Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Kaugnayan ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Isa’t isa

2

relationship-between-three-stages

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Naisulong ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nakasulong. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit paulit-ulit Kong sinasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nagtatayo sa ibabaw ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan? Nangangahulugan ito na ang gawain sa kasalukuyan ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagsulong doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawa’t kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa. Bakit sinasabi ko rin na ang yugtong ito ng gawain ay tumatayo roon sa ginawa ni Jesus? Kung sakaling hindi nakatayo ang yugtong ito sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganin Niyang maipakong muli sa yugtong ito, at ang gawaing pagtubos ng nakaraang yugto ay kailangang ulitin muli. Magiging walang saysay ito. Kaya’t hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas nang mas mataas pa kaysa rati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay itinayo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay itinatayo nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong pasimula. Tanging ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala.

mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao”

Dapat ninyong maunawaan ang gawain ni Jehova, ang mga kautusan na Kanyang itinalaga, at ang mga panuntunan kung paano Niya pinangunahan ang buhay ng tao, ang nilalaman ng gawain na Kanyang ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan, ang layunin para sa pagtatalaga Niya ng mga kautusan, ang kabuluhan ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawaing ginagawa ng Diyos sa pinakahuling yugtong ito. Ang unang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ang ikalawang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang ikatlong yugto ay ang gawain ng mga huling araw. Dapat ninyong maintindihan ang mga yugtong ito ng gawain ng Diyos. ... Ang gawain na ginawa sa mga huling araw ay hindi maaaring pumalit sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan o doon sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayunman, ang tatlong yugto ay nagkakaugnay-ugnay tungo sa iisang bagay at ang lahat ay gawaing ginawa ng isang Diyos. Natural, ang pagtupad ng gawaing ito ay nahahati sa magkakahiwalay na mga kapanahunan. Ang gawain sa mga huling araw ay nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan; yaong ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang pagsisimula; at yaong ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang pagtubos. ... Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang ginagawa upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian nguni’t hindi ito kumakatawan sa lahat ng mga kapanahunan. Ang mga huling araw ay hindi higit sa mga huling araw at hindi higit sa Kapanahunan ng Kaharian, na hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga huling araw ay ang panahon lamang kung saan ang lahat ng gawain sa anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ibinubunyag sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. ...

Ang gawain sa mga huling araw ay ang huling yugto sa tatlo. Ito ay ang gawain ng isa pang bagong kapanahunan at hindi kumakatawan sa buong gawain ng pamamahala. Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan nguni’t kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa lahat ng disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaaring maging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga batas para sa tao at nagbaba ng mga kautusan, na humihingi sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay ang Diyos na humihingi sa tao na panatilihin ang kautusan, ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Hindi masasabi ito. Ang gawain sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatuwid, kung ginawang mag-isa ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, bibigyang-kahulugan ng tao ang Diyos at sasabihing, “Ang Diyos ay ang Diyos sa templo. Upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo.” Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagáwâ, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagáwâ, ang malalaman lamang ng tao ay na ang Diyos ay nakakapagtubos sa tao at nakakapagpatawad sa mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang nila ay na Siya’y banal at walang-sala, na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala na siyang magiging kaunawaan sa iba pa. Kaya ang bawa’t kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa ilang mga aspeto, ang Kapanahunan ng Biyaya sa ilang mga aspeto, at ganoon din ang kapanahunang ito sa ilang mga aspeto. Ang disposisyon ng Diyos ay maibubunyag lamang nang lubusan sa pamamagitan ng kombinasyon ng lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman ng tao ang lahat ng tatlong yugto saka magagawa ng tao na tanggapin ito nang buo. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring kaligtaan. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Diyos sa ilalim ng kautusan, at ang pagtatapos ng Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nagpapakita na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng mga ito ay mga konklusyon na binuo ng tao. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating na sa katapusan, nguni’t hindi mo masasabi na ang Diyos ay para lamang sa krus at na ang krus ay kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, binibigyan mo ng pakahulugan ang Diyos. Sa yugtong ito, ang Diyos higit sa lahat ay gumagawa ng gawain ng salita, nguni’t hindi mo maaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang lahat ng nadálá Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob-na-pananaw sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. Pagkatapos lamang na maganap ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuang disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon lamang darating sa pagtatapos.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)”

Kung ikaw ay may malinaw na kaalaman sa tatlong mga yugto ng gawain—na sa madaling salita, sa buong plano ng pamamahala ng Diyos—at kung kaya mong lubusang iugnay ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa pangkasalukuyang yugto, at makikitang ito ay gawaing ginawa ng isang Diyos, kung gayon hindi ka magkakaroon ng mas matibay na saligan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong mga yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo, at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa pangalan Niya—na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa umpisa hanggang sa ngayon.

mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos”