Ang Disposisyon ng Diyos na Ipinahayag sa Kapanahunan ng Biyaya
Sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at marami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay ang pagtubos sa tao. At para sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may awa at pagmamahal, dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal-na-kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal-na-kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Nakaya Niyang patawarin ang mga tao sa kanilang mga kasalanan hanggang sa ganap na tinubos ng pagkakapako Niya sa krus ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong ito, nagpakita ang Diyos sa tao na may awa at mapagmahal-na-kabaitan; iyon ay, naging handog Siya para sa kasalanan ng tao at naipako sa krus para sa mga kasalanan ng tao upang maaari silang mapatawad magpakailanman. Siya ay maawain, mahabagin, matiisin, at mapagmahal. At hinangad rin ng lahat ng sumunod kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang maging matiisin at mapagmahal sa lahat ng mga bagay. Matiisin sila, at hindi kailanman lumaban kahit na sinaktan, isinumpa, o binátó.
mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao”
Kaugnay na Content
-
Ang Kaugnayan ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Isa’t isa
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos: Naisulong ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim…
-
Ang Kinakailangang Kaalaman Ukol sa Gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya
Kung nagagawa nating taimtim na bulayin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbubunyag sa kabuluhan at kakanyahan ng gawain ng Diyos sa Kapan…
-
Ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang Nilalaman at Resulta ng Gawain ng Diyos
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos: Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhi…
-
Ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang Layunin at Kabuluhan ng Gawain ng Diyos
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos: Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng …