Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Kapanahunan ng Kautusan: Ang Nilalaman at Resulta ng Gawain ng Diyos

14

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan sa pasimula, ang mga Israelita ang nagsilbing batayan ng gawain, at ang buong Israel ang batayan ng gawain ni Jehovah sa lupa. Ang gawain ni Jehovah ay upang tuwirang pangunahan at akayin ang tao sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga batas upang ang tao ay makapamuhay nang normal at sambahin si Jehovah sa isang normal na paraan sa lupa. Ang Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Isa na hindi nakikita ni nahihipo ng tao. Pinangungunahan lamang Niya ang mga tao na unang ginawang-tiwali ni Satanas, at Siya ay naroon upang turuan at akayin ang mga taong ito, kaya ang mga salitang Kanyang binitawan ay yaon lamang ng mga batas, mga kautusan, at karaniwang kaalaman sa pamumuhay bilang isang tao, at hindi kahit kailan ng mga katotohanang nagtutustos ng buhay ng tao. Ang mga Israelita na nasa ilalim ng Kanyang pangunguna ay hindi yaong mga malalim ang pagkatiwali ni Satanas. Ang Kanyang gawain ng kautusan ay ang pinakaunang yugto lamang sa gawain ng pagliligtas, ang pinakasimula ng gawain ng pagliligtas, at sa praktikal ay walang kinalaman sa mga pagbabago sa pambuhay na disposisyon ng tao.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kapanahunan ng Kautusan: Ang Nilalaman at Resulta ng Gawain ng Diyos

Nang nagsimula ang Diyos sa opisyal na gawain ng Kanyang plano sa pamamahala, naglatag Siya ng maraming alituntunin na dapat sundin ng tao. Ang mga alituntunin na ito ay hinayaan ang tao na mamuhay ng normal na buhay sa mundo, isang pangkaraniwang buhay ng tao na hindi naihihiwalay sa Diyos at sa Kanyang patnubay. Unang sinabi ng Diyos sa tao kung paano gumawa ng mga dambana, paano ilagay ang mga dambana. Pagkatapos, sinabi Niya sa tao kung paano gumawa ng mga handog, at itinatag kung paano ang tao ay dapat mabuhay—kung ano ang dapat niyang bigyang-pansin sa buhay, kung ano ang dapat niyang sundin, kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin. Ang ibinigay ng Diyos para sa tao ay sumasakop sa lahat, at sa mga kaugalian, alituntunin, at mga prinsipyo na ito ay nagbigay Siya ng pamantayan para sa pag-uugali ng mga tao, ginabayan ang kanilang mga buhay, ginabayan ang kanilang pagtanggap sa mga kautusan ng Diyos, ginabayan sila sa paglapit sa harap ng dambana ng Diyos, pinatnubayan sila sa pagkakaroon ng buhay sa lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos para sa tao na may kaayusan, kapanayan, at pagka-katamtaman. Unang ginamit ng Diyos ang mga simpleng mga alituntunin at mga prinsipyo upang magtakda ng mga hangganan para sa tao, upang sa lupa man ay magkakaroon ang tao ng isang pangkaraniwang buhay na sumasamba sa Diyos, magkakaroon ng pangkaraniwang buhay ng tao; gaya ng tiyak na nilalaman ng panimula ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehovah sa mga Israelita, at walang kaugnayan sa mga Egipcio; ang mga ito ay nilayon upang higpitan ang mga Israelita. Ginamit ng Diyos ang mga utos upang hingan sila. Kung sinunod nila ang Sabbath, kung iginalang nila ang kanilang mga magulang, kung sinamba nila ang mga diyos-diyosan, at iba pa: ito ang mga prinsipyo kung saan sila ay hinatulan na puno ng kasalanan o matuwid. Sa kanilang kalagitnaan, mayroong ilan na tinamaan ng apoy ni Jehova, may ilan na binato hanggang sa mamatay, at may ilan na tumanggap ng pagpapala ni Jehova, at ito ay pinagpasyahan ayon sa kung sila ay sumunod o hindi sumunod sa mga utos. Ang mga hindi nakasunod sa Sabbath ay babatuhin hanggang mamatay. Ang mga saserdote na hindi sumunod sa Sabbath ay tatamaan ng apoy ni Jehova. Ang mga saserdote na hindi nagpakita ng paggalang sa kanilang mga magulang ay babatuhin din hanggang mamatay. Lahat ng ito ay itinagubilin ni Jehova. Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t maraming ginawang pagbigkas si Jehova at gumawa ng maraming gawain, pinatnubayan lamang Niya ang mga tao nang positibo, tinuturuan ang mga ignoranteng tao paano maging tao, paano mamuhay, paano maunawaan ang paraan ni Jehova. Sa karamihang bahagi, ang gawain na ginawa Niya ay upang sanhiin sa mga tao na sumunod sa Kanyang daan at sundin ang Kanyang mga kautusan. Ang gawain ay ginawa sa mga taong mababaw pa ang pagkatiwali; hindi ito ipinaabot hanggang sa pagbabago ng kanilang disposisyon o pag-unlad sa buhay. Ang Kanyang pakay lamang ay ang paggamit ng mga kautusan para pigilan at kontrolin ang mga tao. Para sa mga Israelita noong panahong iyon, si Jehova ay isa lamang Diyos na nasa templo, isang Diyos na nasa mga kalangitan. Siya ay isang haliging ulap, isang haliging apoy. Ang hiningi ni Jehova sa kanila ay ang sumunod sa alam ngayon ng mga tao bilang Kanyang mga batas at utos—maaaring sabihin pa nga ng isa na mga alituntunin—dahil ang ginawa ni Jehova ay hindi nilayon para baguhin sila, kundi para bigyan sila ng mas maraming bagay na dapat magkaroon ang mga tao, para turuan sila mula sa sarili Niyang bibig, dahil pagkaraang malikha, ang tao ay walang anuman ng dapat na mayroon siya. At kaya, ibinigay ni Jehovah sa mga tao ang mga bagay na dapat nilang ariin para sa kanilang mga buhay dito sa lupa, kaya ang mga taong pinangunahan Niya ay nilagpasan pa ang kanilang mga ninuno, sina Adan at Eba, dahil ang anumang ibinigay ni Jehova sa kanila ay lumabis pa sa anumang ibinigay Niya kay Adan at Eba sa simula. Kahit na ano pa, ang gawain na ginawa ni Jehova sa Israel ay upang patnubayan lamang ang sangkatauhan at ipakilala sa sangkatauhan ang kanilang Manlilikha. Hindi Niya sila sinakop o binago, kundi pinatnubayan lamang. Ito ang kabuuan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang pinagmulan, ang totoong salaysay, ang diwa ng Kanyang gawain sa buong lupain ng Israel, at ang simula ng Kanyang anim na libong taon ng gawain—ang panatilihin ang sangkatauhan sa ilalim ng kontrol ng kamay ni Jehova. Mula dito ay ipinanganak ang mas marami pang gawain sa Kanyang anim-na libong-taong plano ng pamamahala.

mula sa “Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao