Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Bakit palaging ikinaila, tinanggihan at tinuligsa na ng relihiyosong mundo si Cristo, sa gayo’y nagdurusa sila ng sumpa ng Diyos?

19

2. Bakit palaging ikinaila, tinanggihan at tinuligsa na ng relihiyosong mundo si Cristo, sa gayo’y nagdurusa sila ng sumpa ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga. At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila ang isa, at ang isa’y pinatay, at ang isa’y binato. Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan. Datapuwa’t pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak. Datapuwa’t nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito ang tagapagmana; halikayo, siya’y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana. At siya’y hinawakan nila, at itinaboy siya sa ubasan, at pinatay siya” (Mateo 21:33–39).

“Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa” (Juan 11:47–48).

“Kaya’t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya” (Juan 11:53).

Bakit palaging ikinakaila ng iba’t ibang relihiyon si Cristo, tinatanggihan Siya at tinutuligsa, sa gayo’y isinumpa sila ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nakakaintriga! Bakit palaging natanggihan na at nalait ng mga tao ang pagkakatawang-tao ng Diyos? Bakit hindi kailanman nagkakaroon ng anumang pagkaunawa ang mga tao sa pagkakatawang-tao ng Diyos? Posible bang nakarating ang Diyos sa maling panahon? Posible bang nakarating ang Diyos sa maling lugar? Posible bang nangyayari ito dahil kumilos ang Diyos na nag-iisa, nang wala ang “lagda” ng tao? Posible bang dahil nagpasya ang Diyos nang wala ang pahintulot ng tao? … Kinain ng tao kung ano ang ipinagkaloob mula sa Kanyang bibig, ininom nila ang Kanyang dugo, nagpakasaya sila sa mga biyaya na ipinagkaloob Niya sa kanila, gayunma’y sinalungat pa rin nila Siya, dahil hindi nila kailanman nalaman kung sino ang nagbigay sa kanila ng kanilang mga buhay. Sa huli, ipinako nila Siya sa krus, gayunma’y wala pa rin Siyang imik. Kahit ngayon, nananatili Siyang tahimik. Kinakain ng mga tao ang Kanyang laman, kinakain nila ang pagkain na inihahanda Niya para sa kanila, nilalakaran nila ang daang nabuksan na Niya para sa kanila, at ininom nila ang Kanyang dugo, nguni’t nais pa rin nilang tanggihan Siya, sa katunayan itinuturing nila ang Diyos na nagbigay na sa kanila ng kanilang mga buhay bilang ang kaaway, at sa halip itinuturing yaong mga aliping tulad lamang nila bilang ang Ama sa langit. Sa ganito, hindi ba nila sinasadyang salungatin Siya? Paano dumating si Jesus para mamatay sa krus? Alam ba ninyo? Hindi ba Siya ipinagkanulo ni Judas, na siyang pinakamalapit sa Kanya at kumain sa Kanya, uminom sa Kanya, at kinawilihan Siya? Ang dahilan ba ng pagtataksil ni Judas ay hindi dahil sa si Jesus ay walang iba kundi isang normal na maliit na guro? Kung talagang nakita ng mga tao na si Jesus ay hindi-pangkaraniwan, at Isa na mula sa langit, paano nila Siya naipako nang buhay sa krus sa loob ng dalawampu’t apat na oras, hanggang wala na Siyang hiningang naiwan sa Kanyang katawan? Sino ang makakakilala sa Diyos? Walang anumang ginagawa ang mga tao kundi magpakasaya sa Diyos taglay ang walang-kabusugang kasakiman, nguni’t hindi nila kailanman Siya nakilala. Binigyan sila ng isang pulgada at nakakuha na ng isang milya, at ginagawa nilang ganap na masunurin si Jesus sa kanilang mga atas, sa kanilang mga utos. Sino ang kailanman ay nakapagpakita na ng anuman ng landas ng awa tungo rito sa Anak ng tao, na wala man lamang mahigaan ng Kanyang ulo? Sino ang kailanman ay nakaisip na makipagsanib-pwersa sa Kanya upang tapusin ang tagubilin ng Diyos Ama? Sino ang kailanman ay nag-isip na para sa Kanya? Sino ang kailanman ay naging maalalahanin sa Kanyang mga paghihirap? Kung wala kahit bahagyang pag-ibig, hinihila Siya ng tao paroo’t parito; hindi alam ng tao kung saan nanggaling ang kanyang liwanag at buhay, at walang anumang ginagawa kundi planuhin nang palihim kung paano minsan pang ipapako si Jesus ng dalawang libong taong nakalipas, na nakaranas na ng sakit sa gitna ng tao. Talaga bang pinupukaw ni Jesus ang gayong poot? Lahat ba ng ginawa Niya ay matagal nang nakalimutan? Ang poot na nagsanib sa loob ng libu-libong taon ay sasabog na sa wakas. Kayong lahi ng mga Judio! Kailan ba nagalit na sa inyo si Jesus, na dapat ninyo Siyang kapootan nang sobra? Napakarami ng Kanyang nagawa na, at napakarami na Siyang nasalita—wala ba sa mga ito ang may benepisyo sa inyo? Naibigay na Niya ang Kanyang buhay sa inyo nang hindi humihingi ng anumang kapalit, naibigay na Niya ang Kanyang kabuuan sa inyo—talaga bang nais pa rin ninyong kainin Siya nang buhay? … Walang lugar na hindi mo nakikita ang mga “Judio”, at ngayon ginagawa pa rin nila ang parehong gawain, ginagawa pa rin nila ang parehong gawain ng pagsalungat sa Diyos, at gayunpaman ay naniniwala na itinataas nila ang Diyos. Paano kayang makikilala ng sariling mga mata ng tao ang Diyos? Paano kayang maituturing ng tao, na namumuhay sa laman, bilang Diyos ang nagkatawang-taong Diyos na nagmula na sa Espiritu? Sino sa gitna ng tao ang maaaring makakilala sa Kanya? Nasaan ang katotohanan sa gitna ng tao? Nasaan ang tunay na pagkamakatuwiran? Sino ang may kakayahan na malaman ang disposisyon ng Diyos? Sino ang kayang makipagkumpetensiya sa Diyos sa langit? Hindi kataka-taka na, noong dumating Siya sa gitna ng tao, walang nakakilala na sa Diyos, at Siya ay tinanggihan. Papaanong matitiis ng tao ang pag-iral ng Diyos? Paano niya mahahayaan na itaboy ng liwanag ang kadiliman ng mundo? Hindi ba ang lahat ng ito ay mula sa marangal na pag-uukol ng tao? Hindi ba ito ang walang-bahid-dungis na pagpasok ng tao?

—mula sa “Gawain at Pagpasok (10)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang-saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang makilala ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong lahat na hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang lahat na itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo?

—mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Naghuhuramentado na ang mga demonyo at masasamang espiritu sa lupa at nasarhan na ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos, ginagawa ang mga yaong hindi-mapapasok. Anong mortal na kasalanan! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong ang Diyos ay hindi makadarama ng poot? Sila ang sanhi ng mabigat na paghadlang at pagsalungat sa gawain ng Diyos. Masyadong mapanghimagsik! Kahit yaong mga demonyong malaki at maliit ay naging mapagmataas sa lakas ng mas makapangyarihang diyablo at nagsisimulang magsikilos. Sinasadya nilang labanan ang katotohanan sa kabila ng malinaw na kamalayan dito. Mga anak ng paghihimagsik! Para bang, ngayong umakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukang makahari, nagiging mayabang sila at tinatrato ang lahat ng iba nang may panlalait. Ilan ang naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop na tulad ng mga baboy at aso, namumuno sa isang pangkat ng mababahong langaw sa isang tumpok ng dumi para iwagwag ang kanilang ulo at mag-udyok ng kaguluhan.[1] Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ang pinakamataas sa mga hari, nang hindi natatanto na sila ay walang-iba kundi mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa kanilang mga baboy at asong magulang. Ang tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasinlaki ng balyenang may-ngipin.[2] Hindi ba nila napapagtanto na sila ay maliit, gayunman ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, sumusulong silang naghuhuramentado batay sa bulok na amoy niyaong mga baboy at mga aso at mayroong guniguning ideya na magpakarami para sa hinaharap na mga henerasyon. Iyan ay ganap na kakapalan ng mukha! May berdeng mga pakpak sa kanilang mga likuran (tumutukoy ito sa pahayag nila na naniniwala sila sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na itinatapon ang kanilang mga karumihan sa tao. At hambog pa sila, na para bang maitatago ng isang pares ng mga pakpak na kulay-bahaghari ang kanilang sariling mga karumihan, at sa gayo’y inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (tumutukoy ito sa kuwentong nakapaloob sa relihiyosong daigdig). Hindi alam ng tao na, kahit maganda at nakabibighan ang mga pakpak ng langaw, isa pa rin itong maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa lakas ng kanilang mga baboy at aso ng mga magulang, naghuhuramentado sila sa buong lupain (tumutukoy ito sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos batay sa malakas na suporta mula sa bansang nagtataksil sa tunay na Diyos at sa katotohanan) na may napakalaking kasamaan. Parang nagbalik ang mga multo ng mga Judiong Fariseo na kasama ng Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa dati nilang pugad. Nasimulan na nilang muli ang kanilang gawain ng pag-uusig, itinutuloy ang kanilang gawain na ilang libong taon ang saklaw. Ang pangkat na ito ng masasamang tao ay tiyak na mawawala sa lupa sa huli! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumal-dumal na espiritu ay naging mas tuso pa at mandaraya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedya ng ilang libong taong nakaraan. Halos mapasigaw dito ang Diyos, at bahagya na Niyang mapipigil ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila.

—mula sa “Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. Ang “mag-udyok ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano ginugulo, hinahadlangan at kinokontra ng demonyong mga tao ang gawain ng Diyos.

2. Ang “isang balyenang may-ngipin” ay ginagamit nang patuya. Ito’y metapora kung paanong para sa napakaliliit na langaw, ang mga baboy at mga aso ay mukhang kasinlaki ng mga balyena.

Kaugnay na Content