Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nangangaral at gumagawa lamang ang isang tao para sa Panginoon?

357

1. Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nangangaral at gumagawa lamang ang isang tao para sa Panginoon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37–39).

Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at siya’y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita” (Juan 14:23–24).

Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko” (Juan 8:31).

Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21–23).

Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nagmimisyon lang ang isang tao para sa Panginoon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa bawat panahon, kapag gumagawa ang Diyos sa mundo, nagbibigay Siya ng ilang salita sa tao, nagsasabi Siya sa tao ng ilang katotohanan. Nagsisilbi ang mga katotohanang ito bilang landas na susundan ng tao, ang daan na dapat lakaran ng tao, ang paraan na magbibigay-daan sa tao para matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan, at kung paano dapat isagawa at sundin ng mga tao sa kanilang mga buhay at sa kabuuan ng kanilang mga paglalakbay sa buhay. Ito ang mga dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang mga salitang ito sa tao. Ang mga salitang ito na nagbuhat sa Diyos ay dapat sundin ng tao, at ang pagsunod sa mga ito ay pagtanggap ng buhay. Kung hindi susunod ang isang tao sa mga ito, hindi niya gagawin ang mga ito, at hindi niya isinasagawa ang mga salita ng Diyos, samakatuwid hindi isinasagawa ng taong ito ang katotohanan. At kung hindi nila isasagawa ang katotohanan, kung gayon hindi sila natatakot sa Diyos at hindi nilalayuan ang kasamaan, at hindi rin nila nabibigyang-kasiyahan ang Diyos. Kung may taong hindi mabigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi nila maaaring tanggapin ang papuri ng Diyos; ang ganitong uri ng tao ay walang kalalabasan.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang paglalakad sa landas ng Diyos ay hindi tungkol sa pagsunod sa mga panuntunan sa panlabas. Sa halip, ito ay nangangahulugan na kapag nahaharap ka sa isang bagay, una sa lahat, titingnan mo ito bilang isang pagkakataon na inilaan ng Diyos, isang tungkulin na ipinagkaloob Niya sa iyo, o isang bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo, at kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat mo ring tingnan ito bilang isang pagsubok na nagmula sa Diyos. Kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat may pamantayan ka, dapat mong isipin na nagmula ito sa Diyos. Dapat mong isipin kung paano mo pakikitunguhan ang bagay na ito para matupad mo ang iyong tungkulin, at maging tapat sa Diyos; kung paano itong gawin na hindi gagalitin ang Diyos, o magkakasala sa Kanyang disposisyon.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag binabanggit ang gawain, naniniwala ang tao na ang gawain ay ang tumakbo paroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng lugar, at gumugol para sa Diyos. Bagaman ang paniniwalang ito ay tama, ito ay masyadong nakakiling sa isang panig lamang; ang hinihingi ng Diyos sa tao ay hindi lamang maglakbay paroo’t parito para sa Diyos; ito ay higit na ang ministeryo at pagtutustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatirang lalaki at babae ang hindi kailanman nakapag-isip na tungkol sa paggawa para sa Diyos kahit matapos ang napakaraming taon ng karanasan, pagka’t ang gawain ayon sa pagkaintindi ng tao ay hindi kaugma niyaong hinihingi ng Diyos. Samakatuwid, ang tao ay walang anumang interes patungkol sa gawain, at ito ang talagang dahilan kung bakit ang pagpasok ng tao ay masyadong nakakiling din sa isang panig. Lahat kayo ay dapat magsimulang pumasok sa pamamagitan ng paggawa para sa Diyos, nang sa gayon maaari ninyong mas mainam na maranasan ang lahat ng aspeto nito. Ito ang dapat ninyong pasukan. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagtakbo paroo’t parito para sa Diyos; tumutukoy ito sa kung ang buhay ng tao at kung ano ang isinasabuhay ng tao ay para matamasa ng Diyos. Tumutukoy ang gawain sa paggamit ng tao ng katapatang mayroon sila sa Diyos at sa kaalamang mayroon sila tungkol sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos at magministeryo sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at kung ano ang dapat mapagtanto ng lahat ng tao. Sa ibang salita, ang inyong pagpasok ay ang inyong gawain; humahanap kayong makapasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang kumain at uminom ng Kanyang salita nararanasan ang Diyos; ang mas mahalaga, makaya ninyo dapat na magpatotoo sa Diyos, maglingkod sa Diyos, at magministeryo at magtustos sa tao. Ito ang gawain, at ang inyo ring pagpasok; ito ang dapat tuparin ng bawat tao. Marami ang nakatuon lamang sa paglalakbay paroo’t parito para sa Diyos, at nangangaral sa lahat ng dako, nguni’t hindi binibigyang-pansin ang kanilang personal na karanasan at pinababayaan ang kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang sanhi kung bakit yaong mga naglilingkod sa Diyos ay nagiging yaong mga lumalaban sa Diyos.

—mula sa “Gawain at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ipagpalagay mo na kaya mong gumawa para sa Diyos, nguni’t hindi ka sumusunod sa Diyos, at hindi mo kayang tunay na magmahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang sa hindi natupad ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, nguni’t maisusumpa rin ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na hindi kayang sumunod sa Diyos, at isang masuwayin sa Diyos. Pinahahalagahan mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi pinahahalagahan ang pagsasagawa ng katotohanan, o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo naiintindihan o nakikilala ang Lumikha, at hindi sumusunod o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay taong likas na masuwayin sa Diyos, at kaya ang mga taong ganoon ay hindi mahal ng Lumikha.

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay may pakialam lamang sa kung paano makatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. Sa sandaling nababanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, sila ay tumatahimik at nawawalan ng lahat ng interes. Sila ay naniniwala na ang pagkaalam sa gayong kahihirap na katanungan ay hindi magpapalago ng kanilang buhay o magiging anumang pakinabang, kaya’t kahit na mayroon silang narinig na mga mensahe tungkol sa pamamahala ng Diyos, itinuturing nila ang mga iyong pangkaraniwan. At hindi nila nakikita ang mga iyon bilang isang bagay na mahalagang matanggap, mas lalong hindi nila tinatanggap ang mga iyon bilang bahagi ng kanilang mga buhay. Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang totoo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumugugol din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. Para sa kapakanan ng kanilang sukdulang layunin, binabago nila ang kanilang mga interes, binabago ang kanilang pananaw sa buhay, at binabago pa ang direksyong kanilang hinahanap, nguni’t hindi nila mababago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Nag-aabala sila para sa pamamahala ng kanilang sariling mga mithiin; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karaming mga paghihirap at balakid ang naroon sa daraanan, nananatili silang nasa panig ng kanilang mga layunin at nananatiling walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagsasanhi sa kanilang patuloy na ialay ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan? Ito ba ay ang kanilang konsensya? Ito ba ay ang kanilang dakila at marangal na katangian? Ito ba ay ang kanilang matibay na kapasiyahang makipaglaban sa mga puwersa ng kasamaan hanggang sa katapus-tapusan? Ito ba ay ang kanilang pananampalataya kung saan sila ay nagpapatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kabayaran? Iyon ba ay ang kanilang katapatan kung saan handa silang isuko ang lahat upang makamit ang kalooban ng Diyos? O ito ba ay ang kanilang espiritu ng pamamanata kung saan palagi nilang isinasakripisyo ang pansariling maluhong mga pangangailangan? Para sa mga tao na hindi kailanman nakilala ang gawain ng pamamahala ng Diyos na magbigay nang ganoong kalaki ay, sa payak na pananalita, isang nakamamanghang himala! Para sa ngayon, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunpaman, ay lubos na karapat-dapat sa ating pagsusuri. Bukod sa mga pakinabang na malapit na nakaugnay sa kanila, mayroon bang maaaring ibang dahilan para sa mga taong ito na hindi kailanman nauunawaan ang Diyos na magbigay nang napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pagitan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagbibitiw at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang look na hindi maaaring mapagdugtong. Kapag ang mga bagay-bagay ay umaabot sa puntong ito, sino ang makakayang baliktarin ang ganoong kalakaran? At gaano karaming mga tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano naging desperado ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ang mga tao ay inilubog ang kanilang mga sarili sa kagalakan ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang nakakagunita kung gaano kahiya-hiya at hindi magandang tingnan ang ganoong relasyon sa Diyos.

—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ani ng ibang tao, “Gumawa si Pablo ng napakaraming gawain, at bumalikat siya ng mabibigat na pasanin para sa mga iglesia at nag-ambag nang malaki sa mga iyon. Pinagtibay ng labintatlong kasulatan ni Pablo ang 2,000 taon ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga ito ay pangalawa lamang sa Apat na Ebanghelyo. Sino ang maihahambing sa kanya? Walang sinuman ang makakaintindi ng Pahayag ni Juan, datapwa’t ang mga sulat ni Pablo ay nagbibigay-buhay, at ang gawaing kanyang ginawa ay kapaki-pakinabang sa mga iglesia. Sino pa ang maaaring makagawa ng mga ganoong bagay? At ano ang gawaing ginawa ni Pedro?” Kapag sinusukat ng tao ang kanyang kapwa, ito ay ayon sa kanilang naging ambag. Kapag sinusukat ng Diyos ang tao, ito ay ayon sa kanyang kalikasan. Sa gitna niyaong mga naghahanap ng buhay, si Pablo ay isang tao na hindi alam ang kanyang sariling kakanyahan. Siya ay, sa kahit anong paraan, hindi mapagpakumbaba o masunurin, ni nalalaman niya ang kanyang substansya, na kasalungat sa Diyos. Kaya naman, siya ay isang taong hindi sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa ng katotohanan. Kaiba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga kakulangan, mga kahinaan, at ang kanyang tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, kaya’t nagkaroon siya ng landas ng pagsasagawa kung saan sa pamamagitan nito ay mababago ang kanyang disposisyon; hindi siya isa roon sa mga mayroon lamang ng doktrina nguni’t hindi nagtaglay ng realidad. Yaong mga nagbago ay mga bagong tao na nailigtas na, sila yaong mga may kakayahan sa paghahabol sa katotohanan. Ang mga tao na hindi nagbabago ay kabilang sa mga likas na nilipasan na; sila ay ang mga hindi nailigtas, iyon ay, yaong mga kinamuhian at itinakwil ng Diyos. Hindi sila maaalaala ng Diyos gaano man kadakila ang kanilang gawain. Kapag iyo itong ikinumpara sa iyong sariling paghahabol, kung ikaw sa kahuli-hulihan ay kapareho ng uri ng pagkatao ni Pedro o ni Pablo ay dapat na kitang-kita. Kung wala pa ring katotohanan sa bagay na iyong hinahanap, at kung kahit ngayon mapagmataas ka pa rin at walang-galang gaya ni Pablo, at bihasa pa ring magmalaki na gaya niya, kung gayon walang duda na ikaw ay isang hamak na nabibigo. Kung naghahanap ka ng kaparehas ng kay Pedro, kung naghahanap ka ng mga pagsasagawa at mga totoong pagbabago, at hindi mapagmataas o matigas ang ulo, nguni’t naghahanap na gampanan ang iyong tungkulin, kung gayon ikaw ay magiging nilalang ng Diyos na kayang magkamit ng tagumpay.

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hindi Ako makakaramdam ng habag sa inyo na nagdurusa sa maraming taon at nagpapagal nang husto nang walang napapala. Sa halip, pinakikitunguhan Ko yaong mga hindi nakatugon na sa Aking mga hinihinging kaparusahan, hindi ng mga gantimpala, lalong hindi ng anumang simpatiya. Marahil ay iniisip ninyo na bilang isang tagasunod sa maraming taon ay nagpapagal kayo anuman ang mangyari, kaya sa anupaman makakakuha kayo ng isang mangkok ng kanin sa tahanan ng Diyos sa pagiging isang taga-serbisyo. Masasabi Ko na karamihan sa inyo ay nag-iisip sa ganitong paraan sapagka’t palagi na lamang ninyong hinahangad hanggang sa ngayon ang prinsipyo ng kung paano magsamantala sa isang bagay at hindi mapagsamantalahan. Kaya sinasabi Ko sa inyo ngayon nang buong kaseryosohan: Wala Akong pakialam kung gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga kakayahan, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo nagawa na ang Aking hiningi, hindi mo kailanman makakamit ang Aking papuri. Iwaksi ang lahat ng ideyang iyon at mga pagkalkula sa lalong madaling panahon, at simulang pakitunguhan nang may kaseryosohan ang Aking mga hinihingi. Kung hindi, gagawin Kong abo ang lahat ng tao nang sa gayon ay wakasan na ang Aking gawain, at mabuti pang ipawalang-saysay ang Aking mga taon ng paggawa at pagdurusa, sapagka’t hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at mga tao na umaalingasaw sa kasamaan na huwaran ni Satanas tungo sa Aking kaharian, tungo sa susunod na kapanahunan.

—mula sa “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sasabihin ng ilang tao sa huli, “Nakagawa na ako ng napakaraming gawa para sa Iyo, at kahit na maaaring walang tanyag na mga nagawa, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako maaaring basta papasukin sa langit upang kainin ang bunga ng buhay?” Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit maaaring marami ka nang nagawa, at nakagawa na sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makakasuway rito! Kailangan mong hanapin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawat tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat ninyong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinaparusahan ay pinaparusahan nang gayon dahil sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa.

—mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaugnay na Content