Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Bakit Gumawa ang Diyos sa pamamagitan ng Espiritu sa Kapanahunan ng Kautusan?

7

Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay direktang nagawa sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, gayunpaman, ay ginawa sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa mga tagapamagitan na yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas. Ang unang yugto ng gawain ay direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu dahil, sa ilalim ng kautusan, ang tanging alam ng tao ay sumunod sa kautusan, at hindi magkaroon ng mas maraming katotohanan, at sapagka’t ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay halos hindi nilakipan ng mga pagbabago ng disposisyon ng tao, lalong hindi ito nagpahalaga sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas. Kung kaya ang Espiritu ng Diyos ay ginawang ganap itong sukdulang na simpleng yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. Ang bahaging ito ng gawain ay mayroon lamang maliit na kaugnayan sa saligan ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas ng tao, at sa gayon ito ay hindi kinailangan ng Diyos na maging katawan upang personal na gawin ang Kanyang gawain.

mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao”

Ang Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Isa na hindi nakikita ni nahihipo ng tao. Pinangungunahan lamang Niya ang mga tao na unang ginawang-tiwali ni Satanas, at Siya ay naroon upang turuan at akayin ang mga taong ito, kaya ang mga salitang Kanyang binitawan ay yaon lamang ng mga batas, mga kautusan, at karaniwang kaalaman sa pamumuhay bilang isang tao, at hindi kahit kailan ng mga katotohanang nagtutustos ng buhay ng tao. Ang mga Israelita na nasa ilalim ng Kanyang pangunguna ay hindi yaong mga malalim ang pagkatiwali ni Satanas. Ang Kanyang gawain ng kautusan ay ang pinakaunang yugto lamang sa gawain ng pagliligtas, ang pinakasimula ng gawain ng pagliligtas, at sa praktikal ay walang kinalaman sa mga pagbabago sa pambuhay na disposisyon ng tao. Samakatuwid, walang pangangailangan sa pasimula ng gawain ng pagliligtas para sa Kanya na magkaroon ng katawang-tao para sa gawain Niya sa Israel. Ito ang dahilan kung bakit Niya kinailangan ang daan, iyan ay, isang kasangkapan, upang sa pamamagitan nito ay magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tao. Sa gayon, lumitaw sa kalagitnaan ng mga taong nilalang yaong mga nangusap at gumawa sa ngalan ni Jehovah, at ito ang kung paano ang mga anak ng tao at mga propeta ay nakarating sa paggawa sa kalagitnaan ng tao. Ang mga anak ng tao ay gumawa sa kalagitnaan ng tao sa ngalan ni Jehovah. Ang masabing tinawag Niya ay nangangahulugan na ang ganoong mga tao ay nagtalaga ng mga batas sa ngalan ni Jehovah at sila rin ay mga pari sa gitna ng mga tao sa Israel; ang ganoong mga tao ay mga pari na binabantayan, iniingatan ni Jehovah, at kumikilos sa kanila ang Espiritu ni Jehovah; sila ang mga tagapanguna sa gitna ng mga tao at tuwirang naglingkod kay Jehovah. Ang mga propeta, sa kabilang banda, ay yaong mga nakatalagang magsalita sa ngalan ni Jehovah sa mga tao mula sa lahat ng mga lupain at mga tribo. Sila rin yaong mga nanghula sa gawain ni Jehovah. Maging mga anak man ng tao o mga propeta, lahat sila ay itinaas ng Espiritu ni Jehovah Mismo at nasa kanila ang gawain ni Jehovah. Sa kalagitnaan ng mga tao, sila yaong mga tuwirang kumatawan kay Jehovah, sila ay gumawa lamang dahil sila ay itinaas ni Jehovah at hindi dahil sila ang katawang-tao na ginamit ng Banal na Espiritu Mismo. Samakatuwid, kahit na sila ay parehong nangusap at gumawa sa ngalan ng Diyos, ang mga anak ng tao na yaon at mga propeta sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi ang katawan ng Diyos na naging-tao.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao”

Noong Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, ang malaking bilang ng mga propeta na inalagaan ni Jehova ay nagsalita ng hula para sa Kanya, nagbigay sila ng mga panuto sa iba't-ibang mga tribo at bansa, at inihula ang gawa na gagawin ni Jehova. Ang mga taong ito na itinindig ay lahat nabigyan ng Espiritu ng propesiya ni Jehova: Kanilang nakita ang mga pangitain mula kay Jehova, at narinig ang Kanyang boses, at kaya sila'y nabigyan-inspirasyon Niya at nagsulat ng propesiya. Ang gawa na kanilang ginawa ay ang pahayag ng tinig ni Jehova, ito ang gawa ng propesiya na kanilang ginawa sa ngalan ni Jehova, at ang gawa ni Jehova noong panahong iyon ay basta lamang gabayan ang mga tao gamit ang Espiritu; hindi Siya naging katawang-tao, at walang nakita ang mga tao sa Kanyang mukha. Kaya, itinindig Niya ang maraming propeta upang magawa ang Kanyang gawain, at binigyan sila ng mga orakulo na kanilang ipinasa sa bawat tribo at lahi ng Israel. Ang kanilang gawain ay magsalita ng propesiya, at ang ilan sa kanila'y isinulat ang mga tagubilin ni Jehova sa kanila upang maipakita sa iba. Itinindig ni Jehova ang mga taong ito upang magsalita ng propesiya, upang hulaan ang gawa ng hinaharap o ang gawa na dapat pang matapos sa panahong iyon, upang makita ng mga tao ang pagka-nakakamangha at karunungan ni Jehova.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

Sa Kapanahunan ng Kautusan si Jehovah ay gumawa ng bahagi sa gawain ng Diyos, pagkatapos nito ay nagpahayag Siya ng ilang mga salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao para sa gawain ni Jehovah, at mahuhulaan ng mga manghuhula ang mga bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang mga panaginip sa Kanyang pangalan. Ang gawain na isinagawa noong pasimula ay hindi ang gawain sa tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, ang tao ay kinailangan lamang na mamalagi sa kautusan. Kaya si Jehovah ay hindi naging tao at hindi ibinunyag ang Sarili Niya sa tao; sa halip Siya ay nagpahayag nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang pangalan, at nagbigay daan sa kanila upang tuwirang gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng digmaan kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikidigma kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang pagkakataon ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ang tumalo kay Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto ng digmaan. Kapag nagsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na trabahuin ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain sa pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain sa pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain sa pakikidigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing isinagawa ni Jehovah noong pasimula ay ang pangunguna lang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa kabilang dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating.

mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”