mga tao ang madilim na mga impluwensiya ni Satanas at mamuhay nang may ganap na kalayaan at kaginhawahan sa harapan ng Diyos. Kasabay nito, nakita ko rin na ang aking pamumuhay kasama ang batang kapatid na babae ay isang kahanga-hangang pagsasaaayos ng Diyos, na itinakda upang puntiryahin ang malalim na mga ugat ng lason ni Satanas sa aking kalooban at sa aking praktikal na mga pangangailangan. Kung hindi gumawa ang Diyos sa ganitong paraan, hindi ko kailanman makikilala ang lawak ng pinsala na ginawa sa akin ng makademonyong mga lason tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon” at “Nabubuhay ang puno para sa balat nito; nabubuhay ang tao para sa kanyang mukha”. Sasambahin ko pa rin sana ang mga lason na ito bilang mga positibong bagay, na maaaring gawin akong mas lalong mapagmataas at tiwali, at sa huli ay patungo sa kawalang-dangal at pagkawasak. Ang mga sitwasyon at pagsubok na ito ay tiyak na dakilang pagliligtas ng Diyos sa akin!

Nang maglaon, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Nang dumanas ako ng mga problema sa simula, madalas kong pakikinggan ang mga mungkahi mula sa kapatiran, at hindi nabahala sa kung ano ang iisipin ng ibang tao sa akin. Ngunit hindi natagalan para ang aking pagnanais na hangaring matamo ang katanyagan at tagumpay ay magsimulang lumawak muli. Dahil nagsimula akong tuparin ang tungkuling ito nang mas maaga kaysa sa iba pang lider sa iglesia, natural na mas lalapit sa akin ang kapatiran kapag may problema. Unti-unti, nagsimula akong madala at inakalang mataas pa rin ako sa kapatid na iyon. Kapag nasa mga pulong kasama ang kapatid na iyon, palagi akong magsasalita tungkol sa ilang tila mahalagang doktrina upang magpasikat at magtamo ng pagkilala at paghanga mula sa kapatiran, pati na ring maiparamdam sa kanila na mas mahusay ako kaysa sa kanya. Minsan, habang nasa isang pulong ng maliit na grupo, may sumagi sa aking isip pagkatapos lang na makipag-usap ng ilang sandali ang kapatid: Dapat akong makipag-usap nang higit pa, o kung hindi iisipin ng kapatiran na hindi ako kasing husay niya. Kaya, ako ay sumabad kapag may isang paghinto at nagsimulang makipagtalakayan nang walang hinto. Habang ginagawa ko iyon, isang kapatid na lalaki sa tabi ko ang sumabad sa akin: “Hindi natin maaaring pag-usapan lamang ang tungkol sa hungkag na mga doktrina. Dapat nating ipahayag ang ilang mga praktikal na karanasan at kaalaman upang makapagbigay sa kapatiran.” Matapos pakinggan ang mga salita ng kapatid na lalaki, naramdaman ko na parang sinampal ako sa publiko. Habang namula ang mukha ko, naisip ko: nilayon ko sa simula na magsabi ng ilang karagdagang salita upang mataas na pagpapahalaga ang ibibigay ng kapatiran sa akin, ngunit ngayon ito ay naging nakakahiya para sa akin! Sa oras na iyon, gusto kong maghanap ng isang butas sa lupa upang magtago. Habang naramdaman ko ang sakit ng kalooban, binasa ng kapatid na lalaki ang isang sipi mula sa salita ng Diyos: “Masyadong iniidolo ng ilang mga tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang magtipon-tipon at magsalita; gusto nilang nakikinig ang mga tao sa kanila, sumasamba sa kanila, at pinalilibutan sila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isip ng iba at natutuwa kapag pinahahalagahan ng iba ang kanilang mga larawan. … Kung ganito talaga ang kanilang gawi, iyan ay sapat na upang ipakita na sila ay mapagmataas at palalo. Hindi nila sinasamba ang Diyos sa paano man; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan, at inaasam na magkaroon ng awtoridad sa iba, upang ariin sila, at upang magkaroon ng higit na katayuan sa kanilang mga isipan. Ito ay isang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na aspeto ng kanilang kalikasan ay pagmamataas at kapalaluan, kawalan ng kagustuhang sambahin ang Diyos, at pagnanais na masamba ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pananaw tungkol sa kanilang likas na pagkatao” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang bawat salita ng paghatol ng Diyos ay tulad ng isang karayom na sumasaksak sa aking puso, na lalong nagpapahiya sa akin. Naalala ko na bago ako naniwala sa Diyos, tuwang-tuwa ako sa pagiging hinahangaan ng lahat, at nagsikap sa aking puso at kaluluwa upang manindigan at maging isang matatag at matagumpay na babae. Matapos mabasag ang pangarap na ito, naisip ko na kaya kong matupad ang aking pangarap na katanyagan, tagumpay, at katayuan sa iglesia. Lalo na sa panahong ito, lihim akong nakipagkumpitensiya laban sa kapatid na babae na iyon upang tingalain ako ng kapatiran. Sa panlabas, nakipagkumpitensiya ako para sa katayuan laban sa isang tao, ngunit sa katotohanan, nakipagkumpitensiya ako para sa mga taong hinirang ng Diyos laban sa Diyos. Ito ay dahil ang mga naniniwala sa Diyos ay dapat tumingala sa Diyos, sambahin Siya, at bigyan ang Diyos ng lugar sa kanilang mga puso. Sa halip, nais kong magkaroon ng lugar sa mga puso ng aking mga kapatid, tingalain nila ako at sambahin ako. Hindi ba ito ang maliwanag na pagtutol sa Diyos? Tanging bago pa ang mga katunayan ay nakita ko na ang aking kalikasan laban sa Diyos. Kung hindi ko nararanasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos at walang nagawang pagbabago sa aking disposisyon, samakatuwid kahit na ako ay mukhang masigasig at aktibong gumugugol para sa Diyos sa panlabas, sa katunayan ako ay gumagawa ng masama at nilalabanan ang Diyos. Kasabay nito, nakita ko nang malinaw na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paglason sa kanilang mga isip at kaluluwa sa iba’t ibang paraan, upang mag-agawan sila sa katanyagan, tagumpay, at katayuan, at sa pamamagitan nito ay dahan-dahan silang nagkakasala sa Diyos, nagtataksil sa Diyos, at sa huli ay dinadala sila sa impiyerno. Sa pag-iisip nito, hindi ko mapipigilan na matakot, at sinimulan ko rin ang pagkamuhi sa aking pagkabulag at kahangalan, ang aking malalim na katiwalian, at ang mga makademonyong lason na nag-ugat sa aking kalooban. Kung hindi ako napunta sa ilalim ng kapamahalaan ng katanyagan, kapalaran, at katayuan, hindi ako magiging kontrolado ng sinumang tao, pangyayari, o bagay, at hahangarin na lamang na bigyang kasiyahan ang Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa aking tungkulin bilang isang nilalang na nilikha. Kung hindi ako nakontrol ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, ako sana, sa pamamagitan ng pagtupad sa aking tungkulin, ay magtutuon sa pagpuri sa Diyos, pagsaksi sa Diyos, at pagdadala sa mga kapatid sa harap Niya. Kung hindi ako nakontrol ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, hindi ako mabubuhay sa depresyon at pagdurusa araw-araw, na hindi kayang tamasahin ang kaginhawahan at kaligayahan na hatid ng katotohanan. Kung hindi ako nakontrol ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, maitatatag ko ang normal na ugnayan sa kapatiran at sinuportahan at tinulungan ang bawat isa sa espiritu, sa halip na gamitin ang isang pagkukunwari upang linlangin ang iba para sa kanilang tiwala at paghanga. … Ang lahat ng ito ay dahil sa mga lason ni Satanas, na sinaktan ako hanggang sa araw na iyon. Si Satanas ay tunay na kasuklam-suklam at napakasama. Ito ay ganap na isang demonyong lumalamon ng kaluluwa! Sa ilalim ng kaliwanagan at patnubay ng Diyos, nabuo ko ang kalooban at katapangan na talikuran ang aking laman at isagawa ang katotohanan. Kaya nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Ang pinsala ng katanyagan, tagumpay, at katayuan ang naglagay sa akin sa sitwasyon ngayon. Upang hangaring makamit ang mga bagay na ito, iniwan ko ang Iyong mga kinakailangan, sumusuway at lumalaban sa Iyo nang paulit-ulit na siyang nagpalungkot at nagpagalit sa Iyo. Napopoot ako ngayon sa mga bagay na ito mula sa kaibuturan ng aking puso. Iiwan ko ang mga ito at lubusan silang tatalikuran. Nawa’y gabayan Mo ako sa aking landas sa hinaharap.” Simula noon, pinanatili ko ang isang mas mababang anyo, at sa panahon ng mga pulong sisimulan kong tumuon sa pagpapahayag tungkol sa aking mga aktuwal na karanasan. Kapag may mga problema ang kapatiran, sadya kong bubuksan ang aking puso upang makipag-usap sa kanila tungkol sa mga panahong nagkaroon din ako ng mga problema at ang kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, upang maunawaan nila ang mga layunin ng Diyos at makilala ang pag-ibig ng Diyos. Nang kumilos ako sa ganitong paraan, mas nadama ko ang kaginhawahan at pagpapalinaw sa kaibuturan ng aking puso, na siyang lalong nagbibigay-katuparan sa bawat araw.

Matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at pinakitunguhan at pinungusan Niya paulit-ulit, nagsimula akong magkaroon ng ilang tunay na kaalaman sa aking makademonyong kalikasan. Sa tuwing muli akong naharap sa mga bagay tulad ng katanyagan, tagumpay, katayuan, at karangalan, sasadyain kong manalangin sa Diyos at makipagtulungan sa Kanya, at talikuran ang aking laman at magsagawa ng katotohanan. Minsan, isang kapatid na babae sa isang kalapit na iglesia ay nasa isang hindi mabuting kalagayan. Matapos marinig ito, madalas kaming nagpunta upang makipag-usap sa kanya nang taos sa puso. Pagkaraan ng ilang maikling panahon, bumuti ang kanyang sitwasyon at nagsimula siyang maging aktibo sa pakikipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo. Kabilang sa mga bagong mananampalataya na dinala niya, may isa na tunay na nasasabik sa katotohanan at mabilis na sumulong. Kaya nilayon namin na linangin siya bilang isang lider ng iglesia para sa mga bagong mananampalataya. Sa panahong ito, sumulat sa amin ang kalapit na iglesia, humihiling na pumunta roon ang kapatid na babae upang maisagawa ang kanyang tungkulin. Lubos akong nag-atubili sa aking kalooban, ngunit nagbago ang isip ko: Ang mga iglesia ay pinagsama-samang kabuuan. Ang nais ng Diyos ay isang pagpapahayag ng lahat ng miyembro ng samahan. Hindi mahalaga kung sa aling iglesia dumadalo ang mga bagong mananampalataya, hangga’t magagampanan niya ang kanyang tungkulin, isang bagay ito na umaaliw sa puso ng Diyos. Ang aking naunang inisip ba ay para pa rin sa katanyagan, tagumpay, at katayuan? Nakatuon pa rin ba ako sa aking personal na imahe at kahihiyan? Ipinaalala nito sa akin ang mga salita ng Diyos: “Malupit na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pag-aagawan at paghahablutan sa isa’t isa, ang pagkukumahog para sa reputasyon at kayamanan, ang pagpapatayan—kailan ba ito matatapos? Bagama’t nakapagsalita na ang Diyos ng daang-libong mga salita, walang isa man ang natatauhan. Ang mga tao ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, inaasahan, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa pagkain, damit, at sa laman, nguni’t mayroon bang sinuman na ang mga pagkilos ay talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lamang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos para sa kapakanan ng kanilang sariling mga interes? Ilan ang hindi nang-aapi at nagtatakwil ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan?” (“Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tama! Tingnan mo ang aking asal at pag-uugali. Palagi ko lang hinabol ang katanyagan at tagumpay, na walang alinman na para sa Diyos. Naging makasarili ako! Nasiyahan ako sa kadakilaan at kabutihan ng Diyos, ngunit sinubukan ko nang napakaingat at piniga ang utak ko araw-araw upang makamit ang katanyagan, tagumpay, at katayuan. Kahit naniwala ako sa Diyos sa pangalan, hindi ako kumilos alinsunod sa mga layunin at mga kinakailangan ng Diyos, at sa diwa ay hindi talaga sinunod ang Diyos. Ang sukatan ng Diyos kung ang tao ay taos-pusong naniniwala sa Diyos ay hindi batay sa kanyang panlabas na pag-uugali o sa pagsusuri ng iba, sa halip ay kung kaya niyang alisin ang mga bagay sa kanyang puso na hindi tugma sa mga layunin ng Diyos kapag nangyari sa kanya ang mga bagay-bagay, kung maaari siyang mag-isip para sa pinakamahusay na kapakanan ng iglesia, at kung magagawa niyang masiyahan at mahalin ang Diyos sa lahat ng bagay. Matapos unawain ang mga layunin ng Diyos, biglang naging masaya ang aking puso, at agad kong inilipat ang bagong mananampalataya na ito sa kalapit na iglesia.

Matapos maranasan ang gawain ng Diyos sa loob ng maraming taon, mas malinaw kong naunawaan: Ang katanyagan, tagumpay, at katayuan ay mga pandaraya na ginamit ni Satanas upang linlangin ang mga tao at mga kadena na ginamit upang igapos ang mga tao. Ang mga taong namumuhay sa ilalim ng sakop nito ay maaari lamang na matali at malinlang nito, nang walang anumang kalayaan kahit ano pa man. Sa kabilang banda, ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang mga taong nabubuhay sa ilalim ng salita ng Diyos ay nabubuhay sa liwanag at mga pagpapala ng Diyos. Makakaranas ang tao ng kaginhawahan at kalayaan sa pamumuhay sa harap ng Diyos hangga’t nagsisikap siyang matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos at isagawa ang katotohanan gaya ng hinihiling ng Diyos. Sa pag-alala ng sakit at kapighatian na dulot sa akin ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, pagkatapos ang gawain ng kaligtasan na ginawa sa akin ng Diyos, tunay na nagpapasalamat ako at may utang na loob sa Diyos. Upang iligtas ako mula sa pagkaalipin ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, isinaayos nang mabuti ng Diyos ang iba’t ibang kapaligiran, tao, bagay, at pangyayari, at inakay at pinatnubayan ako sa bawat hakbang gamit ang Kanyang praktikal na gawain, na nagbigay-daan sa akin na tahakin ang tamang landas ng buhay. Ang bawat kapaligiran at bawat palatandaan ay napakahusay na naplanong lahat ng Diyos, at sa likod ng bawat isa ay matatagpuan ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin. Matapos danasin ang pagkastigo at paghatol nang paulit-ulit, unti-unti kong nakita ang katotohanan ng aking katiwalian. Nagtamo rin ako ng kaalaman sa praktikal na gawain ng Diyos, nakita ang kabanalan, kadakilaan, at walang pag-iimbot ng Diyos, at nadama nang malalim ang pagpapahalaga at pangangalaga ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Sa aking mga karanasan sa hinaharap, magiging mas handa akong tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ang Kanyang mga pagsubok at kadalisayan upang ang aking tiwaling disposisyon ay lubusang malilinis at mababago sa lalong madaling panahon, at sa gayon kaya kong mabuhay ng tunay na makahulugan at mahalagang buhay!

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang pagnanasa para sa.”

Sinundan:Ang Proseso ng Pagbabago ng isang Aroganteng Mananampalataya

Sumunod:Ang Paghatol Ay Liwanag

Baka Gusto Mo Rin

  • Pagtalo kay Satanas sa Labanan

    Chang Moyang    Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na m…

  • Kaunting Pag-unawa ng Pagkakaligtas

    Hindi kasing-simple tulad ng iniisip ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos. Dapat tayong umasa sa paghatol at pagkastigo, pati na rin sa mga pagsubok at pagpipino na mula sa salita ng Diyos sa bawat hakbang ng ating mga karanasan. Dapat nating sundan nang mabuti ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos, at sa huli ay matamo ang katotohanan at makamit ang pagbabago sa disposisyon upang maging bagong likha

  • Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

    Xiaojing Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging mat…

  • Ang Paghusga Ayon sa Panlabas na Anyo ay Talagang Di-makatwiran

    Sa harap ng mga katunayang ito, natanto ko na Hindi ko lang dapat tasahan ang mga tao sa kung ano nasa panlabas; ang susi ay tingnan ang kanilang saloobin tungo sa Diyos at tungo sa katotohanan.