Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Nakikita ang Pagtustos ng Diyos sa Sangkatauhan Mula sa Pangunahing Kapaligirang Kinabubuhayan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan

23

Makikita mo ba, mula sa paraang pinakitunguhan Niya ang limang pangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagtustos ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang pinakapangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kasabay nito, pinamamahalaan din ng Diyos at kinokontrol ang mga bagay na ito, at kahit ngayon, matapos na ang mga tao ay umiiral sa loob ng ilang libong taon, patuloy pa ring iniiba ng Diyos ang kanilang kapaligirang tinitirahan, nagbibigay ng pinakamaganda at pinaka-angkop na kapaligirang titirahan ng sangkatauhan upang ang kanilang mga buhay ay mapanatiling normal. Hanggang kailan ito mapapanatili? Sa madaling sabi, gaano katagal papanatilihin ng Diyos ang pagbibigay ng nasabing kapaligiran? Hanggang lubusan nang makumpleto ng Diyos ang Kanyang gawain ng pamamahala. Pagkatapos, babaguhin ng Diyos ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Maaari itong maging sa pamamagitan ng mga parehong pamamaraan, o maaari itong maging sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, ngunit ang talagang kailangang malaman ng mga tao ngayon ay na ang Diyos ay patuloy na nagtutustos ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, at pinamamahalaan ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan, at pinangangalagaan, pinoprotektahan, at pinapanatili ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Dahil sa nasabing kapaligiran kaya ang hinirang na mga tao ng Diyos ay may kakayanang mamuhay nang normal gaya nito at matanggap ang pagliligtas at pagkastigo at paghatol ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay nagpapatuloy na umiral dahil sa pamumuno ng Diyos, habang ang buong sangkatauhan ay nagpapatuloy na sumulong dahil sa pagtutustos ng Diyos sa paraang ito.

Mula sa paraang inayos Niya ang limang pangunahing mga kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagbibigay ng Diyos sa sangkatauhan

Ang bahagi bang ito na Aking katatalakay lamang ay nagdala sa inyo ng anumang mga kaisipan? Nararamdaman na ba ninyo ngayon ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Sino lang ba ang panginoon ng lahat ng bagay? Isa ba itong lalaki? (Hindi.) Kung gayon, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kung paano makitungo ang Diyos at ang mga tao sa lahat ng bagay? (Namumuno ang Diyos at nag-aayos ng lahat ng bagay, samantalang ang tao ay nagtatamasa sa mga ito.) Sumasang-ayon ba kayo sa mga salitang iyon? Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng bagay at nagtutustos sa lahat ng bagay. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ang nagtatamasa ng lahat ng bagay habang ang Diyos ang nagtutustos ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Makikita nang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay. Iyon ay, ang lahat ng bagay ay nasa mga mata ng Diyos at nasa loob ng Kanyang saklaw ng pagsusuri. Kaya bang makita ng sangkatauhan ang lahat ng bagay? Ang nakikita ng sangkatauhan ay limitado—ito lamang ay kung ano ang kanilang nakikita sa harap ng kanilang mga mata. Kung aakyatin mo ang bundok na ito, ang iyong makikita ay ang bundok na ito. Hindi mo makikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pupunta ka sa tabing-dagat, makikita mo ang panig na ito ng karagatan, ngunit hindi mo alam kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung makarating ka sa kagubatang ito, makakakita ka ng mga halaman sa harap ng iyong mga mata at sa paligid mo, ngunit hindi mo kayang makita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, at mas malalim. Ang lahat ng kanilang makikita ay kung ano ang nasa harap ng kanilang mga mata at nasa saklaw ng kanilang paningin. Kahit na alam ng mga tao ang disenyo ng apat na panahon sa isang taon at ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay, hindi nila kayang pamahalaan o pamunuan ang lahat ng bagay. Sa kabilang banda, ang paraan na nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay ay kagaya ng paraan na makikita ng Diyos ang isang makina na personal Niyang ginawa. Malalaman Niya nang lubos ang bawat bahagi nito. Kung ano ang mga prinsipyo nito, kung ano ang mga disenyo nito, at kung ano ang gamit nito—alam ng Diyos ang lahat ng bagay na ito nang payak at malinaw. Kaya ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Kahit na patuloy na nagsasaliksik ang tao sa siyensya at mga batas ng lahat ng bagay, ito ay nasa limitadong saklaw lamang, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, iyon ay walang hanggan. Kung nagsasaliksik ang tao ng isang bagay na napakaliit na nagawa ng Diyos, maaari nilang gugulin ang kanilang buong buhay sa pananaliksik dito nang hindi nakakamtan ang anumang totoong resulta. Ito ay kung bakit mo ginagamit ang kaalaman at kung ano ang iyong natutuhan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makakayanang makilala o maunawaan ang Diyos. Ngunit kapag ginamit mo ang daan ng paghahanap sa katotohanan at paghahanap sa Diyos, at tingnan ang Diyos mula sa perspektibo ng pagkilala sa Diyos, kung gayon isang araw aaminin mo na ang mga gawa at karunungan ng Diyos ay nasa kahit saan, at malalaman mo rin kung bakit ang Diyos lamang ang tinatawag na Panginoon ng lahat ng bagay at ang bukal ng buhay ng lahat ng bagay. Kung mas nagtataglay ka ng nasabing kaalaman, ganoon rin kahigit mong mauunawaan kung bakit ang Diyos ay tinawag na Panginoon ng lahat ng bagay. Lahat ng bagay at bawat bagay, kasama ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagtustos ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, sa sangkatauhang ito, ay walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng ganoong kapangyarihan at ganoong diwa upang mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng bagay. Kapag iyong nakamit ang nasabing pagkaunawa, tunay mong tatanggapin na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, tunay mong tinatanggap ang Diyos at hayaan Siyang maging iyong Diyos at iyong Panginoon. Kapag nagkaroon ka ng nasabing pagkakaunawa at ang iyong buhay ay umabot sa nasabing punto, hindi ka na susubukin at hahatulan pa ng Diyos, ni hihingi Siya ng anumang pangangailangan mula sa iyo, dahil nauunawaan mo ang Diyos, nakikilala ang Kanyang kalooban, at tunay na tinatanggap ang Diyos sa iyong puso. Ito ay isang mahalagang dahilan para sa pagtatalakay ng mga paksang ito tungkol sa pamumuno at pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ay upang magbigay sa mga tao ng mas marami pang kaalaman at pang-unawa; hindi lamang upang kilalanin mo, ngunit upang bigyan ka ng mas praktikal pang kaalaman at pang-unawa ng mga mga kilos ng Diyos.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaugnay na Content