Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Kinakailangang Kaalaman Ukol sa Gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

21

Ang Kinakailangang Kaalaman Ukol sa Gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Pagkatapos mabasa ang mga salita tungkol sa kabuluhan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kung taimtim mong mabubulay ang mga ito, tiyak na magagawa mong magkamit ng ilang kaalaman at pagkaunawa ukol sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Kung mababasa mo ang aklat na, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa panahon ng Kanyang gawain sa mga huling araw sa kabuuan nito at mararanasan ang ilang mga taon ng Kanyang gawain sa mga huling araw, tiyak na tiyak na magagawa mong tunay na maunawaan na ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay paghatol at pagkastigo upang ganap na iligtas ang sangkatauhan. Sa pamamagitan nito, makapagtatamo ka ng kaligtasan at magiging perpekto.

Upang maunawaan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, dapat munang maging malinaw sa iyo kung bakit Niya ginagawa ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Pagkatapos mabuo ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang lahat ng mga hinirang ng Diyos ay makalalapit sa harap ng Panginoong Jesus, umamin sa kanilang mga kasalanan at magsisi, at mapatatawad. Matatamasa rin nila ang napakaraming biyaya na ipagkakaloob sa kanila ng Diyos, ngunit walang isa mang tao ang nagawang maitakwil ang mga hadlang at ang mga tanikala ng kanilang makasalanang kalikasan pagkatapos na gawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang bawat isa ay nagpatuloy na magkasala kahit pagkatapos tanggapin ang Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas at sa pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan. Nabuhay sila sa paulit-ulit na siklo ng pagkakasala at pagkilala sa kanilang mga kasalanan. Kaya naman, bagamat lahat yaong tinubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad sa kanilang mga kasalanan at tinamasa nila ang lahat ng biyaya na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos, ganap nilang hindi nagawang maitakwil ang mga hadlang at mga tanikala ng mala-demonyong kalikasan na nag-aakay sa sangkatauhan sa pagiging mapagkasala. Iyon ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga tao ay humihiyaw sa kapighatian: “Ako ay miserableng tunay! Ano ang aking magagawa upang maitakwil sa wakas ang mga hadlang ng aking mala-demonyong kalikasan at matamo ang tunay na kaligtasan?” Malinaw na walang paraan ang tiwaling sangkatauhan ukol sa paglutas sa kanilang makasalanang kalikasan, at walang sinuman ang makapagpapalaya sa kanilang mga sarili sa kontrol ng kanilang sariling mala-demonyong makasalanang kalikasan. Wala silang lahat magagawa kundi ang magkasala nang madalas at mabuhay sa gitna ng kasalanan, na siyang dahilan kung bakit bagamat ang mga kasalanan ng tiwaling sangkatauhan ay pinatawad na, hindi nila nagagawang isabuhay ang normal na pagkatao, kaya paano nila posibleng maisabuhay ang isang normal na buhay ng tao? Ito ang totoong karanasan ng lahat ng mga hinirang ng Diyos na tumanggap sa gawain ng pagtubos ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw ay ang gawain ng ganap na pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan mula sa kanilang mala-demonyong makasalanang kalikasan at pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga katotohanan ng paghatol at pagkastigo upang ganap na iligtas ang sangkatauhan. Hindi lamang Niya ginagamit ang katotohanan ng Kanyang mga salita upang ilantad at hatulan ang kakanyahan ng mala-demonyong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan at ang katotohanan sa kanilang katiwalian, ngunit ginagamit rin Niya ang mga pamamaraan ng pagpungos at pakikitungo at mga pagsubok at kapinuhan upang lutasin at baguhin ang mala-demonyong disposisyon ng mga tao. Nagtutulot ito sa tiwaling sangkatauhan na tunay na mapagtanto ang kanilang sariling mala-demonyong kalikasan at ang katotohanan ng kanilang katiwalian, at upang totoong makita na ang tiwaling sangkatauhan ay talagang puno ng mala-demonyong mga disposisyon gaya ng pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam, panlilinlang at kalikuan, kasakiman at kasamaan at sawang-sawa na sa katotohanan. Sa pamamagitan ng pagiging pinungos at pinakitunguhan, at sa pamamagitan ng mga pagsubok at kapinuhan, maaaring maunawaan ng mga tao ang katotohanan at malaman ang gawain ng Diyos, na bumubuo sa kanilang mga pananaw sa mga usapin, pananaw sa buhay, at mga pagpapahalaga na sumailalim sa isang pangunahing pagbabago, at iyon ay susundan ng isang pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ang lahat ng ito ay ang ibinunga ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at ang pagbabago na idinulot nito ay higit na mas malaki kaysa sa kung ano ang idinulot ng pagpapatawad ng kasalanan pagkatapos ng paniniwala sa Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Sapat ito upang patunayan na tanging ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng ganap na pagliligtas sa sangkatauhan. Maliban dito wala ng iba pang landas para sa tiwaling sangkatauhan upang ganap na makalaya mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas at at totoong makabaling tungo sa Diyos, sundin Siya, at makamit Niya upang matamo ang ganap na kaligtasan.

Ang sangkatauhang lubos na ginawang tiwali ay dapat sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos bago sila maaaring mailigtas. Ito ay dahil sa ang mga tao ay lubos na ginawang tiwali at sila ay ganap na sinakop ng kaalaman at ng mga pilosopiya ni Satanas at sila ay puno ng mala-demonyong mga disposisyon. Sa pamamagitan lamang ng pamamaraan ng paghatol at pagkastigo magagawa ng Diyos na dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, kung kaya sa pagpapaunlad sa Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, ipinahayag muna Niya ang katotohanan upang lupigin ang sangkatauhan. Kapag ginagamit ng Diyos ang katotohanan upang ganap na lupigin ang tiwaling sangkatauhan at sila ay tunay na kumbinsido, sa gayon lamang nila makikita ang Kanyang totoong anyo, at sa gayon lamang nila magagawang yumuko sa harap ng Diyos at magiging lubos na nagsisisi. Sa panahong iyon, makikita nila sa wakas na tunay na sila ang mga tao na lumalaban sa Diyos at dahil doon malalaman nila ang kanilang sariling kapalaluan at pagmamataas, na tiyak na wala talagang lugar para sa Diyos sa kanilang mga puso, talagang hindi nila isinasabuhay ang larawan ng isang tao, at sila ay tunay na lubos, masyadong kahabag-habag na ginawang tiwali ni Satanas. Pagkatapos lamang na ang sangkatauhan ay malupig ng mga salita ng Diyos saka lamang nila maaaring tunay na maunawaan ang katunayan at ang mahalagang kalikasan ng kanilang katiwalian ni Satanas, at sa gayon lamang nila totoong makikilala na pagkatapos maniwala sa Diyos sa loob ng isang relihiyon sa loob ng lahat ng mga taong iyon, wala silang naunawaan maliban sa ilang kaalaman mula sa Biblia at ilang mga liham at mga doktrina, at na hindi nila taglay ang realidad ng katotohanan sa anumang paraan. Sila ay tunay na aba, kahabag-habag, bulag, at hubad. Sa panahon lamang na iyon makapagsisimula ang mga tao na maging tahimik sa harap ng Diyos, pormal na tatanggapin at susundin ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at simulang pasukin ang tamang landas sa pananampalataya sa Diyos. Ito ang unang kalalabasan ng paglupig na natamo ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kagaya lamang ito ng sa Kapanahunan ng Kautusan, nang si Job ay sumasailalim sa mga pagsubok at pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos, siya ay ganap na nilupig. Kung ang mga tao ay nilupig ng mga salita ng Diyos saka lamang sila magiging mga tao na kinikilala at tinatanggap ang katotohanan, at sa gayon ay makapapasok sila sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos at maging mga tao na may kakayahang maligtas. Lahat niyaong nakakaya pa ring ikaila at kapootan ang katotohanan at magiging mga kaaway ng Diyos kahit pagkatapos makarinig ng marami sa Kanyang mga salita ay nabibilang sa kategorya ng mga anticristo. Tunay na walang paraan para sa kanila na maligtas, at ang mga taong iyon ay ang magiging mga pakay ng pag-aalis at kaparusahan. Ang kaligtasan ay dapat maitayo sa saligan ng pagiging nilupig ng mga salita ng Diyos. Kagaya lamang ng sinabi ng Diyos: “Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig.” (Ang Kahulugan ng Tunay na Tao). “Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pamamagitan ng paghayag ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na katangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya.”(“Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”).

Ito ang mga paunang resultang nakamit ng gawaing paghatol at pagkastigo ng Diyos, ibig sabihin, ang mga resulta ng Kanyang gawaing paglupig. Ang pagpeperpekto ng Diyos sa mga tao ay nakabase sa pundasyon ng paglupig sa kanila, at kung nagagawang hanapin ng mga taong nalupig ang katotohanan at nasusunod ang lahat ng gawaing paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakapagsimula na silang humakbang patungo sa landas na pagkaligtas at pagkaperpekto. Dapat maliwanan ang lahat na ang masamang sangkatauhan ay mayabang, mapagmataas, walang kinikilalang batas, at wala sa katwiran dahil lamang sa hindi pa sila nalulupig kailanman. Lubos silang walang pagkaalam sa sarili at tinanggihan at nilabanan na nila ang Diyos nang ganito kahibang, kaya sa pagdanas lamang ng paghatol at pagkastigo ng Diyos maaaring mapadalisay at maligtas ang masamang sangkatauhan. Ito rin ang tanging landas para maligtas at magawang perpekto ang masamang sangkatauhan.

Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa masamang sangkatauhan ay lubos na naghahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon, at nagbibigay ito sa kanila ng magandang pagkakataong makilala ang Diyos. Kung hindi nila daranasin ang Kanyang paghatol at pagkastigo, hinding-hindi nila malalaman ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag naranasan na nila ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang katuwiran, kamahalan, at galit, at saka lang nila madarama ang katotohanan na hindi papayagan ng Kanyang disposisyon ang anumang mga paglabag, at mararanasan mismo na talagang masisiyasat ng Diyos ang kaloob-looban ng mga tao at mababantayan ang lahat ng nasa puso nila, na alam na alam Niya ang masasamang diwa at kademonyohan ng mga tao, at nauunawaan din ang pagiging makapangyarihan at ang karunungan ng Diyos. Dahil matatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, makakamit nila ang tunay na kaalaman tungkol sa Kanyang disposisyon at diwa, at sa gayo’y matatamo ang Kanyang pagliligtas at pagpeperpekto. Malinaw na ang proseso ng pagliligtas sa masamang sangkatauhan ay ang proseso ng pagkilala sa pagpapakita ng Diyos, at ito ang proseso ng pagkaalam sa Kanyang matuwid na disposisyon.

May tuwirang kaugnayan sa pagitan ng pagtatamo ng kaligtasan at pagiging perpekto ng masamang sangkatauhan, at ng matuwid na disposisyon ng Diyos na naihayag Niya sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Tanging dahil sa pagkaalam sa matuwid na disposisyon ng Diyos at pagkilala sa Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan, natutong matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan ang Kanyang mga hinirang na tao, at partikular na nagmula iyon sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos at sa kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya kaya naunawaan nila ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Ito ang dahilan kaya malaki ang ipinagbago ng pananaw ng mga tao sa mga bagay-bagay, sa buhay, at sa kanilang mga pagpapahalaga, unti-unting nagkaroon ng pagbabago ang disposisyon nila sa buhay. Totoong nangyari ito na hindi maikakaila ninuman, at tulad ito ng sinabi ng Diyos:

Nakita ng mga tao ang Kanyang disposisyon dahil sa Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol, at sa gayon ay iginagalang nila Siya sa kanilang mga puso. Ang Diyos ay dapat igalang at sundin, sapagka’t ang Kanyang kabuuan at Kanyang disposisyon ay hindi tulad sa nilikhang tao, at mas mataas ang mga ito kaysa nilikhang tao. Ang Diyos ay isang hindi-nilikhang kabuuan, at Siya lamang ang nararapat sa paggalang at pagpapasakop; hindi nararapat ang tao para rito” (mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao”).

Ang Aking pagkamatuwid, kamahalan at paghatol ay mananatili magpakailan kailanman. Noong una, Ako ay mapagmahal at mahabagin, ngunit hindi ito ang disposisyon ng Aking ganap na pagka-Diyos; ang pagkamatuwid, kamahalan at paghatol ay ang disposisyon Ko lamang—ang ganap na Diyos Sarili Niya” (mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula).

Ang pagkamatuwid ay kabanalan, at isang disposisyon na hindi nagpapabaya sa pagkakasala ng tao, at lahat nang marumi at hindi nabago ay ang tampulan ng poot ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi batas, kundi isang utos ng pangasiwaan: Ito ay utos ng pangasiwaan sa kaharian, at ang utos na ito ng pangasiwaan ay ang matuwid na kaparusahan sa sinumang hindi nagtataglay ng katotohanan at hindi nababago, at walang patagana para sa kaligtasan” (mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol”)

Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagka-perpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamatuwid, matinding galit, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagka-perpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol” (mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos”).

Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong kapinuhan at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang makatuwirang paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong kapinuhan ay nang upang linisin ang tao, ang masasakit na mga salita at ang pagtutuwid ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan” (mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao”).

Opisyal nang sinimulan ng Diyos ngayon ang pagperpekto sa mga tao. Upang gawing ganap, kailangang sumailalim ang mga tao sa pagbubunyag, paghatol, at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at maranasan ang mga pagsubok at kapinuhan ng Kanyang mga salita (kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo). Bilang karagdagan, kailangang magawang matagalan ng mga tao ang pagsubok ng kamatayan. Iyon ay, ang sinuman na tunay na ipinatutupad ang kalooban ng Diyos ay nagagawang maglabas ng papuri mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso sa gitna ng paghatol ng Diyos, pagkastigo, at mga pagsubok, at nagagawang lubos na sundin ang Diyos at kalimutan ang mga sarili, kaya iniibig ang Diyos na may isang puso ng katapatan, may isang paninindigan, at kadalisayan; ang gayon ay isang taong ganap, at ito rin ang gawain na gustong gawin ng Diyos, at siyang kung anong gustong isakatuparan ng Diyos” (mula sa “Tungkol sa Mga Hakbang ng Gawain ng Diyos”).

Nakarating dito sa pinakamaruming lupain ng kasamaan ang Diyos ng langit, at hindi kailanman ibinulalas ang kanyang mga hinaing, o nagreklamo tungkol sa tao, bagkus ay tahimik na tinatanggap ang mga pamiminsala[1] at pang-aapi ng tao. Hindi Siya kailanman gumanti sa hindi-makatwirang mga hinihingi ng tao, hindi Siya kailanman humingi nang labis sa mga tao, at hindi Siya kailanman gumawa ng hindi-makatwirang mga paghingi sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat ng mga gawain na kinakailangan ng tao nang walang reklamo: pagtuturo, pagliliwanag, pagsaway, pagpipino ng mga salita, pagpapaalala, panghihikayat, pang-aaliw, paghatol at pagbubunyag. Alin sa Kanyang mga hakbang ang hindi naging para sa buhay ng tao? Kahit naalis Niya ang mga inaasam-asam at kapalaran ng tao, alin sa mga hakbang na isinakatuparan ng Diyos ang hindi para sa kapalaran ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng pananatiling buháy ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para palayain ang tao mula sa paghihirap at pang-aapi ng maitim na pwersa ng kadiliman na kasing-itim ng gabi? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng tao? Sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos, na tulad ng isang mapagmahal na ina? Sino ang maaaring makaabot sa sabik na puso ng Diyos?”(mula sa “Gawa at Pagpasok (9)”).

Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ano ang dala nito sa iyong laman? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ang iyong laman ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos, at hindi ka rin maaaring mag-ukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay ginagawang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon” (mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos”).

Kahit na ikaw ay nagdurusa ng ilang pasakit at kapinuhan ngayon dahil sa paghatol, ang pasakit na ito ay mahalaga at makabuluhan. Kahit na ang pagkastigo at paghatol ay mga kapinuhan at walang-awang pagsisiwalat sa tao, na layong parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay nilalayong isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding pagsisiwalat na ito ng salita ay lahat para sa layuning akayin ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo naakay sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong mamuhay ng isang normal na pagkatao; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang matamo ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa iyong aktwal na katayuan, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilagay sa inyo. Kahit na hindi mo makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila ikaw ay pinahihirapan Ko, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya ikaw ay kinakastigo at hinahatulan Ko araw-araw at dinudusta ka araw-araw ay dahil namumuhi Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay pagkastigo at paghatol, sa katunayan itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay malaking proteksiyon para sa iyo” (mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)”).

Ang Aking katuwiran, kamahalan at paghatol ay hindi nagpapakita ng awa kay Satanas. Ngunit para sa inyo, ang mga ito ay magliligtas sa inyo, ngunit wala lang kayong kakayanang unawain ang Aking disposisyon, ni ang malaman ang mga prinsipyo sa likod ng Aking mga kilos” (mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula).

Sa katapusan, susunugin Niya ang lahat ng marumi at hindi-matuwid sa kalooban ng mga tao sa buong sansinukob, upang ipakita sa kanila na hindi lamang Siya isang maawain at mapagmahal na Diyos, hindi lamang Diyos ng karunungan at mga kababalaghan, hindi lamang isang banal na Diyos, kundi higit pa rito, isang Diyos na humahatol sa tao. Sa mga masásámâ sa gitna ng sangkatauhan, Siya ay pagsunog, paghatol, at parusa; sa mga gagawing perpekto, Siya ay kapighatian, pagpipino, at pagsubok, pati na rin kaaliwan, pagpapanatili, pagkakaloob ng mga salita, pakikitungo, at pagpupungos. At sa mga natanggal, Siya ay kaparusahan at maging kagantihan” (mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao”).

Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa pinakamaralita at pinakamaruming lugar na maaari Niyang ibunyag ang kabuuan ng Kanyang banal at matuwid na disposisyon. At sa paanong paraan binubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon? Sa pamamagitan paghatol sa mga kasalanan ng mga tao, paghatol kay Satanas, pagkasuklam sa mga kasalanan, at pagkamuhi sa Kanyang mga kaaway na naghihimagsik at kumakalaban sa Kanya” (mula sa “Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig”).

Kakastiguhin Ko ang bawa’t isang isinilang Ko na hindi pa Ako nakikilala para ipakita ang lahat ng Aking poot, ipakita ang Aking dakilang kapangyarihan, at ipakita ang Aking lubos na karunungan. Sa Akin ang lahat ay matuwid at lubusang walang di-pagkamatuwid, walang pandaraya, at walang kalikuan; sinuman ang likô at mandaraya ay dapat na maging anak ng impiyerno—dapat maipanganak sa Hades. Sa Akin lahat ay lantad; anuman ang Aking sabihing tutuparin ay natutupad at anumang Aking sabihing itatatag ay naitatatag, at walang sinumang makapagbabago o makagagaya sa mga bagay na ito dahil Ako ang nag-iisa at tanging Diyos Mismo” (mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula).

Dahil sa mga paghatol na ito kaya nagagawa ninyong makita na ang Diyos ay isang Diyos na matuwid, na ang Diyos ay ang Diyos na banal. Dahil sa Kanyang kabanalan at pagiging matuwid kaya Niya kayo hinatulan at dumalaw ang Kanyang matinding galit sa inyo. Sapagkat maaari Niyang ibunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita ang pagiging rebelyoso ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ibunyag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito upang ipakita na Siya ay Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit naninirahan din sa lupaing marumi”(mula sa “Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig”).

Ako ay makatarungan, ako ay matapát, ako ang Diyos na sinusuri ang kaibuturan ng puso ng tao!” (mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula).

Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ang lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?” (mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”).

Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga humahadlang sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito’y titigil sa pag-iral” (mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan”).

Nais Kong makita ng bawa’t isang tao na ang lahat ng nagawa Ko ay tama, at ang lahat ng nagawa Ko ay kapahayagan ng Aking disposisyon; hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng kalikasan, na nagbunga ng sangkatauhan. Bagkus, Ako ang nag-alaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at sasailalim sa hampas ng kalamidad. Walang taong makakakitang muli kahit kailan ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo; ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan” (mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan”).

Ang larawan ng Diyos ay hindi ipinakilala sa tao sa pamamagitan ng nagkatawang-taong larawan, ngunit sa halip ay sa pamamagitan ng gawain na natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa larawan at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang gawain, ang Kanyang larawan ay ipinapakita at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kahalagahan ng gawain na nais Niyang gawin sa katawang-tao” (mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)”).

Ang inihahayag Niya sa karamihan ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang mga gawa, at hindi ang larawan ng Kanyang katawan nang dalawang beses Siyang naging katawang-tao, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang na makita sa Kanyang disposisyon, at hindi pinalitan ng larawan ng Kanyang naging-taong katawan. ... Ang ipinapakita sa karamihan ay ang pagkamatuwid ng Diyos at ang Kanyang disposisyon sa kabuuan nito, sa halip na ang Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Hindi ito ang nag-iisang larawan na ipinapakita sa tao, o ang dalawang imaheng pinagsama” (mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)”).

Kitang-kita mula sa mga pamamaraan ng paggawa ng Diyos sa paghatol at pagkastigo para lubos na iligtas at gawing perpekto ang mga tao sa mga huling araw na lubos na naisasagawa ang Kanyang pagliligtas at pagpeperpekto sa mga tao sa pamamagitan ng paghahayag sa Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag lubos nang nahayag ang Kanyang disposisyon ng katuwiran, kamahalan, paghatol, at galit, likas na kikilos ang tiwaling sangkatauhan ayon sa sarili nilang uri. Lahat ng nagmamahal sa katotohanan at tumatanggap dito ay matatanggap at masusunod ang gawaing paghatol at pagkastigo ng Diyos, at sa gayo’y magtatamo sila ng kaligtasan at magagawang perpekto. Lahat ng nasusuklam at namumuhi sa katotohanan, siyempre, ay lalabanan, tatanggihan, at tutuligsain si Cristo, at tatanggihan nila ang gawaing paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Partikular na, karamihan sa mga lider at pastor mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon ng mga relihiyon ay magiging mga puwersa ng anticristo na lumalaban at kumokontra kay Cristo. Kaya nga ilalantad at pupuksain sila, at sa huli ay parurusahan. Magiging mga pakay sila ng paghatol ng Diyos sa kasukdulan ng Kanyang galit. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay lubos na nagpapakita na kung saan may kasamaan, kailangang hatulan, at kung saan may kasalanan, kailangang kastiguhin. Ito ang patakaran ng langit na iniutos ng Diyos at walang sinumang makakaligtas dito. Ang masamang sangkatauhan ay lumalaban at nagtataksil sa Diyos, at kung hindi Niya sila hahatulan at kakastiguhin, hindi ito papayagan ng Diyos. Kaya nga hindi mababago ang prinsipyo ng langit at di-malalabag na kalooban ng Diyos na daranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ang masamang sangkatauhan sa mga huling araw. Lubusang naging masama ang sangkatauhan. Lahat sila ay supling ni Satanas, na nagtaksil sa Diyos. Kung hindi dumapo sa kanila ang paghatol at pagkastigo ng kamahalan at galit ng Diyos, paano sila magpapatirapa sa harap Niya sa lubos na pagsuko? At paano sila magtatamo ng tunay na pagdadalisay at pagliligtas? Kaya nga ang disposisyon ng Diyos na katuwiran, paghatol, pagkastigo, at galit na inihayag sa mga huling araw ang naging pinakadakilang pagliligtas sa masamang sangkatauhan, at talagang pagpapala ito ng Diyos sa sangkatauhan. Ang paghahayag ng Diyos ng Kanyang matuwid na disposisyon sa sangkatauhan ang Kanyang tunay at lubos na pagmamahal sa tao.

Mga Talababa:
1. Ang “paninira” ay ginagamit para ilantad ang pagiging suwail ng sangkatauhan.

mula sa “Tanging Ang Tatlong Yugto ng Mga Gawain ng Diyos Ang Kanyang Ganap na Gawain Para sa Pagliligtas sa Sangkatauhan” sa Tinipong mga Sermon—Tustos para sa Buhay