Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Kapanahunan ng Biyaya: Ang Nilalaman at Resulta ng Gawain ng Diyos

36

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Ang Kapanahunan ng Biyaya

Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal-na-kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal-na-kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Nakaya Niyang patawarin ang mga tao sa kanilang mga kasalanan hanggang sa ganap na tinubos ng pagkakapako Niya sa krus ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong ito, nagpakita ang Diyos sa tao na may awa at mapagmahal-na-kabaitan; iyon ay, naging handog Siya para sa kasalanan ng tao at naipako sa krus para sa mga kasalanan ng tao upang maaari silang mapatawad magpakailanman. Siya ay maawain, mahabagin, matiisin, at mapagmahal. At hinangad rin ng lahat ng sumunod kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang maging matiisin at mapagmahal sa lahat ng mga bagay. Matiisin sila, at hindi kailanman lumaban kahit na sinaktan, isinumpa, o binátó.

mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao”

The Lord Jesus preached among the people

Sa mga tao nang panahong iyon—sa lahat ng mga tao—kung anong mayroon si Jesus at kung ano Siya, ay kaawaan at kagandahang-loob. Hindi Niya kailanman tinandaan ang mga pagsalangsang ng mga tao, at ang Kanyang pakikitungo sa kanila ay hindi nakabatay sa kanilang mga pagsalangsang. Dahil iyon ay ibang kapanahunan, madalas Siyang magkaloob ng masaganang pagkain at inumin sa mga tao upang sila ay mangabusog. Pinakitunguhan Niya ang lahat ng Kanyang mga tagasunod nang may kabaitan, pinagagaling ang maysakit, pinalalayas ang mga demonyo, at binubuhay ang mga patay. Upang ang mga tao ay maniwala sa Kanya at makita na lahat ng Kanyang ginawa ay ginawa nang buong sigasig at katapatan, anupa’t Siya ay gumawa hanggang sa sukdulang Kanyang buhayin ang isang naaagnas na bangkay, ipinakikita sa kanila na sa Kanyang mga kamay, kahit na ang patay ay muling mabubuhay. Sa paraang ito tahimik Siyang nagtiis at ginawa ang Kanyang gawain ng pagtubos sa kanilang kalagitnaan. Bago pa man Siya ipinako sa krus, pinasan na ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Nabuksan na Niya ang daan patungo sa krus upang tubusin ang sangkatauhan bago pa man siya mapako. At sa huli ipinako Siya sa krus, isinasakripisyo ang Kanyang sarili para sa kapakanan ng krus, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng Kanyang awa, kagandahang-loob, at kabanalan alang-alang sa sangkatauhan. Palagi Siyang nagparaya sa sangkatauhan, hindi kailanman mapaghiganti, kundi pinatawad sila sa kanilang mga kasalanan, pinayuhan sila na magsisi, at tinuruan sila na magkaroon ng pagtitiyaga, pagtitiis, at pagmamahal, upang sumunod sa Kanyang mga yapak at isakripisyo ang kanilang mga sarili alang-alang sa krus. Ang Kanyang pag-ibig para sa mga kapatid na lalaki at babae ay mas higit pa kaysa sa pag-ibig Niya kay Maria. Ang prinsipyo ng gawaing Kanyang tinupad ay pagpapagaling ng mga tao at pagpapalayas ng mga demonyo, lahat para sa kapakanan ng Kanyang pagtubos. Kahit saan Siya pumunta, pinakitunguhan Niya nang may kabaitan ang mga sumunod sa Kanya. Ginawa Niyang mayaman ang mahirap, pinalakad Niya ang pilay, nakakita ang bulag, at nakarinig ang bingi; inanyayahan Niya kahit ang pinakamababa, ang mga pinakasalat, ang mga makasalanan, na saluhan Siyang kumain, anupa’t hindi Niya sila kailanman nilalayuan kundi palaging matiyaga, anupa’t sinasabing, “Kung ang isang pastol ay nawawalan ng isa sa isang daan niyang mga tupa, iiwan niya ang siyamnapu’t-siyam upang hanapin ang nawawalang isang tupa, at kapag nakita niya ito ay lubos siyang magagalak.” Minahal Niya ang Kanyang mga tagasunod gaya ng pagmamahal ng isang inang tupa sa mga anak nito. Kahit na sila ay hangal at ignorante, at mga makasalanan sa Kanyang paningin, at higit pa rito ay mga latak ng lipunan, itinuring Niya ang mga makasalanang ito—mga tao na hinamak ng iba— bilang natatangi sa Kanyang mga mata. Dahil pinaboran Niya sila, ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa kanila, gaya ng isang kordero na inihandog sa altar. Sumama Siya sa kanila gaya ng isang lingkod, hinayaan Niya silang gamitin Siya at patayin Siya, sumunod sa kanila nang walang-pasubali. Para sa Kanyang mga tagasunod, Siya ay ang mapagmahal na Tagapagligtas na si Jesus, ngunit para sa mga Fariseo na nagsermon sa mga tao mula sa mataas na katayuan, hindi Siya nagpakita ng kaawaan at kagandahang-loob, sa halip ay pagkasuklam at paglaban. Hindi Siya gumawa ng maraming gawain sa gitna ng mga Fariseo, paminsan-minsan lamang silang sinesermunan at sinasaway; hindi Siya nag-abala sa kanilang kalagitnaan sa gawain ng pagtubos, ni nagpakita ng mga tanda at ng mga himala. Inilaan Niya ang kanyang awa at kagandahang-loob sa Kanyang mga tagasunod, nagtitiis para sa kapakanan ng mga makasalanang ito hanggang sa kahuli-hulihan, nang ipinako Siya sa krus, at tinitiis ang bawat kahihiyan hanggang sa lubos na Niyang matubos ang buong sangkatauhan. Ito ang kabuuan ng Kanyang gawain.

mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos”

Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)
”

Kaugnay na Content