Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Bakit mabangis na inuusig, sinusupil at tinutugis ng pamahalaang Chinese Communist ang Makapangyarihang Diyos at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

2

1. Bakit mabangis na inuusig, sinusupil at tinutugis ng pamahalaang Chinese Communist ang Makapangyarihang Diyos at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Ang lahing ito'y isang masamang lahi” (Lucas 11:29).

ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19).

Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:12-14).

At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. ... At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake” (Pahayag 12:7-9, 13).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ito ang mga katotohanan: Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan na higit sa mga ibang anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay sa kanya ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at tuksuhin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. ... Hinangad nga ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan Niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t-ibang maruruming espiritu ang mga ito.

mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, tumitingin sa isang tao, at si Satanas ay sumusunod-sunod sa Kanyang bawat hakbang. Sinuman na pinapaboran ng Diyos, nagbabantay din si Satanas, tumutugaygay sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang nasa kapangyarihan nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t-ibang masasamang mga kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na magkaroon ang Diyos ng sinuman; nais nito ang lahat ng yaon na nais ng Diyos, ang angkinin sila, kontrolin sila, pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng mga masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? ... Si Satanas ay nakikipag digmaan sa Diyos, sumusunod-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay buwagin ang lahat ng gawa na nais gawin ng Diyos, angkinin at kontrolin yaong mga nais ng Diyos, ganap na patayin yaong mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapapatay, samakatwid sila ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Matagal nang nakatanim ang binhi ng tumor ng ateismo sa loob ng batang puso ng tao, nagtuturo ng kamalian sa tao gaya ng “mag-aral ng agham at teknolohiya, mapagtanto ang Apat na Modernisasyon, walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, paulit-ulit na ipinahayag, “Bumuo tayo ng isang magandang tinubuang-bayan sa pamamagitan ng ating masisipag na gawa,” hinihingi sa lahat na maging handa mula sa pagkabata upang magsilbi sa kanilang bansa. Walang malay ang tao na dinala sa harap nito, at walang pag-aatubili na kinuha ang karangalan (na tumutukoy sa Diyos na may hawak ng lahat ng sangkatauhan sa Kanyang mga kamay). Hindi ito kailanman nakaramdam ng kahihiyan o nagkaroon ng pakiramdam ng kahihiyan. Bukod dito, walang kahiya-hiya nitong binihag ang bayan ng Diyos sa kanyang bahay, habang tumalon ito tulad ng isang daga tungo sa mesa at pinasamba ang tao dito bilang Diyos. Napakadesperado nito! Sumisigaw ito nang mga nakagigimbal na iskandalo, “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay dahil sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay kahalumigmigan na lumiliit at bumabagsak na mga patak sa lupa; ang pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa heolohikal na mga pagbabago ay lindol; ang dahilan ng tagtuyot ay kawalang-sigla sa hangin na dulot ng nukleonik na pagkagambala sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay likas na kababalaghan. Aling bahagi ang gawa ng Diyos?” Mas sinisigaw[a] nito ang gayong walang hiyang mga pahayag: “Nagmula ang tao mula sa sinaunang mga unggoy, at ang mundo ngayon ay umunlad mula sa sinaunang lipunan na humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pagsagana o pagbagsak ng isang bansa ay pinagpapasiyahan ng mga kamay ng kanyang mga tao.” Sa likod, isinabit nito ang tao na pabaligtad sa mga pader at inilagay ito sa mesa upang isadambana at sambahin. Habang sumisigaw ito ng, “Walang Diyos,” itinuturing nito ang kanyang sarili bilang Diyos, walang awang tinutulak ang Diyos sa labas ng hangganan ng lupa. Nakatayo ito sa lugar ng Diyos at gumaganap bilang hari ng mga demonyo. Lubos na katawa-tawa! Nagiging sanhi ito ng pagkatupok ng isa sa pamamagitan ng nakalalasong galit. Tila ang Diyos ay ang kanyang sinumpaang kaaway at ang Diyos ay hindi mapagkakasundo sa mga ito. Nagpakana itong itaboy palayo ang Diyos habang ito ay nananatiling hindi napaparusahan at nakakawala.[1] Ito ay tulad ng isang hari ng mga demonyo! Paano natin matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hanggang sa magambala nito ang gawain ng Diyos at iwanan itong gula-gulanit at isang ganap na kaguluhan, [2]na parang nais nitong salungatin ang Diyos hanggang sa katapusan, hanggang sa mamatay ang isa o ang iba pa. Sinasadya nitong salungatin ang Diyos at gumagalaw nang mas malapit. Matagal na ang nakalipas nang matuklasan ang kasuklam-suklam nitong mukha at ngayon ay lamog at bugbog[3] na, sa isang kahila-hilakbot na kalagayan, gayon pa man hindi maglubag ang loob nito sa kanyang galit sa Diyos, na parang gusto nito na kung maaari lamunin nang ganap ang Diyos sa isang subo upang mapawi ang galit sa puso nito.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mula sa itaas hanggang sa ibaba at sa simula hanggang pagtatapos, binabagabag nito ang gawain ng Diyos at kumikilos ng sigalot sa Kanya. Ang lahat ng pag-uusap ng “sinaunang kultura na pamana,” mahalagang “kaalaman ng mga sinaunang kultura,” “mga turo ng Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics at pyudal na mga seremonya” ay dinala ang tao sa impiyerno. Ang sumulong na makabagong-panahong agham at teknolohiya, pati na rin ang mayabong na industriya, agrikultura, at negosyo ay hindi makikita kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga pyudal na seremonya na ipinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang maputol, tutulan, at sirain ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, ngunit nais din nitong ganap na ubusin[4] ang tao. Ang pagtuturo ng mga alituntuning pyudal pang-etika ay matagal nang nakahawa sa tao nang pagpasa pababa ng kaalaman ng mga sinaunang kultura at ginawa ang tao bilang mga demonyong malaki at maliit. Iilan lamang ang handang tanggapin ang Diyos at galak na galak salubungin ang pagdating ng Diyos. Puno ng pagpatay ang mukha ng tao, at sa lahat ng lugar, ang kamatayan ay nasa hangin. Nais nilang palayasin ang Diyos sa lupaing ito; na may mga sundang at mga espada sa kamay, inaayos nila ang kanilang mga sarili sa pakikipagbaka upang lipulin ang Diyos. Nakakalat ang mga diyus-diyusan sa buong lupain ng demonyo kung saan patuloy na tinuturuan ang tao na walang Diyos. Sa taas ng lupaing ito kumakalat ang nakakasukang amoy nang nasusunog na papel at insenso, masyadong makapal kaya ito ay nakakapaghabol ng hininga. Para itong amoy ng putik na sumisingaw pataas kapag bumabaluktot at pumupulupot ang ahas, at sapat na para ang tao ay magsuka. Bukod dito, mahina lamang na maririnig ang mga masasamang demonyo na umaawit ng kasulatan. Tila galing mula sa malayong impiyerno ang tunog na ito, at walang magawa ang tao kung hindi makaramdam ng ginaw pababa ng kanyang gulugod. Nakakalat ang mga diyus-diyusan sa kabuuan ng lupaing ito, kalakip ang lahat ng mga kulay ng bahaghari, na ginawa ang lupain na isang nakasisilaw na mundo, at nananatili ang ngisi sa mukha ng hari ng mga demonyo, na tila ang masamang balak nito ay nagtagumpay. Samantala, ganap na walang alam ang tao rito, at hindi rin alam ng tao na sinira na siya ng diablo hanggang sa naturang antas na siya ay naging walang saysay at natalo. Nais nitong lipulin ang lahat ng sa Diyos sa isang iglap, upang muling insultuhin at patayin Siya nang pataksil, at nagtatangkang sirain at istorbohin ang Kanyang gawain. Paano nito papayagan ang Diyos na maging “pantay na katayuan”? Paano nito natitiis ang Diyos “na sumasagabal” sa gawa nito sa mga tao sa lupa? Paano nito papayagan ang Diyos na alisin ang maskara nang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito maaaring payagan ang Diyos na putulin ang gawa nito? Paano ang demonyong ito, sumisingaw sa galit, mapapayagan ang Diyos na mamahala sa hukuman ng kapangyarihan nito sa lupa? Paano nito maluwag na matatanggap ang pagkatalo? Nasiwalat na ang nakapopoot nitong pagmumukha kung ano talaga ito, samakatuwid hindi alam ng isa sa sarili niya kung siya ay tatawa o iiyak, at ito ay tunay na mahirap pag-usapan. Hindi ba ito ang kakanyahan nito?

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, ito ay hindi mabatang karumihan, paghihirap ay nananagana, mga multong gumagala sa bawat sulok nito, nakakalansi at nakakalinlang, gumagawa ng mga walang batayang paratang,[5] nagiging walang awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong may kalat na patay na katawan; sumasakop sa lupa ang baho ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na nababantayan.[6] Sino ang kayang makita ang mundo na lampas sa himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang lahat ng katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagalit nang labis ang hari ng mga demonyo sa loob ng ilang libong taon, hanggang ngayon sa kasalukuyan, habang patuloy nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na parang ito ay hindi mapapasok na “palasyo ng mga demonyo”; ang pangkat na ito ng mga asong tagapagbantay, samantala, tumititig nang may nanlilisik na mga mata, lubhang natatakot na mahuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lipulin silang lahat, iniiwan sila nang walang lugar ng “kapayapaan at kaligayahan.” ... Maliit na himala, pagkatapos, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang tao: Sa madilim na lipunan na tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at malupit, paanong ang hari ng mga demonyo, na pumapatay ng mga tao sa isang kurap ng mata, titiisin ang pag-iral ng Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at pasayahin ang pagdating ng Diyos? Ang mga utusang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na simula noong hamakin nila ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, malupit sila sa kalabisan, wala silang ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawala nila ang lahat ng budhi, datapuwa’t walang bakas ng kagandahang-loob.... Relihiyosong kalayaan? Ang lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Sila ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! ... Bakit maglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gagamit ng iba’t-ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Saan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gagamit madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gagamit ng puwersa para supilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi payagan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tutugisin ang Diyos hanggang wala na Siyang kahit saan na mapapahingahan ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa mga tao? Bakit magdudulot ng gayong desperadong matinding pagnanasa sa Diyos? Bakit ginagawa ang Diyos na tumawag muli at muli? Bakit pipilitin ang Diyos na mag-alala sa Kanyang minamahal na Anak? Bakit itong madilim na lipunan at ang kanyang nakakaawang bantay na aso ay hindi pinahintulutan na malayang dumating ang Diyos at pumunta sa gitna ng mundo na nilikha Niya?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Napanalunan ni Satanas ang katanyagan nito sa pamamagitan ng pandaraya sa mga tao. Madalas nitong itinatatag ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamatuwid. Sa ilalim ng bandila ng pagbabantay sa pagkamatuwid, pinipinsala nito ang tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng mga pamamaraan upang pamanhirin, dayain, at sulsulan ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang isama ang tao sa paglaban sa awtoridad ng Diyos at pamumuno. Gayunman, kapag naging marunong na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang sinusundang malasantong palabas nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay na masama, malisyoso, pangit at mabagsik na mukha nito. Wala itong ibang nais kundi lipulin ang lahat ng mga yaong tumatangging sumunod dito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa. Sa pagkakataong ito, hindi na makapagpapakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan, maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling mahayag sa liwanag ang mga pamamaraan ni Satanas, sa sandaling malantad ang tunay nitong anyo, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at ilalantad ang kalupitan nito; ang pagnanais nitong pinsalain at lamunin ang mga tao ay lalo lamang titindi. Ang dahilan nito ay sumiklab ito sa galit dahil sa pagkagising ng tao; nagbubuo ito ng isang malakas na paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang hangarin na manabik sa kalayaan at kaliwanagan, at makawala mula sa kulungan nito. Ang labis na poot nito ay naglalayong ipagtanggol ang kasamaan nito at ito rin ay isang tunay na pagbubunyag ng malupit na kalikasan nito.

... Ang dahilan kung bakit si Satanas ay naiinis at galit na galit ay: Nalantad ang di-masambit na mga pamamaraan nito; ang mga lihim na balak nito ay hindi madaling takasan; ang marahas na mithiin at pagnanasa nito na palitan ang Diyos at kumilos bilang Diyos ay nasira at nahadlangan; ang layunin nitong kontrolin ang buong sangkatauhan ay hindi nangyari at hindi na kailanman matutupad.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. “Nananatiling hindi napaparusahan at nakakawala” ay nagpapahiwatig na nagngangalit at naghuhuramentado ang diablo.

2. “Isang ganap na kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paanong hindi kayang tiisin ng mga tao ang marahas na pag-uugali ng diyablo.

3. “Lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga demonyo.

4. “Ubusin” ay tumutukoy sa marahas na pag-uugali ng hari ng mga demonyo, na nandarambong sa mga tao sa kanilang kabuuan.

5. “Gumagawa ng mga walang batayang paratang” ay tumutukoy sa mga pamamaraan kung saan napipinsala ng diyablo ang mga tao.

6. “Mahigpit na nababantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga pamamaraan ng pagpapahirap ng diyablo sa mga tao ay talagang malupit, at lubhang kontrolado ang mga tao na wala nang puwang upang gumalaw.

a. Ang orihinal na teksto ay kababasahan ng “Ang ilan pa nga ay sumigaw.”