Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Paano Unti-unting Lumalalim ang Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos para Maligtas at Magawang Perpekto ang mga Tao?

6

Paano Unti-unting Lumalalim ang Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos para Maligtas at Magawang Perpekto ang mga Tao?

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

Matapos iyan, ipinasa ng Diyos ang sangkatauhan kay Satanas, ang tao ay namuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at ito ay unti-unting humantong sa gawain ng Diyos sa unang kapanahunan: ang kuwento ng Kapanahunan ng Kautusan…. Sa panahon ng ilang libong taon ng Kapanahuan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasanay sa patnubay ng Kapanahunan ng Kautusan, at sila ay nagsimulang magwalang-bahala, at dahan-dahang lumisan sa pangangalaga ng Diyos. At sa gayon, kasabay ng pamamalagi sa kautusan, sumamba rin sila sa mga diyus-diyosan at gumawa ng masasamang gawain. Sila ay walang pag-iingat ni Jehova, at isinasabuhay lamang ang kanilang mga buhay sa harap ng dambana ng templo. Sa katunayan, matagal na silang iniwan ng gawain ng Diyos, at kahit na nanatili ang mga Israelita sa batas, at binibigkas ang pangalan ni Jehova, at buong pagmamalaking naniwala na sila lamang ang mga tao ni Jehova at ang mga hinirang ni Jehova, ang kaluwalhatian ng Diyos ay tahimik silang tinalikuran….

............

Gaya ng palaging nangyayari, matapos ang gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain ng ikalawang yugto: ipinagpapalagay ang laman, na nagkatawang tao sa sampu, dalawampung taon, at sinasalita at ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng mga mananámpalátáyá. Gayunman nang walang pagbubukod, walang nakaalam, at tanging maliit na bilang ng mga tao ang kumilala na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao matapos na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at muling nabuhay. ... Sa sandaling ang pangalawang yugto ng gawain ng Diyos ay natapos—matapos ang pagkapako sa krus—ang gawain ng Diyos ng pagbawi sa tao mula sa kasalanan (na ang ibig sabihin, pagbawi ng tao mula sa mga kamay ni Satanas) ay natupad. At skaya, mula sa sandaling iyon, kailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas para ang kanyang mga kasalanan ay mapatawad. Sa pagbigkas lamang, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na hadlang sa kanyang pagkamit ng kaligtasan at paglapit sa harap ng Diyos at hindi na batayan ng pag-usig ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa ng tunay na gawain, naging ang wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging alay para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, na tinutubos at inililigtas dahil sa katawang-tao ng Diyos, ang wangis nitong makasalanang laman. At kaya, matapos na mabihag ni Satanas, ang tao ay nakarating ng isang hakbang papalapit sa pagtanggap ng kaligtasan sa harap ng Diyos. Mangyari pa, ang yugtong ito ng gawain ay ang pamamahala ng Diyos na isang hakbang mula sa Kapanahunan ng Kautusan. at isang mas malalim na antas kaysa Kapanahunan ng Kautusan.

............

At pagkatapos ay dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, na siyang mas praktikal na yugto ng gawain at gayunman ay siya ring pinakamahirap para sa tao na tanggapin. Iyon ay dahil habang mas napapalapít ang tao sa Diyos, mas napapalapit ang tungkod ng Diyos sa tao, at mas malinaw na nakikita ang mukha ng Diyos sa harap ng tao. Kasunod ng pagtubos sa sangkatauhan, ang tao ay opisyal na bumabalik sa pamilya ng Diyos. Akala ng tao ay ngayon ang oras para sa kasiyahan, ngunit siya ay isinasailalim sa isang harap-harapang paglusob ng Diyos na ang mga katulad ay hindi pa nakita ng sinuman. Ang kinalalabasan nito, ito ay isang bautismo na dapat “ikasiya” ng mga tao ng Diyos. Sa ilalim ng nasabing pagtrato, ang mga tao ay walang pagpipilian kung hindi huminto at isipin ang kanilang mga sarili, Ako ang tupa, na nawala nang maraming taon, na pinaggugulan ng Diyos nang labis upang maibalik, ngunit bakit ganito ako ituring ng Diyos? Ito ba ang paraan ng Diyos ng pagtawa sa akin, at pagbubunyag sa akin? ... Pagkaraan ng ilang taon, ang tao ay nabugbog ng panahon, naranasan ang paghihirap ng pagpipino at pagkastigo. Kahit naiwala ng tao ang “kaluwalhatian” at “pag-iibigan” ng mga panahong nakalipas, hindi-namamalayang nakarating siya sa pagkaunawa sa katotohanan ng pagiging isang tao, at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taóng panata ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ang tao ay marahang nagsimulang masuklam sa kanyang sariling kagaspangan. Sinimulan niyang kamuhian ang kanyang kabangisan, at lahat ng mga hindi-pagkaunawa sa Diyos, at ang mga wala-sa-katwirang kahilingan na ginawa niya sa Kanya. Hindi maibabalik ang panahon; ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao, at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao. Ang mga sugat ng tao ay naghihilom araw-araw, ang kanyang kalakasan ay nanunumbalik, at siya ay tumatayo at tumitingin sa mukha ng Makapangyarihan sa lahat ... upang matuklasan lamang na Siya ay palaging nasa aking tabi, at ang Kanyang ngiti at ang Kanyang magandang mukha ay lubhang nakapupukaw pa rin. Ang Kanyang puso ay nagtataglay pa rin ng malasakit para sa sangkatauhan na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga kamay ay kasing init pa rin at makapangyarihan tulad ng sa simula. Para bang ang tao ay bumalik sa Hardin ng Eden, ngunit sa sandaling ito ang tao ay hindi na nakikinig sa mga pang-aakit ng ahas, hindi na tumatalikod palayo sa mukha ni Jehova. Ang tao ay lumuluhod sa harapan ng Diyos, tumitingala sa nakangiting mukha ng Diyos, at iniaalok ang kanyang pinaka-mahalagang sakripisyo—O! Aking Panginoon, aking Diyos!

mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos”

Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Kautusan, pinangunahan ni Jehova si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos ay ginawang payak, nguni’t dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kanyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Nakaya ni Jesus na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa laman sa harap ng tao. Tungkol sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Ang nalalaman lamang ng tao ay ang mga ipinakikita ng Diyos sa kanya, at kung ang Diyos ay wala nang ipakikita sa tao, kung gayon ay hanggang doon lamang ang hangganan ng Diyos para sa tao. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay maging mas malalim, at upang unti-unti niyang malaman ang sangkap ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposiyon ay isinisiwalat ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi ay pinapalitan ng katotohanan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na “ang Salita ay nagiging katawang-tao, ang Salita ay dumarating sa katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao.” at kung wala kang sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon hindi mo pa rin kayang tumayo nang matatag; sa panahon ng mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng isang yugto ng gawain kung saan ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong pagkakilala ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa panahon ng mga huling araw, kung gayon ang pagkakilala ng tao tungkol sa Kanya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lamang na ang Diyos ay maaaring mapako sa krus at maaaring wasakin ang Sodoma, at si Jesus ay maaaring maibangon mula sa mga patay at magpakita kay Pedro…. Nguni’t hindi mo kailanman masasabi na matutupad ng mga salita ng Diyos ang lahat, at maaaring lupigin ang tao. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa mga salita ng Diyos na maaari kang makapagsalita tungkol sa gayong pagkakilala, at kung higit pang gawain ng Diyos ang iyong maranasan, higit ding magiging lubos ang pagkakilala mo sa Kanya. Doon mo lamang maititigil ang paglilimita sa Diyos sa iyong mga pagkaintindi.

mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan”

Sa gawain sa kaligtasan ng tao, tatlong yugto na ang natupad, ito ay upang sabihin na ang pakikidigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago pa ang lubos na pagkatalo kay Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain sa pakikidigma kay Satanas ay ang mga epekto nito ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging alay sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao. Sa katunayan, ang pakikidigma kay Satanas ay hindi ang paghandang makipagsagupaan laban kay Satanas, ngunit ang kaligtasan ng tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maglahad ng patotoo sa Diyos. Sa ganito natalo si Satanas. Si Satanas ay matatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, ito ay, kapag ang tao ay lubos nang ligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay lubos nang maliligtas. At kaya, ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikidigma kay Satanas, at ang digmaan kay Satanas ay unang-unang masasalamin sa kaligtasan ng tao. Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.

mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”