Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Tungkol Kay Job (II)

9

Ang Pagkamakatwiran ni Job

Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na pagkatao ay naangahulugan na ginawa niya ang pinaka-makatwirang paghatol at mga pagpili nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga makatwirang pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang araw-araw na mga gawain at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang katapatan ni Job ay ipinaniwala sa kanya na ang kamay ni Jehova ang namamahala sa lahat ng mga bagay; pinaalam sa kanya ng kanyang paniniwala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na Jehova sa lahat ng bagay, ang kaalaman niya ay ginawa siyang handa at masunurin sa dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos na Jehova, ang kanyang pagkamasunurin ang nagtulak upang siya ay mas lalong maging totoo sa kanyang takot sa Diyos na Jehova; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang paglayo sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at lumayo sa kasamaan; at ang kanyang pagka-perpekto ay ginawa siyang matalino, at binigyan siya ng sukdulang pagkamakatwiran.

Paano natin dapat unawain itong salitang “makatwiran”? Ang literal na interpretasyon ay nangangahulugan ito ng mahusay na katinuan, pagiging lohikal at matino sa pag-iisip, pagiging tumpak sa mga salita, kilos, at paghatol, pagkakaroon ng tama at mga katamtamang pamantayang moral. Nguni’t ang pagkamakatwiran ni Job ay hindi madaling maipaliwanag. Nang sinabi rito na si Job ay nagtaglay ng sukdulang pagkamakatwiran, ito ay may kaugnayan sa kanyang pagkatao at sa kanyang asal sa harap ng Diyos. Dahil si Job ay tapat, nagawa niyang maniwala at sumunod sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, na nagbigay sa kanya ng kaalaman na hindi makakamit ng iba, at ang kaalamang ito ay ginawa siyang mas tumpak na kilalanin, hatulan, at bigyang-kahulugan yaong mga nangyari sa kanya, na tumulong sa kanya upang mas tumpak at mas malinaw na pumili kung ano ang gagawin at kung ano ang matatag na panghahawakan niya. Kaya ang kanyang mga salita, pag-uugali, ang mga prinsipyo sa likod ng kanyang mga kilos, at ang tuntunin ng kanyang pagkilos, ay pangkaraniwan, malinaw, at tiyak, at hindi bulag, pabigla-bigla, o emosyonal. Alam niya kung paano tratuhin ang anumang dumating sa kanya, alam niya kung paano timbangin at panghawakan ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga kumplikadong kaganapan, alam niya kung paano humawak ng mahigpit sa paraang dapat niyang panghawakan, at, higit pa rito, alam niya kung paano ituring ang pagbibigay at pagbawi ng Diyos na Jehova. Ganito ang pagkamakatwiran ni Job. Dahil si Job ay may ganitong pagkamakatwiran kaya niya nasabing, “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi; purihin ang pangalan ni Jehova,” nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak na lalaki at babae.

Nang si Job ay naharap sa napakalaking sakit ng katawan, at ng pagtutol ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan, at nang siya ay naharap sa kamatayan, muling ipinakita ng kanyang tunay na asal ang kanyang tunay na mukha sa lahat.

Ang Tunay na Mukha ni Job: Totoo, Dalisay, at Walang Kasinungalingan

Basahin natin ang mga sumusunod: “Sa gayo’y umalis si Satanas mula sa harapan ni Jehova, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kanyang paa hanggang sa kanyang puyo. At kumuha siya ng isang bibinga ng palayok upang ipangkayod ng langib; at siya’y naupo sa mga abo” (Job 2:7-8). Ito ay isang paglalarawan sa asal ni Job nang naglabasan ang namamagang bukol sa kanyang katawan. Sa oras na ito, si Job ay naupo sa mga abo habang tinitiis niya ang sakit. Walang gumamot sa kanya, at walang tumulong upang mabawasan ang sakit ng kanyang katawan; sa halip, ginamit niya ang isang bibinga ng palayok upang ipangkayod sa ibabaw ng masasamang bukol. Sa labas, ito ay isa lamang yugto sa paghihirap ni Job, at walang kaugnayan sa kanyang pagkatao at takot sa Diyos, dahil si Job ay hindi nagsalita upang ipahayag ang kanyang nararamdaman at paniniwala sa panahong ito. Ngunit ang mga pagkilos ni Job at ang kanyang asal ay mga tunay na pagpapahayag pa rin ng kanyang pagkatao. Sa talaan ng mga nakaraang kabanata ay nababasa natin na si Job ay ang pinakadakila sa lahat ng mga anak ng silanganan. Itong sipi sa ikalawang kabanata, samantala, ay nagpapakita sa atin na ang dakilang tao na ito ng silangan ay dapat kumuha ng isang bibinga ng palayok upang ipangkayod sa sarili niya habang nakaupo sa mga abo. Wala bang malinaw na pagsasalungat sa dalawang paglalarawan na ito? Ito ay ang kaibahan na nagpapakita sa atin ng totoong sarili ni Job: Sa kabila ng kanyang marangal na estado at katayuan, hindi niya kailanman minahal at binigyang pansin ang mga ito; wala siyang pakialam sa kung paano tiningnan ng iba ang kanyang katayuan, at hindi siya nag-alala kung ang mga kilos at asal niya ay may masamang epekto sa kanyang katayuan; hindi siya nagpakasasa sa yaman, at hindi siya nagsaya sa karangalan na kasama ng kanyang estado at katayuan. Nababahala lamang siya sa kanyang halaga at kabuluhan ng kanyang pamumuhay sa mga mata ng Diyos na Jehova. Ang totoong sarili ni Job ay ang kanyang mismong diwa: Hindi niya inibig ang katanyagan at kayamanan, at hindi siya nabuhay para sa katanyagan at kayamanan; siya ay totoo, at dalisay, at walang kasinungalingan.

Ang Paghihiwalay ni Job ng Pag-ibig at Galit

Ang isa pang bahagi ng pagkatao ni Job ay ipinakita sa pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang asawa: “Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, Namamalagi ka pa ba sa iyong katapatan? itakwil mo ang Diyos, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kanya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:9-10). Nang makita ang paghihirap niya, sinubukan ng asawa ni Job na payuhan si Job upang tulungan siyang makatakas sa kanyang paghihirap--ngunit ang kanyang “magandang intensyon” ay hindi sinang-ayunan ni Job; sa halip, binuhay nito ang kanyang galit, sapagkat itinakwil ng asawa ang pananampalataya ni Job, at pagkamasunurin sa Diyos na Jehova, at itinakwil din ng asawa ni Job ang pag-iral ng Diyos na Jehova. Hindi ito katanggap-tanggap kay Job, dahil hindi niya kailanman pinayagan ang sarili niya na gumawa ng kahit anong sumasalungat o nakakasakit sa Diyos, na walang masabi sa iba. Paano siya mananatiling walang malasakit kung nakita niya ang iba na nagwiwika ng mga salitang lumalapastangan at iniinsulto ang Diyos? Kaya tinawag niya ang kanyang asawa na isang “hangal na babae.” Ang saloobin ni Job sa kanyang asawa ay may galit at poot, pati na rin ang kahihiyan at mahigpit na pangangaral. Ito ay ang likas na pagpapahayag ng pagkatao ni Job na kumikilala sa pagkakaiba ng pag-ibig at poot, at isang tunay na pangangatawan ng kanyang matuwid na pagkatao. Si Job ay nagtataglay ng katinuan ng katarungan—na dahilan upang magalit siya sa kabuktutan, at mapoot, magalit, at tanggihan ang walang katotohanang kontra sa pananampalataya, hindi kapani-paniwalang argumento, at katawa-tawang pagpapatunay, at pinahintulutan siyang maging totoo sa kanyang sarili, mga wastong prinsipyo at paninindigan nang siya ay itinakwil ng masa at iniwan ng mga taong malapit sa kanya.

Ang Kabaitan ng Puso at Katapatan ni Job

Dahil, sa asal ni Job, nakikita natin ang pagpapahayag ng iba’t-ibang aspeto ng kanyang pagkatao, alin sa pagkatao ni Job ang nakikita natin nang binuksan niya ang kanyang bibig upang sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan? Ito ang paksang ibabahagi natin sa ibaba.

Sa itaas, isinalaysay Ko ang mga pinagmulan ng pagsumpa ni Job sa araw ng kanyang kapanganakan. Ano ang nakikita ninyo rito? Kung matigas ang puso ni Job, at walang pag-ibig, kung siya ay malamig at walang pakiramdam, at nawalan ng pagkatao, maaari ba niyang alagaan ang pagnanais ng puso ng Diyos? At maaari ba niyang hamakin ang araw ng kanyang sariling kapanganakan bilang isang bunga ng pag-aalaga sa puso ng Diyos? Sa ibang salita, kung si Job ay manhid at salat sa pagkatao, mamimighati ba siya dahil sa pagpapasakit sa Diyos? Maaari ba niyang isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan dahil nasaktan niya ang Diyos? Ang sagot ay, Ganap na hindi! Dahil siya ay may mabuting puso, pinahalagahan ni Job ang puso ng Diyos; dahil pinahalagahan niya ang puso ng Diyos, naramdaman ni Job ang nadamang sakit ng Diyos; dahil siya ay may mabuting puso, nagdusa siya ng mas malaki bilang bunga ng pagkaunawa niya sa nadamang sakit ng Diyos; dahil naramdaman niya ang sakit na nadama ng Diyos, nagsimula siyang mapoot sa araw ng kanyang kapanganakan, kaya’t isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Sa mga tagalabas, ang buong asal ni Job sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay kapuri-puri. Tanging ang kanyang pagsumpa sa araw ng kanyang kapanganakan ang naging dahilan ng pagdududa sa kanyang pagka-perpekto at pagkamakatwiran, o nagbibigay ng naiibang pagtatasa. Sa katunayan, ito ang pinakatunay na pagpapahayag ng diwa ng pagkatao ni Job. Ang diwa ng kanyang pagkatao ay hindi lingid o nakabalot, o binago ng ibang tao. Nang isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan, ipinakita niya ang kabutihan ng puso at katapatan na nasa loob ng kanyang puso; siya ay tulad ng isang bukal na ang tubig ay sobrang malinaw at maliwanag upang ipakita ang kailaliman nito.

Pagkatapos matutuhan ang lahat ng ito tungkol kay Job, karamihan sa mga tao ay magkakaroon ng medyo tumpak at makatotohanang pagtatasa ng diwa ng pagkatao ni Job. Mayroon din dapat silang malalim, praktikal, at mas makabagong pag-unawa at pagpapahalaga sa pagka-perpekto at pagkamakatwiran ni Job na sinasabi ng Diyos. Sana, ang pag-unawa at pagpapahalagang ito ay tutulong sa mga tao na hanapin ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao