Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Kapanahunan ng Biyaya: Ang Layunin at Kabuluhan ng Gawain ng Diyos

21

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Ang Kapanahunan ng Biyaya: Ang Layunin at Kabuluhan ng Gawain ng Diyos

Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay sumailalim sa pagtitiwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa buong sangkatauhan ay nangailangan ng masaganang biyaya, walang-hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan, upang makarating sa bunga nito. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog na pantakip ukol sa kasalanan ng sangkatauhan, iyan ay, si Jesus. Ang alam lamang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito sa kabuuan ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya’t, bago sila matubos, kinailangan nilang matamasa ang maraming uri ng biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus sila nakatamo ng karapatang makatanggap ng kapatawaran at magtamasa sa kasaganaan ng biyaya na ipinagkaloob sa pamamagitan ni Jesus—gaya ng sinabi ni Jesus, “Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang pahintulutan ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan.” Kung si Jesus ay nagkatawang-tao na may disposisyon ng paghatol, sumpa, at hindi-pagpapaubaya sa mga kasalanan ng tao, kung gayon ang tao ay hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon na matubos, at mananatili silang makasalanan magpakailanman. Kung nagkagayon, ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay napahinto sana sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang Kapanahunan ng Kautusan ay napatagal ng anim na libong taon. Ang mga kasalanan ng tao ay mas lalo pa sanang dumami at mas lalong lumubha, at ang paglikha sa sangkatauhan ay mauuwi sa wala. Ang mga tao ay maaring nakapaglingkod lamang kay Jehova sa ilalim ng kautusan, ngunit ang kanilang mga kasalanan ay mas marami kaysa roon sa mga unang nilikhang tao. Habang mas minamahal ni Jesus ang sangkatauhan, pinatatawad ang kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at kagandahang-loob, ang sangkatauhan ay mas nagkakaroon ng kakayahan na maligtas, na matawag na mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Si Satanas ay hindi maaring makialam sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gaya ng pakikitungo ng isang mapagkalingang ina sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila ni hinamak man sila, kundi Siya ay puno ng kaaliwan; hindi kailanman sumiklab ang Kanyang galit sa kanilang kalagitnaan, kundi nagtiis sa kanilang mga pagkakamali at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, anupa’t sinabing, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpu’t pitong beses.” Kaya binago ng puso Niya ang mga puso ng iba. Sa ganitong paraan nakatanggap ang mga tao ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.

mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos”

 

Jesus

Sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at marami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay ang pagtubos sa tao. At para sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may awa at pagmamahal, dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan. Sinabi ni Satanas, “Yamang iniibig Mo ang tao, dapat Mo siyang ibigin hanggang sa pinakasukdulan: dapat Kang maipako sa krus, upang iligtas ang tao mula sa krus, mula sa kasalanan, at ihahandog Mo ang Iyong Sarili kapalit ng buong sangkatauhan.” Ginawa ni Satanas ang sumusunod na pusta: “Yamang Ikaw ay isang maibigin at mahabaging Diyos, dapat Mong ibigin ang tao hanggang sa pinakasukdulan: dapat Mong ihandog ang Iyong Sarili sa krus.” Sinabi ni Jesus, “Hangga’t ito ay para sa sangkatauhan, kung gayon Ako ay nakahanda na isuko ang lahat sa Akin.” Pagkatapos nito, Siya ay umakyat sa krus nang walang pag-aatubili at tinubos ang buong sangkatauhan.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”

 

Kung wala ang pagtubos ni Jesus, ang sangkatauhan ay magpakailanman nang mabubuhay sa kasalanan, at magiging mga anak ng kasalanan, ang mga inapo ng mga demonyo. Sa pagpapatuloy sa paraang ito, ang buong daigdig ay naging dakong tirahan sana ni Satanas, isang dako para maging tahanan nito. Ngunit ang gawain ng pagtubos ay nangailangan ng pagpapakita ng awa at kagandahang-loob tungo sa sangkatauhan; sa pamamagitan lamang nito makatatanggap ng kapatawaran ang sangkatauhan at sa huli ay maging karapat-dapat na magawang ganap at lubos na makamit. Kung wala ang yugtong ito ng gawain, ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay hindi sana nakasulong. Kung si Jesus ay hindi ipinako sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng mga tao at nagpalayas ng mga demonyo, kung gayon hindi lubusang mapapatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa tatlo at kalahating taon na ginugol ni Jesus sa pagtupad ng Kanyang gawain sa lupa, tinapos lamang Niya ang kalahati ng Kanyang gawain ng pagtubos; pagkatapos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus at pagiging wangis ng makasalanang laman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa Kanya ng masamang isa, naisakatuparan Niya ang gawaing pagpapapako sa krus at sinupil ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos lamang na naibigay Siya sa mga kamay ni Satanas natubos Niya ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, tinuya, siniraang-puri, at pinabayaan, anupa’t hanggang sa punto na wala Siyang mahigaan ng Kanyang ulo, walang lugar na mapagpapahingahan; at pagkatapos ay ipinako Siya sa krus, ang Kanyang buong pagkatao—isang malinis at walang-salang katawan—ipinako sa krus, at nagdanas ng lahat ng paraan ng pagdurusa. Tinuya Siya ng mga nasa kapangyarihan at Siya ay nilatigo, anupa’t dinuraan pa Siya ng mga sundalo sa Kanyang mukha; datapuwa’t Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang sa katapusan, sumunod Siya nang walang-pasubali hanggang sa punto ng kamatayan, kung saan tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Saka lamang Siya hinayaang makapagpahinga.

mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos”