Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Itinatanong ng ilan: “Pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan at hindi na tayo itinuturing na makasalanan. Hindi na natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos at pagdadalisay sa mga huling araw. Sa pagbabalik ng Panginoon, direkta tayong madadala sa kaharian ng langit at dadalo sa piging kasama ang Panginoon. Hindi ba tama iyon?

38

Talata ng Biblia para Sanggunian:

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan” (Juan 17:17).

Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45).

“Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon” (1 Pedro 1:5).

salita

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang masamang disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

mula sa “Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos”

Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos.

mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan”

Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi kasing-payak ng paglikha sa mga kalangitan at lupa at sa lahat ng mga bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga napápasamâ na nagiging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha pagkatapos ay ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, lalong hindi upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng uri ng mga halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng napápasamâ ni Satanas upang sila ay mabawi at maging Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi kasing-payak ng inaakala ng tao sa paglikha ng mga kalangitan at lupa at ng lahat ng bagay, at hindi rin ito katulad ng gawaing pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang-hanggan na inaakala ng tao. Sa halip, ito ay upang baguhin ang tao, upang yaong negatibo ay gawing positibo at upang gawing Kanyang pag-aari yaong hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi naiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi nakakamit ng gayon.

mula sa “Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad ng Inaakala ng Tao?”

Sa gawain ng mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon sa puso ng tao. Hindi mo kayang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni’t ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos lamang na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng mga salita maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. … Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)”

Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. … Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-maselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamumuhay ang Diyos sa kapahingahan.

mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan”

Kaugnay na Content