Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 32: Madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang Biblia sa mga tao sa sinagoga. Sa tingin, mukha silang relihiyoso at mahabagin, at mukhang hindi gumagawa ng anumang malinaw na labag sa batas. Kaya bakit isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Paano naipamalas ang kanilang pagpapaimbabaw? Bakit sinasabi na tumatahak ang mga relihiyosong pastor at elder ngayon sa landas na tinahak ng mapagpaimbabaw na mga Fariseo?

Sagot:

Alam ng mga taong nananalig sa Panginoon na talagang kinamuhian ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo at isinumpa sila at sumambit Siya ng pitong kapighatian sa kanila. Napakamakabuluhan nito sa pagtutulot sa mga nananalig sa Panginoon na mahiwatigan ang mga ipokritong Fariseo, makawala sa kanilang pang-aalipin at kontrol at makamit ang pagliligtas ng Diyos. Gayunman, nakakahiya na maraming nananalig ang hindi makahiwatig sa diwa ng pagka-ipokrito ng mga Fariseo. Ni hindi nila maintindihan kung bakit labis na kinamuhian at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo. Bahagya nating pag-uusapan ngayon ang mga problemang ito. Madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang Biblia sa iba sa sinagoga. Madalas silang magdasal sa harap ng iba at gumamit ng mga panuntunan sa Biblia para tuligsain ang mga tao. Sa tingin, mukhang mapitagan silang sumusunod sa Biblia. Kung gayon, bakit labis silang kinamuhian at isinumpa ng Panginoon? Sa totoo lang, ang pangunahing dahilan ay na pagsasagawa lamang ng mga relihiyosong seremonya at pagsunod sa mga panuntunan ang mahalaga sa kanila, at na ipinaliwanag lang nila ang mga panuntunan at doktrina sa Biblia at hindi nila kailanman ipinarating kaninuman ang kalooban ng Diyos, ni hindi sila nagtuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos o pagsunod sa mga utos ng Diyos. Sa katunayan, binalewala nila ang mga utos ng Diyos. Lahat ng ginawa nila ay lubos na salungat sa kalooban at kalooban ng Diyos. Iyan ang diwa ng pagka-ipokrito at paglaban ng mga Fariseo sa Diyos. Iyon ang pangunahing dahilan kaya kinamuhian at isinumpa sila ng Panginoong Jesus. Maraming sinabi ang Panginoong Jesus nang ilantad Niya sila, “Bakit naman kayo’y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali’t-saling sabi? Sapagka’t sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala. Datapuwa’t sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios: At hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali’t-saling sabi. Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao” (Mateo 15:3–9). Ngayong inilantad na ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, malinaw nating nakikita na kahit madalas ipaliwanag noon ng mga Fariseo ang Biblia sa iba sa sinagoga, hindi man lang nila pinagpitaganan o dinakila ang Diyos. Hindi nila sinunod ang mga utos ng Diyos, at pinalitan pa ang mga utos ng Diyos ng mga tradisyon ng mga tao; nakalimutan nila ang tungkol sa mga utos ng Diyos. Hayagan nilang sinasalungat noon ang Diyos. Hindi ba hindi mapapasinungalingang ebidensiya ito kung paano naglingkod ang mga Fariseo sa Diyos subalit nilabanan din Siya? Paano sana nila naiwasang isumpa at kamuhian ng Diyos? Malinaw na nakasaad sa mga utos ng Diyos, “Huwag kang papatay. … Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa” (Exodo 20:13–16). Ngunit binalewala ng mga Fariseo ang mga utos ng Diyos. Hayagan nilang pinagbintangan at tinuligsa at pinatay ang mga propeta at matutuwid na taong isinugo ng Diyos; tuwiran nilang nilabanan ang Diyos. Samakatuwid, pinarusahan at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, sinasabing, “Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa” (Mateo 23:33–35). Matinding nilabanan ng mga Fariseo ang Diyos at pinatay ang mga propeta at matutuwid na taong Kanyang isinugo. Sinubukan nilang wasakin ang gawain ng Diyos at hadlangan ang pagsasagawa ng Kanyang kalooban. Lubha nilang ginalit ang disposisyon ng Diyos. Bakit hindi Niya sila isusumpa?! Hindi ba ginawa ng mga Fariseo ang lahat ng iyon? Hindi pa rin ba natin nakikita ang ipokritong diwa at ugali ng mga Fariseo?

Mukhang magalang ang mga Fariseo sa tingin, ngunit traydor at tuso ang kanilang diwa; lalong bihasa sila sa pagpapanggap at panlilinlang ng iba. Kung hindi inilantad ng Panginoong Jesus ang lahat ng kanilang masasamang gawa, pati na ang kanilang pagtataksil at pagtalikod sa mga utos ng Diyos, hindi natin makikita ang diwa ng pagka-ipokrito ng mga Fariseo. Tingnan nating muli ang paglalantad at pagtuligsa ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo. “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!” (Mateo 23:23–24). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27–28). Nagpanggap ang mga Fariseo na napakagalang sa harap ng iba. Sadya silang nanalangin sa sinagoga at sa mga kantu-kanto. Kapag nag-ayuno sila, sadya nilang pinalulungkot ang kanilang mukha. Sinulatan nila ng mga banal na kasulatan ang mga palawit ng kanilang kasuotan. Kapag nagkawanggawa sila, siniguro nilang nakita ng ibang mga tao ang paggawa nila nito. Siniguro nila na hindi nila nalimutang magbayad ng kanilang mga ikapu ng yerbabuena, komino at anis. Sinunod pa nila ang maraming tradisyonal na panuntunan tulad ng, “Huwag kang kumain hangga’t hindi ka naghuhugas na mabuti ng mga kamay,” atbp. Mahusay na inasikaso ng mga Fariseo ang maraming maliliit na detalye. Gayunman, hindi nila sinunod ang mga hinihiling sa batas ng Diyos, hal. mahalin ang Diyos, mahalin ang iba, maging matuwid, maawain, at matapat. Hindi man lang nila sinunod ang mga utos ng Diyos. Tinalakay lang nila ang kaalaman nila sa Biblia at teoryang teolohikal. Isinagawa lang nila ang mga relihiyosong seremonya at sinunod ang mga panuntunan. Ganoon katindi ang kanilang pagka-ipokrito at ang paraan na paglinlang nila sa iba. Malinaw na ipinapakita sa atin ng kanilang ugali na lahat ng bagay na ginawa ng mga Fariseo ay bahagi ng kanilang pagtatangkang linlangin at pigilan ang iba. Hinangad lang nilang mapatatag ang kanilang sarili para sambahin sila. Inalala lang nila ang pamamahala at pagpapatibay ng kanilang sariling tungkulin at kabuhayan. Naglakbay sila sa maling landas ng pagka-ipokrito at paglaban sa Diyos. Iyan ang dahilan kaya sila isinumpa ng Diyos dahil sa kanilang paglaban sa Kanya.

Hindi mahal ng mga Fariseo ang katotohanan. Hindi sila kailanman nagtuon sa pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos o pagsunod sa mga utos ng Diyos. Nagtuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya at tumahak sa landas ng paglaban sa Diyos. Samakatuwid, nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa at mangaral, ang kanilang likas na pagka-ipokrito at paglaban sa Diyos ay lubusang inilantad ng Diyos. Alam na alam ng mga Fariseo na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Hindi lang nila hindi hinanap ang diwa at pinagmulan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, kundi may malisya pa nilang inatake at siniraan ang Panginoong Jesus; sabi nila nagpapalayas ng mga demonyo ang Panginoong Jesus sa tulong ng prinsipe ng mga demonyo; binansagan nila ang gawain ng Panginoong Jesus, na puno ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, bilang kabaliwan. Nagkasala sila ng paglapastangan sa Banal na Espiritu at lubhang sinuway ang disposisyon ng Diyos. Hindi lang nilapastangan at tinuligsa ng mga Fariseo mismo ang Panginoong Jesus, kundi inudyukan at nilinlang nila ang mga nananalig para labanan at tuligsain ang Panginoong Jesus. Nawala sa matatapat ang pagliligtas ng Panginoon dahil sa kanila at pinagpapatay at ginawa silang mga biktima. Samakatuwid, nang tuligsain at isumpa sila ng Panginoong Jesus, sinabi Niya, “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili” (Mateo 23:15). Samakatuwid, nakikita natin na ang mga Fariseo ay mga ipokrito na lumaban at lumapastangan sa Diyos, mga anticristo na naging mga kaaway ng Diyos. Kauri sila ng diyablo na lumamon sa kaluluwa ng mga tao at umakit sa kanila sa impiyerno. Samakatuwid, binatikos ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo gamit ang “Pitong Kapighatian (sa Aba)” dahil sa kanilang masamang ugali. Lubusang ipinapakita nito ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi maaaring suwayin.

Nagkamit tayo ngayon ng kaunting pagkahiwatig tungkol sa ipokritong diwa ng mga Fariseo. Tingnan natin ngayon ang makabagong mga pastor at elder. Ipinapaliwanag lang nila ang kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal. Nagsasagawa lang sila ng mga relihiyosong seremonya at sumusunod sa mga panuntunan. Hindi man lang nila isinasagawa ang mga salita ng Diyos, ni hindi nila isinasagawa ang Kanyang mga utos. Tulad sila ng mga Fariseo, tumatahak sa landas kung saan naglilingkod sila ngunit nilalabanan din ang Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37–39). Ang mga taong nagmamahal sa Diyos ay dapat isagawa ang Kanyang mga salita at kailangang isaisip ang Kanyang kalooban. Dapat silang maging responsable para sa buhay ng kanilang mga kapatid. Nahaharap ngayon ang mga pastor at elder sa mapapanglaw na iglesia at nababawasan ang pananampalataya at pagmamahal ng mga nananalig. Hindi nila inaakay ang mga nananalig na hanapin ang katotohanan at ang iglesiang may gawain ng Banal na Espiritu. Sa halip, mahigpit nilang kinokontrol ang mga nananalig. Lalo na kapag dumarating ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan at bigyan ng buhay ang mga tao, hindi nila ito pinag-aaralan o tinatanggap. Patuloy nila itong nilalabanan at tinutuligsa habang hinahadlangan ang mga nananalig sa paghahanap sa tunay na daan. Hindi nila hinahayaang makontak ng mga nananalig ang mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ni hindi nila hinahayaan ang mga ito na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mas malala pa, inuudyukan nila ang mga nananalig na isumpa nila o gulpihin ang ating mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Maaari pa nilang tawagin ang mga pulis at ipaaresto sila. Hindi ba sila gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos sa lahat ng ginagawa nila? Paano nagkaiba ang kanilang ginagawa sa paraan ng paglaban at pagtuligsa ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus? Para protektahan ang kanilang mga katungkulan at kabuhayan, sinusubukan ng mga pastor at elder ang lahat ng posibleng paraan para hadlangan ang mga nananalig sa pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Hindi ba nila tayo kinakaladkad patungong impiyerno? Hindi ba sila ang masasamang lingkod na binanggit ng Panginoong Jesus? Hindi ba sila ang mga makabagong Fariseo? Hindi pa rin ba natin ito nahihiwatigan?

Talagang hindi mga tunay na nananalig o lingkod ng Diyos ang mga pastor at elder. Patuloy nilang pinagtataksilan ang mga salita ng Diyos, tinatalikuran ang Kanyang mga utos at itinuturing Siyang kaaway. Pagdating sa kung anong uri ng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na iyon lamang mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit ang papayagan sa Kanyang kaharian. Gayunman, sinasabi ng mga pastor at elder na yamang binigyang-katuwiran na ng pananampalataya ang mga tao at naligtas na sa pamamagitan ng biyaya, papasok sila sa kaharian ng langit. Hindi ba nila pinagtataksilan ang mga salita ng Panginoon at nagsasalita nang may tuwirang pagkontra sa Kanya? Hiniling ng Panginoong Jesus na “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi” (Mateo 5:37). Gayunman, nagkakalat ng mga kasinungalingan, naninira, tumutuligsa at naglalapastangan ang mga pastor at elder, laban sa Makapangyarihang Diyos. Nagsisinungaling sila at sinisiraan nila ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang tumatanggap sa sinomang sinusugo ko ay ako ang tinatanggap” (Juan 13:20). Hindi pinapayagan ng mga pastor at elder ang mga nananalig na tumanggap ng mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Sinasabi nila na sinumang tumanggap sa kanila ay ititiwalag sa simbahan. Hinihiling sa atin ng Panginoong Jesus na magtuon sa pakikinig sa tinig ng Panginoon, at salubungin Siya matapos marinig ang tinig ng Kasintahang Lalake. Gayunman, tuwing may naririnig ang mga pastor at elder na isang tao na nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, hinuhusgahan at tinutuligsa nila ito nang hindi man lang ito sinisiyasat. Anong pahayag sa mga salita ng Panginoon ang isinasagawa ng mga pastor at elder. Kung naniwala talaga sa Diyos ang mga pastor at elder, kung may katiting man lang silang takot sa Diyos, hindi nila ikakalat ang ganitong mga uri ng kasinungalingan, ni hindi nila tutuligsain at lalabanan nang matindi ang Makapangyarihang Diyos. Ito ang katotohanan. Mga makabagong Fariseo ang mga pastor at elder. Talagang tama ito!

—mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Noong araw, madalas ipaliwanag ng mga Fariseong Judio ang mga Banal na Kasulatan at ipagdasal ang mga nananalig sa mga sinagoga. Hindi ba mukha silang medyo makadiyos? Kung gayo’y bakit inilantad at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, at sinabing sa aba ng mga ipokritong Fariseo? May nagawa kayang mali ang Panginoong Jesus sa kanila? Hindi ba tayo naniniwala na ang salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan? Naghihinala ba tayo na mali ang ginawa ng Panginoong Jesus? Hindi matutukoy kung ang mga pastor at elder ay mga ipokritong Fariseo at anticristo o hindi sa pagtingin lang sa kung paano nila tinatrato ang mga tao. Ang mahalaga ay tingnan kung paano nila tinatrato ang Panginoon at ang katotohanan. Sa tingin ay mukha silang mapagmahal sa mga nananalig, ngunit mahal ba nila ang Panginoon? Kung medyo mapagmahal sila sa mga tao ngunit nababagot at namumuhi sila sa Panginoon at sa katotohanan, at hinuhusgahan at tinutuligsa nila ang Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos, hindi ba mga ipokritong Fariseo sila? Hindi ba mga anticristo sila? Mukhang nangangaral at nagpapakahirap sila sa tingin, ngunit kung para lang sila maputungan at magantimpalaan, ibig bang sabihin ay sumusunod at tapat sila sa Panginoon? Para matukoy kung ipokrito ang isang tao, kailangan mo lang alamin ang nilalaman ng kanilang puso at ang kanilang mga intensyon. Iyan ang pinakamahalaga sa pagtukoy. Sinusuri ng Diyos ang kalooban ng mga tao. Kaya para malaman kung talagang mahal at sinusunod ng isang tao ang Panginoon, ang mahalaga ay tingnan kung isinasagawa at sinusunod nila ang Kanyang salita at umaayon sila sa Kanyang mga utos, at bukod diyan ay tingnan kung dinadakila at pinatototohanan nila ang Panginoong Jesus, at kung sinusunod nila ang kalooban ng Diyos. Nakikita natin na madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang mga Banal na Kasulatan sa mga tao sa mga sinagoga, nanangan sila sa mga panuntunan ng Biblia para sa lahat, at mapagmahal din sa mga nananalig. Ngunit ang totoo, lahat ng ginawa nila ay hindi pagsasagawa ng salita ng Diyos o pag-ayon sa mga utos ng Diyos, kundi ginawa para magpakitang-tao. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus nang ilantad Niya sila: “Datapuwa’t ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka’t nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit” (Mateo 23:5). Sadya pa silang tumayo sa mga sinagoga at sa mga kantu-kanto para umusal ng mahahabang panalangin. Sa oras ng ayuno sadya nilang pinalungkot nang husto ang kanilang mukha, para masabi ng mga tao na nag-aayuno sila. Sadya pa silang gumawa ng mabuti sa mga lansangan para makita ng lahat ng tao. Patuloy pa nga silang nanangan sa mga sinaunang tradisyon at relihiyosong ritwal tulad ng “Huwag kang kumain hangga’t hindi ka naghuhugas na mabuti ng mga kamay.” … Para malinlang ang mga nananalig na suportahan at sambahin sila, palaging pinalalaki ng mga Fariseo ang maliliit na bagay para pagtakpan ang kanilang sarili, at hinikayat lang nila ang mga nananalig na sumali sa mga relihiyosong pagsamba, pagkanta at papuri, o manangan sa ilang tradisyon ng mga ninuno, ngunit hindi nila hinikayat ang mga nananalig na isagawa ang salita ng Diyos, sundin ang mga utos ng Diyos, at pumasok sa realidad ng katotohanan. Bukod pa riyan, hindi nila hinikayat ang mga tao na isagawa ang katotohanan at sundin at sambahin ang Diyos. Ang ginawa lang nila ay gumamit ng ilang bagay para lituhin at linlangin ang mga nananalig! Nang pumarito ang Panginoong Jesus para mangaral at gumawa, para maprotektahan ang sarili nilang katayuan at kabuhayan, totoong hayagang tinalikuran ng mga Fariseong ito na nagkunwang makadiyos ang mga batas at utos ng Diyos na kunwari’y “ipinagtatanggol ang Biblia.” Nag-imbento sila ng mga tsismis, nagsinungaling, at galit na tinuligsa at pinaratangan ang Panginoong Jesus, na ginagawa ang lahat para hadlangan ang mga nananalig sa pagsunod sa Panginoong Jesus. Sa huli, nakipagsabwatan pa sila sa mga may kapangyarihan para ipako ang Panginoong Jesus sa krus. Dahil dito, lubos na nalantad ang diwa ng ng mga Fariseo na pagka-ipokrito at pagkamuhi sa katotohanan. Sa gayo’y lubos na nabunyag ang kanilang diwang anticristo. Ipinapakita niyan na ang diwa ng mga Fariseo ay ipokrito, traidor, mapanlinlang at masama. Lahat sila’y mga huwad na pastol na iniwan ang landas ng Diyos, nilinlang at ikinulong ang mga tao. Nilinlang at iginapos nila ang mga nananalig, na kinokontrol ang relihiyosong daigdig para kontrahin ang Diyos, galit na tinatanggihan, tinutuligsa at kinamumuhian ang Cristong nagkatawang-tao. Sapat nang pruweba iyan na sila’y mga anticristo na gustong magtayo ng sarili nilang hiwalay na kaharian!

Ngayo’y malinaw nating nakikita ang iba’t ibang pagpapahayag ng pagka-ipokrito ng mga Fariseo. Kapag ikinumpara natin sila sa mga relihiyosong pastor at elder ngayon, hindi ba natin matutuklasan na katulad lang sila ng mga Fariseo at pawang mga taong hindi isinasagawa ang salita ng Panginoon o sumusunod sa Kanyang mga utos, at bukod pa riyan ay hindi sila mga tao na pinupuri at pinatototohanan ang Panginoon? Mga tao lang sila na pikit-matang naniniwala, sumasamba, at pumupuri sa Biblia. Nananangan lang sila sa iba’t ibang relihiyosong ritwal, gaya ng pagdalo sa regular na mga samba, pagbabantay sa umaga, pagpuputol ng tinapay, pagkokomunyon, at iba pa. Nakatuon lang sila sa pagkausap sa mga nananalig tungkol sa pagiging mapagkumbaba, mapagpasensya, makadiyos at mapagmahal, ngunit hindi nila taos na minamahal ang Diyos, at bukod diyan ay hindi nila sinusunod ang Diyos at hindi man lang sila nagpipitagan sa Diyos. Nakatuon lang ang kanilang gawain at pangangaral sa pananangan at pagpapaliwanag ng kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal. Ngunit pagdating sa kung paano isagawa at danasin ang salita ng Panginoon, paano sundin ang mga utos ng Panginoon at paano palaganapin at patotohanan ang Kanyang salita, paano sundin ang kalooban ng Ama sa langit, paano tunay na mahalin, sundin, at sambahin ang Diyos, at lahat ng bagay na hinihiling ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan, hindi nila hinahanap, sinisiyasat, at inuunawa ang mga intensyon ng Panginoon, at bukod diyan ay hindi nila hinihikayat ang mga tao na sumunod o tumalima. Lumilibot sila sa buong paligid at nangangaral ng kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal para magpasikat, magpalakas, at tingalain at sambahin sila ng mga tao. Kaya nga, nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos para magpahayag ng mga katotohanan at isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang mga pastor at elder na ito, para manatiling makapangyarihan sa relihiyosong daigdig, at dahil sa ambisyon nilang kontrolin ang mga nananalig at lumikha ng sarili nilang hiwalay na kaharian, ay hayagang nilabag ang salita ng Panginoong Jesus, nag-imbento ng mga tsismis, hinusgahan, inatake at nilapastangan nila ang Makapangyarihang Diyos, na ginagawa ang lahat para hadlangan ang mga nananalig sa paghanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Halimbawa, tinuruan tayo ng Panginoong Jesus na maging matatalinong dalaga: Kapag narinig nating sumigaw ang isang tao ng “Narito, ang kasintahang lalake,” dapat tayong lumabas para salubungin Siya. Ngunit nang mabalitaan ng mga pastor at elder ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, sa halip ay ginawa nila ang lahat para harangan ang simbahan at pigilan ang mga nananalig na hanapin at siyasatin ang tunay na daan. Tinuruan tayo ng Panginoong Jesus na ibigin ang ating kapwa tulad sa ating sarili. Ngunit, inudyukan nila ang mga nananalig na siraan at gulpihin ang mga kapatid na nagpapatotoo tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pinakiusapan tayo ng Panginoong Jesus na huwag magsinungaling, huwag magparatang, ngunit nag-imbento pa rin ang mga pastor at elder ng lahat ng uri ng mga kasinungalingan para siraan ang Makapangyarihang Diyos, at nakipagsabwatan pa sa demonyong CCP para labanan at tuligsain ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at dungisan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. … Mula rito makikita natin na anumang nasabi at nagawa ng mga pastor at elder ay lubos na labag sa mga turo ng Panginoon. Katulad lang sila ng mga ipokritong Fariseo. Lahat sila’y pikit-matang nanghihikayat sa mga tao, lumalaban sa Diyos, at nanlilinlang ng mga tao.

Basahin natin ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Silang lahat na hindi hinahanap ang pagsunod sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang maaaring makamit nila ang pagsunod sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makakapagbago nito. Kung ang iyong mga motibo ay hindi para tumalima sa Diyos, at may iba ka pang mga layon, lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga panalangin sa harap ng Diyos, at pati na ang bawat kilos mo—ay magiging kontra sa Diyos. Maaaring banayad kang magsalita at mahinahon ang pag-uugali mo, maaaring mukhang tama ang bawat kilos at pananalita mo, maaaring mukha kang masunurin, ngunit pagdating sa iyong mga motibo at pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng ginagawa mo ay kontra sa Diyos, at masama. Ang mga taong mukhang masunurin na parang tupa, ngunit may nakatagong masasamang intensyon sa kanilang puso, ay mga lobong nakadamit-tupa, tuwiran silang nagkakasala sa Diyos, at walang ititira ang Diyos kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila, para makita ng lahat na bawat isa sa mga ipokrito ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag kang mag-alala: Haharapin at lulutasin ng Diyos ang bawat isa sa kanila” (“Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mukhang mapagkumbaba, mapagpasensya at mapagmahal ang mga pastor at elder na ito, ngunit puno ng pandaraya, panlilinlang at kasamaan ang puso nila. Sa pagkukunwaring “ipagtanggol ang tunay na daan, protektahan ang kawan,” hayagan nilang nilalabanan at tinutuligsa ang Makapangyarihang Diyos at pinaplanong kontrolin ang mga nananalig para makamit ang mithiin nilang manatiling makapangyarihan sa relihiyosong daigdig at magtayo ng sarili nilang hiwalay na kaharian. Ang ipokritong mga Fariseong ito na namumuhi sa katotohanan at sa Diyos ang mismong grupo ng matitigas ang ulong anticristo na kumokontra sa Diyos na inilantad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Samakatuwid, dapat matutuhan ng lahat ng tunay na nananalig sa Diyos kung paano matutukoy ang kanilang diwa ng pagka-ipokrito at likas na kademonyohan at pagiging anticristo. Huwag na kayong magpalinlang, magpalito, magpakulong at magpakontrol sa kanila. Dapat nating hanapin at siyasatin ang tunay na daan at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at magbalik sa harap ng luklukan ng Diyos!

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sinundan:Tanong 31: Nagpapatotoo ka na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay ang mga pagbigkas mula sa mismong bibig ng Diyos, ngunit naniniwala kami na mga salita ito ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu. Samakatwid, ang gusto kong alamin ay, ano ba talaga ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao at ng mga salitang sinabi ng isang taong may pagliliwanag ng Banal na Espiritu?

Sumunod:Tanong 33: Nang pumarito ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, mabangis Siyang sinuway at tinuligsa ng mga Fariseong Judio, at ipinako nila Siya sa krus. Ngayong dumating na ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw para gawin ang Kanyang gawain, mabangis din Siyang sinusuway at tinutuligsa ng mga relihiyosong pastor at elder, at muling ipinapako ang Diyos sa krus. Bakit galit ang mga Fariseong Judio at mga relihiyosong pastor at elder sa katotohanan, at kinakalaban si Cristo nang ganito? Ano ba talaga ang kanilang likas na pagkatao at diwa?

Baka Gusto Mo Rin