Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 13: Sabi sa Biblia: “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Naniniwala kami na napawalang-sala na tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at ginawa tayong matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Bukod pa riyan, naniniwala kami na kung minsang nailigtas ang isang tao, ligtas na sila magpakailanman, at kapag nagbalik ang Panginoon agad tayong madadala sa langit at papasok sa kaharian ng langit. Kaya bakit mo pinatototohanan na kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw bago tayo maligtas at madala sa kaharian ng langit?

Sagot:

Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig. Basta magtitiis tayo hanggang sa huli, Pagbalik ng Panginoon, agad tayong dadalhin sa alapaap papunta sa kaharian ng langit. Bueno, ‘yon ba ang katotohanan? Nagbigay ba ang Diyos ng ano ma’ng pruweba sa Kanyang mga salita para patunayan ang pahayag na ‘yon? Kung hindi naaayon sa katotohanan ang pananaw na ito, ano ang magiging mga epekto? Dapat gamitin nating mga sumasampalataya sa Panginoon ang mga salita Niya bilang basehan para sa lahat ng bagay. Sadyang totoo ‘yon pagdating sa tanong kung paano ilalarawan ang pagbabalik ng Panginoon. Kahit ano’ng mangyari, hindi natin dapat ilarawan ang Kanyang pagbabalik ayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Napakaseryoso ng epekto ng gano’ng pag-uugali para pag-aralang mabuti. Katulad ‘yon nang ipako sa krus ng mga Pariseyo ang Panginoong Jesus habang hinihintay nila ang pagdating ng Mesyas. Ano ang magiging kahihinatnan? Nakumpleto na ng Panginoong Jesus ang gawain na pagtubos sa sangkatauhan. Totoo ‘yon, pero tapos na ba ang gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan? Ibig bang sabihin no’n lahat tayong mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ay karapat-dapat na madala sa alapaap papunta sa kaharian ng langit? Walang nakakaalam ng sagot sa tanong na ito. Minsang sinabi ng Diyos: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “… kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). Ayon sa mga salita ng Diyos, makakasiguro tayo na yung mga pumapasok sa kaharian ng langit ay napalaya na ang sarili sa kasalanan at nalinis na. Sila ang mga gumagawa sa nais ng Diyos, sumusunod sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, at gumagalang sa Kanya. Dahil banal ang Diyos at ang mga pumapasok sa kaharian ng langit ay mamumuhay kasama Niya, kung hindi pa tayo nalilinis, pa’no tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit?! Samakatuwid, ang paniniwala nating tayong mga sumasampalataya ay pinatawad na sa kasalanan at makakapasok tayo sa kaharian ng langit ay isang lubos na maling pagkakaintindi sa nais ng Diyos. Nagmula ‘yon sa imahinasyon ng tao; pagkaintindi ‘yon ng tao. Pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa kasalanan; hindi ‘yon mali. Gano’n pa man, hindi sinabi ng Panginoong Jesus na lubos na tayong nalinis sa kapatawarang ‘yon at ngayon ay karapat-dapat nang pumasok sa kaharian ng langit. Walang makakatanggi sa katotohanang ‘yon. Kung gano’n, bakit iniisip ng lahat ng nananampalataya na ang mga pinatawad na ay makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng ginagamit nila bilang pruweba? Paano nila pinatutunayan ang pahayag na ‘yon? Maraming taong nagsasabing ibinabase nila ang paniniwalang ‘yon sa mga salita ni Pablo at ibang mga apostol, gaya ng nasusulat sa Bibliya. Kung gano’n, tatanungin ko kayo, kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo at ng ibang apostol ang mga salita ng Panginoong Jesus? Kinakatawan ba nila ang mga salita ng Banal na Espiritu? Maaaring nasa Bibliya ang mga salita ng tao, pero nangangahulugan ba ‘yon na mga salita ‘yon ng Diyos? May isang katotohanang malinaw nating makikita sa Bibliya: Ang mga taong pinuri ng Diyos ay kayang makinig sa Kanyang salita at sundin ang Kanyang gawa. Sila ang mga sumusunod sa Kanyang daan, ang mga karapat-dapat na magmana sa ipinangako ng Diyos. Isa itong katotohanang hindi maitatanggi nino man. Alam nating lahat na kahit pinatawad na ang mga kasalanan nating mga sumasampalataya, Hindi pa rin tayo nalilinis, nagkakasala pa rin tayo at lagi pa ring lumalaban sa Diyos. Malinaw na sinabi sa ‘tin ng Diyos: “… kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Mula sa mga salita ng Diyos, makakasiguro tayong hindi lahat na napatawad na ang mga kasalanan ay karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kailangang linisin ang mga tao; kailangang maging tagagawa sila ng nais ng Diyos bago sila makapasok sa kaharian ng langit. Isa ‘yong katotohanang hindi mababaligtad. Makikitang hindi gano’n kasimple ang pag-unawa sa nais ng Diyos gaya ng akala natin. Hindi tayo malilinis dahil lang sa pinatawad na ang ating mga kasalanan. Kailangan muna nating makakuha ng ilang reyalidad ng katotohanan at makamit ang papuri ng Diyos. Saka tayo magiging marapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kung hindi natin mahal ang katotohanan at sa halip ay sawa na tayo ro’n o inaayawan natin ‘yon, kung mga gantimpala o korona lang ang habol natin, pero wala tayong pakialam sa nais ng Diyos, lalo na sa paggawa sa nais ng Diyos, hindi ba masama ang ginagawa natin? Pinupuri ba ng Panginoon ang ganitong uri ng tao? Kung gano’n, kagaya rin lang tayo nung mga hipokritong Pariseyo: Kahit pinatawad na tayo sa mga kasalanan, hindi pa rin tayo makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi maitatatwa ang katotohanang ‘yon.

Ipagpatuloy natin ang pagbabahagi. Pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa lahat ng mga kasalanan. Ano’ng mga “kasalanan” ang pinatawad Niya? Ano’ng klaseng mga kasalanan ang ikinukumpisal natin pagkatapos nating sumampalataya sa Panginoon? Ang tinutukoy na mga pangunahing kasalanan ay yung mga totoong kasalanan na nagkakanulo sa mga batas ng Diyos, mga utos, o mga salita. Ipinagkanulo nating mga tao ang mga batas at utos ng Diyos kaya hahatulan tayo at parurusahan ng Kanyang batas. Kaya dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos. Kung kaya, kailangan lang nating manalingin sa Panginoong Jesus at ikumpisal at pagsisihan ang ating mga kasalanan at patatawarin Niya tayo. Matapos ‘yon, hindi na tayo mapapailalim sa paghatol at pagpaparusa ayon sa Kanyang batas. Hindi na tayo tatratuhin ng Diyos bilang mga makasalanan. Kaya makakapagdasal na tayo nang diretso sa Diyos, makakaiyak na tayo sa Diyos at makikibahagi sa masagana niyang biyaya at katotohanan. Ito ang tunay na kahulugan ng “kaligtasan” na madalas naming sinabi sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang kinalaman ang “kaligtasang” ito sa pagiging malinis at pagpasok sa kaharian ng langit. Masasabing dalawang magkaibang bagay ‘yon, dahil hindi sinabi ng Panginoong Jesus na lahat ng mga naligtas at pinatawad ay makakapasok sa kaharian ng langit. Basahin natin ang ilang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. … Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa paglabag ng tao. Gayunman, kapag ang tao ay nabubuhay sa laman at siya ay hindi pa nakakalaya sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, at walang-humpay na mailalantad ang tiwaling makademonyong disposisyon. Ito ang buhay na sinusunod ng tao, isang walang katapusang pag- ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanman na mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring masamang katangian …” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Napakalinaw na nasagot ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tanong na ‘yon. Matapos namin ‘yong marinig, naintindihan namin. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang kanyang gawain ng pagtubos para patawarin ang sangkatauhan sa kasalanan, na nagpatuwid sa kanila sa pamamagitan ng pananalig at nagligtas sa kanila sa pamamagitan ng pananalig. Gano’n pa man, hindi sinabi ng Panginoong Jesus na lahat ng pinatawad na sa kanyang mga kasalanan ay makakapasok sa kaharian ng langit. Dahil ‘yon sa maaaring pinatawad na tayo ng Panginoong Jesus sa lahat ng kasalanan, pero hindi niya tayo pinatawad sa ating mga satanikong katangian. Ang panloob nating kayabangan, kaswapangan, panlilinlang, kasamaan, atbp., ang ating, masasamang pag-uugali, ay nananatili pa rin. Mas malalim sa kasalanan ang mga bagay na ito. Mas mahirap itong lutasin. Kung ang mga satanikong katangian at masasamang pag-uugali, na labis kung lumaban sa Diyos, ay hindi pa nalulutas, hindi natin maiiwasang gumawa ng maraming kasalanan. Maaari tayong makagawa ng mga kasalanang mas malala pa sa paglabag sa batas, at ‘yon ang, mga napakasamang kasalanan. Bakit nagawa ng mga Pariseyo na tuligsain at labanan ang Panginoong Jesus? Pa’no nila Siya nagawang ipako sa krus? Pinatutunayan no’n na kapag ang satanikong katangian ng tao ay hindi pa nalulutas magkakasala pa rin ang tao, lalaban sa Diyos, at ipagkakanulo ang Diyos.

Sumampalataya tayo sa Panginoon sa loob ng ilang taon at naranasan natin sa sarili natin ang isang bagay, yon ay, kahit pinatawad na ang ating mga kasalanan, hindi pa rin natin natitiis ang palagiang pagkakasala. Nagsisinungaling pa rin tayo, nangdadaya, nangloloko at nakikipagtalo sa paghahangad ng magandang reputasyon at estado. Tumatakas pa nga tayo sa responsibilidad at nagbibigay ng problema sa iba para lang sa sarili natin. Kapag humaharap sa natural at gawa ng taong mga sakuna, o sa mga pagsubok at paghihirap, sinisisi at tinatraydor natin ang Diyos. Kung hindi naaayon sa sarili nating pagkaintindi ang gawain ng Diyos, itinatanggi, hinuhusgahan, at nilalabanan natin ang Diyos. Kahit sumasampalataya tayo sa pangalan ng Diyos, ginagalang at sinusunod pa rin natin ang ibang mga tao. Kung meron tayong mga posisyon, pinupuri at binibigyang patunay natin ang ating mga sarili, gaya ng mga punong ministro, eskriba, at mga Pariseyo. Umaarte tayong parang tayo ang Diyos para subukang kumbinsihin ang mga tao na igalang at hangaan tayo. Ninanakaw at kinukuha pa natin para sa aring mga sarili ang mga alay sa Diyos. Naiinggit tayo at sumusunod sa sarili nating kagustuhan at sa mga kapritso ng ating laman at damdamin. Tinatanim natin ang sarili nating mga watawat, bumubuo ng sarili nating mga grupo, at nagtatayo ng sarili nating mga kaharian. Malilinaw na katotohanan ang mga ito. Makikita nating kapag hindi pa nalulutas ang ating satanikong katangian at disposisyon, Hindi tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit kahit pa ilang milyong beses na pinatawad ang ating mga kasalanan. Ang katotohanang nagkakasala pa rin tayo at lumalaban sa Diyos ay nagpapakitang kasapi pa rin tayo ni Satanas, mga kalaban ng Diyos, at tiyak na hahatulan at parurusahan Niya. Gaya rin ‘yon ng nasasabi sa Bibliya: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26-27). Basahin pa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Gaya ng nakikita niyo, tinubos lang tayo ng Panginoong Jesus pero namumuhay pa rin sa ating satanikong disposisyon, palaging nagkakasala at lumalaban sa Diyos. Kailangang maranasan natin ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw para makalaya sa kasalanan at makagaya sa puso ng Diyos. Saka tayo magiging karapatdapat pumasok sa langit. Sa totoo lang, minsang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 13:2-3). Bumalik ang Panginoon para maghanda ng lugar para sa atin at pagkatapos Niyang maghanda, babalik Siya para tanggapin tayo. Sa totoo lang, ang “pagtanggap” na ito ay tumutukoy sa mga plano Niya na isilang tayong muli sa mga huling araw. Pagdating ng Panginoon para gawin ang Kanyang gawain, dadalhin niya tayo sa harap ng Kanyang luklukan para hatulan, linisin, at gawing perpekto ng mga salita ng Diyos. Gagawin Niya tayong mga mananagumpay bago dumating ang mga sakuna. Ang proseso ng Kanyang pagtanggap sa atin ay siya ring paraan kung pa’no niya tayo lilinisin at gagawing perpekto. Dumating ngayon ang Panginoon sa lupa para humatol sa mga huling araw. Na-rapture na tayo sa harap ng Kanyang luklukan para makapiling Siya. Hindi ba lubos nitong tinutupad ang propesiya ng pagdating ng Panginoon para tanggapin tayo? Sa pagtatapos ng malalaking sakuna, itatatag sa lupa ang kaharian ni Cristo. Lahat ng makakaligtas sa pagdalisay ng malalaking sakuna ay magkakaro’n ng lugar sa kaharian sa langit.

Kahit napatawad na ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, at mabibilang tayo na nailigtas, nananatili tayong marumi at tiwali at hindi pa nakakatakas sa kasalanan upang tumanggap ng kalinisan. Ang mapatawad ang ating mga kasalanan ay nangangahulugan lamang na hindi tayo hahatulan ng kautusan. Ito ang tumpak na kahulugan ng “naligtas sa pamamagitan ng biyaya.” Maaaring pinatawad na ng Diyos ang ating mga kasalanan at ipinagkaloob sa atin ang maraming biyaya, hinahayaan tayong tamasahin ang kapayapaan at kaligayahan ng pagkakapatawad ng ating mga kasalanan, at ibinibigay sa atin ang karapatang magdasal sa Diyos at makipag-usap sa Diyos, bakit matapos mapatawad ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, hindi pa rin natin mapigilan ang ating mga sarili at madalas pa ring nakakagawa ng mga pagkakasala, at hindi mapalaya ang ating mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan? Ito ay dahil ang pagtitiwali sa atin ni Satans ay napakalalim, sa hangganang lahat tayo’y may kalikasang mala-satanas at punung-puno ng mala-satanas na disposisyon. Kaya hindi natin mapigilang makagawa ng mga pagkakasala. Kung ang mala-satanas na kalikasang ito ay hindi maresolba, maaari pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos kahit na napatawad ang ating mga pagkakasala. Sa ganoong paraan, hindi natin kailanman makakamit ang pagkakaayon sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan Niyang bumalik. Ito ay upang maisagawa Niya ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw upang ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagdalisay, magagawa ng tao na maitaboy ang kanyang katiwalian at maging malinis. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay ang panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakuha ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita upang dalisayin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na nailantad” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ngunit hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maitataboy at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na nanirahan sa dating masamang makademonyong disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa napakasamang makademonyong disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maitaboy at hindi na muling mabuo, at sa gayon ay hayaang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at maisasapamuhay niya ito sa ilalim ng sikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, itaboy ang napakasamang makademonyong disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundin. … Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa sa nauna at mas mabunga, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapalitan ng bago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw: Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawaing pagtubos. Ang mga pagkakasala ng sangkatauhan ay napatawad dahil sa paniniwala sa Panginoon, ngunit hindi nalutas ang kanilang makasalanang kalikasan. Ang makasalanang kalikasan ng tao ay kalikasan ni Satanas. Nagkaugat na ito sa loob ng tao, na naging buhay ng tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin maiwasan ng tao ang magkasala at lumaban sa Diyos. Ang pagkakaroon ng tao ng mala-satanas na kalikasan ay ang ugat na dahilan ng kanyang paglaban sa Diyos. Ang mga pagkakasala ng tao ay maaaring mapatawad, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang kanyang mala-satanas na kalikasan? Ang mala-satanas na kalikasan ay direktang tumututol sa Diyos at sa katotohanan. Hindi ito kailanman patatawarin ng Diyos. Samakatuwid, kailangang ganap na iligtas ng Diyos ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, at kailangang hatulan at kastiguhin ang sangkatauhan. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawaing nakaasinta sa mala-satanas na kalikasan at disposisyon sa loob natin. Maaaring itanong ng ilang tao, malulutas lang ba ang ating mala-satanas na kalikasan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo? Hindi ba natin magagawa, sa pamamagitan ng pagbabayad ng pagdurusa, pagsupil sa ating katawan, at pagpigil sa ating mga sarili nang kusa, na lutasin ang ating mala-satanas na kalikasan? Siguradong hindi. If it were not for God expressing the truth and judging and revealing man’s nature and substance, no one would come to know what exactly is the nature of corrupt mankind. Tingnan nating muli ang maraming banal sa kabuuan ng kasaysayan na nagbayad ng pagdurusa at sinupil ang kanilang mga katawan, silang lahat nagnais na makatakas sa pagkaalipin at pagkontrol ng pagkakasala, at mangibabaw sa katawang tao. Ngunit sino sa kanila ang nagawang mapagtagumpayan si Satanas upang maging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos? Halos wala. Kahit pa mayroon, sila ay mga tao na natatanging ginawa ng Diyos na kumpleto. Ngunit ilang ganoong tao ang naroon? Dahil mismo sa walang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kaya hindi nalinis ang mala-satanas na disposisyon ng tao. Samakatuwid, ang disposisyon ng tao sa buhay ay hindi kinayang magbago. Ang katotohanang ito ay sapat upang patunayan na ang paggamit ng mga paraan ng tao ay hindi kayang lutasin ang mala-satanas na kalikasan ng sangkatauhan. Kailangang dumaan ang tao sa paghatol at pagkastigo, pagpupungus at pakikitungo, at mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, bago nila makamit ang katotohanan at buhay, tanggapin ang daan ng buhay na walang hanggan. Doon lamang ganap na malulutas ang mala-satanas na kalikasan ng tao. Ito ang dahilan kung bakit, batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain na paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, upang malinis ang sangkatauhan na tumanggap sa pagliligtas ng Diyos at makamit ng Diyos. Magmula dito makikita natin na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang ganap na makakalinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang katotohanan.

Sinundan:Tanong 12: Karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon ay naniniwala na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay patunay na lubos nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Subalit pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon sa katawang-tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para lubusang iligtas ang mga tao. Kaya paano ba talaga dapat maunawaan ng isang tao ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Hindi pa malinaw sa amin ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag naman ito sa amin.

Sumunod:Tanong 14: Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap tayo para sa Panginoon, sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, at pagpapastol sa mga iglesia ng Panginoon, gaya ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya.” Hindi ba pagsunod ito sa kalooban ng Diyos? Ang ibig sabihin ng ganitong pamumuhay ay karapat-dapat tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at pagdalisay ng Diyos sa mga huling araw bago tayo madala sa kaharian ng langit?

Baka Gusto Mo Rin