Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 19: Ang isang aspeto ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay ang patawarin ang ating mga kasalanan at pawalang-sala tayo, samantalang ang isa pang aspeto ay ang pagkalooban tayo ng kapayapaan at kagalakan at saganang biyaya. Dahil dito ay makikita natin na ang Diyos ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Pero pinatototohanan mo na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, na ipinapahayag Niya ang katotohanan at hinahatulan at kinakastigo ang tao, pinupungos at pinakikitunguhan ang tao, inilalantad ang tao at inaalis ang lahat ng klase ng masasamang tao, masasamang espiritu at mga anticristo, para makita ng mga tao na hindi pinagbibigyan ng matuwid na disposisyon ng Diyos ang anumang kasalanan. Bakit lubos na naiiba ang disposisyong ibinunyag sa gawain ng Panginoong Jesus sa disposisyong ibinunyag sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? Paano ba talaga natin dapat unawain ang disposisyon ng Diyos?

Sagot:

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawaing tinupad ni Jesus ay naaayon sa mga pangangailangan ng tao sa kapanahunang iyon. Ang Kanyang gagawin ay tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga pagkakasala, kaya’t ang Kanyang disposisyon ay lubos na isa ng kapakumbabaan, pagtitiis, pag-ibig, kabanalan, pagtitiyaga, habag, at kagandahang-loob. Pinagpala Niyang mayaman ang sangkatauhan at dinalhan sila ng masaganang biyaya, at lahat ng mga bagay na maaari nilang tamasahin, Kanyang ibinigay sa kanila para sa kanilang kasiyahan: kapayapaan at kaligayahan, ang Kanyang pagpapaubaya at pag-ibig, Kanyang kaawaan at kagandahang-loob. Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng mga bagay na nagpapasaya: Ang kanilang mga puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanilang mga espiritu ay inaliw, at sila ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari nilang matamo ang mga bagay na ito ay ang kinahinatnan ng kapanahunan kung kailan sila nabuhay” (“Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa nakaraan, ipinakikita ng Kanyang mga paraan sa pagliligtas ang sukdulang pag-ibig at awa, anupa’t ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay walang kagaya ng nakaraan: Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol nang upang ang tao ay lalong mas lubusang maligtas” (“Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa pangwakas Niyang gawain sa pagwawakas ng kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na ibinubunyag ang lahat ng di-matuwid, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang perpekto ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lang ang makapaghahatid sa kapanahunang ito sa isang katapusan. … Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong ito ay nagtataglay ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagbubunyag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang katapusan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasiya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Sinundan:Tanong 18: Pinatototohanan mo na sa mga huling ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol para lubos na mapadalisay at mailigtas ang tao, pero matapos basahin ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na ilan sa kanila ay tinutuligsa at isinusumpa ang tao. Kung tinutuligsa at isinusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba dapat parusahan ang tao? At paano mo pa masasabi na ang ganitong klase ng paghatol ay nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan?

Sumunod:Tanong 20: Nakasulat iyon diyan mismo sa Biblia: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Heb 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hinding-hindi nagbabago! Pero sinasabi mo kapag muling pumarito ang Panginoon sa mga huling araw magtataglay Siya ng bagong pangalan at tatawaging Makapangyarihang Diyos. Paano mo ito ipaliliwanag?