Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang mga Karne, Pinagmumulan ng Tubig at mga Halamang Gamot na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan

92

Ang mga butil, mga prutas at gulay, at ang lahat ng klase ng mga mani ay lahat pagkaing walang karne. Kahit na ang mga ito ay mga pagkaing walang karne, mayroon silang sapat na mga sustansiya upang punan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: “Ang pagbibigay ng mga ito sa sangkatauhan ay sapat na. Maaaring kainin na lamang ng sangkatauhan ang mga ito.” Hindi tumigil ang Diyos doon at bagkus ay naghanda ng mga bagay na mas masarap pa ang lasa para sa sangkatauhan. Ano ang mga bagay na ito? Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na makikita at makakain ng karamihan sa inyo. Mayroong maraming uri ng karne at isda na inihanda ng Diyos para sa tao. Ang lahat ng isda ay nabubuhay sa tubig; ang pagkakahabi ng kanilang karne ay kaiba kaysa sa karne na pinatubo sa ibabaw ng lupa at maaaring magbigay ang mag ito ng iba’t ibang mga sustansya sa sangkatauhan. Ang mga katangian ng isda ay maaari ding magsaayos ng lamig at init sa mga katawan ng tao, kaya ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Ngunit kung ano ang masarap ay hindi maaaring abusuhin. Ito ay pareho pa ring kasabihang: Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng tamang dami sa tamang oras, upang maaaring mamuhay ang mga tao nang normal at maayos na matamasa ang mga bagay na ito ayon sa panahon at oras. Ano ang kasama sa mga manok? Ang manok, pugo, kalapati, atbp. Maraming tao rin ang kumakain ng itik at gansa. Kahit na naghahanda ang Diyos ng mga ganitong uri ng karne, may ilang pangangailangan ang Diyos sa Kanyang hinirang na mag tao at ipinagbawal ito sa isang partikular na saklaw sa Kapanahunan ng Kautusan. Ngayon ang saklaw na ito ay ayon sa indibidwal na panlasa at personal na pagkakaunawa. Ang iba’t ibang uri ng mga karneng ito ay nagbibigay sa katawan ng tao ng iba’t ibang sustansya, na kayang punuing muli ang protina at iron, pinagyayaman ang dugo, pinapalakas ang mga kalamnan at mga buto, at nagbibigay ng mas maraming enerhiya. Kahit anong paraan ang gamit ng tao upang lutuin at kainin ang mga ito, sa madaling salita, ang mga bagay na ito ay maaaring sa kabilang banda tulungan ang mga taong mapagbuti pa ang mga lasa at mga gana, at sa kabilang banda ay punan ang kanilang mga sikmura. Ang pinakamahalagang bagay ay kaya ng mga itong bigyan ang katawan ng tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa nutrisyon. Ang mga ito ay konsiderasyon na mayroon ang Diyos noong inihanda Niya ang pagkain para sa sangkatauhan. Mayroong mga pagkaing walang karne pati na rin mga karne—hindi ba ito mayaman at marami? Ngunit kailangang maunawaan ng mga tao kung ano ang mga orihinal na pakay ng Diyos noong Kanyang inihanda ang lahat ng pagkain ng sangkatauhan. Ito ba ay upang hayaan ang sangkatauhan na tamasahin nang buong kasakiman ang mga materyal na mga pagkaing ito? Ano kaya kung nagpapakasawa ang mga tao sa materyal na kasiyahan na ito? Hindi ba sila magiging masyadong malusog? Hindi ba ang pagiging labis na malusog ay nagdadala ng lahat ng uri ng mga karamdaman sa katawan ng tao? (Oo.) Ito ang dahilan kung bakit naglalaan ang Diyos ng tamang dami sa tamang oras at hinahayaang tamasahin ng mga tao ang iba’t ibang mga pagkain ayon sa iba’t ibang mga oras at panahon. Halimbawa, matapos dumaan sa napakainit na tag-init, makakakolekta ang mga tao ng kaunting init, likas na pagkatuyo at pamamasa sa kanilang mga katawan. Kapag dumating ang taglagas, maraming uri ng mga prutas ang mahihinog, at kapag kumain ang mga tao ng ilang prutas, ang kanilang pamamasa ay mawawala. Sa parehong panahon, ang mga baka at tupa ay lalaki nang malusog, kaya dapat kumain ang mga tao ng kaunting karne bilang nutrisyon. Matapos kumain ng iba’t ibang uri ng karne, ang mga katawan ng tao ay magkakaroon ng enerhiya at ang init ay tutulungan silang makayanan ang lamig ng taglamig, at bilang isang resulta, makakayanan nilang malampasan ang taglamig nang mapayapa. Ang oras sa paghahanda ng anumang bagay para sa sangkatauhan, at ang oras ng pagpapahintulot sa anumang bagay para tumubo, mamunga, at mahinog—ang lahat ng ito ay kinokontrol at pinamamahalaan ng Diyos nang lubos ang pagkatantiya. Ito ang paksa tungkol sa “paano naghanda ang Diyos ng pagkain na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.” Bukod sa lahat ng uri ng mga pagkain, nagbibigay din ang Diyos sa sangkatauhan ng mga pinagmumulan ng tubig. Kailangang uminom ng tubig ng tao matapos kumain. Ang pagkain ba ng prutas ay sapat? Hindi kakayanin ng mga tao na kumain lamang ng prutas, at bukod pa rito, walang prutas sa ibang mga panahon. Kung gayon, paano maaaring masolusyunan ang problema ng sangkatauhan sa tubig? Sa pamamagitan ng paghahanda ng Diyos ng maraming pinagmumulan ng tubig sa ibabaw ng lupa at sa ilalim nito, kasama na ang mga lawa, mga ilog, at mga bukal. Ang mga pinanggagalingan ng tubig na ito ay maaaring inuman sa mga kalagayang walang anumang kontaminasyon, o pagproseso ng tao o pinsala. Ibig sabihin, kaugnay ng mga pinagmumulan ng pagkain para sa buhay ng mga pisikal na katawan ng sangkatauhan, gumawa ang Diyos ng napakatiyak, napaka-eksakto, at napaka-angkop na mga paghahanda, upang ang mga buhay ng tao ay maging mayaman at masagana at hindi kapos sa kahit ano. Ito ay isang bagay na maaaring maramdaman at makita ng tao.

Ang mga Karne, Pinagmumulan ng Tubig at mga Halamang Gamot na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan

Dagdag pa rito, sa lahat ng bagay, lumikha ang Diyos ng ilang halaman, mga hayop, at lahat ng uri ng mga damo na partikular na nagagamit para sa pangangalaga ngmga pinsala at paggamot ng mga karamdaman ng mga tao. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kung ikaw ay napaso o aksidenteng nabanlian ng mainit na tubig? Maaari mo bang buhusan ito ng tubig? Maaari ka bang makahanap lamang ng isang pirasong tela kahit saan at balutin ito? Maaari nitong mapuno ng nana o maimpeksiyon sa ganoong paraan. Halimbawa, kung magkaroon ka ng lagnat, mahawa ng sipon, masaktan sa pinsalang mula sa pisikal na gawain, isang sakit sa tiyan mula sa pagkain ng hindi tamang pagkain, o pag-usbong ng ilang karamdaman buhat ng mga kaugalian ng pamumuhay o mga emosyonal na mga isyu, gaya ng mga karamdaman sa ugat, mga kondisyon sa pag-iisip o mga sakit ng mga lamang-loob—mayroong mga kaukulang halaman upang gamutin ang lahat ng ito. Mayroong mga halaman na nagpapabuti ng daloy ng dugo upang tanggalin ang pagwawalang-kilos, tanggalin ang sakit, pigilin ang pagdudugo, magbigay ng pampamanhid, tulungan ang mga tao na mabawi ang normal na balat, alisin ang pagbara ng dugo sa katawan, at alisin ang mga lason mula sa katawan. Sa madaling salita, ang lahat ng ito ay maaaring gamitin sa pang-araw-araw na buhay. May gamit ang mga ito sa mga tao at inihanda ang mga ito ng Diyos para sa katawan ng tao sakaling kailanganin. Ang ilan sa mga ito ay pinahintulutan ng Diyos na hindi sinasadyang matuklasan ng tao, habang ang iba ay natuklasan mula sa ilang espesyal na mga kababalaghan o sa pamamagitan ng ilang tao na inihanda ng Diyos. Kasunod ng kanilang pagkakatuklas, ipapasa ito ng sangkatauhan, at sa gayon ay maraming tao ang makakaalam tungkol sa mga ito. Sa ganitong paraan, ang paglikha ng Diyos sa mga halamang ito ay may halaga at kahulugan. Samakatuwid, lahat ng bagay na ito ay mula sa Diyos at inihanda at itinanim noong lumikha Siya ng isang kapaligirang tinitirahan para sa sangkatauhan. Lahat ng bagay na ito ay lubos na kailangan. Ang mga konsiderasyon ba ng Diyos ay mas pinag-isipan nang mabuti kaysa sa inisip ng sangkatauhan? Kapag iyong nakikita ang lahat ng ginawa ng Diyos, nararamdaman mo ba ang praktikal na panig ng Diyos? Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan nang masaya sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila, nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit, at hindi magkulang sa kahit ano. Nagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaugnay na Content