Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ano ba talaga ang isang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos? At ano ang tunay na patotoo ng pananampalataya sa Diyos?

2

3. Ano ba talaga ang isang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos? At ano ang tunay na patotoo ng pananampalataya sa Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Then Job arose, and rent his mantle, and shaved his head, and fell down upon the ground, and worshipped, and said, Naked came I out of my mother’s womb, and naked shall I return thither: the Lord gave, and the Lord hath taken away; blessed be the name of the Lord” (Job 1:20-21).

“At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo. ... At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak” (Genesis 22:2, 10).

Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis” (Pahayag 14:4-5).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Si Hesus ay nagawang kumpletuhin ang komisyon ng Diyos—ang gawain na pagtubos sa sangkatauhan—dahil ibinigay Niya ang bawat pagkalinga sa kalooban ng Diyos, nang walang pansariling pagpaplano at konsiderasyon. Kaya, pati, Siya ay kapuso ng Diyos—ang Diyos Mismo, isang bagay na lubos ninyong nauunawaan. (Sa katotohanan, Siya ang Diyos Mismo na pinatotohanan ng Diyos; nabanggit ko ito dito upang gamitin ang katotohanan kay Hesus upang isalarawan ang paksa.) Nagawa Niyang ilagay ang panukalang pamamahala ng Diyos sa kalagitnaan, at laging nananalangin sa Ama sa langit at hinahangad ang kalooban ng Ama sa langit. Nanalangin siya, at sinabi: “Diyos Ama! Ganapin yaong nasa sa Iyong kalooban, at kumilos hindi ayon sa Aking mga intensyon; na Iyong gagawain alinsunod sa Iyong kagustuhan. Maaaring mahina ang tao, ngunit bakit Ka dapat mag-alala para sa kanya? Paano mangyayari na tao ang paksa ng Iyong pag-aalala, tao na tulad ng isang langgam sa Iyong kamay? Sa Aking puso, nais ko lamang na makamit ang Iyong kalooban, at nais ko ang Iyong nanaisin na Aking gawain ayon sa Iyong sariling intensyon.” Habang nasa daan ng Herusalem, nadama ni Hesus ang paghihirap, na para bagang ang isang kutsilyo ay iniikot sa Kanyang puso, subalit Siya ay walang pinaka-maliit na intensyong tumalima sa Kanyang mga salita; palaging mayroong isang malakas na puwersang humihimok sa Kanya na lumusong kung saan Siya ipapako sa krus. Sa huli, Siya ay ipinako sa krus at naging ka-anyo ng makasalanang laman, na kumukumpleto sa gawa ng pagtubos sa sangkatauhan, at umiibabaw sa posas ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, nawalan ng kapangyarihan ang kamatayan, impiyerno, at Hades, at nilupig Niya ang mga ito. Siya ay namuhay ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito palagi Niyang ginawa ang makakaya upang matupad ang kalooban ng Diyos ayon sa gawa ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinasaalang-alang ang Kanyang sariling pakinabang o kawalan, at laging isinasa-isip ang kalooban ng Diyos Ama. Kaya, matapos na Siya ay mabinyagan, sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na ayon sa kalooban ng Diyos, naglagay ang Diyos ng mabigat na pasanin ng pagtubos ng buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at pinahayo Siya na tuparin ito, at Siya ay kwalipikado at may karapatan upang makumpleto ang mahalagang gawaing ito.

mula sa “Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga naglilingkod sa Diyos ay dapat kapuso ng Diyos, sila ay dapat na minahal ng Diyos, at may kakayanan sa sukdulang katapatan sa Diyos. Di alintana kung ikaw ay kumilos sa likod ng mga tao, o sa harap ng mga ito, ikaw ay makatatanggap ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at maglaan ng pangangalaga sa bawat pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kapuso ng Diyos. Na ang mga kapuso ng Diyos na maaaring direktang magsilbi sa Kanya dahil sila ay binigyan ng mahalagang komisyon ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang tratuhin ang puso ng Diyos bilang kanila, at maging ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi nila binibigyang konsiderasyon kung sila ay aani o mawawalan ng pagkakataon: Kahit wala silang pagkakataon, at wala silang makukuha, sila ay palagiang naniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kapuso ng Diyos. Ang kapuso ng Diyos ay Kanya ring pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang maaaring magbahagi ng Kanyang pagkabalisa, at Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay masakit at mahina, natitiis nila ang mga sakit at tinatalikdan ang kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawain ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Kaya, ang mga taong ito na minamahal ng Diyos, tagapaglingkod sila ng Diyos na nagnanais ng Kanyang sariling puso, at ang mga tanging tao na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos. Kapag ikaw ay tunay na naging kapuso ng Diyos ay tiyak na mamumuno ka kasama ng Diyos.

mula sa “Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, sumumpong si Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng kanyang ginawa, at sumumpong na sumunod ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni kaunting reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, masaklap na karanasan, at ang kakulangan sa kanyang buhay, wala sa nabanggit ang kayang baguhin ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig ng Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Ang pagkastigo, paghatol, at masaklap na karanasan—may kakayanan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ay ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kabusilakan ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha.

mula sa “Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa sandaling nabanggit si Pedro, nagpuri ang lahat nang lubos…. Binigyang pansin niya hindi lamang ang pagkain at pag-inom ng Aking mga salita, kundi mas higit niyang pinanghawakan ang Aking mga layunin, at siya’y naging mahinahon at maingat sa kanyang pag-iisip upang palaging matalas sa karunungan ang kanyang espiritu, kaya Ako’y nalugod sa lahat ng kanyang ginawa. Sa ordinaryong buhay, binigyang pansin niya na maisama ang mga aral ng mga hindi nagtagumpay sa nakaraan upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili sa mas malaking hamon, dahil sa pangambang maaari siyang mahulog sa mga bitag ng kabiguan. Binigyan din niya ng masusing atensyon na maging bahagi ang pananampalataya at pagmamahal ng mga taong nagmahal sa Diyos sa lahat ng panahon. Sa ganitong paraan, hindi lamang sa mga negatibong aspeto, kundi ang higit na mahalaga, sa mga positibong aspeto ay napabilis ang progreso ng kanyang paglago, hanggang sa siya ang taong nakakilala sa Akin nang lubusan sa Aking harapan. Dahil dito, hindi na mahirap isipin kung paano niya naipagkakaloob sa Aking mga kamay ang lahat ng nasa kanya, hindi na bilang kanyang sariling panginoon maging sa pagkain, sa pagdaramit, sa pagtulog, o kung saan man siya nakatira, ngunit masaya niya Akong ginawa bilang batayan sa lahat ng mga bagay na tinatamasa niya ang Aking pagpapala. Napakaraming beses na isinailalim Ko siya sa pagsubok, na halos ikamatay na niya, ngunit kahit sa kabila ng daan-daang pagsubok, hindi siya nawalan kailanman ng pananampalataya sa Akin, o nagkaroon ng maling akala sa Akin. Kahit na nang sabihin Kong pinabayaan Ko na siya, hindi nanlupaypay ang kanyang puso o nawalan ng pag-asa, kundi nagpatuloy siya tulad nang dati upang maisakatuparan ang kanyang mga prinsipyo at maipadama ang kanyang pagmamahal sa Akin. ... Dahil sa kanyang katapatan sa Aking harapan, at dahil sa pagpapala Ko sa kanya, naging mabuting halimbawa siya at isang uliran sa sangkatauhan sa loob ng libo-libong taon.

mula sa “Ang Ikaanim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang unang dinanas ni Job ang kanyang pagsubok, kinuha sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian at lahat ng kanyang mga anak, subalit hindi siya nadapa o nagsabi ng kahit anong kasalanan laban sa Diyos bilang bunga nito. Napagtagumpayan niya ang mga tukso ni Satanas, at napagtagumpayan niya ang kanyang materyal na ari-arian at mga anak, at ang mga pagsubok ng pagkawala ng lahat ng kanyang makamundong ari-arian, na ang ibig sabihin ay nagawa niyang sumunod sa pagkuha ng Diyos sa kanya at nagbigay ng pasasalamat at papuri sa Diyos dahil dito. Ganito ang asal ni Job sa panahon ng unang tukso ni Satanas, at ganito din ang patotoo ni Job sa panahon ng unang pagsubok ng Diyos. Sa ikalawang pagsubok, iniunat ni Satanas ang kanyang kamay na makapagpadalamhati kay Job, at kahit na naranasan ni Job ang sakit na di pa niya nararanasan noon, ang kanyang patotoo ay sapat na upang kamanghaan siya ng mga tao. Ginamit niya ang kanyang katatagan ng loob, pananalig, at pagkamasunurin sa Diyos, pati na rin ang kanyang takot sa Diyos, upang muling matalo si Satanas, at ang kanyang asal at ang kanyang patotoo ay muling inayunan at pinaboran ng Diyos. Sa panahon ng tuksong ito, ginamit ni Job ang kanyang tunay na asal upang ipahayag kay Satanas na hindi kayang baguhin ng sakit ng laman ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos o alisin ang kanyang debosyon sa Diyos at takot sa Diyos; hindi niya tatalikuran ang Diyos o isusuko ang kanyang kasakdalan at katuwiran dahil nahaharap siya sa kamatayan. Ginawang duwag ng pagpupunyagi ni Job si Satanas, iniwan ng kanyang pananampalataya si Satanas na takot at nanginginig, ang pwersa ng kanyang buhay-at-kamatayan na laban kay Satanas ay nagbigay kay Satanas ng malalim na galit at hinagpis, ang kanyang kasakdalan at katuwiran ay iniwan si Satanas na walang magawa sa kanya, sukdulang iniwan ni Satanas ang kanyang paglusob sa kanya at ang mga paratang nito laban kay Job sa harap ng Diyos na Jehovah. Nangangahulugan ito na napagtagumpayan ni Job ang mundo, napagtagumpayan niya ang laman, nagtagumpay siya kay si Satanas, nagtagumpay siya sa kamatayan; siya ay ganap at lubos na isang taong pag-aari ng Diyos. Sa panahon ng dalawang pagsubok na ito, si Job ay tumayong panatag sa kanyang patotoo, at tunay na isinabuhay ang kanyang pagiging perpekto at matuwid, at pinalawak ang saklaw ng kanyang buhay na alituntunin ng takot sa Diyos at umiiwas sa masama. Matapos maranasan ang dalawang pagsubok na ito, ipinanganak ang isang Job na mas mayaman sa karanasan, at ang karanasang ito ay ginawa siyang mas ganap at magulang, ginawa siyang mas malakas, may mas matibay na paniniwala, at ginawa siyang mas may tiwala sa pagiging tama at pagiging karapat-dapat sa dangal na pinanghahawakan niya. Binigyan si Job ng pagsubok ng Diyos na Jehovah ng malalim na pag-unawa at pakiramdam sa pagmamalasakit ng Diyos sa tao, at ipinaramdam sa kanya ang kahalagahan ng pag-ibig ng Diyos, kung saan ang pag-iisip at pag-ibig para sa Diyos ay idinagdag sa kanyang takot sa Diyos. Ang mga pagsubok ng Diyos na Jehovah ay hindi lamang hindi inilayo si Job mula sa Kanya, ngunit inilapit pa ang kanyang puso sa Diyos. Nang ang sakit sa laman na tiniis ni Job ay umabot na sa sukdulan, ang pag-aalala na nadama niya mula sa Diyos na Jehovah ay nagbigay sa kanya walang pagpipilian kundi sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan. Ang ganitong asal ay hindi binalak, ngunit isang natural na paghahayag ng pagsasaalang-alang at pag-ibig ng Diyos mula sa loob ng kanyang puso, ito ay isang likas na paghahayag na nagmula sa kanyang pagsasaalang-alang at pag-ibig ng Diyos. Na ang ibig sabihin, dahil kinapopootan niya ang sarili niya, at ayaw niya, at hindi niya matiis na pahirapan ang Diyos, kaya ang kanyang pagsasaalang-alang at pag-ibig ay umabot na sa punto na hindi niya iniisip ang kanyang sarili. Sa oras na ito, itinaas ni Job ang kanyang pagsamba at pagnanasa sa Diyos at malasakit sa Diyos sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal. Kasabay nito, itinaas din niya ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos at takot sa Diyos sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal. Hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na gumawa ng anumang bagay na maaaring magdulot ng pinsala sa Diyos, hindi niya pinahihintulutan ang sarili niya ng anumang asal na makakasakit sa Diyos, at hindi niya pinayagan ang sarili niya na magdala ng anumang kalumbayan, pighati, o kahit na kalungkutan sa Diyos dahil sa sarili niyang mga kadahilanan. Sa paningin ng Diyos, kahit na si Job ay si Job pa rin ng nakaraan, ang pananampalataya, pagsunod, at takot sa Diyos ni Job ay nagdala ng ganap na kaluguran at kasiyahan sa Diyos. Sa oras na ito, nagtamo si Job ng kasakdalan na inaasahan ng Diyos na makukuha niya, siya ay naging tunay na karapat-dapat na tawaging “perpekto at matuwid” sa paningin ng Diyos. Ang kanyang matuwid na gawa ang nagpatagumpay sa kanya laban kay Satanas at nagpatibay sa kanya sa kanyang patotoo sa Diyos. Kaya ay ang kanyang matuwid na gawa ang pagperpekto sa kanya, at nagtaas sa halaga ng kanyang buhay at mangibabaw ng higit pa sa kailanman, at ginawa siyang ang unang tao na hindi na kailan man lulusubin at tutuksuhin ni Satanas. Dahil si Job ay matuwid, siya’y pinaratangan at tinukso ni Satanas; dahil si Job ay matuwid, siya ay ibinigay kay Satanas; at dahil si Job ay matuwid, siya ay nagtagumpay at tinalo si Satanas, at tumayong panatag sa kanyang patotoo. Simula noon si Job ay naging ang unang tao na hindi kailanman muling ibibigay kay Satanas, siya ay tunay na dumating sa harap ng trono ng Diyos, at nanirahan sa liwanag, sa ilalim ng mga pagpapala ng Diyos na wala ang pagmamanman o paninira ni Satanas.... Siya ay naging isang tunay na lalake sa paningin ng Diyos, siya ay napalaya....

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maaaring ikaw ay siya nang nalupig, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa pinakasukdulan hindi alintana kung mayroong anumang tagumpay, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng pagpapatotoo: ang patotoo ni Job—pagtupad hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal sa Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at siyang pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni’t hindi niya tinalikuran ang pangalan ng Jehovah. Ito ang testimonya ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o maghanap ng maluwalhating pag-asa o maluhong saloobin, at ninais lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ano ba talaga ang tunay na patotoo? Ang patotoo na sinasabi rito ay mayroong dalawang bahagi: Ang isa ay patotoo sa pagkakalupig, at ang isa pa ay patotoo sa pagiging ginawang perpekto (kung saan, likas lamang, ay patotoo kasunod ng malalaking mga pagsubok at ang mga kapighatian ng kinabukasan). Sa ibang pananalita, kung ikaw ay makapaninindigan sa panahon ng mga kapighatian at mga pagsubok, kung gayon napagtiisan mo ang ikalawang hakbang ng patotoo. Ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay ang unang hakbang ng patotoo: nagagawang makapanindigan sa bawat pagkakataon ng mga pagsubok ng pagkastigo at paghatol. Ito ang patotoo sa pagkalupig. Iyon ay dahil ang kasalukuyan ay ang panahon ng panlulupig. (Dapat mong malaman na ang kasalukuyan ay ang panahon ng gawain ng Diyos sa lupa; ang pangunahing gawain sa lupa ng nagkatawang-taong Diyos ay ang paggamit ng paghatol at pagkastigo upang lupigin ang grupo ng mga taong ito sa lupa na sumusunod sa Kanya.) May kakayahan ka man o wala sa patotoo sa pagkalupig ay hindi nakasalalay sa kung nakakasunod ka hanggang sa katapusan, higit na mahalaga, nakasalalay sa kung, habang nararanasan mo ang ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos, may kakayahan ka sa tunay na kaalaman ng pagkastigo at paghatol sa gawaing ito, at nakasalalay sa kung tunay mong nakikita ang lahat ng gawaing ito. Hindi ang pangyayari na magagawa mong mangapa kung susunod ka hanggang sa pinakadulo. Dapat kang sumuko nang kusa sa panahon ng bawat pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, dapat may kakayahan ng tunay na kaalaman ng bawat hakbang ng gawain na iyong nararanasan, at dapat matamo ang kaalaman sa, at pagkamasunurin sa disposisyon ng Diyos. Ito ang huling pagpapatotoo sa pagkalupig na kinakailangan sa iyo. Ang patotoo sa pagkalupig ay tumutukoy pangunahin sa iyong kaalaman ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang mahalaga, ang hakbang na ito ng patotoo ay sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Hindi alintana kung ano ang inyong gagawin o sasabihin sa harap ng mga tao sa mundo o yaong mga may hawak ng kapangyarihan; ang pinakamahalaga sa lahat ay kung nagagawa mong sundin ang lahat ng mga salita mula sa bibig ng Diyos at lahat ng Kanyang gawain. Kung gayon, ang hakbang na ito ng patotoo ay patungkol kay Satanas at lahat ng mga kaaway ng Diyos--ang mga demonyo at mga palaaway na hindi naniniwala na ang Diyos ay magiging laman sa ikalawang pagkakataon at dumarating upang gumawa ng lalong dakilang gawain, at tangi sa roon, hindi naniniwala sa katotohanan ng pagbabalik ng Diyos sa laman. Sa ibang pananalita, ito ay patungkol sa lahat ng mga anticristo--lahat ng mga kaaway na hindi naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos.

…………

Ang patotoo sa mga huling araw ay patotoo sa kung ikaw ay maaaring gawing perpekto o hindi--na ang ibig sabihin, ang huling patotoo ay na, pagkatanggap sa lahat ng mga salitang winiwika mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao, at nakarating sa pag-angkin ng kaalaman ng Diyos at maging tiyak tungkol sa Kanya, isinasabuhay mo ang lahat ng mga salita mula sa bibig ng Diyos, at nakakamit ang mga kalagayang hinihingi sa iyo--ang paraan ni Pedro at pananampalataya ni Job, anupa’t maaari kang sumunod hanggang kamatayan, ibigay mo nang lubos ang iyong sarili sa Kanya, at sa huli’y makakamtan ang larawan ng tao na nakaayon sa pamantayan--na nangangahulugan ang imahe ng isa na nilupig, kinastigo, hinatulan, at ginawang perpekto. Ito ang patotoo na dapat pagtiisan ng isa na sa huli ay ginawang perpekto.

mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hindi alintana kung paano ka pipinuhin ng Diyos, manatili kang puno ng pagtitiwala at hindi mawawalan ng pagtitiwala sa Diyos. Gawin mo kung ano ang dapat gawin ng tao. Ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at dapat ang iyong puso ay magawang ganap na ibalik sa Kanya at bumaling tungo sa Kanya sa bawat sandali. Ito ay isang mananagumpay. Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay.

mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. Halimbawa, kung ikaw ay may kiling tungo sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, magkakaroon ka ng mga salita na nais mong sabihin—mga salita na sa pakiramdam mo ay nakayayamot sa Diyos—nguni’t magiging mahirap ito para sa iyong kalooban, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang paglalaban sa kalooban mo: Magsasalita ba ako o hindi? Ito ang paglalaban. Kaya, sa lahat ng bagay ay may labanan, at kapag may labanan sa iyong kalooban, salamat sa iyong aktwal na kooperasyon at aktwal na pagdurusa ang Diyos ay gumagawa sa iyong kalooban. Sa kasukdulan, sa iyong kalooban makakaya mong ilagay ang pangyayari sa isang tabi at ang galit ay sadyang nawawala. Ganito ang epekto ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos. Kailangan ang pagbabayad ng isang tiyak na halaga sa iyong mga pagsisikap sa lahat ng iyong ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi mo maaaring mapasaya ang Diyos, hindi man lamang ito kalapitan sa pagpapasaya sa Diyos, at ang mga ito ay walang iba kundi walang-laman na mga kasabihan! Maaari bang masiyahan ang Diyos sa mga kasabihang ito na walang-laman? Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na kinasasaklawan, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na panindigan ang testimonya. Sa panlabas, ang mga yaon ay hindi mukhang isang malaking bagay, nguni’t kapag ang mga bagay na ito ay nangyayari ipinakikita ng mga yaon kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, ikaw ay makakapanindigan sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo isinasagawa ang pag-ibig sa Kanya, ito ay nagpapakitang ikaw ay isang taong hindi nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa! Lahat ng bagay na nangyayari sa tao ay kapag kailangan ng Diyos na sila ay manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya. Walang malaking pangyayari sa iyo sa sandaling ito, at hindi ka nagdadala ng dakilang testimonya, nguni’t ang bawa’t detalye ng iyong pang araw-araw na buhay ay kaugnay sa testimonya sa Diyos. Kung kaya mong makamit ang paghanga ng iyong mga kapatid, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi naniniwala, at humanga sa lahat na iyong ginagawa, at makitang ang lahat na ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, sa gayon ikaw ay nagpatotoo. Kahit wala kang panloob-na-pananaw at ang iyong kalibre ay mababa, sa pamamagitan ng paggawang ganap sa iyo ng Diyos, magagawa mong Siya ay bigyang-kasiyahan at pahalagahan ang Kanyang kalooban. Makikita ng iba kung ano ang dakila Niyang gawa sa mga tao na may pinakamababang kalibre. Dumarating ang mga tao sa pagkakilala sa Diyos, at nagiging mga mandaraig laban kay Satanas at matapat sa Diyos sa isang antas ng lawak. Kaya walang sinuman ang mas magkakaroon ng lakas kaysa sa grupong ito ng mga tao. Ito ang magiging pinakadakilang pagpapatotoo.

mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa huli, anong pagpapatotoo ang hihilingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa maruming lupain ngunit nagawang maging banal, at hindi na muling madumihan at may bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas ngunit inaalis ang iyong sarili sa impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ang pagpapatotoo, at katibayan ng tagumpay sa labanan kay Satanas. Magagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, ngunit iyon ba ang hinihiling ng Diyos na maabot ng tao noong nilikha Niya ang tao: karaniwang pagkatao, karaniwang pagkamakatuwiran, karaniwang pananaw, karaniwang pagpasya na mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Iyan ang pagpapatotoo na likha ng isang nilalang ng Diyos.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa sandali na ang Diyos ay maging ang buhay sa loob ng mga tao, hindi na nila magagawang talikuran ang Diyos. Hindi ba ito ang gawa ng Diyos? Wala nang mas higit pang patotoo! Gumawa ang Diyos hanggang sa isang tiyak na punto; nagsalita Siya para maglingkod ang mga tao, at makastigo, o para mamatay, at ang mga tao ay hindi umurong, na nagpapakita na sila ay nalupig ng Diyos. Ang mga taong may katotohanan ay yaong mga, sa kanilang tunay na karanasan, kayang manindigan sa kanilang patotoo, manindigan sa kanilang kalagayan, tumayo sa panig ng Diyos, nang hindi umuurong, at kung sino ang maaaring magkaroon ng karaniwang relasyon sa mga tao na umiibig sa Diyos, na, kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, ay ganap na tatalima sa Diyos, at kayang tumalima sa Diyos hanggang kamatayan. Ang iyong pagsasagawa at mga pagbubunyag sa tunay na buhay ay ang patotoo ng Diyos, sila ang pagsasabuhay ng tao at ang patotoo ng Diyos, at ito ang tunay na pagtatamasa sa pag-ibig ng Diyos; kapag ikaw ay nakaranas hanggang sa puntong ito, ang angkop na epekto ay makakamit na. Ikaw ay nagtataglay ng aktwal na pagsasabuhay, at ang bawa’t kilos mo ay hinahangaan ng iba. Ang iyong anyo ay hindi kapansin-pansin nguni’t isinasabuhay mo ang isang buhay na may sukdulang kabanalan, at kapag ipinapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ikaw ay ginagabayan at nililiwanagan ng Niya. Nagagawa mong sambitin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng mga salita mo, naibabahagi ang realidad, at marami kang nauunawaan tungkol sa paglilingkod sa espiritu. Ikaw ay disente at matuwid, ayaw sa awayan at marangal, may kakayahang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at naninindigan sa iyong patotoo kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, at ikaw ay kalmado at mahinahon kahit ano pa ang pinakikitunguhan mo. Itong uri ng tao ay tunay na nakita na ang pag-ibig ng Diyos. May mga tao na bata pa, nguni’t kumikilos sila na parang nasa kalagitnaang-edad; sila ay may isip na, mayroong katotohanan, at hinahangaan ng iba—at ang mga taong ito ang may patotoo, at ang mga kahayagan ng Diyos. Na ang ibig sabihin ay, kapag naranasan na nila hanggang sa isang tiyak na punto, magkakaroon ng isang kaunawaan tungo sa Diyos sa kanilang kalooban, kaya ang kanilang mga panlabas na disposisyon ay magiging matibay rin.

mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa panahon ng gawain ng Kanyang walang maliw na pagkakaloob at suporta sa tao, sinasabi ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang kalooban at mga kinakailangan sa tao, at ipinakikita ang Kanyang mga gawa, disposisyon, at kung ano ang meron Siya at kung ano Siya sa sangkatauhan. Ang layunin ay upang bigyan ang tao ng katayuan, at ipakamit sa mga tao ang iba’t-ibang katotohanan mula sa Diyos habang sumusunod sa Kanya—mga katotohanan na siyang mga armas na ibinigay sa tao ng Diyos upang labanan si Satanas. Ngayong siya ay nabigyang kasangkapan, dapat harapin ng tao ang mga pagsubok ng Diyos. Ang Diyos ay may maraming paraan upang subukin ang tao, ngunit bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng “kooperasyon” ng kaaway ng Diyos: Si Satanas. Na ang ibig sabihin, pagkatapos bigyan ang tao ng mga armas upang labanan si Satanas, ibinibigay ng Diyos ang tao kay Satanas at hinahayaan si Satanas na “subukin” ang katatagan ng tao. Kung makakayang makatakas ng tao sa hanay ng pakikipagbaka kay Satanas, kung kaya niyang tumakas mula sa teritoryo ni Satanas nang buhay, sa gayon ang tao ay nakalampas sa pagsubok. Ngunit kung ang tao ay mabigo na makatakas sa hanay ng pakikipagbaka kay Satanas, at sumuko kay Satanas, kung gayon hindi niya nalampasan ang pagsubok. Kahit anong aspeto ng tao ang suriin ng Diyos, ang pamantayan ng Kanyang pagsusuri ay kung ang tao ay nagpapakatatag o hindi sa kanyang patotoo kapag nilusob siya ni Satanas, at kung itinakwil ba niya o hindi ang Diyos at sumuko kay Satanas habang nasa bitag ni Satanas. Maaaring sabihin na kung maililigtas o hindi ang tao ay nakasalalay sa kung kaya niyang mapangibabawan at talunin si Satanas, at kung kaya niya o hindi na makamtan ang kanyang kalayaan ay nakasalalay kung makakaya niyang buhatin, nang mag-isa, ang mga armas na ibinigay sa kanya ng Diyos upang mapangibabawan ang pagkakatali ni Satanas, at mapasuko si Satanas at iwan siyang mag-isa. Kung mawawalan ng pag-asa si Satanas at magpapalaya ng isa, ang ibig sabihin nito ay hindi na muling susubukan ni Satanas na kunin ang taong ito mula sa Diyos, hindi na muling pararatangan at gagambalain ang taong ito, hindi na muling pahihirapan nang walang habas o lulusubin sila; tanging ang isang taong ganito ang tunay na nakamit ng Diyos. Ito ay ang buong proseso kung paano nakakamit ng Diyos ang tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Related Post

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa D...
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyo...
Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya ...
3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Norm...
2. Tunay na patotoo ba ng pananampalataya sa Diyos kung nata...